Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 74 - Chapter 74 - The Game

Chapter 74 - Chapter 74 - The Game

Sa wakas natapos din ang kainan.

Gusto niya sanang mag banyo ulit kaya lang natatakot siyang baka maulit ang pagtatangka.

Hindi lang naman kasi retouch lang ang ipupunta niya ng banyo.

Naiihi na siya pinipigilan niya lang.

Nang mapansin niyang tumayo ang babae ni Acuesta ay tumayo rin siya.

Mabuti ng may kasama kaysa mag-isa.

"Samahan mo ako Ga, please?" dinig niyang pakiusap ng babae.

Ga?

Namait ang panlasa ni Ellah.

Ang sarap sabihin ng gano'n at ang sarap din sa pandinig.

Mga bisaya ang madalas nagsasabi no'n.

Siya kahit sa Zamboanga nakatira ay hindi marunong mag chavacano.

Mas marunong pa siya ng bisaya.

Tagalog ang pinagagamit ng kanyang lolo sa kanya maging ang kanyang mga magulang noon ay tagalog din.

Nakakaintindi lang siya ng kunti ng lengwahe sa Zamboanga.

"I can't busy ako, " tugon ng Rage na 'yon.

Naisip niya si Gian, kung si Gian ito wala itong reklamo pagdating sa kanya.

Hindi na namilit pa ang babae at lumakad na.

Sumunod siya rito.

Masyadong graceful maglakad si Isabel, tipong modelo ang dating.

Napapaisip tuloy siya kung paano nakilala nito ang isang Rage Acuesta?

Sa fashion show kaya? Sa party?

Tahimik ang pasilyo at tanging mga takong ng sapatos nila ng babae ang maririnig.

Napalingon si Isabel sa kanya.

"Are you following me?" mabigat ang tono na tanong nito.

Napakurap ang dalaga kung sasabihin niyang oo baka iba ang isipin nito.

"No," tipid niyang sagot.

Muli itong tumalikod at sumunod siya.

Dumeretso ito sa banyo pumasok din siya.

Naabutan niyang nag lalagay ng foundation sa mukha si Isabel sa harap ng salamin.

Siya naman ay pumasok sa cubicle para mag spray ng bibig at umihi na rin.

Nakagawian na niyang mag spray pagkatapos kumain at hindi makapag tooth brush.

Lumabas siya at nasa salamin pa rin ang babae, inaayos nito ang tuwid na buhok.

Naghugas siya ng kamay sa tabi nito.

Pagkuwan ay nagpahid ng kaunting lipstick sa labi at inayos ang naka bun na buhok.

Nang matapos ay pinanood niya ang paglalagay nito ng lipstick sa labi.

Mapula na ulit ang labi ng babae.

Hindi siya mahilig sa pula o sa mga dark color.

"Are you looking at me?" tikwas ang kilay na hinarap siya nito.

Nakakapagtaka na mabigat ang loob nito sa kanya.

"Yes," deretsong tugon niya.

"Why? Mind your own business will you?" mataray nitong wika.

Pagkakataon na niya.

"My business is you."

"What?" kumunot ang noo nito.

"How did you know Mr. Acuesta?"

"And why would I tell you?"

'Pa english si gaga.'

"Well if you don't, I will ask him directly. You know I can do that."

"Don't you dare! We are talking my fiancé here!"

"And you are talking to me! I know you know me lady! Every one knows about me I bet you too."

"I don't know you bitch! Who the hell are you?"

"I will be your greatest nightmare. I will haunt everything about you."

"Ano? Nagbabanta ka ba?"

"Ang nagbabanta ay nananakot, natakot ba kita?"

Hindi ito nakasagot.

Kapag sinabi nitong natakot ito ibig sabihin kaya niyang takutin pero kapag sinabi nitong hindi ito natakot ibig sabihin hindi siya nagbabanta.

Alin man ang isagot nito tagilid ang katwiran.

Tama lang na hindi ito sumagot.

'Gagang 'to hinamon ba ako?'

"Ngayon sabihin mo paano mo nakilala ang taong kamukhang-kamukha ng fiancé ko?"

"Anong sinasabi mo?"

Akmang tatalikod na ito.

"Huwag kang bastos! Ang ganda pa naman ng suot mo pero wala kang modo?"

Nilingon siya nito.

"Kung interesado ka sa fiancé ko pwes nagkakamali ka ng binangga!"

"Sabihin mo ang totoo! Si Gian 'yon hindi ba?" deneretso na niya.

Walang kapatid si Gian at kung kamag-anak nito ang Acuesta na' yon bakit iba ang pakiramdam niya?

"Ano? Wala akong pakialam sa lalaki mo!"

"Sa tono ng pananalita mo parang may itinatago ka malalaman ko rin 'yon at huwag kang magkakamali dahil sa oras na malaman ko ang totoo..." nilapitan niya ito at nagsukatan sila ng tingin, "...didistansya ka kung ayaw mong maambulansiya, bitch!" matigas niyang wika bago umalis.

Akala niya susunod ang babae pero hanggang sa makabalik siya ay hindi pa ito bumalik.

Napako sa kinatatayuan niya si Ellah nang makitang nag-iisa sa upuan si Rage Acuesta!

Ang tindi ng hatak ng presensiya nito sa mga kababaihan ngunit wala itong pakialam at nakatingin lang sa laptop.

Bahagya pa nitong inayos ang eyeglass.

Bagay na bagay dito ang naka brush up style na kulay asul na buhok.

Pinipigilan niya ang sarili na tumabi sa lalaki.

Titig na titig siya sa mukha nito na kahit naka suot pa ng eyeglass ay talagang si Gian.

Pero kung si Gian ito hindi ganito si Gian.

Umangat ang mukha nito at nilingon siya.

Muling nagtagpo ang kanilang tingin at kinabahan siya ng husto.

Mabilis siyang nagbawi ng tingin at naglakad.

Ngunit sa kanyang pagkataranta ay nasalabid ang kanyang paa.

"Aaayy!" napatili ang dalaga sa takot na matumba!

Ngunit natigilan siya nang hindi natuloy dahil may sumalo sa kanya.

Lalaki ito at nakahawak siya sa dibdib!

Umayos siya ng tayo at nakayukong humingi ng paumanhin.

"Sorry, sorry talaga hindi ko sinasadya."

"It's okay Ellah, mas maganda ng nasalo kita kaysa hindi."

Umangat ang kanyang tingin at nagtagpo ang tingin nila ni Raven Tan.

"Thank you."

Ngumiti ito.

"You're always welcome."

Wala na siyang masabi at yumuko na lang kaya umalis na ito.

Pag-angat ng kanyang mukha ay nasa harapan na niya ang isang Rage Acuesta na matalim ang tingin.

"Tanga na nga lampa pa," mariing wika nito saka umalis.

Umawang ang bibig ng dalaga sa narinig.

Agad umakyat sa kanyang ulo ang dugo ngunit malayo na ito.

Kumuyom ang kanyang kamay.

'Gagong tarantado! Makakaganti rin ako sa'yo!'

"Argh! Bakit ba ang malas ko?"

Naiinis na muli siyang bumalik sa kinauupuan.

'Hindi ganito si Gian. Hindi talaga si Gian ang gagong 'yon! '

"Ayos ka lang?" tanong ng don pagkaupo niya.

"Opo lolo."

Ilang sandali pa nakita niyang pabalik na ang lalaking abnormal na sa paningin niya.

Nilapitan ito ng mga babae.

Saka ngumiti ng husto habang nakikipagkamay sa mga babae.

Humalakhak pa ang gago!

'Argh! Para talagang si Gian.'

Inirapan niya ito kahit hindi naman nakatingin sa kanya.

"Lolo, bakit ba do'n ka sa Acuesta na 'yan nag invest? Hindi kaya malugi tayo diyan?' iritado niyang tanong.

" Hija, paano ka naman malulugi eh kabilang nga sa top 5 'yong tao? Tama lang 'yon. "

"Kaanu-ano ba niyan si Gian?" kunot ang noong nakatingin siya sa kinaroroonan nito na ngayon ay katabi na ang fiancée na nakangiti rin pero sa kanya ay mabigat ang mukha nito.

"Ang dinig ko pinsan daw sa ama ba o ina ewan ko."

Huminga ng malalim si Ellah.

Naaalala ng dalaga ang pagligtas nito kanina sa kanya.

Wala na siyang balak pang sabihin 'yon sa abuelo upang makaiwas sa pag-aalala.

"Nasaan na kaya si Gian lolo? Nakakainis isipin na hindi si Gian ang taong 'yan."

"Mabait 'yan hija."

"Wala akong pakialam, iba pa rin si Gian. Iba pa rin ang fiancé ko."

Hindi na kumibo ang don.

"Punta muna ako sa mga kaibigan ko hija."

"Sige po lolo."

Yumuko siya at nag cellphone na lang.

May text si Jen.

Jen:

Ms. Kumusta? Nag enjoy ka ba diyan?

Napalunok siya.

Paano kaya kung sabihin niyang nakita niya ang kamukha ni Gian?

Napailing ang dalaga.

Siguradong hindi siya titigilan ng kaibigan.

Nag reply siya.

I'm fine.

Napansin niyang parang may nakatingin sa kanya kaya inangat niya ang mukha at inalam kung sino 'yon.

Nakangiting Raven Tan ang sumalubong sa kanyang tingin.

Napangiti rin siya.

Rank 3 ito masama pa ba 'yon? Kung hindi lang niya masyadong mahal si Gian.

Nakita niyang papalapit ito sa kanya at hinayaan niyang tumabi sa kanya at umupo sa inuupuan ng abuelo.

Nasa kaliwang bahagi niya ito.

"Hi, hindi ka naki join sa iba pang mga girls?"

Nasamyo niya ang mamahalin nitong pabango.

Umiling siya.

"Not fond of it."

"Oo nga eh, talagang negosyo lang at trabaho ang hilig mo ano?"

"Yeah, my hobby, my favorite."

Humalakhak ang lalaki na ikinapagtaka niya.

Nawala ang mga mata ng intsik at ang cute lang.

Napangiti na rin siya.

"Me too, my hobby, my favorite."

Tumango-tango siya.

"Thank you sa pag invest sa amin."

"Thank you rin sa pag invest sa amin."

Ngumiti siya ulit bago tumingin sa harapan.

Saka naman nagsalubong ang tingin nila ni Rage Acuesta.

Sa pagkakataong ito nilabanan na niya ang matiim nitong titig sa kanya.

Akala niya maglalaban ang titig nila ngunit umiwas ito at nilipat sa katabi niya.

Nabalik ang tingin niya sa katabi.

"That guy really looks like your boyfriend right?"

Muli siyang napatingin sa Rage na 'yon na nakatingin na sa mga babaeng kausap.

Hindi siya makasagot dahil gumapang na naman ang matinding kalungkutan sa kanyang puso.

"At first akala ko si Villareal eh."

"Kilala mo siya?"

"Si Villareal? Yes. Lahat ng na iinvolve sa inyong mag-lolo ay kilala ng lipunan.

Everybody knows your love story sayang at hindi natuloy.

Maybe there's another guy meant for you. What do you think?"

Hindi sumagi sa kanyang isipan na may ibang lalaking nakalaan sa kanya.

Wala sa loob na napatingin na naman siya sa kinaroroonan ni Rage Acuesta.

Ngunit wala na ito roon kaya hinanap ng kanyang mga mata.

'Call me flirt but I can' t help it.'

Nakahinga siya ng maluwag nang makita ito sa kabilang parte kausap naman nito ang mga lalaki na, wala na rin si Isabel.

" That guy is Villareal's cousin. He could never be him. Magkaparehas lang sila ng mukha pero hindi 'yan ang boyfriend mo."

"Alam ko," sagot niyang nakatitig na kay Acuesta.

"So please stop looking at him, hindi siya si Gian."

Umawang ang bibig niya at napatingin kay Raven.

"Ibang tao 'yan. Atleast ako, ako talaga ito."

Nakuha niya agad ang punto ng kausap at saka pa lang siya parang natauhan at nahimasmasan.

Hindi na siya muli pang tumingin sa gawi ni Rage Acuesta at dito na lang kay Raven Tan.

Iyon ang punto nito, dapat dito lang siya nakatingin at hindi doon sa ibang tao na kamukha lang naman at pinsan ng kasintahan niya.

Ang kaso mas gusto niyang panoorin ang bawat galaw ng gagong Acuesta na 'yon kaysa sa matinong Raven Tan na ito.

"Bakit ka nga pala nandito? Nasaan ang kasama mo?"

"Oh, si Natalia? Just one of my friend, gusto niya raw makita ang club kaya isinama ko."

"Nasaan na siya ngayon?"

Nagkibit ito ng balikat.

"I don't know."

"Mr. Raven Tan, hindi mo dapat pinababayaan ang kasama mo lalo na at babae pa.

Ma out of place 'yon. Kung ako ang babae ay magtatampo ako sa' yo."

Ito naman ang umawang ang bibig.

"Oh there you are Raven!"

Napalingon sila sa tumawag.

Hindi siya nagkakamali isa ito sa mga babaeng nakausap ng Rage Acuesta na 'yon.

Palapit ang babaeng naka royal blue off shoulder gown, hindi naman masyadong buka ang tela na may mga palamuting silver.

Slim ito at matangkad, tindig modelo.

Tumayo si Raven at nilapitan ang babae.

" Ellah, this is Natalia, Nat, si Ellah, apo ni don Jaime."

Tumayo siya at magiliw na lunapit ang babae.

"Hi Ellah nice meeting you, " nakipagbeso ito na hindi niya inakala gano'n pa man ay nakipag beso na rin siya.

"Nice meeting you too," nakangiti niyang tugon.

"I've seen you before pero hindi sa personal. Lagi lang sa T.V. at tama nga sila super ganda mo, pwede kang maging model just like me!"

Nakikita niya ang kasiyahan ng babae at nakangiti siyang umiling.

"Thank you but I'm not fond of it, sorry."

"Yeah, trabaho ang hilig niya wala ng iba," sabad ni Raven.

Umiling na lang siya at wala ng masabi pa.

"Ah gano'n ba? Sayang naman. So, paano Ellah? Got to go?"

"Sure, thank you."

"Nice talking to you Ellah," ani Raven.

"Thank you."

Umalis na ito kasama ang babae.

Nakahinga siya ng maluwag.

at ibinalik niya ang tingin kay Rage Acuesta.

Sa kanyang pagkadismaya ay wala ito sa kinaroroonan kanina.

Hinanap niya ito sa lahat ng sulok ngunit hindi na niya nakita.

Wala rin si Isabel.

Agad gumuhit ang hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang dibdib.

Mabilis siyang umalis dahil nananakit na ang kanyang lalamunan at nag-iinit ang sulok ng mga mata.

Kaunti na lang at palaglag na.

Maiisip pa lang niyang hindi na makikita ang lalaki ay parang may punyal ng tumatarak sa kanyang puso.

Nakarating siya isang sulok ng hotel na walang tao.

Ngunit may mga gwardyang nakabantay sa hindi kalayuan.

Maliwanag doon ngunit siya lang mag-isa.

Tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha at hinayaan niya lang.

Kahit paano ay nakakapagpagaan ito ng kanyang damdamin.

Alam niyang isa lang siyang gaga na umiiyak sa wala pero hindi niya mapigilan.

Aaminin niyang parang gusto niyang laging nakikita ang lalaki kahit pa pinsan lang ito ng kasintahan niya.

Isang kabaliwan na ngayon lang nangyari sa kanya.

Nang mahimas-masan ay pinunasan niya ng panyo ang mga pisngi at inayos ang sarili.

Saka naman may nahagip ang kanyang mga mata ng tila may kuminang na kung ano kaya nilingon niya ito.

Gold pin pala 'yon sa kaliwang dibdib ng lalaki.

Kumalabog ang kanyang dibdib nang makilala ang lalaking papalapit.

Nag-iwas siya ng tingin at hindi alam kung saan dadaan na hindi makakasalubong ang lalaking 'yon.

Ayaw niya itong makita.

Naiirita siyang isipin na kasama nito ang kung sinu-sinong babae.

'Bahala na!'

Tumalikod siya at lumihis ng daan.

"And where are you going? Makikipag lampungan ka na naman ba sa ibang lalaki?" matigas ang tono ng paninita nito.

Natigil siya sa paghakbang at nilingon ang lalaking gago na sa paningin niya.

"Ikaw ang gumagawa no'n huwag mong ipasa sa akin," matigas niya ring tugon.

Nanigas siya nang humakbang pa ito palapit gustuhin man niyang umatras ay parang hindi na niya magagawa.

"I saw you with that Raven Tan ano ipinalit mo na ba siya sa boyfriend mo ha?" matalim ang tingin nito na akala mo may ginagawa siyang masama.

Ngayong nabanggit nito ang tungkol kay Gian ay pagkakataon na niyang malaman ang tungkol dito.

"Kahit kailan hindi ko siya naisip palitan.

Kahit minsan hindi siya nawala sa isipan ko.

Bawat araw inaasam ko na sana ay makita ko na siya paglabas ko ng opisina.

Bawat gabi inaasam ko na sana paggising ko ay nasa bahay na siya at naghihintay sa akin.

Walang oras, minuto o segundo na hindi ko minahal ang pinsan mo!

Kaya wala kang karapatang pagbintangan akong nakikipaglampungan sa iba dahil pinsan ka lang! " sigaw niya.

Hinarap na niya ito at sa kanyang pagtataka ay napapangiti lang habang nakakagat labi.

'Aba' y gago nga?'

" Nakangiti ka pa yata?" dineretso na niya ito.

Para namang natauhan ito at tumikhim saka sumeryoso.

" Good to hear ayokong malaman ng pinsan kong kinakaliwa mo na siya."

"Nasaan ba siya?"

Hindi ito nakasagot at umiwas ng tingin.

"Nawawala si Gian tapos lilitaw ka na pinsan niya pero wala ka man lang sinasabi kung nasaan ang kasintahan ko."

Alam niyang malabong isipin na baka ito nga si Gian at nagka amnesia lang.

"Hindi ko alam, hinahanap pa rin namin siya.

Nakipag coordinate na ako sa kaibigan niyang pulis."

"Si Vince?"

"You know him?"

"Of course, ang kaibigan ni Gian ay kaibigan ko rin."

"Good, but we're not close. Nabalitaan na lang naming nawawala siya, na wanted siya."

Nanlaki ang mga mata ni Ellah sa narinig.

"Ibig mong sabihin alam ninyo na wanted si Gian? Na pinaghahanap siya ng batas at ng sindikato?"

"Alam ko."

"Kung gano'n alam din ito ni don Manolo?"

Napansin niyang ito naman ang nagtaka.

"Paano mo nakilala si don Manolo?"

"Don Manolo? Lolo mo hindi ba? Ba't ganyan tawag mo?"

Muki itong tumikhim.

"We're not close."

"Black sheep ka pala?"

"Paano mo siya nakilala?"

"Nasa internet siya, sila ng mga apo niya at pamangkin pero ikaw hindi kita nakita doon."

"Because I'm a black sheep in the family."

Tumingin siya sa kawalan.

"Sana makita na siya. Kung nasaan man siya ngayon.

Siguradong hindi siya namatay dahil walang bangkay na nakita.

Isa pa mababa lang ang nahulugan ni Gian marami lang punong kahoy.

Nasunog pa ang Barangay Langon na pinaghulugan ni Gian kaya alam ko buhay siya.

Ayaw kong isipin na may amnesia siya at nakalimutan na ako.

Na may ibang babae na siya at hindi na ako kilala. "

"Hindi mangyayari 'yon, " matigas nitong tugon.

Napalingon siya.

"Kung hindi bakit hindi pa rin siya nagpapakita?

Ang kilala kong Gian ay hindi makakatiis na mawalay kami ng matagal."

"Babalik din siya."

"Kailan?"

"Hindi ko alam.

Sa oras na makita namin siya malalaman natin ang dahilan niya. Basta hanggat wala pa siya huwag na huwag kang pumapansin ng mga lalake.

Kahit sino pa 'yan ayaw niya," may diin ang huling sinabi nito.

Huminga ng malalim nag dalaga.

"Hindi kayo close ng pinsan mo pero kung makapagsalita ka ay parang kilalang-kilala mo naman?"

"Minsan ka na niyang nabanggit sa akin noong hindi pa siya nawawala.

Pakakasalan ka niya kapag natapos daw ang problema."

"Matatapos na lang ang problema wala pa siya."

Hindi ito sumagot.

"Hindi ko maisip na makikita ko na lang siya isang araw may iba ng kasama.

Kapag nangyari 'yon parang hindi ko alam ang gagawin.

Pero kung sa mga panahong mawala ang pag-ibig niya sa akin maluwag kong tatanggapin kung saan siya masaya."

Hindi na naman ito kumibo.

" Siguro panahon na para maghanap na rin ako ng iba-"

" Fuck it! Subukan mo lang! "

Natigagal si Ellah nang hablutin ng lalake ang braso niya at mahigpit na hinawakan.

" Ano ba! Bitiwan mo ako! " hiniklas niya ang braso ngunit hindi siya nakawala.

Naalarma siya sa mga matalim nitong tingin na halos magliyab sa galit.

" Subukan mo lang na maghanap ng iba Ellah. Subukan mo lang!"  singhal nito.

"Hoy Acuesta!" itinulak niya ito sa dibdib ngunit hindi man lang natinag.

"Pinsan ka lang ni Gian anong karapatan mong pagbantaan ako ha?"

"Mahal na mahal ka niya! Narinig mo! Mahal na mahal ka niya!" sigaw na nito.

"Bakit parang siguradong-sigurado ka naman?"

Binitiwan siya nito at tumalikod.

"Bumalik na tayo, mag-uumpisa na."

Nauna na itong humakbang.

"Alam mo ang gulo mo. Pinoproblema mo ang buhay pag-ibig ko bakit hindi na lang 'yong fiancée mo atupagin mo!"

"Huwag kang maghanap ng iba. Huwag na huwag mo siyang ipagpalit. Ni ang isipin ang bagay na' yan ay huwag na huwag mong gagawin!"

"Pakialam mo ba?" napupuno na siya sa usapan nila.

Hinarap siya nito.

"Pinsan ko siya! At ayaw ko siyang masaktan ng husto dahil lang sa lintek na pag-ibig na 'yan!"

"Hindi pa kayo close niyan 'di ba? Pero kung makapag-alala ka wagas!" pang-uuyam na niya.

"Shut up and come with me!" 

Napanganga siya nang hatakin siya nito sa kamay papasok ng conference hall.

Nakasunod ang dalaga habang magkahawak-kamay sila!

Rumagasa ang boltahe ng matinding sensasyong tila kuryente sa buong kalamnan niya sa paghawak pa lang nito sa kamay niya.

Alam niyang mali pero bakit pakiramdam niya tama?

Hatak siya nito habang nauuna ito sa paghakbang at nakasunod siya.

Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak.

Nakakapagtakang hindi siya tumutol sa ginagawa nito.

'Hindi ito si Gian Ellah! Hindi siya!'

Nang malapit na sila sa bungad ng conference hall ay bumagal ang kanyang paglalakad.

"R-Rage," alanganing tawag niya ngunit hindi nito pinansin.

Hinila niya ang kamay pabalik upang mabitiwan nito ngunit mas humigpit pa ang pagkahawak nito sa kamay niya.

"Bitiwan mo ako, baka may makakitang iba sa pinagagawa mo. May fiancée ka Mr. Acuesta baka nakalimutan mo?"

Sa halip na tumigil ay nagpatuloy lamang ito sa paglalakad habang hatak pa rin siya sa kamay.

Natatakot na siya papalapit na sila paano kung makikita sila ni Isabel? O ng iba pang tao?

"Ano ba? Mr. Acuesta naririnig mo ba ako ha?"

Hatak pa rin siya nito.

Nagagalit na siya at natatakot na.

"Ano ba!" hinila niya ng malakas ang kamay kaya nabitiwan nito.

"Hindi mo ba nakikitang malapit na tayo sa-"

Natigagal ang dalaga nang kabigin siya nito sa balikat at mahigpit na niyakap.

Tila huminto ang kanyang mundo at tanging ito na lang ang naramdaman niya.

"Be safe please? Be safe for... Gian," daing ng isang Rage Acuesta.

Napapikit ang dalaga at ninamnam ang mainit nitong yakap.

Ang bango nito na sumusuot sa kanyang pang-amoy ay nakakahalina at hindi nakakasawa.

Parang ayaw na niyang matigil pa ang nararamdamang saya.

Ngunit kailangan.

Lalo pa at naririnig na nila ang boses ng emcee.

"Ladies and gentlemen, we will start with in five minutes so please get ready."

Hindi pa rin kumakalas ang lalake.

Limang minuto.

Limang minuto na lang ang itatagal ng nararamdaman niyang saya.

Ngunit wala na siyang planong kumalas pa.

Uubusin niya ang limang minuto para lang sa nararamdamang kasiyahan!

Umangat ang kanyang kamay at gumanti ng yakap dito.

'Oh God!'

Yakap siya ng isang Rage Acuesta ni sa hinagap ay hindi niya naisip man lang!

Ang dating gusto niya lang makita ay heto at kayakap niya!

Ngunit lahat ng bagay nauubos, lahat ng nangyayari natatapos.

"May we call the attention of Mr. Rage Acuesta please come over sir?"

Ayaw man niya ay napilitan siyang kumalas.

Ngunit hindi pa rin ito bumibitaw.

"Tinatawag ka na," wika niya at umatras.

"Tandaan mo ang sinabi ko, mag-iingat ka palagi."

Tumango siya.

"Let's go?"

Mapait siyang umiling.

"Mauna ka na, hindi magandang pagtitinginan tayo ng iba."

Napansin niya ang pag-igting ng panga nito.

"Mauna ka na."

"Ikaw ang kailangan doon, ikaw na mauna."

"This won't be the last time Ellah," anito at tumalikod na, saka humakbang palayo.

Nasundan niya ng tingin ang papalayong lalaki bago mariing ipinikit ang mga mata.

'I'm sorry Gian. Patawad kung nakikita kita sa pinsan mo.'

Ilang sandali pa ay sumunod na rin siya.

" Oh right ladies and gentlemen let us start. May we call Chairman Kim to explain the scheme."

Nagpalakpan ang lahat.

Pumasok na siya habang nagsasalita ito, wala sa kanya ang atensiyon ng lahat maliban kay Rage Acuesta na nahagip ng kanyang tingin.

Nakasunod ang tingin nito sa bawat galaw niya.

Nakagat niya ang labi habang halos hindi na rin humihiwalay ng tingin sa lalaki hanggang sa makaupo siya sa tabi ng don.

" Once again good evening ladies ang gentlemen.

This time we will know the main event of this celebration."

Umugong ang usapan.

"Ito ay ang bagong patakaran sa pagpili ng magiging rank one."

Nagsimulang umingay dahil sa malakas na usapan ng mga naroon.

"Sampung bilyon!"

Mas lumakas ang usapan.

"Ito ay ang kakayahan ninyong makakapag-ipon ng sampung bilyon sa loob ng tatlumpong minuto. "

Natahimik ang lahat.

At siya ay nanlaki ang mga mata.

Kaya nila oo!

Pero sa loob lang ng kalahating oras?

Makikipag-usap pa sila sa bangko, sa mga Presidente ng kumpanya nila.

Dahil ngayong buwan ay hindi na umabot ng sampung bilyon ang pera nila sa bangko dahil ginastos ito sa kumpanya nila.

"Gentlemen, ito ang basehan ng club sa pagpili ng miyembro para sa pagiging rank 1, can you do that for the club?"

Walang kumibo isa man sa kanila.

"Ang purpose ng main event ay pagpapatunay ng inyong kayamanan, impluwensiya at kapangyarihan.

Sampung bilyon sa loob ng kalahating oras!"

Napailing siya.

"Kayanin niyo ba?"

Sumagot ang karamihan ng kaya.

"Lolo, paano kung hindi tayo umabot sa takdang oras?"

"Hindi ako makakapayag na ang kalaban ang mananalo."

Mas lalo na siya.

Muli siyang sumulyap sa kinaroroonan ni Rage Acuesta at nagtagpo ang tingin nila.

Kausap nito ang katabing si Isabel pero sa kanya nakatingin.

Ibinaling niya ang tingin sa harapan.

Sa bawat tingin niya kay Rage Acuesta ay pakiramdam niya nagkakasala siya kay Gian.

"Alright are you ready top five?

Ganito ang gagawin ninyo, sa loob ng kalahating oras ay ipapakita ninyo ang laman ng inyong account, kahit paunti-unti lang hanggang sa umabot ng sampung bilyon bago matapos ang itinakdang oras.

Game?"

"Game!"

Hindi niya alam kung sino ang sumagot kung si Isabel ba o si Natalia.

"Alright! Who will be the rank 1?"

Natahimik silang lahat.

Let the business' game begin!"

00:30:00

Nagsimulang bumilang ang orasan.

Lahat ng hindi kabilang sa top five ay nakatutok sa white screen.

Samantalang ang kabilang sa top five ay abala sa pakikipag-usap sa cellphone ng mga ito.

Si don Jaime ay kausap ang may-ari ng bangko nila.

" Mr. Delgado sir, good evening I'm sorry to disturb you but can you give us the bank records?

Ten billion.

I really need it now. Thank you."

Siya naman ay kausap ang Presidente ng iba pang kumpanyang pag-aari ng abuelo.

Ngunit natigilan siya nang may mapansin sa screen.

Unang pumasok ay kay Roman Delavega.

" Three hundred million Mr. Delavega," anunsiyo ng emcee.

Nang makita ang nauna ay mas binilisan pa ng mga miyembro ang makipag-usap.

"Next, Five hundred million from Mr. Tan. "

Napangiti ang dalaga nang may pumasok na sa kanila.

"Mr. Lopez one billion."

Humanga ang karamihan.

Patuloy naman sa pakikipag-usap ang abuelo sa kung sino.

"Mr. Mondragon seven hundred million."

Walang tigil ang pakikipagtawagan ng bawat miyembro sa kung kanino.

Hinintay niya ang kay Rage Acuesta.

Muli siyang napatingin sa kinaroroonan nito.

May kausap pa rin ito sa cellphone.

Patuloy naman ang pag-angat ng mga kalaban.

Patuloy din ang pagpasok sa kanila.

"Mr. Delavega, two billion."

Napailing siya.

May pumasok ulit.

"Mr. Tan three billion."

Kinakabahan na ang dalaga hindi lang para sa kanila kundi para kay Rage Acuesta na hanggang ngayon ay may kausap pa rin.

May pumasok ulit sa kanila.

"Mr. Lopez, five billion."

Apat na bilyon na lang ang kulang.

"Mr. Mondragon four billion."

"Mr. Delavega six billion."

Nganga sila!

Dalawang bilyon na lang ang kulang!

Naiinis na siya dahil nakikipag-usap pa rin ang Acuesta na 'yon at walang gumagalaw kahit piso sa account nito!

Tumingin siya sa timer.

Labing limang minuto na lang.

Patuloy sa pag-angat ang lahat ngunit wala pang nakasampung bilyon.

"Mr. Delavega, seven hundred million. A total of nine billion."

Patuloy sa pagbabago ang pwesto ng mga ito minsan nauna na ang abuelo ngunit madalas ay si Delavega.

Ranking:

1. Roman Delavega

2. Jaime Lopez

3. Raven Tan

4. Jeric Mondragon

5. Rage Acuesta

Nanghina ang dalaga, mas gugustuhin pa niyang ang mga Tan na lang ang manguna kaysa sa mga Delavega.

"Last ten minutes. Napapansin nating wala pang laman ang account ni Mr. Acuesta. At ang nangunguna ay si Mr. Delavega."

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya sumusulyap lang sa lalaki, nakatitig na siya rito.

Naramdaman siguro kaya umangat ang tingin derekta sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay at ipinakitang nadismaya siya.

Umiling ito habang nasa tainga ang cellphone bago umiwas ng tingin.

Bumalik ang tingin niya sa account nila at napangiti siya.

"Mr. Lopez two billion, a total of eight billion."

Nagsimula na ang usapan.

"We have five minutes left. Mr. Acuesta has no entry yet."

Umugong ang malakas na kantyawan.

Hanggang sa may lalaking sumigaw.

"Back off Acuesta!"

Lumipad ang tingin niya sa sumigaw.

Hindi ito kasali sa pang sampung rango.

Parang gusto niya rin itong sigawan.

Muli siyang napatingin sa gawi ng lalaki.

Nasalo niya ang matalim na titig ni Isabel.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"Five minutes!"

Napapalunok na siya sa kaba.

Wala pa rin kay Acuesta.

'Napakayabang ng hinayupak!'

"Mr. Lopez one billion total of nine billion."

Isang bilyon na lang!

Parang siya ang nahihiya para kay Acuesta na wala pa kahit piso!

"Apo hija, mukhang hindi tayo aabot ng sampung bilyon."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

"Paano po' yan?"

"Mukhang mananalo ang kalaban."

Napapikit siya.

Hindi na nakikipag tawagan ang don.

Ibig sabihin huminto na sila?

Patuloy sa pagdagdag ang mga kalaban.

'Shit! Kahit sino huwag lang si Delavega!'

Tumunog ang cellphone ng don na parang may nag text.

Napapailing na siya.

'Talo na pala kami. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi na si lolo ang mangunguna.'

"Last two minutes!

We have here, Mr. Delavega total of nine billion and Mr. Lopez total of nine billion, Mr. Tan total of nine billion, Mr. Mondragon total of eight billion and Mr. Acuesta still zero."

' God! Nakakatakot!'

Muli siyang lumingon sa gawi ng Acuesta na 'yon at muli na namang nagtagpo ang tingin nila.

' Teka sa akin ba siya nakatingin? Bakit parang kay lolo?'

" One minute left! "

Nakagat niya ang labi sa tindi ng antisipasyon!

" Still wala pang naka isang bilyon," anunsiyo ng emcee. "We have here! Mr. Lopez one billion for a total of ten billion!"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at lumipad ang mata sa screen.

Naghiyawan na ang mga tao.

"Don Jaime ikaw pa rin!" sigaw ng isa sa mga lalaki roon.

' Paano nangyari 'yon!'

"Gosh lolo!" napayakap siya sa abuelo.

Napailing ang don ngunit nakangiti naman ito.

"We have the first rank! Still don Jaime Lopez!"

"I will announce the second rank! Hurry up gentlemen!"

Nakatingin na ang emcee sa gawin ni Acuesta na zero pa rin.

'Kulelat ang unggoy!'

"Ang yabang!" inis na usal niya.

"Thirty seconds left!"

Lumipad ang tingin niya sa timer.

:00:00:30

Ngunit nawala ang atensyon niya roon nang gumalaw ang numero sa account ni Acuesta.

Paunti unti ang lumabas dito na puro nuwebe!

9,999,999,999.00

"Mr. Acuesta has Nine billion nine hundred ninety nine million nine hundred ninety nine thousand nine hundred ninety nine!"

Umawang ang bibig ng lahat.

Piso na lang ang kulang!

Nanindig ang balahibo niya.

At napakalaki ng kanyang tanong.

Bakit hindi pa ginawang sampung bilyon?

Lumipad ang tingin niya sa gawi ni Acuesta.

Nakangisi ang babae nito habang nakayuko naman ang hambog!

"Time is up!" anunsyo ng emcee.

Naghiyawan ang mga tao habang nakatayo.

"WOHOOO DON JAIME PA RIN! CONGRATS!"

Napatingin siya sa ranking.

1. Jaime Lopez

2. Rage Acuesta

3. Roman Delavega

4. Raven Tan

5. Jeric Mondragon

Umangat ang tingin niya at napaluha sa nakita.

Pangalawa nila si Acuesta sa isang iglap ay nakahabol pa!

Sila pa rin ang nanguna.

Pero paano nangyari 'yon?