Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Detective Chaos

🇵🇭lawoojhyk
45
Completed
--
NOT RATINGS
289.9k
Views
Synopsis
VOLUME 1 : Chaos is a highschool student who brings disasters everywhere but with an admiring detective skills and a dark past. When one day, he received a threat from someone named, “beast.” Chaos thinks this “beast” has something to do with his dark past where his parents were killed so he does everything he can to solve and unleash the beast’s name but he needed help and gathered highschool students to help him solve this case further. •••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• VOLUME 2: As Chaos solves the mystery of this beast, everything comes back to normal but falls apart when a new villain comes who names himself as “X”. ••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••• [former “Project Indigo”] {book cover from pinterest} LANGUAGE: FILIPINO
VIEW MORE

Chapter 1 - Pilot

Chapter One

Pilot

"PASENSIYA ka na talaga, Friday. Kung ako lang ang masusunod, hindi kita paaalisin dito sa apartment. Kaso loaded na kami rito. Anim na bata ang nakatira rito at limang matatanda. Nagrereklamo na ang mga kapitbahay kaya kailangan na raw magbawas." Masuyong paliwanag ni Tita Merci, ang kapatid ng mommy ko.

Saglit kong tinignan ang ilang mga bata at matatanda na nasa salas at naglalaro saka ngumiti. "Okay lang po yun, tita. Naiintindihan ko. Saka may dormitory naman po sa bago kong lilipatan na school."

Tumango tango si tita Merci saka hinawakan ang kamay ko at pinisil. "Nakausap mo na ba ang mommy? Ayokong nakikielam sa buhay mag-ina niyo pero nakakabahala. Alam mo namang mataas ang respeto ko kay ate."

I sighed. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Alam kong kahit hindi sabihin ni tita, iniisip niya na kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa pamilya ko. "Hindi ko pa po nakakausap si mommy at wala na akong balak na kausapin pa siya. Mula nang paalisin niya ako sa bahay, naputol na ang komunikasyon naming mag-ina."

Magsasalita pa sana si tita nang dumating si mang Danny, ang driver nina tita para ihatid ako sa Liberty High—ang bagong school na papasukan ko.

Ako nga pala si Friday S. Cortez. Isang Grade 10 student at dating nakatira sa Maynila. Ngayon, lumipat na ako sa Laguna mula nang paalisin ako ni mommy sa mansyon. I have two sisters. Monday and Wednesday. Weird names diba? Its because sabi ni mommy, hindi daw siya nakapag-isip ng names ahead of her birth kaya ang binigay niyang names ay ang day kung kailan kami ipinanganak. "Handa na ba ang gamit mo, Friday?" Tanong ni Mang Danny.

Ngumiti ako at binuksan ang pinto ng sasakyan, "opo, handa na po lahat," saka pumasok sa loob ng sasakyan.

Habang bumabiyahe, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sabi kasi ni tita, ang Liberty High ay paaralan ng mga mayayaman at matatalino. Maganda raw doon. Kung noon, si tita ang nagbabayad ng tuition fee ko sa school, ngayon ay ako na. Nagtry ako ng isang scholarship program at mabuti naman ay pumasa ako kaya kaunti na lang ang babayaran ko na tuition fee. Nagtatrabaho naman ako sa isang cafe malapit sa school namin para kahit pa paano ay may allowance ako every month.

Biglang tumunog ang phone ko na parang may tumatawag. Pagtingin ko, si daddy. Agad ko 'yon sinagot. "Hi, dad." nangingiting sagot ko.

"Hey, baby. Nakarating ka na sa school mo?"

"Hindi pa po, pero malapit na."

"Monday is moving out. Your ate bought a condo unit near laguna. Gusto niya raw kasi ay malapit lang sa iyo."

I chuckled, "eh si Wednesday? Kumusta na?"

Mahinang tumawa si dad. "Ayun, nakipag-galaan sa tropa raw. Mukhang saakin nagmana ang bunso mong kapatid. Basagulera at pala-gala nung kabataan."

Tumawa ako. "Anyways. Malapit na ako sa school, dad. Makikita ko na rin yung dorm ko."

"Sana naman ay maayos ang dormitory na papasukan mo riyan."

"Sana nga po." Maikli kong sagot.

"Pasensiya ka na, anak. Gustuhin ko man na rito ka sa mansiyon tumira, hindi pwede kasi ayaw ng tita Ermie mo nang magulo. Gusto niya kaming dalawa lang daw sa bahay."

I rolled my eyes. Narinig ko lang ang pangalan ng bitch na yun ay naririndi na ako. "Dad, pasabi nalang kay Ermie na hindi mo magiging desisyon ang desisyon niya. Wala naman siyang ambag sa bahay na 'yan. Pera mo lahat yan kaya tumahimik nalang siya," I continued, "kaya siguro umalis si Monday diyan. Napikon na rin kay Ermie."

Hindi ko alam kung sineryoso ba ni daddy ang sinabi ko pero mukhang hindi nang tumawa lang ito. "Baby, may trabaho naman si Tita Ermie mo."

"Anong trabaho niya, stripper? Dad, tuwing madaling araw siya umuuwi at laging kinukulang sa tela ang damit niya." Nakangiwing sabi ko.

Dad sighed. Alam kong nagtitimpi lang siya sa mga sinasabi ko. I don't care kung maoffend man siya sa simasabi ko. My mom is better than that bitch Ermie. "I have to go, Friday. Bye." Pinatay na ni dad ang tawag. I smirked. Mukhang galit nga siya and I don't have plans on saying sorry.

"Nandito na tayo, Friday." Sabi ni Mang Danny.

Excited akong tumingin sa labas ng bintana at napasinghap nang makakita ng paaralan na parang palasyo. Napakalaki niyon. May pagkabrown at white ang kulay nito at malinis tignan ang paligid.

May makukulay na halaman din ang nakatanim. "Pakihatid po ako sa dormitory, mang danny." Utos niya.

"Pasensiya na, Friday. Hanggang dito lang daw pwede ang mga sasakyan." Tumigil si Mang Danny sa pagmamaneho sa tapat ng paaralan kung saan makikita ang magagandang halaman na parang park.

Magsasalita pa sana ako nang may kumatok sa bintana. Isang guwapong lalake ang nakatayo sa labas at mukhang hinihintay ako. Magulo ang buhok nito pero maganda pa rin tignan. Makinis at maputi, kulay asul ang mga mata nito. Kumatok ulit ito na para bang naiinip na. Doon ko lang binuksan ang pinto at tinulungan pa ako ni mang danny na kunin ang mga gamit ko.

"You must be Friday Cortez?" Tanong ng lalake. Tumango ako. Nilahad niya ang kamay na parang nangaalok ng handshake. "Daeril Ocampo, the vice president of the student council. The president is not available as of the moment kaya ako muna ang mage-entertain sa 'yo ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Bakit, nasaan ba ang president ng student council?"

  Binuhat nito ang isang maleta ko at awtomatikong lumabas ang mga veins niya sa forearm niya. Ako lang ba ang naa-amaze kapag nakakakita ng veins sa kamay ng lalake?

"The student council president is busy as of the moment entertaining newcomers as well. Kaming student council ang bahala sa pagtotour ng mga new students sa Liberty High. We want to ensure that students are contented and safe in our school."

Tumango-tango ako. "Well, hindi ko pa nga natotour ang Liberty High, nagagandahan na ako."

Daeril remained a serious face, "wait 'till you see the whole school," he continued, "but for now, itotour muna kita sa dormitory niyo para madala na rin ang bag mo sa room mo."

Excited akong tumango." Do I have roommates?"

Tumango si Daeril. "Yup. I think."

Ngumisi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sana matino ang roommates ko. Excited na ako!

~~

"This is the girls dormitory. There are 100 rooms there and 25 each floors. So there are five floors in this dormitory. The first floor is the lobby. Across this dormitory," tinuro ni Daeril ang katapat na building ng girls dormitory, "is the boys dormitory."

Maganda ang disenyo ng dormitory. Mas maganda at mas sosyal tignan kaysa sa ibang dormitory na hindi naman worth it ang bayad.

Nagsalita muli si Daeril. "There are free wifis every floor kaya malakas ang sagap ng internet. I hope you enjoy your stay." Aniya habang naglalakad kami at buhat pa rin ang maleta ko.

Pagtuntong namin ng third floor lumiko si Daeril at sinundan ko lang siya. Tumigil kami sa room 37. "This will be your room for the rest of the school year." Sabi niya at pinauna na ako. I noticed that he felt uneasy kaya hindi ko maiwasang magtanong.

"Are you okay? You look uneasy." Puna ko. Kinamot niya ang batok niya. "Uhm, this is the first time that I've been in the girls dormitory, so.." he blushed.

I chuckled. Wala na ang kaninang seryosong mukha ni Daeril.

"I'll come back later to tour you inside Liberty High. For now, you rest." Tumakbong umalis si Daeril.

Tumango ako at hinila ang maleta ko papasok sa dorm ko. Pagkapasok ko, isang hallway ang naroon at may mga cabinet sa gilid. Black marble ang floor at puti naman ang walls. Kung di ko lang alam na nasa dormitory ako, baka iisipin kong nasa isang mamahaling apartment ako nakatira.

Sinalubong ako ng isang ingay na hindi naman masyado malakas. Nang tuluyan akong pumasok, isang L-shaped black sofa ang naroon at isang mahabang cabinet na puno ng libro. Pansin kong walang tv ang nandoon. May dalawang diploma na nakasabit sa may cabinet.

Binasa ko iyon. "Paulene Rose Dela Cruz and Belle Yoriao."

As if on cue, biglang may dalawang babae na lumabas mula sa isang kwarto. Ang nakakagulat, tumili pa sila at sinugod ako ng yakap. I smiled awkwardly habang hindi humagalaw. I was caught off guard. 

"Are you our new roommate?" Tanong ng isang babaeng mahaba at brown ang buhok.

I smiled then gave her a nod. "Yup. I'm Friday S. Cortez." Pagpapakilala ko.

Nilahad ng babaeng brown ang buhok ang kamay niya. "Paulene Dela Cruz. Nice to meet you."

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. "Nice to meet you too." Nakangiting sabi ko.

Sunod na nagpakilala sa akin ang babaeng black at medyo curly ang buhok. "Belle Yuriao. Nice to meet you."

  Ngumiti ako, "likewise."

"Anyways, do you want us to tour you in Liberty High? Mukhang bago ka lang dito." Alok sa akin ni Paulene.

I smiled then politely declined. "I'm sorry but Daeril Ocampo will be touring me around."

Bahagyang nanlaki ang mga mata nina Paulene and Belle. "Daeril Ocampo? The student council vice president? May something kayo?"

I gaped. "What?! No, sabi niya, it's his task to tour the new students around so walang malisya, guys." I let out a shaky laugh.

"Hm, okay. Gusto mo bang samahan ka  namin pabalik sa Liberty High?" Tanong ni Belle.

Umiling ulit ako. "No thanks. I'll wait for Daeril here."

"Sige," tinuro ni Paulene ang kwartong may pintong bahagyang nakabukas, "that's our room. May nakahanda ng bed sa kwarto natin kaya hindi ka mahihirapan. May mini cabinet ka malapit sa bed mo." Aniya saka ngumiwi, "pasensiya na kung makalat ang kwarto namin. Hindi kasi kami mahilig maglinis ni Belle."

I chuckled. "Okay lang 'yan. I don't judge people kaya walang problema."

Parang nakahinga nang maluwag si Paulene saka nagpaalam na aalis daw sila papunta sa Liberty High. "Sige, ingat kayo." Paalam ko.

Tumango ang dalawa saka nauna nang lumabas ng dorm.

Tinungo ko ang bedroom saka mahinang tumawa nang makalat nga ang kuwarto. Usually, pag dorm ay double deck ang mga higaan pero dito, hiwalay ang mga higaan at may sari-sariling study table. May mga mini cabinets din sa bawat tabi ng higaan. Para sa isang kuwarto, napakalaki nito. Nilagay ko muna ang maleta ko sa tabi. Mamaya na ako magliligpit.

Lumabas ako ng kuwarto at nilibot ng tingin ang dormitory. Malaki at maganda ito. Mukha namang worth it ang binabayad na tuition dito. Mas maganda pa nga ito sa apartment ni tita Merci.

Ilang minuto pa ako naghintay kay Daeril at nang lumipas ang thirty minutes, nagdesisyon akong pumunta nalang sa Liberty High mag isa. Hindi naman malayo ang dormitory sa school. Kaya ko naman lakarin at alam ko naman ang daan. Naalala kong vice president ng student council si Daeril. Baka inaasikaso niya ang ibang new students. Ayoko namang makaabala.

"Good morning!" Bati ng guard sa akin nang tuluyan na akong makapasok sa school. Madaming estudyante. Ang karamihan, nakikipagusap sa mga kaibigan at ang iba naman, abala sa paghahanap sa classroom nila. Tinignan ko ang papel na hawak ko. Naroon ang class schedule ko.

Hawak ko iyon at matamang tinitignan hanggang sa may isang lalake na bumangga sa akin kaya biglang hinangin ang papel at nawala. "Hoy!" Sigaw ko nang nilampasan niya lang ako.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nakapamulsa siya at mataman akong tinignan. "What?" Masungit nitong tanong.

"You bumped into me. Why don't you say sorry?" Sambit ko.

His eyes looked boring as he looked at me. "Hey, I'm used to bumping people every day. And you're a new student so you probably don't know me."

I furrowed my brows. "Bakit sino ka ba? At paano mo nalaman na new student ako?" I asked.

He gestured his hand at my uniform. "That purple ribbon. That indicates whether you're a new student or not."

Tinignan ko ang uniform ko. Oo nga, may maliit na purple ribbon sa uniform ko. Siguro ay ito ang basehan ng student council para malaman kung sino-sino ang mga new student. Pero teka nga.. "Sino ka ba?" I curiously asked.

Magsasalita pa sana ito nang may dumaang isang estudyante sa gilid niya. Hindi pa ito nakakalayo nang madulas ito na ikinagulat ko.

May isa pang estudyanteng babae na abala sa phone ang dumaan sa gilid niya pero biglang nagbukas ang pinto dahilan para matamaan ang babae.

Dahil diyan, pinakatitigan ng mga estudyante ang lalakeng kaharap ko at nagbulung-bulungan.

"New student?"

"Kawawa naman siya."

"Hindi niya siguro alam kasi bago palang siya."

Bulungan ng mga tao at iniiwasan na ang lalakeng kaharap ko.

I tuned them out at tinignan siya. "So, sino ka ba talaga?" I asked.

"Chaos. Chaos Salazar. A magnet to disasters."

I grimacely asked, "bakit Chaos ang pangalan mo. Ang weird."

"My mom said when she was pregnant with me, there's always a disaster or problems in the family and everyone around me. Even now, disasters are attracted to me."

Totoo nga. Binangga niya nga ako at nawala pa ang schedule ko. I consider it a disaster. "Your name, miss." Ani Chaos.

I rolled my eyes. "It's Friday."

Gumuhit ang pagkagulo sa mukha niya at tinignan ang phone niya. "But it's Monday."

"No! My name is Friday." Giit ko

"Your name is Friday?"

Tumango ako. "Why? May problem ba sa pangalan ko?"

Umiling si Chaos. "Nothing. What's your full name?"

Huminga ako ng malalim. "Just Friday."

Tumango siya. "Okay. Not pleased to meet you, Just Friday." He said then walked away.

Not pleased to meet me, huh? Well I feel the same way, Mr. Salazar.

Bago pa ako maglakad palayo, dumating si Daeril na mukhang hinihingal. "I'm sorry, Ms. Cortez. Inasikaso ko pa ang ilang new students kaya nalate ako. Pinuntahan kita sa dormitory niyo pero wala ka na doon. I got worried."

Tumaas ang kilay ko. "You were worried?"

   Tumango siya. "Because I'll be in great trouble and might lose my position in the student council if something happens to you."

"Oh. Sorry for leaving. Ang tagal mo kasi."

Daeril had this apologetic look. "I'm sorry, Ms. Cortez."

"It's Friday, Daeril; and it's okay." Ngumiti ako.

"Anyways, may extra copy ka ba ng class schedule ko? Nawala kasi. Hindi ko pa naman memorize ang class schedule ko."

Thanks to that weird named Chaos at nawala ang schedule ko.

Tumango si Daeril at giniya ako papuntang student council office while I'm hoping na sana hindi ko na makita ang Chaos na yun at sakit sa ulo pa ang ibigay niya sa akin.