Chereads / Detective Chaos / Chapter 19 - A Touch of Betrayal

Chapter 19 - A Touch of Betrayal

Chapter Fifteen

A Touch of Betrayal

"BABY..." nawiwindang na sambit ni Matix habang hinahaplos ang pisngi ni Chaos. Nasa tambayan kami ngayon at magkakaroon sana ng meeting to solve the case yesterday pero, iba ang nangyari.

"Get off!" Naiinis na sigaw ni Chaos.

Kami ni Effie ay panay lang ang tawa.

His eyes looked lost. A day passed at bumalik sa normal ang skin ni Matix pero may side effects ang narcotics na nakain niya.

Hallucinations

He thinks that Chaos is his ex girlfriend. Akala nga niya noong una ay ako ang nanay niya.

Suddenly, Matix started to sing. "You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy, when skies are gray.." he's hugging Chaos while singing.

Kanina pa nagmumura si Chaos at inis na inis na parang nandidiri pa sa pagyakap ni Matix.

Matix, then, suddenly grabbed his laptop at niyakap ito nang mahigpit.

"No one will touch my laptop!" Sigaw nito at lumayo sa amin.

Walang nagulat sa amin. Well, sanay na kami sa ganito ni Matix.

Galit ang mga mata nito pero nang tumingin kay Chaos, his face became soft at lumapit kay Chaos.

"Baby, shh, don't cry. I'm sorry for hurting you," ani Matix habang pinupunasan ang walang luhang pisngi ni Chaos, "here, you can have my laptop. May games diyan para sayo. I love you so so much—"

Tinabig ni Chaos ang kamay ni Matix. "Snap out of that drugs, you idiot!" Sigaw nito.

Then, Matix cried. "Baby, bakit mo ako sinigawan? Di mo na ba ako love? Ayaw mo na sa akin?" He sniffed.

Chaos shivered. "I'm getting out of here—"

I punched him on his shoulder. "Ouch!"

"Say sorry to Matix. Pinaiyak mo." I teased.

"Magsorry ka, Chaos. Nagtatampo na ang baby mo." Nangaasar na sambit ni Effie kay Chaos.

Chaos grimaced. Nandidiri ang hitsura nito.

Chaos faced Matix. Naiilang na niyakap niya si Matix at hinagod ang likod. "Hey, don't cry. It's fine." Ani Chaos.

Kami ni Effie ay mahinang tumatawa at kinukuhanan ng video ang nangyayari.

Kumalas sa yakap si Matix. "Really?" He sniffed.

Tumango si Chaos.

"Di ka na galit?" Matix asked at tumango naman si Chaos.

"Then, call me baby."

Nanlaki ang mata ni Chaos. "What?"

"Call me baby. Para malaman ko na hindi ka galit sa akin." Matix wiped his tears.

Tumingin sa amin si Chaos. I signalled him to do it then he sighed. "B-Baby.."

Matix grinned at niyakap si Chaos. Akmang hahalikan ni Matix si Chaos sa lips nang mabilis na lumayo si Chaos. "Why? Ayaw mo sa akin?" Matix asked.

Chaos breathed heavily. "H-Hindi pa ako handa." Pakikisakay ni Chaos na ikinatawa namin.

"Oh. It's okay, baby. Naiintindihan ko." Matix smiled.

Chaos smiled at giniya si Matix sa sofa at pinahiga. "Matulog ka na, Matix and if possible, huwag ka nang gumising please."

Tumawa si Matix habang nakahiga sa sofa. Hinawakan niya ang kamay ni Chaos. "Ang baby ko talaga, joker." He said then closed his eyes.

Chaos shivered at sunod sunod na napamura nang makatulog na si Matix.

"I can't believe I had that kind of conversation with Matix."

Tumawa nang malakas si Effie. "Don't worry, may video kami ni Friday. Araw-araw nating papanoorin iyon."

"Please don't." Chaos shivered.

"And please, remember, I'm straight and not gay. I'm not into males and if ever, only if ever, that I'm interested in males, it won't be Matix."

"Then with who? Daeril?" I asked.

"WHAT? No!" Sigaw nito at halatang diring-diri.

I laughed. "Biro lang." Saad ko.

Chaos tsked. "Let's solve the case yesterday." Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"We have to wake Matix up kung aalamin natin ang nangyari kahapon. None of us can hack the security cameras." Sambit ni Effie.

Chaos breathed heavily at nagaalangan na lumapit kay Matix saka sinampal ito. Napabalikwas ng bangon si Matix at agad na niyakap ang laptop niya.

"A-Ano yun?" Nagpapanic na tanong niya.

"Help us hack the security camera in the cafeteria yesterday." Ani Chaos.

Inungusan lang ito ni Matix. "Ayoko nga. Gusto ko pa matulog." Aniya.

Mukhang maayos na sa sarili si Matix.

"Just do what I said, Matix. Or you are out of the group." Pananakot ni Chaos.

Matix rolled his eyes at nagdadabog na binuksan ang laptop.

The cctv video played from yesterday at the cafeteria.

"This cctv video was dated yesterday at 6 am before school hours started." Ani Matix.

A female student entered the cafeteria. May kulay ang buhok niya. Blue ang tips ng hair niya. Hindi namin makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa cctv.

Napansin kong may hawak siyang plastic na puno ng white powder. It must be the narcotics.

The video ended. "Wala ng cctv sa kitchen ng cafeteria. I am lucky enough to retrieve this deleted video on time pero mukhang alam niyo na kung sino ang naglagay ng poison sa choco pudding." Masungit na sabi ni Matix. Baka epekto ng narcotics.

"We still don't have any leads. All we know is that it's a female student with blue hair." Ani Chaos.

Matix sighed at nagsimulang magtype sa keyboard. "Isscan ko ang buhok niya para makakuha tayo ng lead," he continued, "and..it's Rhian Guzman, grade 9 student from section E."

"Thanks." Sabi ko.

Tango lang ang tinugon ni Matix saka sinara ang laptop. "Huwag niyo na ako istorbohin. Matutulog na ako." Masungit na sabi nito saka humiga sa sofa. Iniwan niya nga ang laptop niya sa lamesa sa sobrang antok siguro.

"Let's interrogate this Rhian?" I asked.

"Definitely." Sagot ni Chaos.

Akmang lalabas na kami ng tambayan nang makita ko si Effie na nakaupo lang. "Hindi ka sasama?" Tanong ko .

Sinulyapan niya si Matix bago tumingin ulit sa akin. "Babantayan ko nalang si Matix in case may mangyari ulit. Tsaka, pagod ako eh." Tugon nito.

I smiled and nodded.

~~

"DAPAT kasi bumalik nalang muna tayo sa tambayan." Inis na sabi ko kay Chaos habang nasa labas ng classroom ng 9-E. On going pa ang klase nila at hindi naman namin pwede i excuse si Rhian basta basta.

"It's meeting room not tambayan. It sounded cheap." Chaos winced.

He continued, "it's better to wait here. Baka hindi na natin siya maabutan kung babalik pa tayo sa meeting room."

"Fine." Sabi ko nalang. May point din naman siya.

When the bell rang, saktong nagsialisan ang mga estudyante. Agad namin nilibot ng tingin si Rhian. "She's still inside the classroom." Sambit ni Chaos.

Mag-isa lang siya sa classroom kaya sinamantala na namin iyon at pumasok.

"Rhian Guzman?" Tawag ko.

Nilingon kami ni Rhian at ngumiti. "Yes?"

"We are here to ask questions about the poisoning yesterday." Ani Chaos.

Nanlaki ang mga mata ni Rhian at halata ang pagkatakot. "B-Bakit?"

"We saw the cctv footage kung saan pumasok ka sa kitchen ng cafeteria hawak ang narcotics." Sabi ko.

"What?" Gulat na tanong ni Rhian saka bumulong na rinig pa rin namin, "sabi niya idedelete niya ang video!"

"Sinong siya?" I asked.

"Please, huwag niyo ako isumbong! Sinasabi ko lang ang utos niya. S-Sabi niya, hindi niya ipagkakalat ang scandal ko basta, maglagay ako ng droga sa choco pudding." Pakiusap ni Rhian.

"Kailangan namin malaman kung sino ang nagutos sayo, saka lang namin iisipin kung isusumbong ka namin o hindi." Sabi ni Chaos.

Umiling si Rhian. "Hindi ko siya kilala. Nagbigay lang siya ng note sa akin at nagutos na maglagay ng droga. Sunugin ko raw ang note pagkatapos kong basahin." Naiiyak na sagot ni Rhian.

"'Beast' ba ang nagpadala ng sulat sayo?"

Sunod-sunod na tumango si Rhian. "Oo, siya nga."

I sighed. Tama si Effie. Ang beast ang may kagagawan nito.

"I'm sorry, Rhian. We have to turn you in the student council office." Sambit ko.

Rhian breathed heavily then wiped her tears. "Naiintindihan ko. Pasensiya sa nagawa ko." Anito.

Case closed patungkol sa food poisoning pero tungkol sa beast? Hindi pa. Malayo pa.

Dinala namin si Rhian sa student council office at nagpasalamat sa amin si Daeril na ngayon ay student council president na pala!

"Hindi mo sinabi sa akin na ikaw ang na ang president." I pouted.

Daeril chuckled. "Trust me, nagulat din ako. Kahapon ko lang nalaman nung nakita ko ang desk ko."

Magsasalita pa sana ako nang hilain na ako ni Chaos palabas. "Ano ba? Naguusap pa kami ni Daeril!" Sabi ko saka pinalo siya sa braso.

Chaos tsked. "We need to go to the meeting room. We need to gather the notes we received at kailangan macrack na ni Matix ang code sa file niya. Wala ka nang time makipag-usap."

I just rolled my eyes. Nang makarating kami sa "meeting room", gising na si Matix at abala sa laptop.

"Matix, gising ka na agad? Akala ko pagod ka?" Tanong ko.

With furrowed eyebrows, Matix looked at me, "nag alarm ang laptop ko. Someone opened it and deleted my files!"

"Ano? Anong files ang nadelete?"

"The confidential one and the files that contains the clues we found about the beast."

Tinignan ko ang buong storage room, nakabukas ang mga box na naglalaman na papel na nahanap namin sa precinct.

Kinuha ko ang box at nang makitang walang laman, tumingin ako kay Chaos. "Wala ang mga papel dito."

"Where is Effie?" Chaos asked

Matix shrugged. "Pagkagising ko, wala na siya"

As if on cue, pumasok si Effie na may dalang cup noodles. 

"Matix—"

She stilled when she saw us. "Nakabalik na pala kayo?" She asked.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Pumunta ako ng cafeteria para bumili ng cup noodles baka kasi gusto ni Matix. Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Effie.

"Someone entered the meeting room probably while Matix is sleeping. The evidence and clues we have about the beast is gone."

Nanlaki ang mga mata ni Effie. "What?"

"Effie, all the clues we have about the beast is gone. It means, back to zero tayo ngayon and the beast is many steps ahead of us." Mahinahong sabi ko.

Magsasalita pa sana si Effie nang sumabad si Matix. "I have backup files. Good thing lagi kong binaback up ang files. Pero yung confidential file, back to zero ulit ang pagdecode ko dun. I am already at twenty percent of decoding it pero nadelete ang file."

I sighed. Nilingon ko si Effie para sana magtanong pa pero nakita ko sa mukha niya ang pagkadismaya.

"I also installed another hidden camera around the storage room. After what Arius did, I made sure to install cameras. As of now, mayroong limang micro cameras dito sa storage room."

"Saan ka naman nakakakuha ng mga ganiyan?" Tanong ko.

Noong una ay micro recorder at ngayon naman ay micro cameras.

Matix grinned proudly. "My father owns Matrix Industries. A company where they create advanced technology gadgets."

Ah, kaya naman pala. "Buti nalang ay narecord ang pangyayari kanina. We can catch who barged in our meeting room in any angle." Ani Matix saka pinindot ang play button.

Nakatime lapse ang video kaya mabilis ang mga pangyayari. Effie was sitting on the chair at kaharap ang laptop ni Matix. Ilang beses ito tumingin kay Matix na natutulog saka binuksan ang laptop. Alam na siguro ni Effie ang password dahil nakita niya si Matix na buksan ang laptop.

Sunod ay pumunta si Effie sa mga kahon at kinuha ang mga papel na nahanap namin sa precinct saka dali-daling lumabas para siguro ideposito ang mga papel.

Tumingin ako kay Effie. Nakatungo lang siya. "Effie.." tawag ko.

She started sobbing. "I'm sorry.." sambit niya.

Matix closed his laptop. "To open my laptop without permission and delete my most important files? Apology not accepted." Galit na tugon ni Matix.

"I'm really sorry. I have to."

"You betrayed us, Effie. Are you working with the beast?" Mahinahong tanong ni Chaos but I'm sure, galit din siya.

Marahas na umiling si Effie. "I betrayed youbut I am not working with the beast."

"Then I'm sure he gave you a choice. A choice to betray us or not."

"He gave me a choice where I had to choose between you and my family. Sasaktan niya ang pamilya ko kung hindi ko siya susundin." Paliwanag ni Effie.

I sighed. I don't know what to feel. Should I feel sad? Disappointed? Or patatawarin ko ba si Effie dahil hindi naman din niya ginusto ang nangyari?

"Our evidence about the beast, you threw it all away. Pasalamat nalang ako at may back up file si Matix tungkol sa beast at hindi tayo mahihirapan." Sabi ko.

Chaos spoke, "Effie, I told you from the start that now that you will be part of my group, it also means I will protect you too. Ano doon ang hindi mo naintindihan? O baka naman wala kang tiwala sa akin?"

"No! I trust you. May tiwala ako sa inyo kaya nga hindi ako natakot noong makidnap ako dahil alam ko na hahanapin at pupuntahan niyo ako." Sagot ni Effie.

"Then why did you betray us?"

"Dahil nga sa pamilya ko! I want them safe and intact."

Chaos breathed heavily. "I forgive you."

Matix stood up. "Ano?! Bakit?"

"She has her reasons. Kung tayo ang nasa posisyon niya, I'm sure we will always pick our family."

"Pero that doesn't change the fact that she betrayed us! Hindi dapat tayo makampante na kasama si Effie sa grupo!" Matix argued

"I'm sure she won't do it again. It's not her fault. "Chaos looked at Effie. "If she'll every betray us again, ako na ang may problema."

Naluluha na niyakap ni Effie si Chaos. Nagulat naman si Chaos at hindi alam kung yayakapin ba si Effie o hindi. Natatawang giniya ko ang mga kamay ni Chaos sa likod ni Effie para yakapin ito.

This is what betrayal feels like, huh? Pero kahit ganoon, mas masarap sa pakiramdam ang magpatawad. I'm sure Effie has her reasons at hindi niya ginusto ang ginawa niya. But we are a group. If we want the bond to be strong and intact, we should learn to accept on another's mistakes.