The alarm clock rang, nasa tabi ng higaan ko na nakapatong sa puting kulay na mesa sa loob ng kwarto ko. Nagising ako na wala akong matandaan kung paano ako napunta sa kwartong ito lalo na sa katawang ito. Agad akong bumangon at pumunta sa comfort room para tingnan ang mukha at katawang ito.
"Oh, my . . . my god! Sino ako?" napasigaw ako sa gulat at napatanong sa sarili nang makita ko ang itsura ko sa malaking bilog na salamin na halatang mamahalin. I am in a body of a beautiful, flawless, and tall young lady with a long black straight hair, two round black eyes, maroon lips, and a long-pointed nose. Nasa isang katawan ako ng babae na hindi ko naman kilala at mas lalong hindi ko naman kaano-ano.
So, bumalik ako sa bed ko, I mean sa bed niya para tingnan kung may makukuha ba akong sagot sa mga katanongan ko. Paglabas ko ng c.r., may nakita akong mga picture frame na puro itsura ko, I mean itsura nitong babae na may-ari ng katawang ito, at kasama ang mommy at daddy niya ata. Parang sobrang yaman ng pamilya nila marahil sa kwarto pa lang niya ay sobrang laki at halatang-halata na mamahalin ang mga materyales na ginamit dito.
Pagkatapos kong tingnan ang mga larawan sa mesa, umupo ako sa kama para makapag-relax at para mag-sync in lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko pero hindi sa katawan ko.
The only thing that I remembered was the day I was lying on the ground unconsciously. Humiga ako sa kama para mag-isip-isip kung paano gagamitin ang katawang ito. I don't believe in magic at mas lalong hindi rin ako naniniwala sa ghost, pero dahil sa nangyari sa akin . . . I can't stop believing magics right now.
Ngayon, kailangan ko pang alamin kung kaninong katawan ito, na inagaw ko, inagaw ko ba? Dibale na. Gumiling-giling muna ako sa kama para mahimasmasan, nang biglang may kumatok dalawang beses sa pintuan.
"Sino 'yan?" tanong ko habang kinikimkim ang sakit ng likod sa pagkakahulog galing sa kama. "Aray ko!" habang hinahaplos ang likuran ko.
"Si manang Elsa mo 'to, Fatima. Aalis na kayo, handa na ang daddy, mommy at kapatid mo!" sigaw ni manang mula sa labas ng kwarto na halatang nagmamadali.
"Sasama ka pa ba?" dugtong pa niya.
Ano? May lakad kami? Makakaharap ko na sila without knowing kung sino-sino at kung ano-anong mga pangalan nila. Tatayo na sana ako ng . . . I feel something on my left hand under the bed. Kaya kinuha ko ito para makita. Parang isang capsule na gamot, kaya nang nakuha ko na ito. Confirm nga, isa itong gamot na hindi ko alam kung para saan.
Pero hindi ko na tiningnan ang ilalim ng kama para alamin kung may bote ba nito dahil parang nagmamadali nga sila. I directly go to her wardrobe para tingnan kung ano ang puwede kong suotin aside sa nakapang night gown ang suot niya ngayon.
"Wow!" ang daming bagong damit na halos nakabalot pa ng plastic and lahat ay mga bagong trend noong nabubuhay pa ako, I mean from my past life. Kinuha ko at sinuot agad ang kulay pink na crop top at short na kulay red na hindi umabot sa tuhod ang cut.
Nagmukha akong clown sa suot ko, pero I don't mind at all kasi baka patayin ako ulit dahil sa tagal kong magbihis. Lumabas na ako ng kwarto without brushing my hair kaya para akong multo na nakalutang sa hagdanan pababa patungo sa pintuan palabas ng bahay. Sobrang laki ng espasyo ng bahay nila at ang linis-linis pa.
"Andiyan na pala 'yong prinsesa mo, Emilio!" paglalambing ng sobrang gandang babae na niyayakap ang isang lalaking medyo halatang may edad na pero gwapo pa rin.
"Bakit ang tagal mo, Fatima! Nakalimutan mo ba na may summer vacation tayo ngayon?" parang galit na si Emilio sa tuno ng boses niya. Ngumiti na lang ako nang nahihiya. "Sige na, get in the car at para makaalis na tayo. Baka maubusan na tayo ng cottage sa resort." habang papasok na si Emilio sa driver sit.
Pagpasok ko sa kotse, may lalaking nakaupo at parang walang paki sa mundo o kung sino man 'yung nasa paligid niya habang naka earphone at nakatakip yung mukha niya ng sombrero na kulay itim. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa tabi niya, habang si Manang Elsa naman ay katabi ko sa left side.
Habang nasa byahe na kami, naiisip ko si daddy at mommy ko, noong si Hara pa ako. Ano na kaya nangyari sa kanila after nawala ako. Tanong ko sa sarili habang may kinakapa-kapa sa bulsa ko kung may cellphone ba akong dala. Iyon nga, wala akong dala kasi sa sobrang pagmamadali ko at hindi ko rin alam kung may cellphone ba 'tong si Fatima. Tinanong ko si manang kung saan ba kami pupunta.
"Sa Pasig Islet, Santa Cruz, Bato," sagot ni manang.
So, from Camella Home to Santas Cruz madadaanan namin ang Gmall kaya I decided to tell Emilio to stop sa mall para bumili ng cellphone. Nalaman kong nakatira sila Fatima malapit sa Camella Home dahil sa malaking board ng Camella Homes sa labas ng gate palabas ng subdivision.
"Dad!" paglalambing ko. Bahala na't magmukha akong tanga sa gagawin ko. "Pwede ba tayong . . . huminto saglit sa Gmall?" pagkatapos lumingun si Emilio. "Bakit? May bibilhin ka?" pagtatakang tanong nito. "I forgot my phone and without it, I can't update my Instagram, Twitter and Facebook status. Also, for taking pictures." pabebe kong sabi. While 'yong babaeng nasa front sit beside ni daddy nakangiti lang at parang in favor siya sa gusto ko. "Emilio, payagan mo na anak mo. You know this generations right now." sabi ng babae kay Emilio.
Good thing at napasunod niya si daddy sa gusto ko. So, we stopped by the mall para bumili ng bagong iPhone. Pagkarating ko sa loob ng mall, dumiretso na agad ako sa iPhone store para doon na akong mamili. I bought iPhone 5s. Binayaran ko agad para makaalis na ako. "Heto na po 'yong change n'yo, Miss. Thank you!" pagkatapos kung kunin ang sukli ay lumabas agad ako ng store.
"Aray!" ang sakit ng ulo at saka 'yong dibdib ko. May nabangga akong matigas na katawan at pagdilat ng mga mata ko. Isang lalaking nakatayo sa harapan ko habang nakatingin sa akin ng sobrang sama. Siya pa yata itong may lakas ng loob para magalit pagkatapos niya akong mabunggo.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" galit nitong sabi. "Wow, hah! So, ikaw pa may ganang magalit ngayon? Hindi mo nga ako tinulungan sa pagkakabagsak ko!" galit na galit na bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko na pansin sa sobrang dami na ng taong nakapaligid sa amin dahil sa lakas ng boses ko 'tapos hindi pa rin siya nahihiya sa ginagawa ko.
Ang kapal din ng mukha ng lalaking 'to. "Anong nangyayari rito?" tanong ng isang lalaking dumating 'tapos hinawakan ang balikat ko at nilagay papunta sa likuran niya, iyong lalaking katabi ko kanina sa loob ng kotse. Sobrang bangis niya kung umasta, medyo na flattered na ako sa ginawa niya pero pinigilan ko siyang kalabanin pa 'yong hambog, ungentle man na lalaking 'yon.
"Tara na, 'wag mo na 'yang pansinin." hinila ko kamay niya palayo sa lalaking aasta na sanang lalapitan kami.
"Bakit ang tagal ninyo, Anthony?" tanong ni Emilio sa lalaking kasama ko pagpasok namin sa kotse. Hindi ko na pinayagan na sumagot pa siya, kaya ako na lang ang sumagot. "May nabangga kasi akong matanda, dad. Tinulungan lang namin na makatayo." pagsisinungaling ko.
Umalis na kami, bumalik naman si Anthony, kung tawagin ni Emilio itong lalaking katabi ko, sa pagtakip ng hat sa mukha niya. Siya siguro 'yong kapatid ko na tinutukoy ni manang kanina. Hindi ko na lang siya ulit pinansin at chinecked itong cellphone na binili ko.
Then, kunting set ng mga dapat ayusin hanggang natapos na. I tried to type the number na gamit ni daddy Joel Berjame, 'yong daddy ko noong ako pa si Hara. Nag-ring ito, kaya pinatay ko agad baka kasi magtaka sila kung sino tinatawagan ko. So, I decided na sa pagkarating namin sa resort tatawagan ko na lang siya ulit.
"Fatima, gising na. Andito na tayo!" ginising ako ni manang Elsa. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe, eh, sobrang lapit lang naman ng Santa Cruz. Napansin kong ako na lang pala ang naiwan sa loob ng kotse. Kung hindi ako ginising ni manang, siguro hanggang uwian nandito pa ako sa loob.
Kaya bumaba na ako at paglabas ko, hindi pa gaano kaganda ang nakikita kong tanawin dahil nasa harap pa kami ng kabilang isla.
"Fatima, get your brother. Sasakay na tayo ng bangka." Emilio called me sabay utos.
Nilakbay ko nang tingin ang paligid at nakita ko siya sa isang tindahan. Pagkalapit ko sa kaniya, kitang-kita ko sa mga mata at kilos niya. Hindi niya gustong sumama sa family outing nila. I told him that Emilio was calling us at we're going to ride a bangka. Sumama naman siya nang padabog, halatang ayaw niya dahil sa bigat nang mga hakbang niya.