~Hanggang sa muling pagkikita~
(jusqu'à la prochaine fois)
Simula nung natuto mag salita si Noe ay gabi gabi may napapanagipinan siyang mga pangyayari. Tila hindi ito maganda at nanginginig ito sa takot. Napapadalas ang paglabas ni Sarah na tila napakaraming kinaaabalahan.
Hindi namamalayan ni Sarah ang unti unting pagkatamlay ng binata.
Bumisita ang matalik na kaibigan ni Sara na si Evana na kakabalik galing Britanya, sabik na sabik makita si Sarah at Noe.
Malakas na sinipa ng doktora ang pinto kinabahan ito sa namumutla at nanlalamig na balat ni Noe. Tiningnan ni Evana ang kalagayan ng binata. "Pambihira bakit ba sa bawat pag bisita ko problema ang nadadatnan ko. Matalino ako pero dahil sa sinabi mo Noe wala akong nakikitang alternatibong solusyon, pero salamat, unang beses man tayong nagkita pinagkatiwalaan mo ako." sabi ni Evana.
"walang anuman, malapit ka kay Sarah wala tayong ibang hiling kundi maging masaya siya, ganito pala ang pakiramdam na may pinahahalagahan masayang." sabi ni Noe.
Biglang tumunog ang telepono at sinagot ni Evana na namumutla at tila mahihimatay rin sa nerbyos. "ano bang nangyayari isinumpa ba ni bathala ang pamilyang to at puro kamalasan ang nakukuha, Ay!! hindi siguro pero ang babait niyo kasi!!" nanggigigil na pananalita ni Evana.
"Pasensya na kailangan kong magmadali."
"Bakit anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Noe.
"Ang pasilidad na kung saan may ginagawang kemikal sa pang araw araw na gamit ay biglang sumabog dahilan sa pagputok ng isa sa mga kable. Madaling naaksyonan ang problema ngunit ang nagtamo ng malaking pinsala ay si Sarah. Nasa ospital ang dalaga ideneklarang comatose ito dahil sa dami ng nalanghap na kemikal."
Dali daling umuwi ang mga magulang ni Sarah dahil sa nakagigimbal na pangyayaring kanilang nabalitaan. Samot sari ang emosyon at pagdadalawang isip ng kanyang mga magulang at inamin ang mga pagkukulang.
Magkayakap ang dalawa habang maigting na nagdadasal si Evana ng dumating si Noe.
Lumapit siya sa walang malay na si Sarah hinawakan ang kanyang kamay sabay lagay sa kanyang pisngi.
"Ilang taon na rin ng huli ko itong ginawa. Una nung unang nating pagkikita gabi na nagkaroon ng silbi ang aking buhay dahilan sa pagbigay mo ako ng pangalan. Isa akong isinumpang diyos, naging bagay dahil napalapit sa mga tao. Napag iwanan ng panahon hanggang sa akoy pulutin ng iyong kuya. Gaya mo napakabait magkaiba lang kayo dahil nakakausap siya ng di pangkaraniwang nilalang narining siguro ang aking boses. Sinabihan ko siya sa papalapit na panganib pero mas pinili niya isakripisyo ang kanyang buhay kesa sa nakararami. Isang beses ko lang kayang ibigay ang mortal kung buhay ngunit mas inisip niya ang kapakanan mo at nangako ako na poprotektahan ka sa anumang panganib. Nanghihina ako sa pagkasabik na makita ka dala ng takot sa napanaginipan kong pangyayari di ko inakalang biglaan. Dahil siguro sa hina pa ng aking kapangyarihan. Naaalala ko na lahat kung sino at saan ako galing. Hindi ko na masasabi sa iyo na personal pasensya kana mahal na mahal kita."
Hinalikan ni Noe ang noo ng dalaga. Di kalaunan nagkamalay ang dalaga ligtas sa kapahamakan.
Ngunit muli ay naghihinagpis sa nalaman na balita mula kay Evana.
Nagdaan ang linggo nakalabas na nang ospital ang dalaga, Agad itong tumungo sa kanyang kwarto. Nakahiga sa malaporselanang sisidlan na puno ng bulaklak si Noe.
Bumalik ito sa mala anyong manika ngunit di na lumiit.
Humingi ng tawad si Sarah sa mga pagkukulang at pagbabalewala niya sa nararamdan ni Noe.
"Pasensiya na pinaghintay kita ang tagal kong naramdaman ang ibig mong sabihin, eto pala iyon.....mahal na mahal rin kita patawad... nahuli na." naiiyak na sabi ni sarah.
Maghapon itong umiyak hanggang sa makatulog.
Kalagitnaan ng gabi nagising ang dalaga sa pagkakatulog ng napansin niya na nawala sa kinalalagyan si Noe.
At gaya nang sabi ni Evana dapat magpasalamat sa dyos sa pangalawang buhay na binigay. Kahit masakit sa dalaga ay pilit nitong mabuhay ng masaya.
Dumating ang takdang panahon na 25 anyos na si Sarah at gaya ng nakaugalinan sa mundo ng mayayaman at makapangyarihan dapat na itong ikasal sa nakatakda o di kayay napiling lalaki ng kanyang pamilya.
Masaya ang ama at ina ni Sarah para sa kanya na panahon na na ganap na tatanggapin niya ang buong responsibilidad bilang isang tagapg mana at asawa ng kanyang magiging kabiyak.
Isang malaki at engrandeng pagsasalo ang ginanap sa malaking mansion ng mga de la Francois. Kabado si Sarah sa mga mangyayari lumitaw ang tunay na ganda Sarah suot suot ang makinang na kulay puting damit.
Maraming nagyaya kay Sarah na makipag sayaw ngunit mas pinili niya ang magmasid.
Biglang may lumapit sa kanya at tinapik ang kayang likuran.
"Pasensiya na sa paghihintay, magandang binibini sana ako iyong pagbigyan na ikay masayaw?"
malakas na niyakap ni Sarah ang lalaki na dahil sa lakas ng yakap, ay natumba silang dalawa. Nabigla ang mga bisita at natahimik ang malaking silid kinuha ng lalaki ang ang kamay ng babae sabay bukas ng sing sing.
Dali daling kinuha ni Sarah ang sing sing at isinuot sa kanyang daliri sabay sabing "Oo...Oong Oo."
"Ibig sabihin tama na ang panahon?" tanong ng lalaki. Tumango naman si Sarah na ngayon ay umiiyak.
Niyakap nila ang isat isa sabay tayo "maligayang pagbabalik...Noe."
"Mas gusto kong mabuhay ng kasama ka, nakabalik na ako...Sarah."
Nagpalakpakan ang mga panauhain. Isang gabi na puno ng ligaya. At naging usap usapan sa buong Pransya ang kanilang magandang istorya.
At dun nagtatapos ang kanilang Mahiwagang istorya...
"La Fin"
(Wakas)