Chereads / Ang Mahiwagang Habilin (TAGALOG) / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

~Pangalan~

Isang matangkad na mala manikang lalaki ang katabi nya sa kanyang kama.

Hindi pala... ito ay ang kanyang manika na tuluyan ng nag anyong tao.

Gusto niyang ipag sigawan ang takot at pagkabiglang nadarama ngunit mapapa lalim lalo ang gulomg kanyang napasukan.

Sinariwa niya sa kanyang isip lahat hanggang sa pinakahuling detalye ng kanyang maisip kung pano nagkaroon ng lalake sa kanyang kwarto paano ito nakapasok, sino ang nagpapasok may gustong manakot ngunit sa kasamaang palad ay wala itong matandaan. Ilang beses itong nagtatatalon at nagsisigaw ng malakas sa ilalim ng kangyang unan. 

Tinawag nya ang kanyang kakilala na doctor at experto sa alkemiya na si Bb. Evana Fellriche. "Kamusta aking kaibigang Sarah matagal na rin ng muli tayong magkita napano ka at biglaan ang iyong pagtawag? buti nalang at nandito pa ako sa France."

Si Evana ay nakakabatang kaibigan ni Sarah. Madalas na maglaro silang  dalawa sa pangalawang mansion ng mga Francois. Anak ng butihing nakatataas na konseho sa bansa at gaya ng kanyang nakababatang kaibigan, may malasakit at paninindigan sa kanyang bansa at propesyon.

Mahilig sa mga bagay ukol sa kulto at siyensya, kaya naka base ang dalaga sa Britanya. " Maraming salamat at pumarito ka Evana sapagkat wala akong ibang mapagsasabihan ng hindi maipaliwanag na bagay."

Biglang kuminang ang mata ng butihing Evana sapagkat napukaw ang kanyang katawang siyensya.

"Wag kang mag alala Sarah tama ang taong iyong tinawag saan ang nakagigimbal na misteryong iyong sinasabi? Duguan ba ito isang di pangkaraniwang nilalang? Multo o halimaw?" Nakakatindig balahibong tanong ni Evana kay Sarah. "pumadoon muna tayo sa aking kwarto at ng iyong malaman na kahit ako hindi ko maipaliwanag."Natahimik ang madaldal na Evana.

Isang magandang di pangkaraniwang nilalang na ang nakabulagta sa kanya nang hilain ni Sarah ang kumot sa kanyang kama. "Aba kaibigan, di ako makapaniwala na isa ka nang ganap na babae." pabirong sabi niya.

"Wag kang magbiro Eva ni kailan man ay hindi ako nakaranas ng Ganong bagay. Alam mo ang kinalalagyan at estado mo ngayon." seryosong sabi ni Sarah.

"Biro lang yon Sarah wag mong seryosohin. Kung di mo mamasamain titingnan ko ang kalagayan ng Ginoo."

"Oo pakiusap gawin mo ang lahat Evana, sapagkat ginawa ko ang lahat upang gisingin siya ayaw niyang magising."

Makalipas ang ilang oras, sinuri ng kanyang kaibigan ang katawan ng lalaki at dinamitan ito pagkatapos sabay sabi, "unang una sa lahat Sarah ikaw ay pinagpala sapagkat ito ay di manika ngunit isang pangkaraniwang homonculi."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Sabi ng nasorpresang Sarah.

"Kahit na ating modernong siyensya ay hindi ito maipaliwanag ngunit maaaring ito ang daan upang magkaroon tayo ng connection sa di pangkaraniwang bagay, maaaring ito ay likha ng Dyos o isang Dyos mismo."

May mga sinubukan sila Sarah at Evana na mga mala alkemiyang proseso. Pinatakan ni Sarah ng kanyang dugo ang labi ng homonculi.

Ilang oras ang lumipas, ngunit sa kasamaang palad wala magandang resulta.

Lumalim na ang gabi at kailangan ng umuwi ni Evana sapagkat lilipad ulit ito papuntang Britanya sa kinaumagahan para sa isang mahalagang pagpupulong sa medisina.

"Mabuti pa at isaatin muna natin ang ganitong mysteryo ng hindi pa lumaki ang gulo." sabi ni Evana.

"Tama ka Eva mas nakakabuti nga iyon maraming salamat sa paunlak at pasensya na rin sa abala." Sabi ni Sarah.

"Ang nakapag tataka ko lang paano ito napasakamay ng iyong nakakatandang kapatid." dagdag ni Evana.

"Isa itong napakagandang mysteryo!!" Masayang sabi ng ni Evana.

"Wag kang mag alala aking kaibigan at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang masagot lahat ng ating tanong. Sa ngayon siya ay iyong ingatan."

"Maraming salamat Evana, hanggang sa muling pagkikita." Pagpapaalam ni Sarah kay Evana.

Humarap muli ito sa manika "Hindi ka tao hindi ka rin siguro bagay. Kakaibang nilalang na ganday di pangkaraniwan. Ikaw ba ay biyaya o kamalasan? Kung ano ka man Maikli pa man ang ating pinagsamahan ikaw aking pasasalsamatan sa kaunting kasiyahan. hanggang ngayon ay hindi pa kita nabibigyan ng pangalan. Sa pagkakataong ito, sana ako ang iyong pahintulutan na bigyan ka angkop na nababagay sa iyong kagandahan. Simula ngayon tatawagin kitang 'Noe'."

Lumakas bigla ang hangin at kuminang ang katawan ng misteryosong nilalang sa lakas at liwanag ng paligid Napapikit ang dalaga...