Iisa ang reaksyon nina Gian at Isabel.
Gulat.
"ANO?" mulagat na sambit ni Isabel.
At siya ay gulat na galit.
FIANCÉE?
Gago ba 'to?
"Come again attorney?" para kasing may mali sa narinig niya.
Kahit pa malinaw naman ang sinabi nito dahil nasa loob sila ng VIP room at apat lamang sila.
"Oh, I said Isabel must be your fiancée."
Kumuyom ang kanyang kamay na napansin ni Isabel nagpatuloy naman ang abogado sa pagpapaliwanag.
"So there's no conflict on the transactions and-"
"Attorney wala na bang ibang option hindi kasi pwede ang gano'n eh?" putol ni Isabel sa pagpapaliwanag nito.
"Mas lalong hindi pwede na kaibigan ka lang."
Nalilito na siya at naguguluhan kailangan na nga nila ng tulong ng isang abogado.
Pero kung ganito lang ang sasabihin ay mas mabuting huwag na lang kumunsulta.
"Sandali lang, bakit hindi na lang sa pangalan mo Mr. Acuesta?"
"May conflict pa," sagot niya.
"Anong klaseng conflict ba? Kung hindi naman mabigat ay pwede namang sa pangalan mo ilagay madali lang naman 'yan kung technical error lang. Dalhin mo ang birth certificate mo sa-"
"Alam ko ang tungkol sa bagay na' yan hindi naman ako gano'n ka mang-mang," naiirita na niyang tugon.
"Kung hindi 'yon ang problema ay dapat malaman ko kasi-"
"Hindi tungkol sa pangalan ko ang ipinunta namin dito kundi sa pagbili ng property," putol niya sa sinasabi ng abogado.
"Iyon na nga. Hindi ba ang punto rito ay papasok ka sa ZBC kaya ka bibili ka ng ari-arian pero ipapangalan mo kay Isabel na kaibigan mo lang. Ikaw ang papasok pero lumalabas na ang kaibigan mo ang may kapasidad bilang isang bilyonaryo sinong niloloko niyo?"
Nagtiim ang kanyang bagang.
Tumututol ang kanyang puso ngunit ito ang idinidikta ng kanyang isipan.
" Attorney, wala na bang ibang option? " si Isabel na nalilito na rin.
"Well there is another option," sagot ng abogado.
"Talaga ano 'yon?" sabik na tanong ni Isabel na maging siya ay gusto ring malaman.
"Option number one!
Huwag sa' yo ipangalan kasi sabi ko dalawa lang ang option kaya-"
"Eh gago ka pala eh!" duro niya rito.
Nabigla ang abogado.
Tarantado!
Akala niya may iba pa.
Iyong pagtayo niya ay sabay hablot sa kwelyo ng suot nitong damit.
Nagulat ang lalaki at nanlaki ang mga mata.
Napahiyaw si Isabel. "Gian!"
"Ayusin mo pakikipag-usap ha huwag pilosopo naturingan kang abogado pero bobo ka!" patulak niya itong binitiwan napaupo ang lalaki sa upuan.
"Gian please tama na!"
Bigla itong tumayo.
"Sandali lang, Gian? Tama ba ang narinig ko?" nanliit ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Natigilan ang binata at namutla si Isabel na napatakip ng bibig.
"Kaya pala familiar ka eh. Ikaw 'yong wanted hindi ba? Gian Villareal?"
Nanigas ang binata at kinabahan.
Mukhang wala ng paraan para makaiwas sa abogado!
Nilapitan ni Isabel ang abogado.
"Migs, sandali pwede bang mag-usap tayo?"
Hinarap nito ang babae ng matigas ang anyo.
"Mag-uusap talaga tayo Isabel. Ano ' to? Kung hindi ko ba aksidenteng narinig ay hindi mo sasabihin ang totoo?"
"Migs-"
"Isabel nagtatago ka ng isang pinaghahanap ng batas alam mo ba ang kaso no'n?
At talagang alam mo ring magpapalit siya ng ibang pangalan ay kinunsinte mo?"
"Miguel please, ikaw ang hiningan ko ng tulong dahil dito. Sasabihin ko rin naman pero hindi pa sa ngayon kasi-"
Pinutol ni Gian ang pagsasalita ng babae.
"Isabel hindi ikaw ang magdedesisyon tungkol sa bagay na 'yan!" mariin niyang wika.
Nagdedesisyon na naman ang babae nang hindi siya kinukunsulta.
Natahimik ito at nagharap sila ng abogado.
Kung tutuusin ay pwede na siyang isuplong nito sa mga awtoridad.
"Ikaw na nga ang dehado ikaw pa matapang? Bilib naman ako sa' yo," iling ng abogado.
"Kung inaakala mong matatakot ako dahil alam mo na, nagkakamali ka. Hindi lang ikaw ang may alam sa batas," tiim bagang niyang wika.
"Talaga? Nakalimutan mo yatang wanted ka eh kung ipahuli kaya kita ngayon? Tingnan natin ang tapang mo!"
Akmang susugurin na naman niya ito nang maramdaman ang isang magaspang na kamay na humawak sa kanyang pulso.
Nilingon niya kung sino at nagtagpo ang tingin nila ni mang Isko.
"Gian, huwag ngayon, umalis na lang tayo. Isabel."
"Isabel tapusin mo 'yan at umuwi na tayo," mariin niyang utos sa babae bago tumalikod.
"Gian sandali!"
Tuloy-tuloy ang lakad ng binata at naiwan naman si mang Isko na nasa likod ng anak.
"Migs, please huwag kang gumawa ng mga bagay na magpapahamak sa kanya.
Wala siyang kasalanan, kilala mo ako kilala mo kung ano ang pinapanigan ko, " halos magmakaawa si Isabel sa abogado.
"Para sa pagkakaibigan natin Isabel, igagalang ko ang gusto mo."
"Salamat, salamat talaga Migs!"
Napapikit nang mariin si Gian pagdating sa kotse.
Hindi siya makapaniwala na mabilis ang abogadong 'yon nadulas lang si Isabel nalaman na kung sino siya.
"Gian naayos na si Miguel."
Pumasok ito sa passenger seat at sa likod ang ama nito.
Agad niyang pinaandar ang kotse at nilisan ang lugar.
Nakaramdam na siya ng gutom.
Saan tayo kakain? "
" Sa fastfood na lang, "tugon ni Isabel.
"Hindi pwede maraming tao roon, " tanggi niya.
"Resto ulit," ani Isabel.
Naalala niya si Ellah na minsan ay kumain sa isang karenderya, bilyonaryo pa 'yon.
Nang makakita siya ng karenderya na halos walang tao ay bumagal ang pagpapatakbo niya.
"Diyan kaya tayo?" turo niya sa maliit na kainan.
Luto na lahat doon kakain ka na lang.
"Sure ka? Diyan talaga tayo kakain? Eh mukhang marumi diyan eh, " iritadong wika ni Isabel.
"Nanghuhusga ka na naman ni hindi mo pa nga nakita."
"Eh ayaw ko nga diyan!" tumaas ang boses ng babae at natahimik siya.
"Isabel huwag ka ng maarte kung saan gusto ni Gian doon tayo," matigas na wika ni mang Isko.
Sumama ang anyo ni Isabel at nanahimik.
"Mukhang ayaw ng anak ninyo eh?"
"Isabel, halika na!" naunang bumaba si mang Isko.
Kahit masama ang loob ay bumaba naman ang babae.
Napangiti ang binata bago pinatay ang makina at binuksan ang pinto saka lumabas.
"Mang Isko ayos lang ba diyan?"
"Oo naman Gian kahit saan."
Patungo na sila roon pero hindi sumunod si Isabel.
Nasa loob na si mang Isko kaya binalikan niya ang babaeng nasa labas lang ng kotse.
"Isabel, halika na."
"Ayoko, busog ako," maktol nito.
Napailing siya.
Nagsisimula na naman siyang mainis.
Ngunit may huling paraan pa siya para umayos ang babae at matigil sa pag-inarte pero kapag hindi pa rin niya nakuha sa paraang ito ay mapipilitan na siyang pagalitan ito para tumino sa pag-iinarte.
Bumuga ng hangin ang binata bago marahang hinawakan ang pulso ng babae.
Napaigtad ito at napatingin sa kanya bago sa kamay niyang nasa kaliwang pulso nito.
"Mukhang maayos naman doon at walang tao kaya halika na gutom na ako at inaantok na rin please?"
Ngumuso ito bago nagsalita.
"Sige na nga, gutom na rin ako eh."
"Good girl," aniya bago marahan hinila ito sa pulso na sumunod naman.
Naglalakad sila habang hawak niya ang babae.
Pagdating doon ay naghihintay si mang Isko.
Nang makaupo na silang tatlo sa isang sulok ay nagpaalam si mang Isko na mag banyo muna kaya naiwan sila ni Isabel.
" Gian 'yong tungkol sa nalaman ni Miguel hindi na siya magsusumbong kaya bukas sasama na siya sa atin."
"Hahanap tayo ng iba."
"Pero bakit pa? Mas maganda na 'yong alam na niya ang lihim natin."
"Wala akong pakialam malaman niya o hindi ang ayaw ko ay ipipilit niya ang gusto niya na maging fiancée kita ."
"Ayoko rin naman pero may naisip ka bang iba?"
Natahimik siya.
"Kung doon na lang kaya ipangalan sa totoo mong pangalan? Walang question 'yon."
"Kung pwede iyon na ang ginawa ko. Ang problema ay aalamin ng organisasyon ang mga ari-arian ko kung karapat-dapat ba akong maging miyembro.
At kapag nalaman nilang nakapangalan sa isang Gian Villareal na wanted
mahuhuli ako ng 'di oras.
Hindi rin pwede sa bagong pangalan ko dahil peke ' yon."
Humugot ng malalim na paghinga si Isabel.
" Parang tama si Miguel eh.
Kung fiancée mo ako kahit paano walang kwestyon 'yon."
"Kalokohan! "
"Pero' yon ang pinakamabilis na paraan para makapasok ka."
"Hindi nga pwede dahil may totoo akong fiancée.
Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa atin."
"Gian makinig ka.
Ang katauhan mo sa pagpasok sa ZBC ay bilang Rage Acuesta ibig sabihin wala siyang alam na ikaw si Gian.
Kaya hindi siya magiging problema.
Bukod doon, kailangan mo siyang layuan para walang mag-isip na ikaw si Gian.
Sa oras na makita ka ng iba na lumalapit sa apo ni don Jaime ay agad magkaroon ng hinala ang mga 'yon at worst mahuli ka. "
Mariin siyang napailing.
Ayaw tanggapin ng kanyang puso kahit pa gaano kaganda ang ideya ni Isabel dahil kahit huwad ang kanyang buong pagkatao tunay ang kanyang damdamin para sa kasintahan, at kahit kailan ay hindi magiging huwad 'yon.
Huwad lang siya ngayon kasama si Isabel.
Sa oras na makakabalik na siya sa totoong pagkatao ay ayaw niyang may lamat na ang relasyon nila ng kasintahan na siya rin ang may gawa.
Naisip niya tuloy i text o tawagan si don Jaime.
Noong nagkausap sila noon ay sinabi niyang siya ang kokontak dito at huwag na huwag itong mauuna sa pagtawag o text sa kanya para na rin sa kaligtasan ng lahat at naiintindihan 'yon ng don.
Pero hindi nito alam na may pinaplano siya laban kay Delavega.
Ang rason niyang nagpapalamig lang muna bago magpakita ay naiintindihan iyon ng don.
Iba ngayon.
Dahil malaki ang posibilidad na hindi nito maiintindihan ang sitwasyon niyang magkakaroon ng huwad na relasyon.
Kahit huwad' yon wala namang alam si Ellah na kasintahan niya.
Maaapektuhan ito ng husto at masaktan at iyon ang ayaw ni don Jaime na mangyari, ang masaktan na naman ang apo nito dahil hindi pwedeng ipaalam ng don ang totoo sa apo.
At ang pinakaayaw niya ay dahil na naman sa kanya!
---
Sumasakit na ang ulo ni Ellah kakaisip kung sino ang kukunin niya bilang investor sa kumpanya roon sa nalalapit na pagdiriwang ng organisasyon.
Tahimik ngayon ang mga kalaban niya dahil naghihintay pa ito.
Oo kalaban pa rin, iyon nga lang sana hindi na sila tatraydurin.
Sa oras na may gumawa pa ng ganito sa kanila ay hindi na siya mangingiming tanggalin agad.
Binuksan niya ang laptop at maghahanap sa mga miyembro ng club baka sakaling may makukuha siya.
Bumungad ang isang malaking artikulo.
ZAMBOANGA BUSINESS CLUB IS CELEBRATING ITS 55TH ANNIVERSARY!
Anim na araw na lang mula ngayon ang naturang pagdiriwang.
Inisa-isa niya ang halos may isang daang miyembro doon pero walang mahanap kaya na i-stress na siya.
Sumasakit na rin ang mga mata niya kakatingin sa mga miyembrong naroon lalo pa at nakita niya ang pangalang Delavega.
Para mawala ang stress ay ibinaling niya sa iba ang paningin.
Mas gusto niyang manood ng magagandang video kaya nagtipa siya ng salitang 'video' ngunit sa halip na video ay iba ang natipa niya at naging 'Villareal.'
Nabigla ang dalaga nang lumitaw ang larawan ng isang matanda na nagngangalang don Manolo.
Binasa niya at inalam lahat ng detalye rito.
Bandang huli nalaman niya rin kung sino si don Manolo Villareal.
Ito ay isa sa pinakamayaman at pinakakilala sa buong Cagayan de Oro City.
Agad siyang nagtipa sa pangalan ng nobyo ngunit sa kanyang pagkadismaya ay walang lumabas na kaugnay nito.
Naghanap pa siya nang naghanap.
Pindot sa bawat imaheng makikita ng mga may kaugnayan sa don.
Mga anak nito, pamangkin at apo.
Basa sa bawat artikulo.
Ngunit lahat ng iyon ay walang nagsasabing kaugnayan ng nobyo.
Huminga ng malalim ang dalaga bago nagpasyang patayin na ang laptop.
Nagpatuloy siya sa pagpirma ng mga papeles ngunit hindi na mawala sa kanyang isipan ang tungkol sa nakita.
Hanggang sa sumapit ang tanghalian at tinungo niya, ang opisina nito.
Inabutan niya itong may kausap sa telepono habang nakaupo sa swivel chair.
"Alright Chairman Kim, we'll be there of course. Thank you."
Nang matapos ang pakikipag-usap ay nilapitan niya ang abuelo.
"Lolo sino 'yon?"
"Ah, ang Chairman ng club tinawagan ako kung dumating na raw ba ang invitation letter nila.
Dumating naman na."
"Patingin?"
Ibinigay ng don ang isang card na may naka engrave na logo ng naturang club.
Natural lang na bigyan ang bawat miyembro ng mga ito lalo pa't napabilang sa sampung rango ang abuelo.
Sa buong Zamboanga City si don Jaime Lopez ang nangunguna. Pangalawa si Senior Roman Delavega.
Iba naman ang nangunguna sa ibang probinsiya.
Pagkatapos mabasa ay ibinalik niya sa sobre ang sulat.
Naisip niya paano na lang kung si Delavega na ang mangunguna?
Mas lalo pa itong magiging makapangyarihan at mas mahirap banggain.
Taon-taon ay pipili ng rank 1 sa bawat probinsiya ang club at madalas ang abuelo ang nangunguna noon na tahimik at walang kinasasangkutang gulo.
Ngunit paano ngayong may kinasasangkutan itong eskandalo?
"Lolo, paano kung si Delavega ang mangunguna ngayon dahil sa nangyari sa atin?"
"Hindi mangyayari 'yon. Kung hindi man ako tiyak na hindi rin siya."
Sana nga.
Natigil ang pag-uusap nila nang may kumatok sa pinto.
"Come in," anang don.
Pumasok ang messenger na may dalang pagkaing inorder niya.
"Good morning chairman, Ms. Ellah."
"Pakilagay lang ho sa kusina mang Louie, " tugon niya.
"Sige ho."
Hinintay lang nila ang pag-alis nito at naghanda na para kumain.
Malaki ang opisina at may maliit na kusina, doon sila kumakain.
Ito ang ginagawa nila kapag walang meeting ang Chairman o siya na sa labas kakain.
Habang kumakain ay naisip niya ang tungkol sa hepeng si Cordova na napatalsik nila na naging dahilan ng matinding galit ni Delavega.
"Lolo ano nga ulit ang kaso ni Cordova bakit siya napatalsik? " tanong niya sa abuelo.
"Ninja cops, bakit?" tanong naman ng don pagkatapos uminom ng tubig.
"Hindi ko talaga maintindihan ano ba 'yon?"
Huminga ng malalim ang don.
"Iyon ang style ng mga pulis na nakakahuli ng droga pero ibinebenta ulit.
Sa kaso ni Cordova ibinibigay niya kay Delavega na tiyuhin niya at iyon ang magbebenta saka siya bibigyan ng kita."
Umawang ang bibig ng dalaga.
Talamak talaga ang kasamaan sa mundo lalo na kapag tungkol sa droga.
Mas mabilis at madali kasi ang kita roon dahil marami ring bumibili.
Nakakaadik kasi ang droga kaya marami ang naghahanap kahit pa ilegal ito.
Kay ang magbebenta ay agad magkakapera nang walang kahirap-hirap.
"Kung hindi ba natin pinakialaman si Delavega hindi mawawala sa atin si Gian?"
Natahimik ang don at tumiim ang bagang.
"Hindi ako sigurado sa bagay na 'yan. Pero ang sigurado ako ilalagpak ko ang hayop na Roman na' yon dahil sa ginawa niya sa atin kasama man si Gian o wala.
Nagkataon lang na nadamay siya dahil sa akin.
Kung hindi ko siya ginawang Presidente ng kumpanya ay hindi mangyayari ang ganito ngayon."
Naisip na rin niya ang bagay na 'yon at talaga namang masakit iyon.
Kung hindi naging Presidente ang kasintahan, hindi tatangkaing patayin ni Alex ang abuelo, hindi siya mapapahamak at hindi magiging kriminal si Gian.
Doon na nasagad si Delavega nang mapatay ni Gian ang pinagkakatiwalaan nitong tauhan.
Gano' n pa man ay hindi niya sinisisi ang abuelo sa nangyari dahil wala naman itong intensyong masama kundi ang kabutihan lamang para sa lahat. Sadya lang may mga humahadlang na hanggang ngayon ay hindi pa rin napipigilan.
"Ako ang dahilan ng pagkawala ni Gian."
"Lolo huwag ninyong isipin 'yon."
Tumingin ito ng derekta sa kanya.
"Kaya ako rin ang magbabalik kay Gian sa atin," matatag na wika ng don.
Nakaramdam ng kasiyahan ang dalaga sa kabila ng hinanakit, lungkot pagdurusa at pangungulila sa kasintahan.
"May naisip ako lolo."
"Ano 'yon?"
"Ipaalam natin sa kamag-anak ni Gian ang nangyari sa kanya."
"Ano? Hindi!"
Nabigla si Ellah sa mabilis na pagtanggi ng abuelo.
"Pero lolo karapatan nila 'yon."
"Hindi, bakit mo ba nasabi 'yan? Saan ka nakakuha ng ideya?"
"Nakita ko sa internet ang announcement tungkol sa club anniversary.
Pero naisip kong hanapin ang apelyidong Villareal at lumabas na madali naman palang makikipagkita sa isang matandang may-ari ng Villareal Group of Companies.
Iyon nga lang hindi ako sigurado kung may kaugnayan kay Gian 'yon dahil taga Manila naman siya at hindi taga Cagayan."
"Huwag mong papakialaman ang tungkol sa bagay na 'yan.
Hayaan mong si Gian mismo ang gumawa," matigas na pahayag ng don at ikinapagtataka niya 'yon.
"Paano niya magagawa kung sakaling wala siyang maalala?
Kung nagkaamnesya na pala siya?
Lolo please makikipagkilala tayo baka may maitulong naman sila sa paghahanap kay Gian.
Mayaman ang don Manolo na ' yon malaki ang maitutulong niya."
"Paano kung hindi naman nagka amnesia ang nobyo mo?"
Kumabog ang dibdib niya sa tuwa dahil sa narinig.
Ang malamang walang amnesia ang kasintahan ay isa ng malaking bagay 'yon.
"Anong ibig niyong sabihin lolo?"
"I mean paano kung nagtatago lang pala siya? Nagpapalamig."
Mariin siyang umiling.
"Kung wala siyang amnesia, babalik siya sa akin. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
Ayaw naman nating gumamit ng medya para lang sa paghahanap dahil wanted siya.
Gagamitin na naman ni Delavega ang pagkakataong 'yon laban sa atin.
At ayokong tayo na naman ang magiging dahilan ng pagdurusa ni Gian.
Ako na naman. "
" Hindi pa rin ako sang-ayon na tayo ang magsumbong sa pamilya nila na nawawala ang kamag-anak nila dahil pinaghahanap ng batas.
Ellah hija, ikaw na mismo ang nagsasabing wanted si Gian.
Baka nga kaya hindi nagpapakita sa pamilya niya si Gian ay dahil sa rasong pinaghahanap siya ng batas maging ng sindikato at ngayon sasabihin mo sa kamag-anak nila? "
Natahimik ang dalaga.
" Pero paano kung nagkaamnesia si Gian? "
Natahimik ang don at nanakit ang kanyang lalamunan nang gumapang ang sakit sa kanyang dibdib.
"Paano kung nakalimutan na niya ako? Paano kung may iba na siya?
Lolo hindi ko yata kakayanin 'yon."
Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mga mata.
Hinawakan ng abuelo ang kanyang kamay upang patatagin ang kanyang kalooban.
"Hindi ka niya makakalimutan.
Hayaan mo siyang bumalik.
Ang taong totoo ang pag-ibig kahit makalimot ang utak hindi ang puso.
Babalik siya sa'yo.
Tandaan mong kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa inyo.
Handang magpakamatay ang taong 'yon para sa' yo.
Kung tinuluyan siya ng demonyong Alex noon sa utos ko ay wala ka ng Gian ngayon. "
Napakagat-labi ang dalaga.
Mukhang tama naman ang abuelo.
Naalala niya noong binaril ito ni Alex mabuti na lang at hindi napuruhan.
Kitang-kita niya ang pagtanggap nito sa kamatayan kung sakali.
Marahan niyang pinahid ng mga kamay ang mga luhang naglandas sa pisngi.
Tumigas ang kanyang anyo kasabay ng pagiging matatag ng kalooban.
"Alam ko na kahit saan pa si Gian ngayon, akin pa rin siya.
Makalimot man ang isipan niya sa akin, hindi ang kanyang puso.
Magbago man ang kanyang katauhan makikilala ko pa rin siya dahil akin si Gian.
At kahit sino pang babae ang mayroon siya ngayon kung meron man hindi niya ako mapapalitan sa puso ni Gian.
Dahil akin siya. "
---
Nagbago ang plano nina Gian at Isabel.
Sa pagkakataong ito desisyon ni Gian ang nasunod.
Hindi na sila umupa pa ng apartment kundi nanatiling nakatira sa hotel sa ibang katauhang dala niya.
Nakahanap na rin sila ng matitirhan ng mga kasamahan sa organisasyon na magkakasama ang lahat.
Subalit ang plano nitong maging fiancée niya ay nasunod alang-alang sa kanyang ari-arian.
Alam niyang isa na lang malaking kalokohan ang lahat ng ito ngunit wala na siyang maisip na iba pang paraan lalo pa at nagmamadali na siya sa lahat.
Nasa Tukuran sila ngayon kasama ang abogadong kaibigan ni Isabel hindi kasama si mang Isko at nagpaiwan muna sa Ipil dahil masakit daw ang katawan nito.
Kasalukuyan silang nakikipagharap sa may-ari at ng pamangkin nitong lalaki
upang bilhin ang ari-arian ni mang Damian.
"Sandali lang attorney bakit ipapangalan kay Ms. Isabel ang pag-aari mo sir Gian?" tanong ng pamangkin nito.
Alam niyang itatanong ang ganito ngunit hindi niya magawang sagutin.
"Sir Damian, fiancée ho ni Mr. Acuesta itong si Isabel."
Napatingin ang may-ari sa kanya.
"Talaga? Ah kaya pala sinabi niyong hindi kayo mag-asawa?"
"Oho," sagot ni Isabel na nakangiti.
Matapos magpirmahan ay nagkamayan silang lahat at nagpaalam dala ang mga dokumentong nakasaad na sa pangalan ni Isabel bilang pagmamay-ari niya.
'Unang hakbang para sa tagumpay.' sa loob-loob ng binata.
"Congratulations Gian, kunti na lang makakapasok ka na," nakangiting wika ni Isabel.
"Salamat," tanging naitugon niya.
"Lahat ng pag-aari mo ngayon Mr. Acuesta o Mr. Villareal na nakapangalan kay Isabel dapat ay may agreement iyon ay kung gusto mo pang makuha.
Deed of donation is one of it, tapos ma ita-transfer na natin sa pangalan mo."
"Good to hear," matamlay niyang tugon.
"Ga, this is it, malapit na nating matupad ang plano," malawak ang ngiting wika nito sabay hawak sa kanyang braso.
Sa pagkakataong ito ay sinadya niyang alisin ang brasong hawak nito.
May relasyon na nga sila sa papel gagampanan pa ba niya sa personal?
Gano'n pa man hindi niya maitatangging ito na ang simula.
Pabalik na sila nang tumunog ang cellphone ng binata.
Mabilis niyang tiningnan kung sino at nang malamang si Hendrix ang tumatawag ay mabilis siyang lumayo at sinagot ito.
"Kumusta?" bungad niya.
"Natupad na ang gusto mo. May bago ka ng pangalan kasama ang driver's license."
Napangiti ang binata.
"Salamat."
"Kinukumusta ka ni grandpa tawagan mo naman minsan nag-aalala siya sa'yo."
"Gagawin ko talaga 'yon."
"Siguraduhin mo lang. Ayaw kong nag-aalala siya.
Ipapadala ko na lang ang dokumento sa-"
"Kailangan ko na agad, gawin mo sa pinakamabilis na paraang makarating agad sa akin."
"Ano?"
"Wala akong lisensiya Hendrix, mabuti na lang hindi ako nahuhuli sa daan."
"Fuck! Don't tell me ipapa chopper ko pa ID mo lang?"
Muling napangiti si Gian panay naman ang pagmumura ni Hendrix gano'n pa man alam niyang gagawin nito.
Habang pauwi ay tumawag ulit si Hendrix upang ipaalam na patungong Ipil na ang chopper.
"Puntahan mo na lang sa airport."
"Salamat Hendrix."
"Tangina Gian ikaw pa lang ang nakakagawa nito sa akin!" gigil nitong wika bago nawala sa linya.
Hindi siya nagkamali dahil pagdating ng airport ay naroon nga ang piloto.
Nagkumustahan lang sila at ibinigay na nito ang kailangan niya.
"Salamat," aniya nang makita ang mga dokumento sa loob ng isang attaché case.
"Walang anuman ho sir."
Nagkamay sila at lumipad na ang chopper.
Pagbalik niya sa kotse nakanganga si Isabel habang nakatingala at nakatingin sa helikopter.
"Isabel let's go," aniya sa babae.
"Ang yaman mo nga Gian."
Umiling siya.
Ngayong may bago na siyang pangalan at may bago na ring katauhan ay ito na nga ang simula ng laban.
Lumipas ang mga araw na ginugol nina Gian at Isabel kasama ang abogado sa pamimili ng mga ari-ariang nakausap niya gamit ang tseke at bank to bank transfer.
At lahat ng mga ari-ariang nakita niya lahat ay naging kanya.
Sinuwerte siyang masyado dahil nakuha niya lahat.
Wala naman kasing tatanggi pagdating sa pera.
At dahil sa pera ay mabilis lang lahat.
Lagi namang malapad ang ngiti ni Isabel.
Samantalang nag-iisip na siya ng susunod na gagawin.
Naihatid na rin nila si mang Isko sa apartment at naroon na rin ang mga kasamahan ng mga ito ayun kay Isabel.
"Ga, anong plano mo ngayong nabili mo na lahat?" tanong nito kasalukuyan silang kumakain ng hapunan sa restaurant ng hotel.
Ayaw kasi nitong kumain mag-isa at bilang pasalamat sa babae ay pinagbigyan niya sa lahat ng gusto nito.
"Magpapamiyembro ako sa club. Bukas pupunta ako roon."
"Sasamahan kita."
Tumango na lang siya.
Kapag naging miyembro na siya roon ay malapit na sila sa katotohanan.
"Pero bago ka magpapakita sa club at bago magpapamiyembro babaguhin ulit natin ang porma mo."
Kumunot ang kanyang noo at natigil sa pagkain.
Pagbabago na naman.
"What do you mean?"
"Starting tomorrow wear a tux. Iyon ang bagay sa'yo."
"No!" matigas niyang wika.
Hindi niya talaga maatim na magsuot niyon, napilit lang siya ni Ellah minsan hindi na mangyayari 'yon. "
" Eh ano? Don' t tell me mag leather jacket ka na parang gangster? "
Mariin siyang umiling.
"Maraming pwedeng isuot hindi ko kailangang mag tuxedo-"
" Pero Gian-"
"Isabel stop it. Tumigil ka na hindi mo ako mapipilit," matigas niyang wika.
Tumahimik na rin ito.
Hindi sa lahat ng bagay na gusto nito ay mapapasunod siya.
Si Ellah lang ang nakagawang pasuotin siya ng tuxedo at walang ibang makakagawa noon si Ellah lang!
Kapag si Ellah ang nag-utos kahit sako isusuot niya kung gusto nito.
Katulad ng plano ay nagpunta si Gian kasama si Isabel sa Zamboanga upang magpa miyembro sa club.
Katulad ng kanyang sinabi ay hindi siya nagtuxedo dahil naka amerikanang puti siya.
Inayos niya ang suot na panloob na kulay puti rin bago pumasok sa isang gusali kung saan pag-aari ng organisasyon.
May limang gwardya roon na na nagbabantay.
Inayos niya ang eyeglass na suot maging ang kulay asul niyang buhok.
Dumeretso sila sa opisina ng chairman at sinalubong ng isang babaeng tila sekretarya roon.
"Good morning sir, madam. What can I do for you?"
"Is Mr. Kim here?" sagot niya.
"Yes do you have an appointment with him?"
"No, but I want to talk to him."
"Oh, I'm afraid you can't talk to him right now he's in a meeting."
"We'll wait."
"Alright sir."
Akmang tatalikod na ito nang muli siyang magsalita.
"Magpapa miyembro ako ng club nabalitaan ko kasing tumatanggap kayo rito tuwing malapit na ang anibersaryo?"
"Yes sir."
Itinaas niya ang mukha bago tinitigan ang babae.
"I want to be a member can you help me? "
"Ofcourse sir!"
Mabilis silang inasikaso ng babae.
Pina fill up ng form at iba pang papeles na lahat ay nakasulat sa pangalan ni Isabel.
Ilang sandali pa ay nagsalita ang naturang babae.
"Okay, isa submit ko po ito kay chairman Kim para siya na po ang mag-approve."
"Salamat."
Ilang sandali pa silang naghintay bago sila pinatawag ng chairman.
Sumunod sila sa sekretarya nang pumasok ito sa loob ng opisina ng chairman.
"Chairman nandito na po sila. "
Lumingon ang isang lalaking may edad na.
"Come in please and have a sit."
Lumapit sila.
"Thank you," sagot ni Isabel.
"Mr. and Mrs. Acuesta?" tanong nito.
Natigilan si Gian.
"Ah no sir, not yet," sagot ni Isabel sabay ngiti.
"Oh, okay," binasa nito ang application nila.
"Sino ba ang magpapa miyembro sa inyo Mr. Acuesta?"
"Ako," tugon niya.
"Oh okay nakakapagtaka lang kasing sa iba nakapangalan ang documents ninyo na inyong pag-aari.
Kay Ms. Isabel Alvar lahat."
"Oh, okay that's because I am his fiancée," sagot ni Isabel .
"Well congrats for that but nalilito ako kung si Ms. Alvar ang nakapangalan bakit hindi na lang siya ang maging miyemro?"
"Everything she had is mine. Medyo may conflict pa sa name ko kaya sa kanya muna ipinangalanan."
Marami pa itong tanong habang nakatingin sa dokumentong dala nila.
Ngunit nasagot naman nilang lahat.
Bandang huli ay tumayo ito at nakipagkamay sa kanila.
"Congratulations Mr. Acuesta you are finally one of the members added."
"Thank you sir!"
Nakangiti siyang nakipagkamay rito.
Malapit na nga sa katotohanaan.
---
Kasalukuyang naghahanap si Ellah sa laptop na pwedeng maging investor nang mapansin ang pangalan ng bagong miyembrong nadagdag roon.
Congratulations Mr. Rage Acuesta for being the newest member of Zamboanga Business Club!
Pinuntahan niya ang abuelo sa opisina nito at direktang tinanong.
"Lolo, sino si Rage Acuesta?"