Ano nga ba ang nangyari at si don Jaime pa rin ang nanalo?
Sinadya ni Gian na magpahuli sa pagdiriwang para iwas atensyon pero hindi pa rin nangyari.
Alam niya sa oras na makita siya ng kalaban ay hindi na siya hihiwalayan ng tingin kaya ingat na ingat siya lalo na kay don Jaime.
Ngunit hindi niya maiwasang hindi lumapit kay Ellah lalo pa't muntik na naman itong mapahamak.
Ni sa hinagap ay hindi niya maisip na ang babaeng balak niyang iligtas ay ang kasintahan na pala!
Gano'n na lang ang kanyang tuwa nang malamang ang kasintahan pala 'yon.
Ayaw niyang magpasalamat sa nagtangka kay Ellah ngunit dahil dito ay nayakap niya ang pinakamamahal na kasintahan.
Nakasama ng kahit saglit lang.
Kung hindi lang niya naisip na mas may mabigat pang dapat tapusin ay hindi na niya ito pinakawalan pa.
Ngunit kailangan.
Masakit man ngunit kailangan niya itong layuan sa ngayon.
Ang lahat ng ito ay simula pa lang ng malaking pagpapanggap.
Hindi nga siya nagpanggap na may amnesia nagpanggap naman siyang pinsan ni Gian.
Hindi siya maaaring magka amnesia dahil hindi siya makakalapit sa kalaban kapag nagkataon kaya magpanggap na lang na kamag-anak.
Kalokohan oo!
Kaya lang kung hindi niya gagawin ay malalaman agad ng kalaban na buhay pa siya.
Kulang pa ang kanyang pwersa upang patumbahin ito.
Ito pa lang ang umpisa ng isang digmaan na hindi alam ng kalaban.
Magigising na lang ito isang araw na sa kangkungan na nakatira!
Subalit umpisa pa lang ng unang labanan sa top ten ay kinabahan na siya.
Alam niyang mag invest sa kapwa kumpanya kaya kinausap na niya kanina pa ang mga taong sa tingin niya ay interesado sa negosyo niya.
At hindi siya nagkamali, marami din ang nag invest sa kanya.
Ah hindi, kay Rage Acuesta.
Ngunit na di-distract siya pagdating kay Ellah.
Parang ang gusto na lang niyang gawin ay titigan ito sa malayo kahit iyon man lang ang magawa niya ay masaya na sana.
Ngunit hindi pa rin maaari dahil nakatingin ang kalaban.
Alam niyang sa oras na magkakamali siya ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan.
Dumagdag pa ang isa sa asungot ni Ellah.
Mas lalo siyang hindi maka focus dahil sa umaaligid na isang Raven Tan.
Nag-iinit ang kanyang dugo at gusto na niyang sapakin kung hindi lang siya pinipigilan ni Isabel.
"Hayaan mo si Ellah, maraming nakatingin sa inyong dalawa paano kung malaman ng kalaban ang pinagagawa mo?
Kapag patuloy kang maglalapit sa babaeng 'yon ay hindi malabong paglabas natin dito ay pagbabarilin na tayo ng tauhan ng kalaban, mag-isip ka Gian!" singhal nito nang sundan niya sa banyo dahil gusto raw siyang kausapin.
Pesteng- peste siya ng mga oras na 'yon dahil nadapa si Ellah sa dibdib ng hinayupak na Tan na 'yon.
Wala sanang problema kung sa kanya nadapa ang kaso sa iba.
Ang lampa lang!
" Hindi ko magagawa ' yan kapag nakikita kong may umaaligid sa kanya, baka hindi matapos ang pagdiriwang na 'to ay may ipapadala ako sa ospital tangina lang!" hinampas niya ang pader.
"At ikaw sa kulungan? Mag-isip ka Gian!"
"Ikaw ang mag-isip panay banggit mo sa pangalan ko!" singhal niya.
Natahimik ito.
"Pasensiya na, natatakot lang akong mahuli tayo nang hindi oras."
"Ikaw ang nagpangalan sa akin niyan pero si Ellah ang palaging gumagamit."
Noon hindi sila pwede ni Ellah dahil mahirap siya, ngayong pumantay na siya ay hindi pa rin pwede dahil sa iba.
Kahit tingin at sulyap na lang bawal pa!
Kaya nang dumating ang oras ng kainan ay saka pa lang siya nagkaroon ng pagkakataong matitigan ng husto ang dalaga dahil abala ang lahat.
Na palagi rin namang sumusulyap sa kanya.
Partida pinsan pa siya ni Gian niyan.
Sa totoo lang kung hindi lang talaga siya si Gian ay magseselos siya sa pinsan niya.
At si Gabriel 'yon.
Buti na lang siya pa rin ito.
Ngunit hindi na siya nakatiis nang mawala na ito sa loob.
Hinanap niya sa buong sulok ngunit wala talaga ito kaya alam niyang nasa labas ito.
At hindi nga siya nagkamali.
Laking tuwa niya lang nang sinabi nito kung gaano kamahal si Gian.
Ngunit nang sinabi nitong maghahanap ng iba kapag tumagal pa ay parang gusto na lang niyang pagbabarilin ang mga Delavega at nang matapos na.
Subalit alam niyang kanya si Ellah, nagpipigil lang ito dahil nasa isip nito na iba siya.
Pinsan siya.
Tangina lang!
Kahit paano ay masaya naman siya dahil nayakap niya ito ulit.
Hindi nga lang pwedeng halikan dahil tiyak na makikilala siya.
Halik lang pinakamatibay ng ebidensiya.
Wala lahat ang mga pagbabaligtad niya sa ugali ni Gian bilang Rage Acuesta, maglalaho ito nang hindi oras.
Magkakabalikan sila ni Ellah ngunit hindi sila titigilan ng kalaban.
Pagdating naman sa ranking ay hindi niya inasahang makasali siya sa top five.
Nang dumating sa punto ng main event ay talaga namang nataranta ang binata.
Wala siyang planong manalo ngunit isang malaking kahihiyan kung wala siyang maiaambag sa labanan ng yaman!
Naging bilyonaryo pa siya?
Panay pa tingin ni Ellah sa kanya na para bang nagsasabing wala siyang binatbat.
Kaya labag man sa kalooban ay kailangan niyang lumaban.
Tinawagan niya si Hendrix upang humingi ng tulong ngunit sa pagkakataong ito ay makikiusap siya at hindi gagamitan ng black mail.
Tatlong ring bago sumagot.
"Ano na naman ang kailangan mo?" yamot agad na bungad nito.
"Hendrix kailangan ko ang tulong mo."
"Palagi naman ano na namang ipapanakot mo this time?"
Natawa siya. "Makikiusap sana ako hindi kita tinatakot."
"Wow! Makikiusap bago 'yan!"
"Hendrix please, pakisabi kay don Manolo kailangan ko ng pera ngayon, importante lang talaga."
"Magkano ba kailangan mo?"
"Sampung bilyon."
"Ano? Kagaguhan ang laki niyan!"
"Tangina pwede ba? Hindi ako lalapit sa' yo kung kaya kong mag-isa 'to! Kung ayaw mo ako na lang ang diderekta."
"Para saan ba' yan?"
Ang dami nitong tanong papaubos na ang oras niya.
Ang mga kalaban ay nagsimula na.
"Anniversary ngayon ng club at kailangan ko ng pera upang makapasok sa pinakamayamang tao sa buong Zamboanga. Pumapatak ang oras Hendrix hanggang kalahating oras lang ang itinakda at nabawasan na ng sampung minuto kakatanong mo."
"Fuck! Anong kabaliwan ba 'yang meron sa inyo diyan?"
"Kakausapin mo si don Manolo o hindi deretsuhin mo Hendrix."
"Oo na! Maghintay ka!"
"Pumapatak ang oras Hendrix, kapag lumagpas 'yan ay hindi ko na 'yan kailangan.
Magpapakita na ako diyan para matapos na itong lahat."
"Maghintay ka gagawa ako ng paraan!"
"Mabuti."
Ilang minuto pa ang hinintay niya.
Habang panay ang sulyap niya sa timer na paubos na.
Mabuti na lang at nakausap na niya ang abuelo sa pamamagitan ni Hendrix.
Ipinaliwanag na ni Hendrix dito ang kailangan niya.
"Gian hijo, kumusta ka na? May kailangan ka raw sa akin sabi nitong si Hendrix ano ba 'yang sinasabi mong club? ."
"Don Manolo, kailangan ko ang tulong ninyo. Saka na ako magpapaliwanag kailangan ko ho talaga ng pera ngayon."
"Walang problema apo, kailan mo ba kailangan?"
"Ngayon ho."
"Ha? Sandali lang hindi gano'n kadali ang pag proseso niyan hijo, sampung bilyon ang hinihingi mo."
"Kapag napagbigyan niyo ako ang kapalit no'n ay ang kapatawaran ninyo sa akin."
"Talaga?" sabik na tanong ng don.
"Sige gagawin ko ang lahat para makuha mo agad."
"Sa loob lang ng kalahating oras at pumapatak na labing tatlong minuto na lang don Manolo."
"Kakausapin ko ang bangko ipapa transfer ko agad sa account mo."
"Kapag hindi' yan umabot sa loob ng takdang oras ay mababalewala ang perang 'yan don Manolo. Kaya kung maaari ay maibigay ninyo sa takdang oras. Nakataya rito ang angkan ng Villareal lolo, tatanghalin tayong pinakamayaman sa buong Zamboanga kapag nagkataon. "
"Gano' n ba? Pagsisikapan ko apo ko. Hintayin mo lang. Huwag mong ibaba ang tawag."
"Maraming salamat don Manolo."
"Walang anuman apo, pagdating sa' yo lahat ibibigay ko."
Nagpasalamat siya at naghintay nang hindi ibinaba ang cellphone.
"Anong sabi?" si Isabel na hindi mapakali sa kanyang tabi.
Natatakot din ito dahil hindi naman gano'n kadali ang mag proseso.
Kahit pa unlimited ang card nila kailangan pa ring ma itransfer sa pangalan niya 'yon at hindi pwede sa isang Rage Acuesta mas lalo namang kay Gian Villareal.
Kaya walang ibang paraan kundi ang lapitan ang abuelo.
"Maghintay lang tayo."
"Ang yabang no'ng Natalia na 'yon kapag hindi' yan ang manguna hahampasin ko siya ng laptop!"
Ang babae ni Tan ang sumigaw kanina na handa sila sa laro, kaya nagngingitngit si Isabel.
Habang papaubos ang oras ay panay ang hiling niyang sana ay magtagumpay siya.
Hindi na lang siya ang mapapahiya rito kundi ang buong angkan nila.
Anim na minuto na lang wala pa rin at si Ellah ay napansin niyang parang may problema maging si don Jaime.
Limang minuto nang tumawag si don Manolo.
" Gian apo, nasa account mo na."
"Salamat po."
Agad nilang nakita roon ang halaga ng hiniling nila.
Eksaktong sampung bilyon.
Masaya na sana siya dahil isang bilyon na lang ang kulang ay mananalo na si don Jaime ngunit napansin niyang may problema ang mga ito.
Nag text siya rito.
Don Jaime may problema po ba?
Mabilis itong sumagot.
Hindi aabot sa oras ang isang bilyon na pinoproseso pa.
Nag reply siya at nagpalitan na sila ng mensahe.
Pakibigay ang account ninyo at dadagdagan ko.
Ano? Gian hijo huwag na.
Don Jaime please? Hindi natin mapapayagan na ang kalaban ang mananalo hindi ba? Ito na 'yon pakibilisan lang ho at naghahabol na tayo ng oras.
Sige salamat hijo.
Walang anuman ho don Jaime.
Nang matanggap niya ang account number ay itinawag niya agad sa abuelo.
Hindi niya matanggap na mabigo ang pinakamamahal na kasintahan sa kanyang harapan kaya gagawin niya ang lahat huwag lang itong mabigo.
Pagsagot ng abuelo ay dineretso na niya.
"Lolo I need one billion additional please po."
"Okay apo, saglit lang."
"Lolo I'll explain later but please trust me with this, paki transfer sa account ni Jaime Lopez.
Itetext ko ang account number."
"Sige apo, may tiwala ako sa'yo."
Pagkatapos makipag-usap ay agad niyang ipinasa ang account number ng don saka naman siya inusisa ni Isabel.
"Aanhin mo ang isang bilyon pa?"
"May nangangailangan."
"Para sa mga Lopez bakit pa? Mayaman sila hindi nila-"
"Hindi aabot ang pagproseso sa oras."
"Eh bakit ba? Tayo na nga ang mananalo eh! Hayaan mo na! Ang labo mo!"
Umiling siya at hindi na nagsalita pa.
Naghintay na siya alam niyang mabilis ang proseso buti na lang.
Gano'n pa man ay panay ang dasal niyang mapabilis na ito.
Isang bilyon na lang ang kulang ni Delavega gano'n din si don Jaime kaya unahan na lang.
Dalawang minuto ang natira nang tumawag ang abuelo.
"Apo nandiyan na."
"Salamat po."
Pagkuwan ay itinext na niya ang don at natanggap na nga raw nito.
"Isabel bawasan mo ng piso ang idedeklara natin."
"Ano na naman ba 'to?" mas sumama ang anyo ng babae.
Inagaw niya ang laptop at siya ang nagtrabaho.
Labag man sa loob ni Isabel ay wala itong magagawa.
Kapag nagdeklara siya ng sampung bilyon baka maunahan niya ang don siya ang mananalo.
Kaya binawasan niya ng piso.
Kahit bawas na ay ayaw naman niyang magdeklara agad dahil baka maunahan si don Jaime ng iba matalo ito pati siya.
Kaya ang pinakamagandang gawin ay hintayin ang don na magdeklara saka siya susunod.
Kapag may nakauna sa kanya na sampung bilyon ay idedeklara niyang sampung bilyon din ang kanya.
Kapag ang don ang mauuna ibig sabihin ito ang panalo at kahit pinakahuli pa siyang magdeklara ng sampung bilyon alam niyang siya ang pipiliin ng don upang maging pangalawa.
Sampung bilyon man o hindi ang idedeklara niya ay siya ang magiging pangalawa.
Walang talo kapag ang don ang mananalo.
Ilang sandali pa nagdeklara na si don Jaime Lopez ng sampung bilyon.
Ang reaction ni Ellah ang pinagmasdan niya.
Masaya na siyang makita na masaya ito dahil sa pagkapanalo.
Hinintay niyang segundo na lang ang bibilangin bago mag deklara ng laban nila.
Kapag nauna siya kaysa sa kalaban at may oras pa ay matatalo siya kapag nagkataon.
Ayaw naman niyang magigong pangalawa lang dahil sa pinili lang ng don.
Kaya nang pumatak ng sampung segundo ay nagdeklara na siya ng yaman nila.
Eksaktong natapos siya ay ubos na ang oras nila.
Saka naman pumasok ng sabay ang mga pera ng kalaban upang maging sampung bilyon.
Siya lang ang hindi sampung bilyon kaya lang hindi nakapasok sa oras ang kalaban.
Kaya siya agad ang pangalawa.
"Malas naman oo! Hindi ko maintindihan 'yang iniisip mo!" reklamo ni Isabel nang makita ang ginawa niya.
"Isabel hindi akin ang perang ito, hindi ako karapat-dapat na manalo.
Ang dapat ay ang may karapatan at si don Jaime 'yon!"
"At ang apo niya? Ewan ko sa 'yo!"
Isa lang 'yon sa dahilan pero ang una ay ang makita niyang masaya si Ellah.
Pangalawa ay ayaw niyang matalo ang don ng kalaban pa.
Pangatlo na lang na hindi kanila ang pera.
Napakatamis ng ngiti ni Ellah at iyon lang ay sapat na sa binata.
Nakatanggap siya ng mensahe kay don Jaime at lubos ang pagpapasalamat nito.
Nag reply siya at nagpalitan sila ng mensahe.
Welcome po don Jaime, ang saya ng apo ninyo.
Oo, pero wala siyang alam nagtataka na nga eh sasabihin ko ba?
Huwag na ho kung hindi na kailangan.
Sige maraming salamat ulit.
Makakabawi rin ako hijo.
Binalingan niya ang kalaban.
Halos magwala ang mga ito.
"FUCK! THIS IS NOT HAPPENING NO!" sigaw ni Xander na umalingawngaw sa buong silid.
Nagdidilim ang anyo ni Roman Delavega!
Gusto niyang humalakhak dahil alam niyang ilalagpak ito ng don.
Ito ang hindi maintindihan ni Isabel na pinakamalaking dahilan niya kung bakit ayaw niyang manguna sa rango.
Kapag nangyari 'yon ay hindi niya magagawang ilagpak ang kalaban dahil hindi siya si Gian sa paningin ng mga ito.
Magtataka ang mga ito kapag inilagpak niya ng husto dahilan na maghihinala ito sa kanya.
Kaya dapat si don Jaime ang mananalo para walang kwestyon kapag ito ang nagpalagpak sa kalaban.
"We have the winner for the first rank! Congratulations don Jaime Lopez!" ang chairman ang nagsalita.
"Walang kupas at wala pa ring nakakatalo as always!"
Umatikabo ang palakpakan nilang lahat.
"Now, let us hear a words from the first rank Mr. Jaime Lopez, sir?"
Tumayo ang don at nagpunta sa tabi ng chairman.
"Thank you chairman Kim.
ZBC's thank you!
Hindi ko alam na masasali pa ako sa top five kaya maraming salamat sa inyo.
Ah wala naman akong masyadong masasabi kundi salamat sa pagtitiwala niyo pa rin sa akin.
Sa kabila ng mga nangyari ay nagtitiwala pa rin kayo sa akin.
At itong huling laban ay hindi ko inakalang ako pa rin ang mananalo.
Salamat. Salamat!"
"Now Mr. Lopez has a power to choose the second rank who will it be don Jaime?"
"Ah, oo nga ano? Kung ako ang papipiliin ang gusto ko ay si..."
Tumigil ang don at isa-isang tumingin sa mga natitirang miyembro.
Una kay Delavega, lumagpas lumipat kay Tan, lumagpas ulit kay Mondragon naman at lumipat sa kanya.
Nagtagal bago ito ngumiti sa kanya.
" I will choose Rage Acuesta."
Umatikabong muli ang palakpakan.
Ngumiti ang binata at yumuko siya rito.
Alam niyang siya ang pipiliin dahil parte ito ng plano nilang pabagsakin ang kalaban sa oras na ito ang mananalo.
"Alright we have the second rank, Mr. Rage Acuesta sir congratulations."
Tumango siya at yumuko sa lahat.
Hindi nakakapagtaka na siya piliin dahil siya ang pangalawa dito.
"Any words from the young billionaire sir?" tanong ng emcee.
Lumapit siya sa emcee at nagsalita.
"Good evening ladies and gentlemen.
I did not expect this, thank you for trusting me. And I would like to congratulate Mr. Lopez for being the rank one."
Nagpalakpakan ang lahat.
At siya ay lihim na napangiti.
"Now, Mr. Lopez has still one power left do you want to use it sir?" anang chairman.
"Yes."
"Alright, the chair is open for you to choose of where will you put the former second place Mr. Delavega?"
Lumipad ang tingin niya sa mag-ama.
"Thank you! As a winner I decided to put the former second placer into rank..."
Umaasa ang mga Delavega nasa mga mata nito 'yon.
'Wag na kayong umasa pa!'
"Rank 100"
Nganga ang lahat!
Alam niyang ito rin ang plano ng mga kalaban kung ang mga ito ang nanalo.
Naunahan lang nila.
Salamat kay don Manolo!
Napakabait nito.
Binasa ng chairman ang mga nasa rango na pinangungunahan ni don Jaime at panghuli si Delavega!
Nag-abot ang tingin nila ng don.
Lumapit ito sa kanya kaya sinalubong niya.
Ngunit may humarang sa gitna nila na siyang nagpatigil sa kanilang pagtatagpo.
"Don Jaime bakit hindi ako?" nagmamakaawang tanong ni Raven Tan.
Kumuyom ang kanyang kamao.
Tinapik-tapik ito ng don.
"Magaling ka Raven hijo, pero ang dahilan kaya hindi ikaw ang pinili ko ay dahil hindi mo kamag-anak ang mapapangasawa ng apo kong si Ellah at si Rage Acuesta 'yon."
Tumingin sa kanya ang don.
Halos hindi siya makangiti kung hindi lang sa sinabi ni don Jaime.
" Gano' n ho ba? Congrats ho don Jaime. "
" Salamat hijo, salamat. "
Umalis na ang lalaki at nag-abot na sila ni don Jaime.
At sa tagpong 'yon ay lahat ng mata nakatingin sa kanila.
" Congratulations Mr. Lopez," tipid ang ngiting wika niya.
"Thank you Mr. Acuesta and congrats din sa' yo."
"Salamat."
Inyos niya ang eyeglass na, suot bago inilahad ang kamay dito na malugod namang tinanggap ng don.
Hanggang dito lang ang dapat nilang gawin.
Kung wala lang ibang nakatingin ay tinapik na siya ng don sa balikat o hindi kaya ay niyakap.
Akmang tatalikod na siya nang kabigin ng don at mabilis na niyakap saka bumulong.
"Ang galing mo hijo, salamat."
"Walang anuman ho don Jaime," bulong niya rin.
"Mas magaling po kayo. Simula na ng laban."
Tumawa ito saka kumalas.
Dumating si Ellah na alanganin ang ngiti sa kanya.
"Comgratulations Mr. Acuesta," inilahad nito ang kamay na may gloves.
Saglit na umarko ang kilay niya rito ngunit hindi napansin ng dalaga 'yon.
Kagat ang labing tinanggap niya ang pakikipagkamay nito at nagdaop ang palad nila.
Gumapang ang matinding pananabik niya sa minamahal.
"Thank you Ms. Lopez."
Tumuon ang kanyang tingin sa napakaganda nitong mukha lalo pa at nakangiti.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga.
Nawala sa isipan niya ang mga nakatingin sa kanila.
Ramdam niyang ayaw rin nitong bitiwan niya ito.
Pigil niya ang sarili na kabigin ito at yakapin.
Walang dahilan upang makita ng lahat na gagawin niya 'yon!
Ngunit nangingibabaw sa kanya ang matinding pananabik sa dalaga.
Alam niyang pagkatapos nito ay matagal na ulit sila magkikita.
Hindi na niya kaya 'yon!
Humakbang ang mga paa ng binata upang kabigin ang dalaga at yakapin nang mahigpit ngunit may humadlang.
May tumikhim sa kanyang likuran.
Napabitiw si Ellah at umigting ang kanyang panga.
"S-sige ha, congrats ulit Mr. Acuesta," tumalikod na ito at mabilis na umalis.
Napapikit ang binata sa nangyari.
"Ga, pasensiya na kung kailangan ko kayong paghiwalayin pero hindi pwede ang gagawin mo."
Napabuga siya ng hangin.
"Okay lang ho mang Isko."
"Congrats!" kinabig siya nito at niyakap.
"Salamat ho."
Pagkuwan ay kumalas si mang Isko.
"May gagawin ka pa ba?"
"Oho mauna na ho kayo sa kotse."
"Sige."
Pagkaalis ni mang Isko ay naglakad siya patungo sa kalaban.
"Ga, tara na?" humarang si Isabel.
"Mauna ka na may kakausapin pa ako," tinalikuran niya ito.
Ngunit sumunod ito sa kanya.
"Saan ka pupunta?" bulong nito ngunit mariin.
"Huwag mong sabihing si Ellah na naman? Hindi mo ba nakikita nakatingin ang lahat sa inyo!"
"Kakausapin ko ang kalaban Isabel. At huwag na huwag kang sumabat naiintindihan mo?"
Nagdidilim ang anyo niya dahil sa nakikitang pag-alis ni Ellah kasama si don Jaime.
Aalis ba ang mga ito na hindi man lang sila nagkausap ng matagal ni Ellah?
Gano'n na lang ba 'yon?
Nahagip ng kanyang tingin ang mag-amang Delavega na mukhang pauwi na.
Lihim siyang napangiti bago nagmamadaling lumapit sa mga ito.
"Ehem, Mr. Delavega."
Nilingon siya ng mag-ama.
Umpisa na ng aktingan!
"What is it?" madilim ang anyo ng senior nang hinarap siya nito.
"Anong kailangan mo?" pumagitna ang anak nitong galit na nakatingin sa kanya.
"I am interested in your company that's why I chose you. Can we have a minute for my investment?"
"No!" angal ng anak nito.
"Pinili ka ni Jaime Lopez anong karapatan mong pagkatiwalaan namin?" ang senior naman 'yon.
"Ha? Ano bang meron sa inyo ni Mr. Lopez?" inosente niyang tanong.
"Pinili niya ako dahil pangalawa ako sa posisyon and I deserved it am I? "
"Pinili ka pa rin ng hayop na 'yon at walang ipinagkaiba 'yon!"
"Malaki ang pagkakaiba Mr. Delavega dahil kayo ang pinili ko."
"Bakit nga ba kami?" puno ng pagdududang asik ni Xander.
"Bakit hindi?" balik tanong niya.
Natahimik ang mga ito.
Inayos niya ang suot na eyeglass sa harap ng mga ito.
"Nandito tayo bilang magkakasama sa iisang organisasyon hindi ba?"
Hindi kumibo ang dalawa at nnatiling madilim ang anyo ng mga ito.
Pinigilan niyang matawa.
Sino ba naman ang masaya kung ilalagay ka sa pinakadulo ng mortal mong kaaway?
"Masama na bang mag invest nang walang paalam?
Ang akala ko kasi may karapatan lahat na pumili ang mga investors dahil ka rango ko naman kayo.
Ayaw niyo bang maging kasama ako sa negosyo Mr. Delavega?
I'm in rank two remember. Kung ayaw ninyo ay doon na lang pala ako kay Mr. Lopez.
Sayang plano ko pa naman na kayo ang gagawing rank 1 sa susunod. "
Nagkatinginan ang mga ito.
Itinaas niya ang dalawang kamay.
" I'm sorry if I disappointed you gentlemen. I just really want to help you out. "
Tumalikod siya sa mga ito at humakbang ng mabagal.
Nagbilang sa isip ng hanggang lima.
'Isa... Dalawa... Tatlo... Apat...'
" Saglit! " si Xander 'yon.
Napangisi ang isang Rage Acuesta!
Ngunit paglingon niya ay pormal na ulit ang anyo.
"Yes?"
Bahagyang lumapit ang anak nito.
"Kaanu-ano mo nga ulit si Villareal?"
"Oh that bastard? Pinsan ko bakit?"
"Pinsan mo, siguro naman alam mo ang nangyari sa kanya?
Kaya anong kabaliwan ang pinagsasabi mong tutulungan mo kami?
Isa ka sa kamag-anak ng kalaban namin.
Lahat ng kamag-anak ng kaaway ay kalaban namin at hindi ka naiiba roon."
"Ang pagkakaiba ay hindi ko naman siya itinuring na kamag-anak ko," mariin niyang tugon.
Kailangang makuha niya ang panig ng mga ito kahit anong mangyari.
"Anong ibig mong sabihin?"
Kumuyom ang kanyang kamay at nagtiim ang bagang kasabay ng pagtalim ng tingin sa mga kaharap.
"Hindi lang kayo ang may galit sa tarantadong 'yon.
Malaki ang atraso sa akin ng demonyong 'yon.
At gusto ko, ako mismo ang papatay sa kanya!" mariin niyang tugon.
Nagkatinginan ang mag-ama.
"Anong atraso ng demonyong 'yon sa'yo?"
"Sasabihin ko kapag pumayag kayo sa gusto ko."
Muling nagkatinginan ang mag-ama.
"Alam ko ang nangyari sa demonyong 'yon, at alam ko ring kayo ang nagpatumba sa kanya.
Sayang at hindi yata kayo nagtagumpay?
Wala kasi akong nakitang bangkay ng gagong 'yon."
Tumaas ang noo ni Xander Delavega nang hinarap siya.
"Sabihin mo ito ba ang dahilan kaya gusto mong pumanig sa amin?"
Ngumisi ang isang Rage Acuesta.
"Matalino itong anak mo Roman, magaling mag-isip. Tama ka, iyon ang punto ko.
Iisa ang target natin. At ang kaaway ninyo, kaaway ko rin."
"Kung gano' n bakit hindi ikaw ang nanalo sa laban?
Bakit sinadya mong magpatalo ha Acuesta?
Ikaw ang mangunguna kung hindi mo sadyang nagpatalo.
Bakit mo ginawa 'yon?" tiim ang bagang na tanong ni Xander.
Natahimik ang binata.
Nakatingin ng matalim ang mag-ama sa kanya.
Na para bang isang maling salita niya ay malalaman na nito ang tunay na Rage Acuesta!
Yumuko ang binata.
"Dahil kayo ang hinihintay kong manalo."
Umangat ang tingin niya sa mga ito.
"Pero mabagal kayo, naunahan tuloy kayo ng isang Jaime Lopez.
Sinadya kong magpatalo upang pumangalawa sana sa inyo.
Ang buong akala ko kasi kayo ang mananalo kaya nagpatalo ako."
"Dapat eksaktong halaga ang ipinasok mo para ikaw ang mananalo o kung hindi naman ikaw pa rin ang pangalawa."
Umiling siya sa sinabi ni Xander.
"Wala akong planong manalo dahil kapag nangyari 'yon marami ang iinit sa akin. Bagong salta lang ako ika nga ng iba, at matatalo ko na kayo ng ganoon lang?
Ayaw kong mangyari 'yon. Dahil ang gusto ko pumanig sa tingin kong kakampi ko at kayo 'yon."
Muling nagkatinginan ang mag-ama.
" Isa pa, kung ako ang nanalo si Jaime Lopez ang pangalawa sa akin hindi kayo.
Hindi ko kayang pumili ng pangalawa sa akin dahil una, hindi ko kayo kilala, pangalawa hindi ko rin kilala si Jaime Lopez."
"Dapat kami ang piliin mong pangalawa sa'yo dahil iisa ang kalaban natin," si Xander 'yon.
Lihim na napangiti ang binata.
Alam niya unti-unti na niyang nakukuha ang loob ng mag-ama.
"Kapag ginawa ko 'yon mahahalata agad ni Lopez na may kakaiba sa akin, malalaman niya agad na kalaban niya ako, na magkasama tayo."
"Hindi ba kumampi ka na rin dahil sa amin ka nag invest? Alam na niya 'yon," mariing depensa ni Xander.
"Hindi siya mag-iisip ng gano' n dahil ang alam niya bagong salta lang ako at walang kakilala. Normal na pumili ako ng kumpanyang gusto ko, at sa inyo 'yon."
"Nakita kita kanina kausap mo si Lopez, na para bang malapit kayo sa isat-isa," puno ng hinala na wika ni Xander.
"Ah 'yon ba? Gusto niyong malaman kung ano ang sinabi niya?"
"Ano?" inip na tanong ni Xander.
"Mag-iingat daw ako sa inyo dahil kamag-anak ko si Villareal na mortal niyo raw kaaway.
Ang hindi niya alam kalaban ko rin ang Villareal na 'yon!
Ang ipinag-alala ko lang ay baka may alas na hawak si Jaime Lopez laban sa inyo."
"Anong ibig mong sabihin?" ang senior na 'yon.
"Hindi natin alam baka tinatago lang ni Jaime ang Villareal na 'yon sa inyo.
Malay ninyo nakikita na pala kayo pero hindi niyo lang alam.
Ang pagkakaalam ko kasi planong ipakasal ni Lopez ang pinsan ko sa apo niya kung hindi lang ito nawala. Kaya hindi imposibleng pinoprotektahan lang nila ito laban sa inyo.
At isang araw... " lumapit siya sa mga ito at bumulong.
" Magugulat na lang kayo sa mangyayari, tuluyan na pala kayong napabagsak ng mortal ninyong kalaban at boom!
Wala na kayo sa sirkulasyon at ang masaklap sa kulungan ang inyong hahatungan. "
Natigilan ang mag-ama.
Umatras siya at tumayo ng tuwid.
" Pero... may paraan para hindi kayo maunahan ng kalaban."
" Ano 'yon? " mabilis na tanong ni Xander.
Nagmamadali na ang anak nito.
Ngumisi ang isang Rage Acuesta.
Ito na ang simula!