Chereads / I Revenged On A Playboy (Tagalog) / Chapter 38 - Chapter 38: Bitter or better

Chapter 38 - Chapter 38: Bitter or better

"Zoid, kayo na ba yan?" Sabi ulit ni mommy ZJ.

Ayoko man umalis sa posisyon namin, tumayo pa rin ako na todo yuko. Hindi kasi ako kasya kapag tumayo ako sa kotse ko. Tecnically, mauumpog ako. Ang awkward naman kasi kung makita kami ni mommy ZJ na ganun ang position naming dalawa.

Sobra akong nahihirapan. To think na bitbit-bitbit ko pa si Louise ko. Isa pa, dun lang ako dumaan sa space between the driver and passenger's seat.

Matapos ko syang ihiga sa passenger's seat, bumalik na ulit ako sa driver's seat at humarap sa rearview mirror. Inayos ko yung sarili ko.

"Good evening po, mommy Zj." Bati ko sakanya casually, pagkalabas ko sa kotse ko.

Naka-night gown pa sya, pero naka-robe din naman sya at hindi masyadong mahaba ang pagkaka-V line.

"Sabi na aba, ikaw yan. Bakit nga pala ang tagal bago mo lumabas?"

"Ah... eh... K-kasi po..."

"Hmm.. Never mind na nga lang. Mukhang alam ko na. Ahohohohoho^^"

Alam nyo yung tawa ni Ms. Kris Aquino? Ganun sya tumawa =___=

"Nasaan na nga pala yung dalaga ko?" Tanong nya.

"Nasa loob pa po."

"Ganun ba? Teka lang, ha? Gigisingin ko lang yung daddy nya. Lasing ba yung anak ko?"

"Medyo lang po. Atsaka, daddy?"

"Oo. Dumating na yung daddy nya galing Korea. Nung isang araw lang."

Tumango-tango nalang ako. I wonder kung anong itsura ng daddy nya.

"Teka lang, Zoid ah? Gigisingin ko lang yung daddy nya para sya na yung magbuhat kay Zai." Tumalikod na sya at akmang papasok na sa loob ng gate nila, pero pinigilan ko sya.

"Huwag na po, mommy ZJ. Ako na po ang magbubuhat kay Zai papunta sa kwarto nya."

"Sure ka ba, Zoid? Na-kwento sa'kin ni Zai na may sakit ka daw."

"Don't worry po, mommy ZJ. Kaya ko pa naman po."

Wala na syang ibang nagawa kundi ang pumayag.

I lifted her like my bride all the way to her room.

Nung matapos ko syang kumutan, hinalikan ko sya sa noo, then lumabas na ko sa kwarto nya.

Kasabay ko pang bumaba ng hagdan yung mommy nya. Ihahatid nya siguro ako hanggang gate.

Sakto, palabas na kami ng pinto nang bigla kaming nakarinig ng boses ng isang lalaki.

"Ikaw ba si Zoid?" Halos sabay kaming napalingon ni mommy ZJ, at nakita namin ang lalaki na nakatayo at nakapatong pa yung kanang braso sa staircase nila. Naka-white na t-shirt at PJs sya.

"Opo. Ako nga po." Sagot ko na may katamtamang lakas for him to hear it.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Seryoso nyang tanong.

Napatingin ako kay mommy ZJ. Ngumiti sya at dahan-dahang tumango.

***

Ang sarap ng simoy ng hangin...

ang lamig...

Nandito kami ng daddy ni Zai sa terrace nila. Pansin ko lang, mas kamukha nya ang daddy nya kaysa sa mommy nya.

Louis daw yung name nya.

Kanina pa kami nandito. Nakatingin pareho sa kawalan.

Paputol-putol kasi ang usapan naming dalawa. Halatang nagkakailangan pa kami. Maybe, it's because we met each other just now.

Puro kamustahan lang ang topic namin. Magtatanong sya, sasagutin ko naman.

"About dun sainyo ng anak ko..." He suddenly said out of nowhere.

Napatigil naman ako sa pag-iinspect sa pepsi-in-can na hawak ko at tumingin sakanya. Seryoso lang syang nakatingin sa malayo.

"Alam kong kahit gaano kalaki ang nagawa mong kasalanan sa bestfriend nyang si Yat, she don't have the rights on what she did to you... Pero hindi ko rin naman masisisi ang anak ko. Simula ng umalis si Aldrich, si Yat na ang naging bestfriend nya. Kapatid nga ang turingan ng dalawang yun eh."

Gusto ko sanang malaman kung sino yung Aldrich, pero parang ayaw gumalaw ng bibig ko. Parang mas prefer kong makinig sa story telling ng daddy ni Zai.

"They treat themselves as a Twins. Lagi silang magkapareho sa mga bagay-bagay nung mga bata pa sila. Like headbands, hairpins, ponytails, etc."

"Kaya naiintindihan ko ang anak ko kung bakit ganun nalang ang naging reaction nya nung nag-suicide si Yat."

Everytime na maririnig ko yung last na sinabi nung daddy ni Zai, nakokonsensya ako.

Parang pakiramdam ko nakagawa ako ng isang napakalaking kremen na hindi ko napanagutan.

"Natatakot kasi sya na mawalan ulit ng kaibigan. Tulad ng ginawa sakanya ni Aldrich."

Aldrich! Sino ba yang Aldrich na yun, HA?! Ano ang relasyon nya sa Louise ko?

"But now, I'm so happy na nadagdagan ang bestfriend slash sister nya..... Si Zoe. Mommy nya ang nagki-kwento sa'kin."

Zoe? Sino yun? May iba pa bang kaibigan si Zai na hindi ko kilala?

"May guy friends na rin daw sya. Si Vj at si Dwayne. I actually wanna meet them."

Katahimikan...

"Alam mo bang ayoko sa'yo para sa anak ko?" Hindi manlang nagpaligoy-ligoy. Sinabi talaga ng straight to the point = o =

"Playboy ka kasi, diba? At ayokong masaktan yung anak ko."

Oo nga, playboy ako. Pero hindi ko naman kayang saktan yung anak nyo, eh! Kung mahal nyo sya, MAS MAHAL KO SYA!

I wanna say that to him, but I can't and I don't know why.

"Pero kasi, mahal ka ng anak ko eh. You don't have any idea how desperate she is para lang magkaayos kayo. You are her first boyfriend."

First boyfriend? I'm not her first boyfriend!

'I just remember my ex.' Sinabi nya yan sa'kin the day nung nagpalipat sya ng section.

Kaya daw sya naiyak nung hinalikan ko sya, kasi naaalala daw nya yung ex nya.

LECHENG EX NYA!

Teka nga, wala naman syang naiki-kwento sa'kin about her ex(ex's)

Tch. Common sense!

Syempre, sino ba naman ang magki-kwento sa present nila about their past, diba? Tsk..

Naiinis ako... pinaalala pa kasi yung ex na yun eh!

"Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka ba?"

"H-huh? AH... eh..." Napakamot ako sa batok ko. Ano namang sasabihin ko?

"Hahahahaha. Nan geunyang nongdam-iya!"

(I'm just kidding!)

Nakitawa na lang rin ako sakanya.

"Kahit ayoko sa'yo, gusto pa rin kita."

"Po?"

Ang weird nya -.-

"Nan dangsin-i nae gongjuleul byeongyeong algo issgi ttaemun-e naega dangsin-eul joh-a."

(I like you because I know you changed my princess)

"Maraming nagsasabi na mas kamukha ko ang anak ko. Pero, nakuha naman nya ang 79% ng attitude ng mommy nya. Didn't you know na pareho silang walang pakialam sa mga bagay-bagay? Ang mga binibigyan lang nilang pansin ay yung mga importante sakanya. Basketball captain ako nung college ako. Everybody knows about me except Zail. Sya ang nag-iisang tao na hindi ako kilala despite na kilalang-kilala ako ng mga friends nya. Ganun din si Zai. Everytime na ka-chat ko sya sa skype, lagi ko syang tinatanong about school. Kung sino ang campus heartthrob, prince and princess, etc. Ang lagi nya lang sinasagot sa'kin ay MA at PA."

"Ma at Pa?"

"AHAHAHA. Na-culture shock ka ba? Ma at Pa. MAlay at PAkialam."

Ah... Ma at Pa pala ang blending ng malay at pakialam.

Now I know ^____^

"But one day, kahit na nagsasawa na ako sa kasasagot nya ng ma at pa, tinanong ko pa rin sya. I asked her kung sino ang campus heartthrob. Ang sagot nya lang naman sa'kin ay..

Zoid Louie Lee."

"Tama po. Ako nga po yun." Pagmamalaki ko. Wahahahaha~

"Tinanong ko rin sya kung sino ang pinaka-gwapo at ma-appeal sa campus nyo.."

"Da-eum, geunyeoui daedab-eun mueos ieossseubnikka?" Tanong ko na may halong excitement.

(Then, what was her answer?)

"Sobra pa syang kinikilig nung sinagot nya yung tanong ko." Halatang masaya sya sa kini-kwento nya.

Ang tagal naman sabihin kung sino (>___<)

"As usual, Zoid Louie Lee."

^_______________________^

Lapad ng ngiti ko, oh!

Ahahahahaha.. Dapat lang!

Ako naman talaga ang pinaka-gwapo at pinaka-ma-appeal sa DH Academy eh!

Totoo yun!!!

"Hindi kita kinausap para konsensyahin na makipag-ayos sa anak ko. Ang gusto ko lang, bago ako bumalik sa Korea, makita ko syang masaya. But still, it's still up to you kung ano ang desisyon mo."

"As I can see, mahal mo rin ang anak ko." Tinap nya ko sa balikat, "Usapang lalaki, maganda ang anak ko. Kaya... ikaw... bahala ka kung maagaw sya ng iba."

I smiled at him with full of confidence, "Gyeolko il-eonaji anh-eul geos-ida, Sir" (That will never happen, Sir)

"Naneun algoissda." (I know.)

After a very long man-talk with him, I decided to went back at the bar.

Andun pa naman siguro sila.

Sakto pagkarating ko sa tapat ng bar, nakita ko agad si Yat na may kausap sa phone.

Nung natapos na sya, nilapitan ko sya.

"Yat.."

"AY EPAL!" Natawa ako sa reaction nya. Nakahawak pa talaga sya sa chest nya. "Naman, ZOID! Makapang-gulat wagas, ah?"

"Haha. Di naman kita ginulat eh. By the way, nag-umpisa na ba yung foam party?"

"Yup. Kanina pa. Si Zai nga pala?"

"Okay na naman sya. Tulog na sya nung hinatid ko sya sa bahay nila."

"Okay."

Sumandal din ako sa kotse kung saan sya nakasandal.

"Yat, I'm so sorry."

I know na walang magagawa yung sorry ko sa nagawa ko sakanya, pero magso-sorry pa rin ako.

Tumingin sya sa'kin na parang nagtataka kung bakit ako nag-sorry, pero agad din naman nawala yun. Siguro na-gets na nya kung bakit ko sinabi sakanya yun.

"Para saan? Sa pangloloko mo sa'kin o dahil sa nag-commit akong mag-suicide?" Tanong nya pero walang halong bitterness.

"Both." I answered.

"Kung dahil sa panloloko mo sa'kin, don't worry okay na ako. Atleast, I have learn so much lessons on what you did. At dun naman sa suicide thingy.... it's not your fault. It's mine. Naging mahina ako. And because of that, I've learn na huwag masyadong magpapa-apekto sa emosyon. Matagal na kitang napatawad, baby. Ahahahahaha."

Natawa rin ako. Baby kasi ang endearment namin dati eh. Nakaka-guilty man sabihin, pero hindi ako nagseryoso sakanya. Actually, lahat ng mga naging girlfriends ko. Kahit dun sa first girlfriend ko, hindi ko rin sineryoso.

I have my own reasons kasi. And you will find it out soon...

"Ganyan ba talaga kayong mga babae? Ang daling magpatawad?"

"Hmm... siguro.. Mas mataas kasi yung pride nyong mga lalaki kaysa sa'ming mga babae eh.."

Hindi nalang ako sumagot. May point naman talaga sya dun eh.

"Atsaka, sabi nga sa Values subject natin... remove BITTERNESS and replace BETTER. Bitter ka kasi kaya hanggang ngayon... galit ka pa rin kay Zai."

"Hindi ako bitter at mas lalong hindi ako galit sakanya."

"Weh? Eh, bakit----"

"Basta! Wag ka nalang magtanong."

"Tsk. Ang sunget! Makapasok na nga sa loob." Nagsimula na syang maglakad, pero agad ko syang hinila sa braso, dahilan para mapaaray sya.

"Shete ka, Zoid ah!"

"Sandali lang kasi. May itatanong ako sa'yo."

"Ano ba kasi yun? Dalian mo. Inaantay na 'ko ni Jared dun."

"A-ako ba yung first boyfriend ni Zai?"

She smirked. "Bakit? Hindi ba nya sinabi sa'yo?"

"Itatanong ko ba sa'yo kung oo?"

"Ewan sa'yo! Magsama kayo ng pinsan mo!" Aalis na ulit sya, pero hinila ko ulit sya sa braso.

"Sagutin mo na kasi yung tanong ko!"

"OO NA! Ikaw yung first boyfriend ni Zai. Happy now?"

(^___^) (_    _) (^___^)

Tumango-tango ako habang nakangiti ng malapad.

"Anong ngiti yan?" Tanong nya.

"Edi, ako din pala first kiss nya?" ^___^

"Oo. Tangnang ngiti yan. Tigilan mo nga yan, Zoid! Di bagay sa'yo pramis!!"

Tinitigan ko sya saglit. Ganun din sya.

"H-hoy! Tumigil ka na nga sa katititig sa'kin! Mamaya ma-inlove ka sa'kin eh!" -Sya

"Spell ASA?"

"A-S-A... e.. leshe! Inuuto mo ko eh! Papasok na ko sa loob, ah?"

"Sandali lang."

"Ano naman kasi yun? Ang tagal. Tsk."

"No more issues?"

"Ah. No more issues and no more awkwardness."

"Bakit, nao-akwardan ka ba sa'kin?"

"Dati. Pero ngayon hindi na. Sige, papasok na ko. Friends?" Ginesture nya yung little finger nya para sa pinky promise.

"Promise? Haha. Promise ba 'to? Anyway, Friends!"

Tumawa kami parehas kasi para kaming mga bata sa pinaggagagawa namin.

"Papasok na talaga ako sa loob ng bar. Ikaw?"

"Hindi na. Uuwi nalang ako."

Wala na naman si Zai sa loob eh.

"Eh? Pa'no yung babe mo sa loob? Hahahhaha."

"Bahala na kayo sa babaeng yun. Sige na, pumasok ka na sa loob. Baka inaantay ka na ni pinsan."

"Okay. Ingat ka sa pagda-drive!" She waved at me, then I waved back.

Inaantay ko muna syang makapasok sa loob ng bar bago ako pumasok sa kotse ko.

Ganito pala yung feeling na may naayos kang isang problema.

Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

Isa nalang talaga ang kulang sa buhay ko..

Si Louise ko <3