MIYERKULES.
Umaga.
Abala si Ellah sa ginagawang pagre-repack ng mga groceries nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello?"
"Babe how are you? Pupunta ako diyan ngayon hintayin mo ako ha? Sabay tayo mag breakfast."
"Okay fine."
Pinatay na nito ang linya.
Tama lang siguro 'yon dahil siya lang naman mag-isa.
Inilibot niya ang tingin sa mga na repack na nila ni Jen.
Marami na rin ang
mga ito at kakaunti na lang ang hindi pa kaya tinatyaga na niya.
Mamayang gabi darating na naman ang kaibigan para tapusin ang ginagawa at dito na naman matutulog.
Malaking bagay 'yon sa kanya dahil hindi na siya nag-iisa.
Kagaya ng nakagawian hindi na siya nag-abala pang ayusin ang sarili.
Sleeveless at shorts lang ayos na dahil siya lang naman mag-isa.
Mamaya na lang din siya maliligo kapag parating na ang kasintahan dahil alas alas otso pa lang naman ng umaga.
Humihigop siya ng kape nang tumunog ang door bell.
Nagtataka man ay tumayo siya para buksan ang pinto.
"Kabilis mo namang-" umawang ang kanyang bibig sa nabungaran.
"Hi!"
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
Mabilis itong pumasok at isinara ang pinto. Nasamyo pa niya ang bagong paligo nitong amoy.
"Wala bang kakaibang nangyari kagabi? Ayos ka lang ba?"
Nagsimula siyang mairita sa mga ikinikilos nito.
"Pwede ba Gian! Kagabi ka pa ah? Pati ako kinakabahan na."
Umupo ito sa sofa. "Sa tingin ko dapat yata samahan kita rito lalo na sa gabi. O 'di kaya ay magpapalagay ng bodyguards sa labas ng pinto mo para-"
"Ano bang pinagsasabi mong-"
"May papatay sa'yo."
Natigilan siya at kumabog ang dibdib.
"A-alam ba 'to ni lolo? Sinong papatay sa akin?"
"Si Xander Delavega," mariin nitong tugon.
" Kahit kailan hindi ko nakuha ang loob niya at ngayon siya na ang kalaban ko. Mas tuso at mas mapanganib. Minamanipula niya ang ama at napapasunod na niya ito kaya nanganganib na kayo ni Isabel."
Kumabog ang kanyang dibdib.
"A-anong gagawin ko?"
"Umuwi ka sa mansyon ligtas ka roon."
"Huh! Kung 'yan lang ang plano mo salamat na lang, makakaalis ka na." Tinalikuran niya ito.
Tumayo ito kaya nakahinga siya ng maluwag.
Inunahan niya ito patungo sa pinto at niluwangan saka hinintay ang paglabas nito.
Pero sa kanyang pagtataka ay nagtungo ito ng kusina.
"H-hoy! Hindi diyan ang daan palabas!"
"Nagugutom ako, kumain ka na ba?" Naghalungkat ito sa loob ng ref niya.
"Aba't umuwi ka sa inyo at doon ka kumain!"
Sinulyapan siya nito bago bumaba sa kanyang dibdib.
"Ano kaya kung mag bra ka muna?"
Bumaba ang kanyang tingin sa dibdib at nanlaki ang mga mata dahil bakat ang kanyang suso roon sa manipis na tela.
"Geeeeez!" takbo siya ng silid at dali-daling nagsuot ng strapless bra. "Bwesit!"
Nagsuklay na rin siya at nagpalit ng ternong pajama. Naka t-shirt kasi ito ng asul at pantalong maong nakakahiya kung naka short pa rin siya.
Nang makuntento ay lumabas na siya ng silid.
Nagpiprito na ito ng tocino ngayon saka siya sinulyapan. "Ganyan nga, dapat lagi kang ganyan."
Umismid siya.
"Nga pala, nakalimutan kong batiin ka sa pagiging presidente mo ng kumpanya ninyo. Sa susunod ikaw na ang papalit sa lolo mo."
"Tama na sa akin ang posisyong 'yon."
"Noon pa man ikaw na talaga ang nababagay sa posisyong 'yan. I am proud of you president."
Hindi siya kumibo at iniba ang usapan.
"Alam ko na ang dapat kong gawin para magkaroon ng kasama rito."
"Ano 'yon?"
"Dito ko na lang patirahin si Jen. Tapos kukuha ako ng gwardya, pababantayin ko sa labas."
"Tama 'yan," tango nito at saka binuksan ang rice cooker na may kumukulong sinaing.
"Hindi ka pa kumain kasi hindi ka man lang nagsaing."
"I'm not use to rice during breakfast," tugon niya.
"Then learn it with me," sagot nito.
Natahimik siya.
Si Gian naman ay naghanda sa mesa ng mga plato at mga kubyertos. Kabisado na nito ang mga kagamitan niya.
"Breakfast is ready," ngiti nito.
"Hmp! Kumain ka mag-isa!" Binirahan niya ito ng talikod.
"Sumabay ka na huwag ka ng mahiya."
Unti-unti namang kumulo ang kanyang dugo sa inis.
"Pagkakain mo lumayas ka na darating si Raven ngayon."
Dahil sa kanyang sinabi ay natigil ang sana'y pagsubo nito ng kanin at ibinaba sa plato ang kutsara.
Ngiting tagumpay siya.
Hinintay niya ang pagtayo nito at paglabas ng tahanan.
Ngunit sa kanyang pagtataka ay hinawakan muli nito ang kutsara at isinubo sa bibig ang kanin.
"Hindi ka aalis?"
"Hindi, ako ang nagsaing iba ang kakain?" anito at tuluyan ng kumain.
Nganga siya.
May tocino, fried egg, hotdog at pritong dilis sa mesa.
Sarap na sarap ito habang may pahigop-higop pa ng kape.
Feeling at home ang kumag.
'Mabulunan ka sana!'
"Kumain ka na, masarap 'to."
Kumalam ang kanyang sikmura pero tiniis niya pa rin.
"Bilisan mo diyan darating na si Raven."
Napansin niya ang pagbagal ng pagnguya nito.
"Sumabay ka muna sa akin."
Tumaas ang kilay niya gano'n pa man ay lumapit siya at umupo paharap dito.
"Good girl, kain na," masigla nitong sabi.
Naiirita man ay napilitan na lang siyang kumain din ng paunti-unti.
Hanggang sa napansin niyang pabagal nang pabagal ang pagnguya nito sa kinakain.
Mas lalo pang nakakairita dahil maging ang paghigop nito ng kape ay sobrang bagal.
"Nananadya ka ba!" singhal na niya.
Napaigtad ito at muntik ng masamid.
"Nanggugulat ka naman eh."
"Nananadya ka eh! Pinapalayas ka na bumabagal ka naman!"
Sa pagkakataong ito ay hindi na muling sumubo si Gian.
"Gusto lang kitang makasabay sa pagkain, mabagal ka kaya binabagalan ko rin."
Natahimik siya.
Napailing ito at yumuko.
"Nawawalan ako ng gana dahil ibang tao ang inaalala mo kahit ako ang nandito.
Wala ka ng ibang bukam-bibig kundi ang lalaking 'yon. Ni hindi mo ako tinanong tungkol kagabi."
Dahil sa sinabi nito ay naalala niya ang paghalik nito sa kanyang labi.
Wala sa loob na napatingin siya sa labi nitong mamula-mula habang nakatikom ng husto.
Hindi maiwasang kumabog ang kanyang dibdib.
Wala na ang pagiging masayahin sa anyo ng kaharap dahil ngayon ay nagtitiim na ang bagang.
Kahit paano ay tinablan siya ng konsensiya.
"K-kumain ka na."
Napatingin ito sa kanya.
"What? Kain na, sasabay na ako."
Sumubo siya ng kanin.
Walang imik naman itong muling humigop ng kape at kumain na rin kagaya niya.
Napansin niya ang pagbabago ni Gian.
Hindi na ito matampuhin. Mapagtimpi na rin, maunawain at kalmado na kung makikipag-usap.
Parang hindi na ito ang Gian na nakilala niya noon na mabilis magtampo, magalit at namimilit.
Ayaw man niyang aminin. Mas gusto niya ang pagbabago nito.
Mas nag mature na ang dating.
Tahimik sila hanggang sa natapos silang kumain.
Sinalinan nito ng tubig mula sa pitsel ang kanyang baso.
Uminom siya ng tubig, ganoon din ito.
"Anong oras ba siya darating?"
Tiningnan niya ang orasang nasa dingding. Alas otso 'y medya ang naroon.
"Nine," aniya.
"May kalahating oras pa ako para samahan ka."
Hindi na lang siya umimik.
Mataman naman siyang pinagmasdan nito.
"Bakit?" sita niya.
Napalunok ito at tumingin sa kawalan. "W-wala."
Siya naman ay nakatutok ang tingin sa orasan.
Hanggang sa sabay pa silang bumuntong-hininga.
Nagkatinginan sila. Kinagat niya ang labi para pigilan ang pagngiti.
Si Gian naman ay napapailing.
"S-sa palagay mo ba, wala na bang..." muli itong huminga ng malalim bago yumuko. "Wala ng pag-asa na maging..." kinagat nito ang labi at pumikit. "tayo uli?"
Siya naman ang yumuko bago umiling.
"Gian, may iba na ako."
Hinarap na siya nito at matamang tinitigan.
"Mahal mo ba siya?"
"Anong klaseng tanong naman 'yan?"
"Ako ba hindi mo na mahal?"
"Pwede ba!"
"Simply lang ang tanong ko Ellah, bakit hindi mo masagot?"
Inayos niya ang pagkakaupo at muling inalala ang mga ginawa nitong pananakit sa kanya.
"Sinasabi mo bang simply lang din sa'yo ang pananakit sa akin?"
Hindi nakakibo ang kausap.
"Alam mo bang hindi na nawawala sa utak ko ang mga ginawa mo noon? Pinaglaruan mo ako Gian! Harapan mo akong ginagago kasama ang babae mo!"
Hindi na siya nakatiis at tumayo.
"Alam mong hindi totoo 'yan. Alam mong nagpapanggap lang ako at nagsinungaling pero ikaw!"
Humagkis ang mariing tingin nito sa kanya.
"Tinotoo mo! Totohanan ang pag-iwan mo sa akin at pagpalit sa iba!
Alam mo na ngang nagpapanggap lang ako pero sa'yo totoo.
Inaamin ko nasaktan kita dahil sa pagpapanggap ko, pero pagpapanggap lang 'yon, walang katotohanan. Iniwan ko na si Isabel dahil hindi totoo ang relasyon namin at alam mo 'yon!
Pero 'yong sa'yo tinotohanan mo!" dinuro na siya nito.
" Kung may mas nakasakit man sa atin dito ikaw 'yon! At kung may mas nasasaktan man dito ako 'yon."
Lunarawan ang sakit sa anyo ng kausap ngunit hindi siya nagpatinag.
Umahon ang galit sa kanyang dibdib.
"Nasaktan ka? Baka nakalimutan mong ikaw ang naging dahilan kaya tayo umabot sa ganito!"
Dinuro niya ito.
"Wala kang tiwala sa akin kaya nagawa mo akong linlangin! Tapos ngayon ako ang sinisisi mo kung bakit ipinagpalit kita sa iba? Gagawin ko ba 'to kung hindi mo ako sinaktan! Ipinagpalit mo ako! Ikaw ang naunang bumitaw sa kung anumang meron tayo!"
"Hindi kita ipinagpalit!" Tumayo na rin ito at hinarap na siya.
"At lalong hindi ako bumitaw sa atin! Hindi Ellah! Kaya nga nandito pa rin ako dahil hindi ko ginawa ang pinagbibintang mo! Ikaw ang bumitaw sa kung anumang meron tayo."
"Niloko mo ako," mariin niyang tugon.
" Araw-araw sinisisi ko ang sarili ko sa pag-aakalang ako ang dahilan ng lahat. Iyon pala buhay ka at nilinlang ako dahil wala kang tiwala sa akin!"
"Anong walang tiwala? Sa'yo ko sinasabi ang lahat ng nangyayari. Kung nagsinungaling man ako ay para hindi ka na madamay pa."
"Huli na Gian! Sana noon mo pa sinabi 'yan! Kung talagang may tiwala ka hindi mo ako lilinlangin! Alam mo kung ano ang masakit ha?" Nilapitan na niya ito at dinuro sa dibdib.
"Ang masakit alam ng lolo ko ang tungkol sa'yo!
Alam ng kaibigan mo! Alam ng ibang tao!
Ako lang ang walang alam na para bang hindi naman ako mahalaga sa'yo! Hindi mahalaga!" dinuldol niya ng husto ang dibdib nito at pinilit na huwag maiyak.
"Hindi totoo 'yan!"
"Kahit ano pang ipaliwanag mo hindi ko matatanggap!"
Tumalikod siya ngunit hinablot nito ang kanyang pulso.
"Ellah please!"
Lumipad ang kanyang palad deretso sa pisngi ng kausap.
Hindi nakahuma si Gian at halos mabiling ang mukha sa tindi ng pagkakasampal.
Napayuko ito.
Tumunog ang door bell.
Kumabog ang dibdib niya nang maalalang darating ang kasintahan.
"Umalis ka na," mariin at malamig niyang wika.
Wala naman itong kibo.
"Ano ba Gian! Umalis ka na!"
Patuloy ang pagtunog ng buzzer pero hindi pa rin ito natinag.
Kinabahan na siya at natatakot na.
Subalit nagitla siya nang makitang lumuhod na naman si Gian!
"Ellah please... " Gumaralgal ang tinig nito habang nakayuko.
"Tayo na lang uli, ako na lang ulit."
Tumagos sa kanyang puso ang pagsusumamo ng binata ngunit pinilit niyang magmatigas.
"Umalis ka na Gian, nasa labas ang boyfriend ko," matigas niyang saad.
Hindi pa rin ito natinag.
Hanggang sa ang cellphone naman niya ang tumunog.
Tumatawag na ang kasintahan!
"Villareal ano ba! Umalis ka na sabi!" singhal na niya.
Marahang tumayo ang binata at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagpatak ng butil ng luha nito bago tumalikod.
"Nandiyan si Raven so please huwag ka ng manggulo Please lang. Umalis ka na lang ng tahimik pakiusap."
"Tandaan mo Ellah, walang kahit sino ang makakahigit ng pag-ibig ko sa'yo."
Hindi na siya kumibo pa at hinayaan itong buksan ang pinto.
"Putang-ina ba't ang tagal mong -"
Naudlot ang sinasabi ni Raven nang hindi siya ang nabungaran.
"Acuesta?" Agad bumalasik ang anyo nito.
"Raven!" tawag niya.
Napasulyap ito bago binalingan si Gian na papalabas na.
"Hayop ka!" sinuntok nito si Gian na tinamaan sa panga.
Napatakbo siya sa kinaroroonan ng mga ito.
"Putang ina ka!" Tinadyakan nito si Gian na agad natihaya sa sahig.
Tila walang lakas na lumaban ang binata
at hinayaan na lang nito ang ginagawa ni Raven na pagtadyak dito ulit.
"Putang ina!"
"Agh..." daing ni Gian.
Hindi na siya nakatiis pa.
"Raven tama na!" Dinaluhong niya ang nobyo at pinigilan ito subalit hindi ito nagpaawat at niluhuran si Gian saka pinagsusuntok.
Natigagal siya sa nasaksihan dahil hindi talaga lumalaban ang dating kasintahan!
Hinayaan lang nitong gulpihin kahit na tumatagas na ang dugo sa labi at sa noo. Ni hindi nito sinasangga ang mga suntok at tadyak ni Raven!
Ito na ang kanyang nilapitan.
"Gian ayos ka lang?" Niyugyog niya ang balikat ng binata.
"Ellah umalis ka diyan putang ina!"
"Tama na!" Para maprotektahan ang binata ay iniyapos niya ang mga kamay dito.
Nabaghan si Raven sa nakita at hindi agad nakahuma.
"Umalis ka na pakiusap!" pagsusumamo niya sa dating kasintahan.
"Hindi ako aalis, hindi kita iiwan..."
"Gian please umalis ka na lang!" Itinulak niya ito.
"Gian?" sambit ni Raven na tila hindi makapaniwala sa narinig.
Nanigas siya at kinabahan ng husto.
"Huh! Sinasabi ko na nga ba eh, ikaw si Villareal!" palatak ni Raven.
Binalingan niya ang kasintahan.
"Raven please. " Kumabog ang kanyang dibdib lalo na nang tumalim ang tingin nito kay Gian.
Tumayo siya at nilapitan ang kasintahan.
Naiiling si Raven na tila hindi makapaniwala.
"Huh! What the fuck! Ang tagal mo ring nauto ang buong mundo Villareal!" gimbal nitong saad.
Binalingan niya ang binata. "Gian umalis ka na! Parang awa mo na! Wala ka ng babalikan pa, wala na tayo matagal na!"
Umawang ang bibig ng binata at hindi nakahuma.
Naitulos sa kinatatayuan si Gian.
Bumalatay ang sakit at pagkabigo sa anyo nito, subalit hindi niya binigyang pansin 'yon at hinintay ang pag-alis nito.
Hanggang sa marahan itong tumalikod at humakbang palabas.
Ngayong silang dalawa na lang ng nobyo ay makakapagpaliwanag na siyang mabuti.
"Sabihin mo si Acuesta ba at Villareal ay iisa?"
Natigilan siya.
"Totoo hindi ba! Kailan mo pa ako ginagago ha Ellah!"
Humagkis ang kanyang tingin dito. Alam niyang wala ng saysay pa ang magsinungaling dahil nahuli na siya nito sa mismong bibig niya.
"Ano naman ngayon kung totoo? Oo tama, iisa lang sila. Kaya ko siya hiniwalayan dahil nilinlang niya ako! Pinaniwala niya ako sa isang malaking pagpapanggap! Ikaw ang pinili ko Raven at hindi siya!"
"Sinungaling!" Bigla nitong hinablot ang kanyang braso at sinakal sa leeg.
Nagimbal siya.
"Kailan mo pa ako ginagago ha! Kailan pa!"
Nanlilisik ang mga mata nito habang ang mga kamay ay nasa kanyang leeg.
"Acck..." nanlalaki ang mga matang kumapit ang mga kamay niya sa mga kamay ng lalake at halos hindi na makahinga.
"Ginago mo ako!" Idiniin siya nito sa mesa habang patuloy na sinasakal.
"Pinaniwala mo ako na wala na kayo ng lalaking 'yon pero nagsinungaling ka!"
Unti-unti na siyang nauubusan ng hangin kung kaya't ang mga kamay niya ay naghahagilap ng maaaring ipanlaban.
"Walang pang nanggago sa akin Ellah! Wala! Papatayin kita!" Mas humigpit ang pagkapit ng kamay nito sa kanyang leeg.
Sa kabila ng panlalabo ng paningin ay pinilit niyang
hablutin ang isang plactic bag na puno ng delata.
Nang maabot ito ay buong lakas na inihampas niya sa lalake.
"AAAHH FUCK!" sapol ito sa mukha kaya't napaatras.
Kandaubo ang dalaga habang tumatakbo palabas papasok sa elevator.
Nang makarating sa ground floor ay halos magkadapa-dapa siya sa pagtakbo makarating lang agad sa kinaroroonan ng mga gwardya.
"GUARD! GUARD TULONG!"
Napalingon ang mga ito.
"Anong nangyayari madam?"
"Si Raven Tan! Tinangka akong patayin! Hulihin niyo siya!"
"Opo!" Mabilis na nagsitakbuhan patungo sa kanyang unit ang apat na gwardya.
Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag.
"Ellah?"
Napaigtad siya sa narinig na tinig mula sa likuran at agad lumingon.
"Gian!"
"Anong nangyari?"
"Akala ko umalis ka na?"
"Hindi ako umalis, kung ginawa ko man 'yon kanina dahil iginalang ko ang desisyon mo pero nandito lang ako."
"Gian..."
"Nandito lang ako Ellah, naghihintay sa pagbabalik mo sa akin."
Animo nadurog ang kanyang puso sa narinig at hindi na napigilan ang pag-iinit ng sulok ng mga mata.
"Gian I'm sorry...sorry please." Yumugyog ang kanyang mga balikat sa tindi ng pagpipigil na maiyak.
Kinabig siya ng binata at tahimik na niyakap.
Tuluyan na siyang napaiyak sa dibdib nito habang marahan nitong hinahagod ang kanyang likuran.
Nang kumalma ay marahan siyang kumalas at inayos ang sarili.
"Pasensiya na," aniyang pinapahid ng mga kamay ang pisngi.
"Sabihin mo anong nangyari?"
"S-sinakal niya ako-"
"ANO!"
"Akala ko mamamatay na ako!"
Naiiyak na naman siya ngunit pinigilan niya.
"Dito ka lang," ani Gian sabay takbo patungo sa kotse nito.
Hindi naman siya mapakali sa takot parang ngayon lang rumehistro sa kanya ang nangyari.
Pagbalik nito ay nagimbal siya sa nakita.
May hawak ng baril si Gian at ikinakasa nito!
Tumakbo siya palapit dito habang patungo ito sa elevator.
Mukhang aabangan ang paglabas ni Raven!
"G-Gian! Anong ginagawa mo!"
Eksaktong paglabas ni Raven Tan, nakaposas ito sa likuran at hawak ng apat na gwardya.
"Fuck! Bitiwan niyo ako! Hindi niyo ba ako kilala ha!"
"Tarantado!" Itinutok ni Gian ang baril deretso sa noo nito.
Natigagal ang lalake habang nanlalaki ang mga mata. Ni hindi ito nakahuma sa takot.
Maging ang mga gwardya ay natigilan.
"Sir, ibaba niyo ang baril pakiusap," anang isa sa mga gwardya.
"What' s happening here? Mr. Acuesta put the gun down please! "
Lumapit ang manager ng condominium na marahil ay tinawagan ng gwardya.
"Huh! Acuesta? Iyan ang wanted na si Villareal!" singhal ni Raven.
"Iyan ang notorious murderer!"
Lumarawan ang pagkagulat sa anyo ng manager maging ang mga gwardiya roon sabay tingin sa binata.
Napansin niyang tila nasukol ang binata at hindi makakibo.
Sa kabila ng pamamaga ng kaliwang mata ni Raven na tinamaan ng mga delata ay panay pa rin ang panunulsol nito.
"Iyan dapat ang hinuhuli ninyo dahil mamamatay tao 'yan! Ang laki ng patong sa ulo niyan! Ano pang-"
Natahimik sila nang marinig ang sabay-sabay na tila pagkasa ng baril.
"Tumahimik ka kung ayaw mong sumabog 'yang bunganga mo!"
Napalingon sila at bigla siyang napaatras nang makita ang sampung kalalakihang nasa likuran ni Gian at nakatutok lahat ang baril kay Raven Tan.
Natigagal ito.
"Sige na alisin niyo 'yan," utos ng manager at tumalima ang mga gwardiya.
Nagbabaan ng baril ang mga ito.
"Mr. Acuesta pwede ka bang makausap sa opisina?"
Binalingan ni Gian ang mga kasamahan.
"Buloy mamaya na tayo mag-usap."
"Yes boss!" tugon ng tauhan at sabay-sabay na ibinaba ang mga baril at umalis ang mga ito.
Binalingan nito ang manager.
"Susunod ako sir, gusto ko lang muna magkapag-usap kami ni Ellah."
"Sige, I'll go ahead."
Nang silang dalawa na lang ay nilapitan niya ang binata.
"Sino ang mga 'yon?"
"Mga tauhan ko. Ayos ka na ba? Natatakot ka pa ba?"
"Ang buong akala ko katapusan ko na kanina, mabuti na lang maraming delata ang bag. " Naluluha na naman siya habang natatawa sa pagpapaliwanag.
Hinawakan siya ni Gian sa magkabilang balikat at matamang pinagmasdan.
"Hindi ka na ligtas dito, siguradong babalikan ka ng mga tauhan niya. Pinakamagandang bumalik ka sa mansyon."
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang nangamba.
"Paano ka? Mas nanganganib ka dahil alam na ni Raven ang tungkol sa'yo. Isa pa alam na ng manager delikado ka Gian!"
"Huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Sige na mag-empake ka na."
Marahan siyang tumango at pumikit.
Walang inaksayang panahon ang dalawa.
Agad siyang nag-empake katulong ang mga tauhan ng binata at si Gian ay nagtungo sa opisina ng opisyal.
---
"Have a sit Mr. Acuesta." Iminuwestra ng lalake ang upuan.
"Thank you." Umupo siya kaharap sa mesa nito.
"May ilang katanungan lang sana ako."
"Sige ho."
"Totoo ba ang sinasabi ni Mr. Raven Tan? Ikaw nga ba si Gian Villareal?"
Tumawa siya sabay iling.
"Of course not! Pinagbintangan lang ako ng taong 'yon para makaganti. Actually napagkamalan ako ni Ellah na si Villareal at iyon ang dinig ni Tan kaya inakala niyang ako na nga.
Magkamukha kasi kami ng pinsan kong 'yon."
"Gano' n ba? Ano nga palang ginagawa mo rito?"
"Business, naka lock down ang office ng mga Lopez kaya pinapunta niya ako rito."
Tumango-tango ang kausap.
"Nanutok ka ng baril kaya dapat harapin mo ang problemang 'yon."
"Sinakal ni Tan si Ellah at muntik ng mapatay! Normal lang siguro na magalit ako."
"Ang mabuti pa siguro sa mga pulis ka na magpaliwanag para maimbestigahang mabuti ang-"
Hindi na nito naituloy ang sinasabi nang bigla niyang paluin ng baril sa noo.
Tulog itong nakatihaya sa upuan.
"Gago!" asik niya at mabilis na lumabas ng opisina.
---
Kagaya ng pinag-usapan ay inihatid siya ni Gian sa mansyon.
"Don Jaime! Don Jaime! Nandito na po si Ms. Ellah!"
Napapalunok siya habang pumapasok sa mansyon.
Sumalubong ang abuelo.
"Apo ko! Maraming salamat sa pagbabalik."
Niyakap siya nito ng husto na agad naman niyang tinugon.
"Lolo sorry po, sorry."
"Apo ko, o apo ko na miss ka ni lolo ng sobra."
"Na miss din kita lolo!"
Maya-maya ay kumalas ito at hinarap ang kanyang kasintahan.
"Gian hijo, maraming salamat sa pagbabalik ng apo ko."
"Don Jaime, ingatan niyo po sana siya."
"Oo pangako."
"Aalis na ho ako, sige ho."
Sinulyapan siya nito. "Ellah, mag-iingat ka."
"Salamat."
Tuluyan na itong lumabas.
"Halika na hija?" yakag ng don.
Sinundan niya ng tanaw ang papalayong binata.
"Nakapagsalamat ka man lang ba sa kanya?"
"Opo lolo."
"Alam mo bang si Gian ang nagkumbinse sa akin na karapat-dapat ka sa posisyon mo at hindi ako nabigo apo."
Umawang ang kanyang bibig at muling napalingon sa binata.
"Sandali lang po lolo."
Hindi siya nakatiis at hinabol niya ito at inabutan sa may pintuan.
"Gian!"
Nilingon siya nito.
"Bakit?"
Bagamat kinakabahan ay lakas-loob siyang nagsalita.
"Pumapayag na ako Gian."
"Ha? Saan? "
"Tayo na uli. Pumapayag na ako na maging tayo na ulit."
Namilog ang mga mata ng kaharap.
"I-ibig mong sabihin pinapatawad mo na ako? At tayo na uli?"
Tumango siya at bahagyang ngumiti.
Gumuhit ang mga ngiti sa labi nito. Bigla siyang kinabig at mahigpit na niyakap.
"Yes! Yes! Hoooh!"
Sa tuwa ni Gian ay pinaghahalikan siya sa kabuuan ng mukha.
"Salamat Ellah! Pangako hindi na kita sasaktan pa maraming salamat!"
"Pangako Gian hinding-hindi na kita susuwayin pa. Maraming salamat sa walang sawang pagtatiyaga sa akin."
Pumikit ito at hinalikan siya sa noo.
Pumikit siya at ninamnam ang halik na 'yon.
Sa pagkakataong ito hinding-hindi na niya pakakawalan pa!
---
Gabi.
Hindi mapakali si senior Roman kakaisip sa mga sinasabi ng anak tungkol kay Rage Acuesta.
Nasa mansyon siya sa sala at mag-isang umiinom ng alak.
Wala ang anak dahil pinapahanap nito ang babaeng magiging susi raw sa pagpapalabas kay Villareal.
Hindi pa rin kasi siya kumbinsido na iisa lang si Villareal at Acuesta.
Hindi niya matanggap na muli siyang nalinlang ng kalaban!
Hindi niya masabi sa sarili na nagkamali siya!
Nilagok niya ang alak sa baso nang tumunog ang kanyang cellphone.
Inaasahan niyang ang anak na ang tumatawag ngunit nagtiim ang kanyang bagang sa nakita.
"Acuesta," mariin niyang saad.
Umukilkil sa kanyang utak ang sinabi ng anak.
"Roman natuloy ka ba?" anang sa kabilang linya. "Nasaan na ang gamot?"
"Nasa akin na. Magkita tayo," malamig niyang tugon.
"Wala ako sa Zamboanga."
Nagpanting ang kanyang tainga sa narinig.
Nakita ito sa condominium ng apo ng mortal niyang kalaban ngunit itinatanggi nito!
"Sinungaling!" singhal na niya.
Inaasahan niyang aamin na ito.
"Sinungaling ka rin!"
Napakurap siya at mas nag-iigting ang paniwalang tama ang anak.
"Alam kong hindi ka tumuloy ng China. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Nakita ka ng tauhan ko sa condo ng apo ng kalaban Acuesta ano ang ginagawa mo roon!"
"Ako? Really Roman? How come? Nasa Pagadian ako!"
Umawang ang kanyang bibig.
"Naka lock down paano ka nakarating diyan?"
"Hindi pa ako inabutan ng lock down noon."
Tumahip ang kanyang dibdib sa naiisip.
"Kung gano'n sino ang nasa condominium ni Ellah Lopez?"
"Hindi kaya si Villareal 'yon?"
Tila sumabog ang kanyang pandinig. "Hijo de puta! Kung gano' n si Villareal 'yon!"
"Kailan nila nakita?"
"Kagabi lang."
"Siguradong si Villareal 'yon dahil hindi pa ako nakakabalik."
"Sige, sige tawagan kita."
"Sige Roman, maghihintay ako."
Gigil niyang pinatay ang tawag at tinawagan ang anak.
"Yes dad?"
"Puntahan mo ang condo ng apo ni Jaime si Villareal ang nandoon."
"What? Si Acuesta raw dad!"
"Si Villareal 'yon dahil wala sa Zamboanga si Acuesta."
"Dad! Naka lock down paano siya nakalusot? Inuto na ka naman ng hayop na Acuesta na 'yan!"
"Inabutan siya ng lock down sa Pagadian."
"Dad nakausap niya si Isabel? Walang ibang nakakaalam tungkol doon kundi si Acuesta bakit ba ayaw ninyong maniwala?"
"Pero wala kang patunay na si Acuesta nga ang nagsabi sa kanya?"
Hindi ito nakaimik.
"Sige na puntahan mo na si Villareal!"
Pinatay niya ang linya.
Pabalik na siya sa sofa nang tumunog ulit ang kanyang cellphone.
Nang tingnan niya kung sino ay hindi naka rehistro ang numero gano'n pa man ay sinagot niya.
"Who's this?"
"Roman Delavega?"
Boses ng isang lalake 'yon ngunit hindi niya kilala.
"Sino 'to?"
"Raven Tan."
Napatayo siya nang tuwid dahil hindi niya alam ang pakay nito.
"Ako nga si Roman anong kailangan mo?"
"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko. Hinahanap mo si Villareal hindi ba? Nakita ko siya sa condo ni Ellah Lopez."
Nagtiim ang kanyang bagang.
Napatunayan na ngang si Villareal ang naroon.
"Bakit mo sinasabi 'yan anong kailangan mo?"
"Dalhin mo si Ellah Lopez sa akin at ang kapalit...ibibigay ko sa'yo si Villareal."
Dahil sa narinig ay napangisi ang senior.
"Sigurado ka bang maibibigay mo si Villareal sa akin ha Raven Tan?" may diin niyang saad upang masukat ang kakayanan ng kausap.
"Madali siyang kuhanin dahil alam ko kung saan siya nakatira. Si Ellah ang pagtuunan ninyo."
"Madali lang 'yan alam ko kung saan nakatira ang babaeng 'yon."
"Roman, wala na siya sa condominium."
"A-ano? Paanong?"
"Pinabalikan ko siya sa mga tauhan ko pero wala na roon. May isang lugar na pwede niyang kinaroroonan ngayon."
"Saan?" sabik niyang usisa.
"Sa mansyon ng mga Lopez."
Natigilan siya sa narinig at humigpit ang pagkakahawak sa cellphone.
"Ano Roman natahimik ka? Akala ko ba kaya mo?"
"Teretoryo ng kalaban 'yon, para makuha ang apo niya kailangang ng madugong labanan diyan."
"Kapalit naman si Villareal ayaw mo ba?" Nasa tono ng kausap ang pang-eenganyo.
"Sigurado ka ba talagang si Villareal ang nakita mo?"
"Sigurado dahil si Acuesta at Villareal ay iisa!"
Tumahip ang kanyang dibdib gayun pa man ay mariin siyang umiling.
"Hindi totoo 'yan. Magkaibang tao sila."
"Ano? Nagpapatawa ka ba Roman? Tinakasan ni Villareal ang manager ng condo dahil takot ito sa awtoridad. Kung hindi siya si Villareal hindi siya tatakas! "
Mas tumindi ang pagtahip ng kanyang dibdib.
"Hindi... hindi totoo 'yan nasa Pagadian si Acuesta!"
Humalakhak ang kausap na mas lalong nagpaigting ng kanyang galit.
"Sino ba ang tarantadong nang-uto sa'yo Roman? Sa bibig mismo ni Ellah ko narinig.
Nalinlang nga tayo ng gagong 'yon pero hindi na ngayon.
Wanted na siya at pinaghahanap ng batas!"
Muntik na niyang mabitiwan ang cellphone sa narinig.
"A-anong sinabi mong narinig mo?"
"Nanggaling mismo kay Ellah. Umamin siya sa akin. Umamin siyang si Acuesta at Villareal ay iisa! Gusto mo ng katibayan? Pwes makinig kang mabuti Roman."
Saglit itong nawala sa linya hanggang sa may narinig siyang boses.
"Sabihin mo si Acuesta ba at Villareal ay iisa?"
"Totoo hindi ba! Kailan mo pa ako ginagago ha Ellah!"
"Ano naman ngayon kung totoo? Oo tama, iisa lang sila. Kaya ko siya hiniwalayan dahil nilinlang niya ako! Pinaniwala niya ako sa isang malaking pagpapanggap! Ikaw ang pinili ko Raven at hindi siya!"
Sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang nabitiwan ang aparato.
Sigurado siyang ang tinig na 'yon ay pagmamay-ari ng apo ng kalaban!
Nanginig ang kanyang buong kalamnan at tumalim ng husto ang tingin sa kawalan.
Nanghihinang napaluhod ang senior na tila naubusan ng lakas.
Hanggang sa tuluyang kumawala ang kanyang kinikimkim na poot at nanangis na sumigaw.
"AAAAHHH VILLAREAAAAAALLLL!"