~Samahan~
Di pagkalaunan ay idinilat niya ang kanyang mga mata. Nanlaki ito sa biglaang mga pangyayari.
Nakaupo sa kama ang lalaki habang nakatitig sa malaking bintana na tanaw ang kalangitan. Pagkatapos ginalaw galaw ang kanyang mga kamay sabay hawak sa kanyang sarili.
Halatang litong lito ang binata ngunit naglakas loob ang rin ang mas nalilitong si Sarah na magsalita.
Binigkas sa pangalawang pagkakataon ng dalaga ang pangalang kanyang pinagkaloob. "Noe....." napalingon ang binata sa kanyang direksyon at dahan dahang lumapit.
Hinawakan ang kamay ni Sarah sabay lagay ang mga ito sa kanyang pisngi. Tinanong ni Sarah kung nagustuhan ba ni Noe ang kanyang pangalan na ibig sabihin ay Misteryoso at payapa.
Tumango si Noe dinugtungan ng dalaga ang kanyang tanong kung anong klase siyang nilalang at saan siya galing. Gustohin man magsalita upang sumagot ng binata, ngunit hindi pa niya kayang magsalita, walang magawa kundi nag senyas nalang.
Napatawa si Sarah sapagkat akala niyang nakakatakot ito ngunit parang batang nawawala o nalilito si Noe sa di pamilyar na lugar.
Mas ikinatuwa niya ay hindi itong nag dalawang isip na lumapit sa kanya. "gustuhin mong magsalita ngunit di mo pa magawa…..sabagay sa dami ng nangyari ngayong araw na ito ay talagang mahihirapan ka at kahit na ako. Sa ngayon tayo ay magpahinga at ipapasyal kita bukas upang makatulong ito at maging pamilyar ka sa mga bagay bagay."
Kina umagahan ay pumunta ang dalawa sa mga kilalang lugar sa Pransya napapalingon ang mga tao sa taglay na di pangkaraniwang ganda ni Noe.
Bagay na ikinalungkot ng konti ni Sarah dahil sa palagay niya mas maganda pa ang binata sa mga babaeng tulad niya.
Tuloy tuloy ang dalawa sa paglalakad hanggang sa makaramdam ng gutom si Noe. Pumunta sila sa pinakamalapit kainan. May lumapit na mga tao mapalalaki o babae kay Sarah sabay tanong kung babae o lalaki si Noe. "Opo lalaki siya at hindi siya tagarito, sinasamahan ko siya maging pamilyar sa lugar." Sagot ni Sarah.
"Alam mo Binibini napaka ganda nyong tingnan, bagay na bagay kayong dalawa. Napaka swerte mo at pinag pala kang magkaroon ng kasintahang natatangi."
"Naku! Maraming salamat po." sabay isip niya na 'Hay nako oo natatangi talaga siya dahil isa siyang parang homonculi na lumaki naging tao hindi malaman ang pinanggalingan at ngayon ay tinutulungan siya na maging pamilyar sa mga bagay bagay'.
Hindi ko alam kung saan talaga magsisimula ngunit tutulungan ko siyang mamuhay ng normal sa ganitong paraan kahit kaunti matulungan ko si Noe.
Alam na alam ko ang pakiramdam na walang wala...nawalan ng importanteng bagay lalong lalo na sa sitwasyon niya na parang sanggol wala sa sarili at mas nalilito.
Simula noon, walang araw na hindi sila magkasama ang dalawa. Unti unting nakakagalaw si Noe at naging komportable na datiy' ingat na ingat sa mga galaw at takot.
Habang nasa mabulaklak na bakuran, kahit hindi parin makapag salita si Noe ay naipapadama niya kay Sarah kung gaano ito nagpapasalamat sa kanya na labis ikinatuwa ng dalaga. Na lahat ng sakripisyo at pagod niya ay napawi.
Madalas silang kumain ng magkasabay at magkasama na tila ay parang totoong magkasintahan na nga ang mga ito.
Ang araw ay naging taon...
Habang namimitas si Sarah ng mga prutas ay binigyan siya ni Noe ng bulaklak sabay ngiti at banggit ang mga salitang " Tu es comme un soleil qui éclaire mon chemin..merci pour tout, je t'aime." (Para kang araw na nagsisilbi kong ilaw sa aking daan…..maraming salamat, mahal kita).
Napaiyak ang dalaga sabay yakap kay Noe. "Sa pagkakataong ito hindi ko pa maibabalik ang hinihingi mong sagot pero sa pag dating ng tamang oras, makakapag hintay ka ba?" tanong ni Sarah kay Noe. sabay tango ng binata na handang mag abang sa matamis na oo ng dalaga.
Humiga sila sa damuhan magkahawak ang kamay sabay tumingala sa kalangitan at pinag mamasdan ang takip silim.
Kung may mga magaganda at masasayang araw ay mayroon ding itong karugtong na kalungkutan, ang kalma bago ang bagyo ika nga...