Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 93 - Chapter 93-The Informant

Chapter 93 - Chapter 93-The Informant

Magaling!"

Matapos ang usapan ay hinarap sila ng senior.

Inihanda niya ang sarili sa madugong labanan kung sakali.

"Bumalik na tayo ngayon din."

Napalunok siya.

"Bakit Roman? May problema ba?"

Hinarap siya nito.

"May balita na tungkol sa nawawala mong pinsang si Villareal.

Hindi ba napopoot ka rin sa kanya?

Pagkakataon mo ng gumanti. Sa oras na makita ko ang hayop na 'yon dudurugin ko siya ng pinong-pino!"

Napalunok siya at nakahinga ng maluwag.

Wala pang binanggit si Isabel.

Wala pa.

Napapikit ang binata.

Habang pabalik sila sa mansyon ay tumahimik na siya ng husto bagay na ikinapagtaka ng kasama.

"May problema ba hijo?"

"I'm just thinking Roman. Saan nakakuha ng ganyang impormasyon ang anak mo?"

Tumawa ang kausap. "Magugulat ka, sa isang dating kakampi ng kalaban na ngayon ay kakampi na natin." Dumilim ang anyo nito.

" Tuso nga lang ang babaeng 'yon dahil ang kapalit ng impormasyon ay isang bilyon."

Tumiim ang kanyang bagang. 

'Kung gano'n isang bilyon ang halaga ko? Hayop ka Isabel!' 

"Magaling! Siguraduhin niyo lang na tama ang impormasyong makukuha ninyo. Kapag alam niyo na kung saan ang Villareal na 'yon..." hinarap niya ang senior. "Ipaalam mo agad sa akin, ako mismo ang papatay sa hayop na 'yon!" singhal niya sa kausap.

Humalakhak si Roman. "Easy man, easy," tinapik-tapik nito ang kanyang balikat.

Ngumisi siya kahit na hindi pa tuluyang napanatag. 

Hanggat narito pa siya sa teretoryo ng kalaban ay walang puwang ang kapanatagan.

Bawat oras, minuto o segundo ay posibleng magsasalita si Isabel.

"Isang bilyon kapalit ng impormasyon? Masyadong malaki 'yan Roman, gawin mong isang milyon."

Sa kanyang pagtataka ay humagalpak ng tawa ang kasama. "Nakakatawa naman 'yan, mula sa bilyon naging milyon?"

"Mura lang ang buhay ng Villareal na 'yon, isang pipitsuging pulis na ngayon ay takas sa batas, masyadong maswerte kung isang bilyon ang halaga ng buhay niya."

"Hmm, tama ka pero baka hindi papayag ang impormante sa sinabi mo?"

Nilingon niya ito at pinormalan ang mukha. "Roman, ang taong gipit kahit magkano ang ibigay mo tatanggapin. Gipit siya ngayon lalo na at Lopez ang kinalaban niya."

Tumango-tango ito bago ngumiti. "Bilib na ako sa'yo Acuesta, hindi ko naisip ang bagay na 'yan ah?"

Ngumiti rin siya.

"Talagang hindi ako nagkamali na maging kaibigan ka.

Tumalim ang tingin niya sa kawalan. 'Hindi ka  tatanggap ng isang bilyon Isabel, masyado kang maswerte para magkaroon ng gano'n kalaking halaga.'

"We're here!" anunsiyo ng senior.

Nasa loob na sila ng mansyon.

Unti-unti na siyang nakahinga ng maluwag.

Naghiwalay na sila ni senior Roman at pasimply siyang nag text kay Warren.

Magkita tayo mamaya sasabihin ko kung saan. Magpapaalam ka lang.

Saglit lang nakatanggap siya ng reply.

W:  

Opo sir.

Binalikan siya ni Roman Delavega at ipinatong ang kamay sa kanyang balikat.

"Ngayong nakita mo na ang totoong kabuhayan ko inaasahan ko ang patuloy nating pagkakaibigan, maipapangako mo ba 'yon Acuesta?" 

Tumiim ang kanyang bagang na humarap dito. "Of course Roman, trust me." 

Pagkaalis sa bahay ng mga Delavega ay dumeretso siya sa pagkikitaan nila ng tauhan.

Isang bar 'yon na tahimik na dahil kukunti na lang ang mga tao madaling araw na mag-aalas dos na.

Suot ang itim na sumbrero upang matakpan ang mukha ay nagkakape siya habang naghihintay.

Dumating si Warren at agad siyang nilapitan.

"Sir Gian," umupo ito sa harap at inabutan niya ng kape. "Sir natakot ako kanina ah? Akala ko hindi na tayo makakaligtas dooon!" Humigop ito ng kape.

"Mabuti nakapunta ka nagpaalam ka ba?"

"Hindi po, tumakas lang ako kaya babalik ako agad bago pa nila malamang wala ako roon."

Tumiim ang kanyang bagang. "Warren, ang nangyari kanina ay huli na, magpaalam ka na kay Roman."

"Hindi kaya sila magtataka sir? Ngayon pang malapit na ang pinakamalaking transaksyon?"

"Gumawa ka ng paraan diyan ka naman magaling ang mahalaga makaalis ka na ngayong araw huwag mo ng paabutin ng bukas. Bilang ang oras natin dahil sa ginawa ni Isabel. 

Kung sakali mang hindi sila maniniwala sa'yo kailangan mong magsakripisyo."

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Kilala mo ang kalaban hindi mo sila madadala sa pagkukunwari kaya totohanin mo."

Kumunot ang noo nito.

"Barilin mo ang sarili mo at siguradong ipapaospital ka niya saka ka gumawa ng paraan para makaalis sa poder nila. Isang linggo ang planong pagpapabagsak sa kalaban, sa panahong 'yon magaling ka na."

Umawang ang bibig nito tanda na hindi makapaniwala sa narinig.

"Do you get what I mean Warren?"

"Y-yes sir." Tumango ito kahit labag sa kalooban.

"Kapag nakaalis ka na, itapon mo ang lahat ng gamit mong may kinalaman sa akin at sa kalaban naiintindihan mo?"

"Opo sir, salamat."

"I delete mo na rin pala ang lahat ng napag-usapan natin pati ang contact mo sa 'kin at kay Isabel. Lahat ng may koneksyon sa akin."

Mabilis  nitong sinunod ang utos ng binata.

"Huwag pala kay mang Roger, kailangan ko pa rin ng ng impormasyon."

Ito na rin ang huli nating pagkikita Warren, kaya sundin mo ang sinasabi ko para hindi ka mapahamak."

"Sandali, paano ang misyon?"

"Ako ng bahala roon."

"Sir, gusto kong kasali ako sa tagumpay mo."

"Warren, wala ka ng maitutulong pa, kapag nagtagal ka pa ikakapahamak mo na, naiintindihan mo ba?" 

"Pero sir misyon din namin 'to hindi lang sa'yo!"

Napikon na siya sa kakulitan ng kausap kaya na kwelyuhan niya ito habang mariing nakatitig sa mga mata. 

"Mamamatay ka! Hindi mo ba nakukuha? Bukas na bukas din ay aalis ka na sa teretoryo ng kalaban naiintindihan mo ba ha Warren?"

Tumango ito ng marahan.

"Wala ng mas mahalaga pa sa buhay ng tao, kahit ano pa 'yan! Bahagi ka na rin ng planong ito kapag nagtagumpay bahagi ka rin kaya huwag mong isiping pag-alis mo ay kakalimutan ka na hindi mangyayari 'yon."

"S-salamat po sir."

Binitiwan niya ito at umayos ng upo.

"Mag-iingat ka, kapag nakaalis ka na roon huwag ka ng magpapakita pa hanggat hindi naibabagsak ang kalaban."

"Opo sir."

"Bibigyan kita ng pang bagong buhay, bukas matatanggap mo ang pera sa bank account mo."

"Talaga? Maraming salamat sir."

Tumango siya. "Makakaalis ka na."

"Hangad ko ang tagumpay ninyo!"

"Salamat."

Humigpo siya ng kape at hinintay ang pag-alis nito ngunit nanatili pa ring nakatayo sa kanyang harapan.

"May kailangan ka pa?"

"Sir Gian, pwede bang..."

Umarko ang kanyang kilay sa pag-aalangan nito. "What? Spill it."

Sa halip na sumagot ay nilapitan siya nito at napaigtad siya nang kabigin nito at yakapin.

Ilang sandali siyang hindi nakakilos sa ginawa ng tauhan. 

Kumalas ito at yumukod sa kanyang harapan. "Maraming salamat po sa lahat sir Gian. Hangad ko po ang inyong tagumpay."

Tumango siya at saka ito tumalikod.

Nasundan niya ng tingin ang tauhan.

Nagtataka siya sa kakaibang ikinikilos nito at sa totoo lang bigla siyang kinilabutan. 

Hindi 'yong kilabot dahil sa kapwa lalake ito kundi ibang pakiramdam.

Kakaibang kilabot.

Ipinilig niya ang ulo para maiwaglit ang naiisip bago umalis sa naturang lugar.

---

Mahimbing na natutulog si senior Roman sa kanyang rest house.

Hindi siya natulog sa mansyon dahil mas sanay siya sa lugar na ito, tahimik at walang nakakaalam maliban sa mga taong pinagkakatiwalaan.

Nang biglang makarinig ng putok ng baril.

"HAH!" Nagulantang siya at napabangon.

Nagkagulo ang lahat ng mga tauhan.

Nagmadali siya sa pagtungo sa sala.

May pinalilibutan ang kanyang mga tauhan.

"Anong nangyari?"

Humawi ang mga tauhan kaya nakita niya ang pinalibutan.

Ang kanyang kanang-kamay ay hawak ang tagiliran habang tumatagas ang dugo.

"Warren anong nangyari sa'yo?"  

"S-Senior nakalabit ko ang baril habang nililinis tumama sa tagiliran ko," daing nito at ngumingiwi ang mukha.

"Ano pang hinihintay niyo! Dalhin siya sa ospital!" utos niya sa mga tauhan.

"Opo senior!"

Agad tumalima ang mga inutusan. 

Patalikod na siya nang may magsalita mula sa likuran.

"Senior naniniwala ba kayo sa kanya?"

Dahil doon ay muli siyang lumingon nang nakakunot ang noo.

"Anong ibig mong sabihin?"

Napalingon din si Warren sa nagsalita.

"Madalas ko siyang nahuhuling may kausap sa cellphone doon sa likod sa may exit. Kahina-hinala ang kanyang kilos bukod pa roon hindi basta makakalabit ng magaling ninyong kanang-kamay ang baril nang walang dahilan."

Sa pagkakataong ito ay natuon ang kanyang tingin sa kanang-kamay.

Ngayon lang niya naisip na hindi pa ito nagkakamali ngayon lang.

"Sinong kinakausap mo?"

"Senior, ang totoo ang kasintahan ko ho 'yon."

Tumango siya.

"Nagsisinungaling siya senior, dinig ko ang binanggit niya ay sir."

"Tatay 'yon ng girlfriend ko."

"Sinungaling! Senior bakit hindi niyo tingnan ang cellphone niya? Siguradong malalaman ninyong traydor 'yan!" dinuro nito ang kanang kamya na ngayon ay tumalim ang tingin sa nagsumbong.

Aksidenteng nabaril, may kausap sa likuran, mga gawain ng isang kalaban.

Nagtagis ang kanyang bagang. "Ibigay mo ang cellphone mo," matigas niyang utos.

Hinintay niyang pumalag ang tauhan ngunit tahimik nitong ibinigay ang cellphone sa kanya.

"Buksan niyo!"

Lumapit ang tauhang nagsumbong sa kanya at agad sinunod ang kanyang utos.

Hinintay niyang may makita ito roon.

"Senior, iisang contact lang ang nandito at letter R."

"R?"  Pumikit siya at mataman siyang nag-isip kung sino ang R na kakilala niya, nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang tao.

Sa pagkagulat ng lahat ay hinablot niya ang baril sa katabing tauhan at itinutok sa kanang-kamay.

Wala man lang bakas na takot sa mukha nito.

"Si Acuesta ba ang kausap mo!"

Nagdidilim ang kanyang anyo samantalang ang tauhan ay kalmado lang.

"Hindi senior, kaibigan ko 'yan."

"Tawagan ninyo!" Mabilis sinunod ang kanyang utos at dahil naka loud speak ito naririnig niyang nag ri-ring lang.

Sa ilang sandali nais niyang isipin na hindi siya inahas ng tauhan.

Sumagot ang nasa kabilang linya at nakinig.

"Warren mabuti napatawag ka si Isabel nagtraydor galit na galit si don Jaime! Ikaw diyan kumusta na?"

Nagngangalit ang mga bagang ng senior habang nakikinig. Kumpirmado ngang isa itong taksil!

"Mag-iingat ka diyan ha-"

"AAAHHHH!" Iyong paghablot niya sa aparato ay kasabay ng pagbato sa sahig, sa tindi ng lakas ay nagkahiwalay ang mga parte nito.

Tumahimik ang buong kabahayan. 

Napapalunok na ang tauhan.

Buong bangis na itinutok niya ang baril sa ulo ng kanang-kamay.

"Pinagkakatiwalaan kita hayop ka!" Halos manginig ang kanyang kamay sa pagkakatutok ng baril dito.  Inaamin niyang nasasaktan siya sa ginawa ng pinagkakatiwalaang tauhan. "Halos sampung taon tayong magkasama itinuring na kitang pamilya!"

Yumuko lamang ang kausap at hinayaan ng tumulo ang dugo mula sa tagiliran nito.

"Bakit nagawa mo akong traydurin? Bakit!" Ipinutok niya ang baril sa kawalan, nagsipag-atrasan ang mga tauhan. "Sa lahat ng pwedeng maging kalaban sa mga Lopez pa talaga na mortal kong kaaway!" 

Nanatiling nakayuko ang tauhan.

"BAKIT!" Dumagundong sa apat na sulok ng silid ang kanyang tinig. 

"Kulang pa ang buhay mo sa ginawa mo sa pamilya ko."

Nabaghan siya sa narinig. Wala siyang alam sa sinasabi nito.

"Nawala ang lahat sa akin, kabuhayan namin, at pamilya ko nang dahil 'yon sa'yo!" Kumuyom ang mga kamay nito habang nanatiling nakaluhod.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"

"Noong una akala ko ang mga Lopez ang may kagagawan sa pagkamkam ng mga lupa namin, ikaw pala. Ikaw ang dahilan ng lahat! Kung mamamatay ka man ikararangal ko 'yon Delavega!" Hiinarap siya nito nang may matalim na tingin.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin at muli itong tinutukan ng baril sa ulo.

Unti-unti niyang kinalabit ang gatilyo. "Walang utang na loob!"

"Mamamatay man ako hindi ko pinagsisihan na minsan sa buhay ko nakagawa ako ng tama. At iyon ay ang pababagsakin ka!"

"Napakahayop mo!"

Pumutok ang baril at agad humandusay ang kanang-kamay.

Nagitla ang senior at lumingon sa likuran ganoon na lang ang kanyang takot nang makita kung sino ang bumaril. 

"XANDER!"

Inulit ng inulit ng anak ang pagbabaril sa tauhan at wala siyang nagawa upang mapigilan ito.

Nangisay ang tauhan at binawian ng buhay. 

"BAKIT MO GINAWA 'YON!"

Initsa ni Xander ang baril sa sahig. "Ang mga taong ganyan ay hindi na dapat binubuhay pa."

Humagkis ang kanyang tingin sa wala ng buhay na tauhan.

Hindi pa rin makapaniwala ang senior na ginawa ng kanang-kamay ang ganoon sa kanya.

Napakasakit na ang pinagkakatiwalaan nito ay ang mortal niyang kalaban. Bukod pa roon sinira nito ang kanyang tiwala, bumalik sa kanya ang kanyang ginawa kay Jaime Lopez noon kay Alex.

Gano'n pa man ay hindi niya itatangging nasasaktan siya at nagsisisi na hindi agad nalaman ang tungkol sa kanang-kamay, siguro kung nalaman niya noon agad mapipigilan niya ang nangyari.

Marahang kumilos ang kanyang mga paa patungo sa kinaroroonan ng tauhan.

Kung dati pinalilinis niya agad at iniiwan ngayon ay nilapitan niya ito at marahang hinaplos ang talukap ng tauhan upang tuluyang pumikit.

"Demonyo ka  Jaime Pagbabayaran mo ang lahat!" isinigaw ng senior ang sakit at pait na nararamdaman.

---

Taas ang noo ni Isabel kinabukasan habang nakaabang sa pagbubukas ng isang attache case.

Nasa isang restaurant sila sa silid ng VIP na tanging sila lamang ng anak ni Roman at ng mga tauhan nito ang naroon.

Tuluyan itong bumukas ang tumambad ang laman. Namilog ang kanyang mga mata sa nakita.

Hitik sa kwarta ang lalagyan at mukhang napakabango.

Isang bilyon ba naman ang laman.

Napalunok siya at akmang hihimasin ang pera nang biglang itiklop ng kung sino ang attache case.

Pag-angat niya si Xander pala.

Sa kanyang pagtataka ay tumalim ang tingin nito sa kanya.

"Pamilyar ka sa akin, hindi ba ikaw ang fiancée ni Acuesta?" nagtatagis ang bagang na tanong nito.

Napalunok siya at umilap ang tingin.

Saglit siyang na blangko habang kinakabahan ng husto.

Malalaman nitong magkasabwat sila ni Acuesta at matutuklasan ng mga itong iisa si Villareal at Acuesta kahit hindi pa man niya sabihin.

Kapag nagkataon mapupurnada ang pera.

"Oo ako nga."

Dahil sa kanyang tugon ay naghinala na ang itsura nito kay dinugtungan niya ang sinabi.

"Pero hindi na ngayon, iniwan niya ako kaya galit na galit ako sa kanya."

"Niloloko mo ba ako babae?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon. Alam kong galit siya sa pinsan niyang si Villareal at hindi pa niya ito nahahanap pero ako nalaman ko at sa inyo ko sinabi para makaganti."

"Sinungaling! Magkasabwat kayo ni Warren! Tauhan siya ni don Jaime! At ikaw..." nahigit niya ang hininga nang idiin nito ang dulo ng baril sa kanyang ulo. Ramdam niya ang lamig ng bagay na 'yon. "Tauhan ka rin!"

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong natuklasan na ng mga ito ang tungkol kay Warren.

"Anong ginawa ninyo sa kanya?" pinakalma niya ang tono ng pananalita.

"Wala na siya, sampung bala ang tumama sa kanya pero ikaw..." inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga at kinilabutan siya " higit pa roon kapag nalaman kong inuuto mo ako."

"Hindi ako kalaban, at hindi ako tauhan ng kahit sino. Magkasama kami pero nagtraydro siya at kumampi sa mga Lopez pero ako hindi, sa inyo ako kumampi."

Tumiim ang bagang ng anak ni Roman tinatantiya nito ang narinig. 

"Kung gano'n magkasabwat nga kayo ng hayop na 'yon para pabagsakin kami hindi ba! Pero dahil pinatay na namin ang kasamahan mo bumaligtad ka na! Mautak ka rin pero hindi mo ako maiisahan! Dakpin siya!"

Agad siyang hinawakan ng mga tauhan sa magkabilang braso at itinayo.

"Hindi ako kalaban! Dahil kung kalaban ako hindi ko kayo bibigyan ng impormasyon tungkol kay Villareal. Alam ko rin ang tungkol sa sitwasyon ninyo."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bilang na ang mga araw ninyong mag-ama. At alam ko kung sino ang may pakana."

"Huwag mong sabihing si Villareal?"

Nilingon niya ito at tinitigan sa mga mata. "Hindi, dahil si Jaime Lopez ang may kagagawan ng lahat. At alam ko kung ano ang plano nila. Kung papatayin niyo ako hindi niyo na malalaman ang kanilang pinaplano."

"Paano mo nalaman ang tungkol kay Villareal? Sino ka ba?"

"Sasabihin ko kapag ibibigay mo ang pera. Alam ko kung saan siya matatagpuan at wala pang alam si Jaime Lopez sa inyo ko lang sinabi."

"Kung gano'n saan ko siya matatagpuan?"

Lihim na napangiti si Isabel.

Hawak na niya ngayon ang sitwasyon.

Itinaas niya ang noo kapagkuwan.

"Ibigay ninyo ang pera at sasabihin ko," matigas niyang tugon.

Sinenyasan ni Xander ang tauhan na muling buksan ang sisidlan at sinunod nito.

"That's all yours, now tell me."

Huminga siya ng malalim bago ito hinarap.

"Sasabihin ko bago lumipad ng ibang bansa."

"Anong sinabi mo!" Ibinagsak ng kausap ang baril sa mesa na siyang ikinaigtad niya.

"Natatakot ka bang kukuhanan ko lang kayo ng pera at sisibat na? May nakakatakas ba sa mga kamay ng isang Delavega?"

Tumahimik ito kaya nagpatuloy siya. "Hindi ako tatakas kaya payagan niyo akong makapaghanda palipad ng ibang bansa, pagkatapos no'n malalaman ninyo ang lahat. " Sinalubong niya ang matalim na tingin ng anak ng kalaban. "Ang lahat-lahat."

"Pakawalan siya!"

Inayos niya ang pagkakatayo nang bitiwan siya ng mga tauhan. 

"Bago matapos ang linggong ito malalaman ninyo." 

Bitbit ang attache case ay tumalikod siya.

"Sandali!"

Natigilan si Isabel at huminto sa paghakbang. 

Narinig niya ang pagkasa ng baril mula sa likuran napapikit siya sa takot.

"Sabihin mo si Villareal at Acuesta ay iisa lang hindi ba?"

Nilingon niya ang lalake at lihim na sinalakay ng takot nang nakatutok na naman ang baril sa kanya.

"Hindi," tugon niyang nakatitig sa mga mata ni Xander Delavega. "Dahil kung iisa lang sila dapat sinabi ko ng si Acuesta ang kalaban. Gusto kong pabagsakin ninyo ang mga Lopez patayin niyo sila! Gusto ko ring magpasalamat sa pagligtas niyo sa akin. "Yumuko siya rito.

Bumaba ang baril ng kaharap kaya tumalikod siya at tuluyang lumabas bitbit ang isang bilyong piso.

Nang makalayo sakay ng taxi ay saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag.

'Hindi pa kita ilalaglag ngayon Villareal hintayin mo kapag nakalipad ako ng ibang bansa. Mamamatay kayong lahat!'

Nasa malalim na pag-iisip si Isabel nang tumunog ang kanyang cellphone at hindi kilala ang numero ng tumatawag.

"Sino 'to?"

"Hayop ka Isabel! Akala mo ba matatakasan mo ako!"

Napangisi siya . "Ikaw ba ito Jaime Lopez? O bakit? Namamatay ka na ba sa galit ngayong nakalaya ako?"

"Ikaw ang mamamatay kapag tinuluyan ko itong ama mo!"

Nagitla siya at dumagundong ang kaba sa dibdib.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Demonyo ka, sa oras na ilalaglag mo si Gian hindi ako mangingiming tapusin ang pinakamamahal mong ama!"

"B-buhay si tatay? Nasaan siya gusto ko siyang makausap!"

Binaha ng ligaya si Isabel sa nalaman.

"Pagbibigyan kita  kaya huwag mong sagarin ang pisi ko at ito na ang huli ninyong pag-uusap!"

Tumahimik siya at sabik na sabik na marinig ang ama. 

"H-hello Isabel anak?"

"TAY!" agad dumaloy ang luha sa kanyang pisngi. "Tay..."

"Anak nasaan ka ba? Pakiusap tigilan mo na ang ginagawa mo kung ano man 'yan."

"Opo! Opo tay! Mag-iingat po-" nawala ang kausap. "Hello!"

"Narinig mo na hindi ba? Kung gusto mong makitang buhay pa ang ama mo magpakita ka sa akin."

Mariin siyang napalunok. Makakaligtas na siya ngunit mukhang hindi na 'yon mangyayari.

"Huwag niyong saktan ang ama ko kung ayaw ninyong ilalantad ko kayo sa mortal ninyong kalaban!" 

"Subukan mo lang!" 

Napaupo siya nang tuwid ng ibang boses na ang narinig.

"Hindi mo kami matatakot Isabel hawak namin ang ama mo. Kapag ipaalam mo sa kalaban ang plano namin katapusan niyo na! Ako mismo ang papatay sa'yo!" 

Sinagilahan siya ng takot at pinatay ang linya. 

"Hayop ka Gian! Hayop!" Ibinato niya sa upuan ng taxi ang cellphone. 

Wala siyang magagawa upang maitakas ang ama sa kamay ng kalaban lalo pa kung nasa mansyon na ito ng mga Lopez.

Suicide ang gagawin niya kapag itatakas niya ang ama.

"AAAH MGA HAYOP!" Sinipa niya ang upuan na ikinaigtad ng tsuper.

Tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha. 

Pagdating ng hotel na tinitirhan ay nakapagdesisyon siya.

---

"Gian hindi na kaya tayo ilalaglag ni Isabel?" 

Nilingon niya si don Jaime, nasa terasa sila ng don at silang dalawa lamang ang naroon, ibinalik na sa silid ang ama ni Isabel.

"Kahit ilaglag pa niya tayo wala ng kawala ang kalaban. Nakausap ko na ang pinsan kong may koneksyon sa interpol ng Beijing anumang oras handa na sila."

"Magaling Gian, handa rin ako, lahat gagawin ko mapabagsak lang ang kalaban."

Nagtiim ang kanyang bagang. Kung bilang na ang mga oras ng kalaban gano'n din sila.

"Don Jaime, tatawagan ko si Warren."

"Warren?"

"Espiya natin," mariin niyang tugon.

Nagliwanag ang mukha ng don. "Talaga? May espiya ka roon?"

Tumango siya at hinintay ang sagot ng kabilang linya. 

Ilang sandali pa hindi na ito makontak.

"Ano?" sabik na usisa ng don.

Kinabahan na siya nang hindi pa rin makontak ang tauhan.

"Hindi siya makontak."

"Baka nagpalit ng numero?"

"Don Jaime nasaan si mang Roger?"

"Ha? Nag leave may sakit daw ang asawa."

Hinarap niya ang don. 

"Malakas ang kutob kong may masamang nangyari kay Warren."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Don Jaime!"

Sabay silang napalingon sa tumawag. Humahangos ang dumating at dumeretso sa kanila.

"Roger akala ko ba bukas ka pa babalik?"

"Gian, wala na si Warren, pinatay siya!" 

Nalaglag ang cellphone na hawak niya.

May iniabot itong cellphone sa kanya. "Tingnan ninyo."

Hinablot niya at pinanood ang video.  Nakahandusay ang kamukha ng tauhan sa isang madilim na eskinita at naliligo ng dugo.

"Natagpuang patay ang isang lalaking-"

"Hayop!" Nanginig ang mga kamay niyang nakakuyom ng husto. "Pero alam kong walang nakuhang impormasyon ang kalaban kaya pinatay na lang."

"K-kaninang madaling araw tumawag sa akin si Warren pero hindi siya ang nakausap ko kundi si Roman dahil sumigaw siya bago nawala ang linya. Sigurado akong alam na nila ang tungkol kay Warren!"

Kumuyom ng husto ang kanyang kamay.

"P-pero ang ikinatatakot ko..." hindi nito itinuloy ang sinasabi kaya napalingon sila rito.

Yumuko ang matanda. "Ang kinatatakot ko ay nalaman nila ang tungkol kay don Jaime at Isabel."

"Ano? Paano nangyari 'yon!" bulyaw na ng don.

"D-don Jaime, hindi ko ho sinasadya, akala ko si Warren ang kausap ko ibinalita ko sa kanya ang ginawa ni Isabel a-at sinabi kong galit na galit po kayo."

" PUNYETA!"

"Kung gano'n tinapos nila si Warren dahil sa nalaman mula sa 'yo," mariin ang bawat bigkas niya sa mga salita.

"Patawad Gian! Hindi ko sinasadya don Jaime parang awa mo na patawarin mo ako."

"Wala ka bang binanggit tungkol sa plano?"

"Wala, wala akong sinabi basta kinumusta ko lang siya at binalitaan!" tarantang paliwanag nito.

Mariin niyang naipikit ang mga mata. 

May nagsakripisyo na ng buhay dahil sa kanya. 

Marami ang nakapaligid na kakampi na posibleng idadamay rin.

"Gian anong gagawin natin?" tanong ng don.

Nagngangalit ang mga pangang tumingin siya sa kawalan.

"Tuloy ang nasimulan, mas mag-iingat tayo lalo na ngayong alam na ng kalaban at ang pagbaligtad ni Isabel. Pero walang makakahadlang sa plano. Kahit anong mangyari kailangang magtagumpay tayo!"

"Gian paano kung idamay nila si Ellah? Natatakot ako lalo na't wala sa poder ko ang apo kong 'yon."

"Gagawa ako ng paraan don Jaime, ibabalik ko siya rito."

---

"MS. ELLAH!" 

Napaigtad siya sa sigaw ng sekretarya matapos ipaalam ang kanyang plano.

"Buo na ang desisyon ko Jen," mariin niyang tugon.

"Pero hindi pwede! Paano si sir Gian? Paano sa pagbabalik niya?"

"Wala na siyang babalikan," matigas niyang wika.

"Pero Ms.!"

"Sige na Jen, parating na ang bisita ko."

Atubiling sumunod ng utos ang sekretarya ngunit tumahimik na siya tandan na ayaw na niyang makipag-usap.

Ayaw na niyang mag-isip ng masasakit na ala-ala.

Ang pagtaksil , pagsisinungaling at paglilihim ng dating kasintahan ay pabalik-balik sa kanyang isipan.

Napopoot siya at nasusuklam ngunit hindi niya maaaring ipaalam ang tungkol kay Gian.

Isa pa sa kinagagalit niya ay ang abuelo na kasabwat ng dating kasintahan. Alam na ng mga ito pero siya wala man lang kaalam-alam!

Bumukas ang pinto ng opisina. Bumungad ang taong hinihintay niya.

"Raven!" sinalubong niya ng magaan na yakap ang lalake bago bumalik sa kinauupuan sa loob ng pribadong opisina.

"Whoa! Wait ano 'yon?" namamanghang turan ng lalake.

"Tatanungin kita ng deretso, may gusto ka pa ba sa akin?"

"H-ha?"

Tinitigan niya ito sa mga mata. "Gusto mo pa ba ako?"

"O-oo, I mean ofcourse! Kahit noon pa mang inereto ka sa akin ng lolo mo sayang at hindi natuloy ang pagkikita natin noon."

"Kagagawan 'yon ni Gian, at ako ang nag-utos."

Umawang ang bibig ng kaharap. 

"Ako ang nag-utos na pigilan ang nakatakda nating pagkikita pero hindi na ngayon. Wala ng hahadlang sa'yo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Marami ka ng nagawa para sa akin Raven, kaya sinasagot na kita."

"W-what?"

"Sinasagot na kita, binigyan na kita ng karapatang mahalin ako at saktan mo."

"Hindi kita sasaktan pangako 'yan!" Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit.

"Huwag kang mangako Raven, mas masasaktan lang ako."