Chereads / Detective Chaos / Chapter 3 - The Mystery of an Imaginary Suitor (Part 2)

Chapter 3 - The Mystery of an Imaginary Suitor (Part 2)

Chapter Two

The Mystery of an Imaginary Suitor

Part 2

~~

Kanina pa ako nahihilo kay Chaos dahil kanina pa siya palakad lakad pabalik na may iniisip nang kung ano. "Puwede bang umupo ka muna? Kanina pa ako nahihilo sa ginagawa mo, eh." Utos ko.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad. I rolled my eyes. Halos thirty minutes na kami nagkulong sa chemistry classroom at sabi ni Chaos ay huwag daw muna kami lumabas.

Nanatili akong nakaupo nang biglang tumunog ang phone ko na napatigil kay Chaos sa paglalakad. "What's that?" Tanong niya.

"Baka phone ko." I sarcastically replied then sinagot ang tawag.

"Oh my god, Friday! I heard what happened at your school. Kamusta ka riyan? Maayos ba lagay mo? May nangyari bang masama sayo? Sabihin mo sa akin at susunduin kita riyan ngayon na." My sister babbled.

"Monday, I'm fine. N-Nasa dorm ako when the crime happened," I lied, "anyways, dad told me you moved out. Care telling me what happened?" I asked.

My sister sighed heavily. "Dad's mistress is annoying me. When our parents divorced and when the judge made me choose kung kanino ako sasama, I chose dad dahil ayoko makasama ang lalaki ni mommy then turns out, may babae pala si daddy which is more annoying than mom. Imagine, I could hear them screaming and moaning every night."

Napangiwi ako. "That's like our own version of hell. How's Wednesday?"

Mahinang tumawa si Monday. "Mom is having a hard time on Wednesday. Makulit daw at late na umuuwi ng bahay. Nangungupit daw minsan ng one thousand pesos at gumagala kasama ang mga kaibigan. There's this one time that Wednesday came home drunk and vomitted on mommy's chanel shirt. Gosh, Wednesday is just 15 to be even drunk!"

Tumawa ako. I miss my sisters. Mula noong maghiwalay ang parents ko, my tita Merci took me in. My father has Monday and my mom has Wednesday.

"Who's that?" Tanong ni Chaos sa akin na hindi ko namalayan ay katabi ko na.

Sinenyasan ko siya na tumahimik muna. Sana naman ay hindi siya narinig ni Monday.

"Sino 'yun? Are you with a boy, Friday?" Nanunuksong tanong ni Monday then she squealed. "Oh my gosh, I need to visit you badly. We need to catch up soon. I'll talk to Wednesday para makapagshopping naman tayo at makapagkuwentuhan din."

"Monday..."

"Sige na, bye na. Baka iniistorbo ko pala kayo ng love mo riyan. Bye, sis. I love you." Monday then hang up.

Naiinis na tinuon ko ang tingin ko kay Chaos na nakahalumbaba habang nakatingin sa lamesa. "Next time na may kausap ako sa phone, huwag kang sumabad."

"Your smile when talking to whoever you're talking to is different compare to how you smile to others. That someone might be special to your heart." Puna niya.

"Tsismoso ka ba? Pake mo ba kung paano ako ngumiti sa kausap ko sa phone?" Mataray na sambit ko.

Chaos just shrugged followed by series of knocks on the door. Two policemen entered the room. "Magandang araw sa inyong dalawa. Nandito kami para magtanong tungkol sa pagkamatay ni Hazel Ravena. Kaklase niyo raw siya at kayo ang nakakita sakaniya mula sa rooftop. Nandito kami para magtanong—"

"It was a murder." Biglaang sabi ni Chaos na ikinagulat ko at ng mga police.

"Nakarating na sa amin ang report. Suicide ang nangyari at magtatanong sana kami kung may kakaiba ba sa kilos niya noong nakaraang araw."

Umiling ako. "Hazel was the same the past few days. Maingay sa klase at palatawa. Chaos is right. This is not suicide dahil nandoon kami noong nahulog si Hazel mula roofop—"

"Wrong move, Friday. Just. Stay. Quiet." Bulong ni Chaos.

Bumukas ang gulo sa mukha ng dalawang police.

Kaagad na nagsalita si Chaos. "What my friend here is trying to say is that, we were there because Hazel invited her to go with her to the rooftop and I just tagged along. Hazel said her suitor asked to meet her at the rooftop and that's where my suspicion starts to arouse. No student in his right mind would want a romantic meeting in the rooftop. Especially because of what happened ten years ago. We believe that this is a set up by the suspect and used love to lure Hazel out of the picture." Chaos said na ikinamangha ko.

"Magandang teorya yan bata—"

"This is not a theory." Matigas na sabi ni Chaos.

"This will remain a theory if no evidence is found—"

Napatigil sa pagsasalita ang police nang ilabas ni Chaos ang phone at biglang nagplay ang isang voice recorder. Boses iyon na Hazel na nagsasalita.

"Friday! Pwede ka bang sumama sa akin bukas?"

"Saan?"

"Ahm, imi-meet ko kasi ang manliligaw ko. Taga Liberty High siya at sabi niya, imeet ko raw siya bukas sa rooftop."

Pinatay ni Chaos ang voice recorder at nagsalita, "I hope this recorder could serve as an evidence to my theory." He said then walked out.

Ang loko, nirecord pala ang pinagusapan namin ni Hazel! Smart ass.

"Pasensiya na ho kayo, officers. Bad mood ang...kaibigan ko." sabi ko.

"Okay lang ko yon, ma'am. Magaling ang kaibigan niyo. May sense ang sinasabi. Icoclose na sana namin ang case na'to pero mukhang magiimbestiga pa kami ng malalim para masiguro kung suicide ba ito o murder."

"Hindi ko po kaibigan si Hazel pero sana makuha ang hustisya ng pagkamatay niya. Mabait siyang tao at hindi niya deserve ang nangyari sa kaniya."

"Kaya kakailanganin namin ang tulong mo at ng kaibigan mo. Mukhang matutulungan niyo kami sa case na ito."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba kayo mawawalan ng trabaho sa ginagawa niyo? Asking a minor to solve crimes?"

Magsasalita pa sana ang police officer nang biglang dumating sa Chaos. "We'll help you."

Ang atensyon naming lahat ay napunta kay Chaos na nakatayo at nakapamulsa. "We'll help you but first, take me back to the rooftop," humarap sa akin si Chaos, "and you, interview our classmates about Hazel."

Nanlaki ang mga mata ko. "W-What? Anong itatanong ko?"

"Questions like, are there any male students involved in Hazel's life like lovers or better yet, suitors." Chaos said then left with the police officers.

~~

"HINDI KO alam eh. Hazel is single at sabi niya, hindi daw siya nageentertain ng suitors since strict ang parents niya." Sagot ni Eunice na kaibigan ni Hazel.

"Pero lagi mong kasama si Hazel diba? Like, you eat together during lunch at sabay kayo umuuwi sa dorm niyo." Puna ko.

"Yes."

"Are there instances na may particular na guy that is following Hazel around?" Tanong ko.

Umaktong nagiisip si Eunice at napahawak sa baba. "Oh, there is someone!" She exclaimed.

"Who?"

"There is this guy na hindi namin kilala pero lagi niyang sinusundan si Hazel and asking her kung pwede ba siyang manligaw but Hazel was stern. Talagang ayaw niya. Nakakahinayang nga kasi ang guwapo nung guy. Medyo blonde ang buhok niya at green ang mga mata. Ang guwapo niya tapos binusted siya ni Hazel." Saad ni Eunice.

Eunice continued, "but he stopped following her days ago. It's like, he suddenly disappeared. Nawala na ang pagmamahal sa mga mata nito. Parang puno na nang galit ang nakikita ko sa mga mata niya tuwing nagkakasalubong sila ni Hazel."

Bingo. Mukhang iyong lalakeng iyon nga ang pumatay o tumulak kay Hazel sa rooftop.

"Ilang taon nang nagaaral itong guy na'to?" Tanong ko. If this guy has studied in Liberty high for more than two years, ibig sabihin ay alam na niya ang nangyari sa rooftop pero pinili pa rin niyang doon patayin si Hazel to make it look like that the school's rooftop is cursed or something. I don't know pero this is just my small deduction.

"Last year lang siyang nakapag-aral dito. Ngayong school year lang siya nagstop na habulin si Hazel." Sagot ni Eunice at nagpaalam na dahil may klase pa raw siya.

Tinakbo ko ang distansya mula third floor hanggang rooftop at naroon si Chaos na sinusuri ang bawat sulok ng rooftop.

"Nasaan na ang mga police?" Hinihingal na tanong ko.

"They left. They said they have to redo the report about Hazel's case." Aniya habang tinitignan ang mga sulok ng rooftop.

Nanlaki ang mga mata ko. "So they're changing the report? Hindi na suicide?"

Humarap sa akin si Chaos. "I gave them a convincing story that what happened to Hazel was indeed a murder."

I smiled. Mabuti naman. Kahit ako, I believe that this is murder and Hazel deserves to obtain justice.

"What have you found?" Tanong ni Chaos. I rolled my eyes then binigay sakaniya ang voice recorder. If I learned one thing from Chaos, it is to record every conversation since it might be useful to use as an evidence.

"Good." Sabi nito saka pinakinggan ang voice recorder.

"What are you doing?" Tanong ko. Tinutukoy ang tungkol sa ginagawa niyang paghahanap sa bawat sulok ng rooftop.

"Searching for clues. I need to search every corner at baka may aksidenteng naiwan ang killer dito." Giit ni Chaos at binalik sa akin ang voice recorder.

"Who is this mystery guy?" Tanong ni Chaos sa sarili. I am thinking the same too. For Hazel, kailangan kong gamitin lahat ng talinong taglay ko. Kahit hindi ko naman ka-close si Hazel, still, she doesn't deserve to die like that.

Luminga-linga ako sa paligid until a shining object caught my attention. Nasa tabi lang ito ng pintuan ng rooftop at kumikinang-kinang ito. Lumapit ako rito at kinuha iyon. "Chaos, look." Sabi ko.

It was a keychain.

Liberty High student council. Ang nakasulat sa keychain.

Student council?

"The suspect might be a member of the student council." Chaos said.