Chereads / Hara is Alive / Chapter 3 - Kabanata III

Chapter 3 - Kabanata III

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa gano'ng posisyon. Hindi ako nakahiga ng komportable na dulot nang pagkagising ko. Nagising ako marahil na rin sa lamig. Hindi ko pala nasasabi na may aircon ang kwartong ito. I check my pocket to see my phone kung anong oras na. It's two a.m. na pala ng madaling araw. Pumunta ako ng c.r. dahil nakaramdam ako nang pagkaihi.

Pagkatapos kong umihi, nagdesisyon muna ako na lumabas ng kwarto para makalanghap ng sariwang hangin. Bumaba ako galing sa kwarto ko patungong swimming pool dahil may mga upuan doon na pwedeng makahiga ng straight. I am wearing a white bathrobe para di ako ginawin sa labas.Hindi na madilim sa pool dahil may ilaw na. Wala ng tao sa pool except sa akin. Mag-isa ako sa pool kaya walang kang ingay na maririnig pwera na lang sa ingay ng alon at mga insekto sa paligid.

Iniisip ko kung anong gagawin, ano ang magiging una kong hakbang para malaman kung paano ako namatay at paano ako nakabalik sa mundong ibabaw, sa ibang katawan pa ako napunta. Reincarnation won't take only two years para makabalik sa mundo. I believe na hindi ito nagkataon lang, siguro isa itong himala o hindi talaga ako nag-reincarnate at baka napunta lang ang kaluluha ko sa ibang katawan. Habang iniisip ko kung paano ko gagawin ang mga plano ko. Napansin kong may ingay ng paa na papalapit sa akin. Tiningnan ko para malaman kung ano o sino ito.

Isang lalaki na nakasuot ng gray na t-shirt na walang printa at naka-pajama, may dala-dalang white na earphone naka lagay sa dalawang tainga niya na nakakonekta sa cellphone niya na nakalagay sa left pocket niya. Si Anthony lang pala akala ko kung sino. Ang nag-iisang abnormal na weirdo sa mata ko.

"Ano ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko at inalis ang tingin sa kaniya.

"Bakit? Pwera ba't nandito ka at nandito ako . . . sinusundan na agad?" sagot niya.

Hindi ko na siya pinansin at baka ako'y mabaliw na rin katulad niya. Hindi ako umimik sa kanya hanggang sa nagsalita siya bigla.

"May napapansin ako sayo lately!" sa pagkakasabi niya, may halong seryosong mood sa mga mata at boses niya. Nag-iba ang andar ng puso ko, bumilis ito at uminit bigla ang katawan ko. I feel very nervous nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko siya sinagot dahil wala akong alam na isasagot sa kaniya at baka mahalata niya akong may tinatago talaga sa kanila.

"Bakit 'di ka makasagot?" dugtong pa niya. Nangungulit talaga siya na halos hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Kung kaya ko lang mag-teleport paalis sa kinalalagyan ko, kanina ko pa ginawa.

"Puwede bang wag mo kong kausapin. May iniisip ako, wala akong oras para patulan 'yang pang-aasar mo!" sagot ko sa kaniya.

"Wow! Suplada ka ngayon, hah! Now, it all makes sense. Para ka kasing lutang lately, eh. Pagkatapos kaninang umaga, pinansin mo pa si dad at 'yong stepmother natin." sabi niya na may halong pagtataka. So, stepmother pala namin yung babaeng 'yon. At dahil sa sinabi niya may nalaman na rin ako kahit kunti about sa pamilyang ito.

"Bakit, ano bang kinikilos ko noong nagdaang mga araw?"

"You're acting anti-social, hindi ka nakikipag-usap sa amin at palagi ka lang nasa kwarto mo nakakulong. Nagtaka lang kami since may nangyari sa school ninyo." sagot niya. Halatang he did care about me as his sister. Fatima was being anti-social simula noong may nangyari sa school daw.

Kaya nagtanong pa ako ng marami para may malaman pa ako.

"Ano bang ibig mong sabihin, Anthony? Ano bang nangyari sa school namin?"

"Simula nang natalo ka sa pageant n'yo sa school. You can't accept na natalo ka ni Soue. Isa sa mga kalaban mo raw sa school."

Akala ko magdudugtong ito sa dahilan ng pagkamatay ko. Pero parang may mali, eh, nilinaw naman niya na naging anti-social si Fatima dahil sa pagkakatalo niya sa pageant. Hindi ko rin naman mapipilit na may konekta ito sa pagkamatay ko. Siguro nagiging praning lang ako na malaman agad ang dahilan nang pagkamatay ko.

"Balik na tayo. Mag-uumaga na at baka hanapin tayo ni daddy." pag-aaya niya sabay tayo at binigay ang kamay niya para alalayan akong tumayo.

Tinanggap ko naman ito at umalis na kami ng sabay. Mabait din naman pala itong si Anthony, medyo naging suplado lang pala dahil sa pagtataray ni Fatima ng mga ilang araw kaya mas inaasar-asar niya ito.

Pagbalik namin sa taas, pumunta si Anthony sa kwarto niya at pumusak naman ako sa kwarto ko. Tiningnan ko kung anong oras na. Malapit na pa lang mag five a.m. at nasilip ko ang ganda ng sunrise sa bintana sa dulo ng dagat. Dulot ng puro salamin na bintana sa kwartong ito.

May biglang kumatok sa pintoan. "Fatima, gising na at kakain na raw tayo sa baba. Naghihintay na daddy mo at si Romina sa baba. Isabay mo na rin ang kuya mo!" sigaw ni manang Elsa.

"Sige po manang!"

Pumunta muna ako ng c.r. para maghilamos at nagpunas. Pagkatapos, dumiretso na ako sa kwarto ni Anthony para sabay na kaming bumaba. Sakto naman pagdating ko ay nasa pintoan na siya, nagsasara.

"Sabay na tayo sabi ni Manang." sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at sabay kaming bumaba patungo sa hapag kainan.

"Good morning, dad!" bati ko kay daddy sabay halik sa pisngi niya. Nasanay kasi ako kay daddy noong nabubuhay pa ako. Every morning ko kasi kini-kiss si daddy at mommy pero ewan ko kung ginagawa ba ito ni Fatima sa daddy at mommy niya. Except nga pala sa mommy nila dahil hindi na pala nila kasama ang mommy nila, 'yong stepmother na pala kasama nila.

Umupo na ako at umupo naman si Anthony sa tabi ko. Napansin ko rin agad na may lalaking nakaupo sa harap namin ni Anthony na naka-smile lang nang nabaling ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko siya maalala kung sino siya pero familiar siya sa akin, eh. Ngumiti na lang din ako para naman 'di siya magmukhang ewan.

After magpray ni manang Elsa, kumain na kami. Oo, katulong nila si manang Elsa. Pero they treat her as a member of their family na rin kaya kasama namin siya sa hapag kainan.

"Ito nga pala ang anak kong si Jorge. Isa sa mga pinakamamahal at pinakagwapo kong anak." pagmamalaki ni ninong sabay abot ng kamay niya sa balikat ni Jorge. Anak pala siya ni ninong, no wonder kung bakit nakaupo siya kasama namin dito. So, kumain na kami after niyang pinakilala sa amin si Jorge ang nag-iisa niyang anak.

After namin kumain, umuna na akong bumalik sa kwarto para magbihis ng damit dahil maliligo muna ako sa pool. Pero nakalimutan ko palang magdala ng swimsuit kaya 'di na ako nagbihis kasi wala naman akong susuotin pangligo. Umupo muna ako sa sahig malapit sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang view ng pool mula rito.

Biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Anthony. "Fatima, uuwi na raw tayo sabi ni daddy." sa pagkakasabi niya ay halatang gusto rin niyang umuwi na.

"Bakit daw? Eh, hindi pa nga tayo nakapag-enjoy sa pool o sa dagat man lang!" padabog kong sagot sa kaniya.

"Hindi ko rin alam, eh. Pero narinig ko si daddy na may kausap sa phone niya na may problema raw sa kompanya."

"Manang, ikaw muna bahala sa mga bata. I'll go check on the office kung anong problema." tugon ni Emilio kay manang pagkadating namin sa bahay. Ano kayang nangyari sa office at pinagpalit niya 'yong outing namin sa trabaho niya.

"Tita, sasama ka ba kay dad?" tanong ni Anthony sa stepmom niya.

"No, Anthony. Uuwi ako sa bahay. Dadalawin ko muna parents ko." sagot niya sabay hablot ng bag sa loob ng kotse.

Nang umalis na si dad gamit 'yong sasakyan na ginamit namin. While 'yong stepmother namin pumunta sa likuran ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya roon.

"Sa'n siya pupunta, Anthony? Anong gagawin niya sa likod ng bahay?" pagtataka kong tanong.

"Nandoon kasi naka-park ang kotse na ibinigay ni daddy noong nililigawan pa lang siya ni dad." sagot niya na parang naiinip sa tono nang kanyang pananalita.

"Alam mo? Para kang taga ibang planeta. Sarili mong bahay 'di mo alam pasikot-sikot at ganap dito!" dugtong pa niya habang papasok ng bahay.

"Bye, Fatima!" she waves her left arm para mag-bye sa akin. Dumaan siya sa may harapan ko palabas ng gate. Nag-smile lang ako at pumasok na rin sa loob para makapagpahinga, at para mag-search ng mga bagay-bagay tungkol sa pamilya at katawang ito.

Dumiretso na agad ako sa kwarto ng nakaramdam ako nang uhaw, kaya balak ko sanang pumunta muna sa kusina pero 'di ko alam kung saan. Sa laki ng bahay nila hindi mo talaga malalaman kung saan ang banyo, kusina at sala nila.

Kaya napagdesisyonan kong ikotin ang buong bahay para naman maging kabisado ko muna pasikot-sikot dito. Galing sa entrance door ng bahay pumunta ako sa may right, pagpasok ko roo, isang daanan lang na sobrang haba. May mga nakadikit sa pader ng iba't-ibang mga achievements ni Fatima sa school at ni Anthony. Ang talino pala nitong si Fatima, honor student at may mga leadership award. Ang daming certificates, medals, trophies, and sash ng nga pageant na sinalihan in related sa school activities.

Si Anthony naman ay may mga iba't-ibang academic awards and trophies na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Nakalimutan ko tuloy na nauuhaw pala ako. Asan ba kasi kusina nila? Kinakausap ko sarili ko sa isip. Hindi ko talaga makita kung saan ang kusina kaya sumigaw na lang ako.

"Manang! Manang Elsa?" hinintay kong dumating si manang. Hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko at baka hindi ko matandaan kung saan ang daan pabalik sa kwarto ko.

"Bakit, Fatima?" tanong ni Manang pagkadating niya.

"May tubig po ba sa ref.?" tinanong ko na lang si manang para makainom na ako kasi kulang na lang sipsipin ko ang mga pawis ko sa sobrang dami na nito.

"Meron naman. Halika ka nga rito at pagtetempla kita ng gatas. Medyo hindi ka na energetic at parang tumatamlay ka na, hah." pag-aaya ni Manang papunta sa kusina. Hays! Salamat at makikita ko na rin ang kusina.

Nakakapagtaka at nandito kami ngayon sa harap ng isang wall na nakapinta ng puti at may bookshelf. May kinuha si manang na isang libro sa ibaba sa unang palapag na puno ng libro. Pagkakuha ni Manang, biglang gumalaw ang bookshelf at nagbukas ito. Wow, ang angas naman!

"Oh, bakit parang nagulat ka 'ata?" nagtataka si Manang, halatang nakaukit sa aking mukha ang pagkamangha sa nakita ko.

"Ah, . . . hindi naman po. Joke lang!" palusot ko.

Pumasok na kami sa kusina at umupo ako sa chair malapit sa center table. Habang kumukuha si Manang nang baso para lagyan ng tubig galing sa ref. Kinausap ko si Manang tungkol sa paano siya naging katulong sa pamilyang ito.

"Manang, paano ka nga ulit napunta sa amin?"

"Diba alam mo na 'yon! Ikaw pa nga nagpilit sa daddy mo na kunin akong bilang katulong niyo."

"I mean, gusto ko lang marinig ulit Manang. Sige na kuwento mo na." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Sige na nga. Diba noong namatay ang mommy mo . . . gusto ng daddy mo na tanggalin lahat ng katulong sa bahay ninyo marahil ayaw niya matandaan ang nangyari sa mommy mo. Isa kasi sa mga katulong n'yo ang pumatay sa mommy mo dahil may gusto nga 'yong katulong ninyo sa daddy mo at nang nalaman 'yon ng mommy mo, nag-away sila at napunta sa pag-aagawan ng kutsilyo rito sa loob ng kusina.

Nasaksak ang mommy mo sa dibdib na sanhi ng kanyang pagkamatay. Hindi na rin nakaabot sa hospital ang mommy mo kaya 'yon. Buti na lang at hindi mo pinayagan daddy mong tanggalin din ako." at inabot ni Manang ang tubig sa akin. Pagkatapos, nagtimpla siya ng gatas. Ganoon pala nangyari sa mommy ni Fatima. So sad naman. Natahimik ako nang maalala ko si mommy ko, namatay sa airplane crash.

Tumulo bigla ang mga luha ko nang hindi ko ito namamalayan. My heart was very tight, full of sad emotions.

"Fatima, ba't ka umiiyak?" pagtatakang tanong ni Manang.

"Wala Manang, I just missed mommy." sagot ko kay Manang sabay trapo sa mata ko. "Sige Manang, I'll go upstairs na, hah. Magpapahinga lang muna ako, medyo napagod kasi ako sa byahe." paalam ko kay Manang habang dala-dala ko ang gatas na tinimpla niya.

Hays! Nakakatamad din ang mabuhay lalo na't sa ibang katawan ka pa nabuhay. Humiga ako sa kama para makapagpahinga pagkatapos kong ilagay ang baso sa mesa.

A phone suddenly rings. Hinanap ko kung saan galing ang tunog na 'yon. I check my pocket kung sa phone ko ba galing 'yong tunog. At hindi naman sa phone ko. Hinanap ko kung saan galing ang phone ring kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga. Saan ba kasi ang phone na 'yan? Hinanap ko sa ilalim ng kama kung nandoon ba. Wala naman akong nakita sa ilalim ng kama kaya sinubukan kong tingnan sa loob ng hunos ng mesa. Pag-open ko, may cellphone sa loob. Kinuha ko ito para tingnan kung ano ang dahilan ng pag-iingay nito.

Ang daming missed calls and text messages, 21 missed calls and 32 messages. Mabuti na lang at walang password or pattern itong phone. Pag-open ko ng phone niya, nakita ko ang wallpaper nito. Si Fatima Madrigal. So, sa kaniya pala ang phone na 'to. I clicked the inbox para tingnan kung sino at ano ang mga nakapaloob sa dami ng mga messages.

Text Message

From: Icymie Llanos

"Hey, kailan ka ba titigil sa pagmomokmok mo riyan sa kwarto mo? The whole barkada is planning to go for a summer vacation!"

Another text messages

From: Icymie Llanos

"Hindi ka ba sasama?"

Sino kaya si Icymie? Is she a friend of Fatima? Pero parang gano'n na nga kasi barkada raw. Hindi ko na muna binasa lahat ng messages at parang wala naman akong makukuhang importante sa mga mesaages niya. Halos about summer vacation lang ang laman. Kinuha ko na lang 'yong gatas and I drinked it all para makapagpahinga't matulog muna.

Related Books

Popular novel hashtag