Napalingon ang don sa kanya.
"Sino?"
"Rage Acuesta."
"Hindi ko kilala, darating ang mga kaibigan ko ngayon mag me-meeting kami para bukas sa anibersaryo sasali ka ba?"
"Hindi na po, " aniya at bumalik ng opisina.
Bumuntong hininga ang dalaga.
Bukas na ang anibersaryo.
Bukas na ang pagdiriwang.
Bukas!
Ito ang pinakahihintay ng lahat ng miyembro.
Pero hanggang ngayon ay wala siyang nakikitang magiging investor nila.
Nakaharap siya sa computer at naghahanap pa rin ng prospect investor.
Lahat ng nandirito ay mga bigatin, mayaman, makapangyarihan at maimpluwensiyang tao.
Kaya umaasa siyang may makuha kahit isa lang.
Tinatarget niya si Raven Tan ngunit nag-aalangan dahil may nakaraan ito sa kamay ni Gian noon.
Lihim pa rin 'yon hanggang ngayon.
Nanakit ang dibdib ng dalaga nang maalala ang kasintahan.
Napasulyap siya ulit sa pangalang
'Rage Acuesta' na nasa pang-anim na pwesto tuluyan na nitong naagaw ang kanyang atensyon.
Pumunta siya sa website ng naturang club na www.zamboangabusinessclub.com.ph at tinipa ang code na 'money'
Kung hindi ka miyembro ng club ay hindi ka makakapasok sa website ng mga ito.
Ang code ang nagsisilbing proteksyon ng club sa website nila.
Bumungad ang isang artikulo tungkol sa bagong miyembro.
Tumiim ang tingin niya roon.
CONGRATULATIONS!
The Zamboanga Business Club welcomes the newest billionaire member Mr. Rage M. Acuesta.
The young billionaire got the rank 6!
We'll be of help at anytime you need.
You are safe in this organization...
Huminga ng malalim ang dalaga at hinanap ang larawan nito.
Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay wala kahit isa.
Nang maalala niya ang abuelo na rank 1 ay mabilis niya itong pinuntahan.
Ngunit si don Jaime ay abala sa pag estima ng mga bisita nito.
Sinilip niya ang kinaroroonan ng abuelo sa loob ng conference room at may kausap itong mga miyembro ng club.
Alam niyang nagpupunta ang mga ito sa don upang magpabango ng pangalan sa rank 1.
Ang mga nandito ay ang nasa rank 10, 9 , 7, mga negosyante at 5 at 4, mga politiko na negosyante rin.
Kabilang na si Judge Valdemor na rank 5.
Wala si Delavega na rank 2, wala rin si Raven Tan na rank 3 na minsang inireto ng abuelo sa kanya, wala ang rank 8 na si Mondragon at wala si Acuesta na rank 6.
Ang Zamboanga Business Club ang dahilan kaya nakakapasok si don Jaime Lopez sa mga kumpanyang nais nitong maging stock holder.
Matagal ng itinayo ang organisasyong ito noon pa, hindi lang alam ng karamihan kapag hindi mayaman at makapangyarihan.
Ito ang naging dahilan upang maging tanyag ang don sa buong Zamboanga Peninsula.
Maraming kakilala at maraming nakakakilala.
Maraming mahingian ng tulong at maraming humihingi ng tulong.
Ang isa pang maganda sa club kapag nasali ka ay makakahanap ka ng kumpanyang pwede mong salihan o taong hingian ng tulong.
Ang lahat ng nandito ay maimpluwensiyang tao kaya kung mapapabilang ka malaki ang pakinabang mo.
Tutulungan ka nila sa abot ng makakaya.
Ang ZBC ay parang fraternity tulungan sa lahat.
Kapag napabilang ka sa sampung rango ay may prebilihiyo na.
Hindi basta-basta nalalaman ng bawat miyembro ang tungkol sa kapwa miyembro.
Iyon ang prebilihiyo mo bilang miyembro kapag nasali ka sa pang sampung rango.
Hindi ipapakita ng club ang larawan mo.
Hindi ipapaalam ng club ang pagkatao mo at pananatilihin kang misteryo.
Hindi ipapaalam kung saan galing ang yaman mo.
Ngunit iba na kapag ikaw ang nangunguna sa rango.
Malalaman mo lahat.
Kapag ikaw ang rank 1 ay may tatlong prebilihiyo kang matatanggap.
Privileged one.
May karapatan kang alamin ang tungkol sa kahit sino sa kapwa miyembro mo.
Malalaman mo kung sino ang taong' yon maging ang mukha nito ay may karapatan kang malaman.
Malalaman mo ang lahat tungkol sa kung gaano siya kayaman at ka ma impluwensiya. Ano ang pinanggalingan ng yaman niya dahil ipinapasa 'yon sa club.
Madalas ang iba ay bank account lang ang pinapakita na may kasamang titulo ng ari-arian.
Ngunit ang lahat ng miyembro ay walang karapatang alamin ang tungkol sa'yo kapag ikaw na rank 1.
Wala silang karapatang alamin ang tungkol sa'yo.
Poproteksyunan ka ng club upang itago ang gusto mong ilihim.
"Don Jaime, hindi ka ba curious kung sino ang nasa rank 6 na 'yan? Wala siyang ipinakitang larawan.
Basta na lang sumulpot bilang isa sa miyembro ng club, " anang rank 10 na may apelyidong De Guzman.
"Wala pang ipinakitang larawan si Chairman Kim sa kung sino 'yon. Iyon nga lang daw ang inilihim ng taong 'yon, " anang rank 7 na Cervantes.
"Matindi siya, ayun sa club anim na araw lang pinagbibili ng taong' yon ang mga ari-arian niya," anang rank 9 na may apelyidong Altagracia.
Nakikita sa Deed of Sale kung kailan pinagbibili ang ari-arian ngunit hindi nito nakita 'yon ng miyembro ipinaalam lang ito ng club dahil ayun nga kay Cervantes tanging ang mukha lang nito
ang itinago sa lahat.
Kumunot ang noo ng dalaga at napaisip.
'Sino ba talaga ang Rage Acuesta na ' yon?'
"Don Jaime, siguro naman hindi mo na hahayaang maging pangalawa sa'yo si Delavega?" si Judge Valdemor 'yon.
Privilege two.
Kapag ikaw ang rank one ay may karapatan kang
ilagpak ang nasa rank 2 sa kahit saang rango kahit pa mas mayaman ito sa lahat ng mababang rango.
At may karapatan kang mamili kung sino ang ilalagay mo sa pangalawang rango.
O hayaan mo ang club ang mamimili ng kapalit.
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon.
Ilalagay ko siya sa pinakadulo hanggang sa siya na mismo ang umalis sa organisasyon, " matigas na tugon ng don.
"Magaling don Jaime. Ikaw ba ang mamimili sa rank 2 o ang club?" anang rank 4 na may apelyidong Farcon.
"Pag-iisipan ko ang tungkol sa bagay na ' yan."
Privilege three.
Kapag ikaw ang rank 1 ikaw ang may pinakamalaking matatanggap na share.
Buwan-buwan ay nagbibigay ng isang daang libo ang miyembro ng club.
Ngunit kapag napabilang ka sa pang sampung rango ay kalahating milyon ang ibibigay mo at kayo lang ang maghahati noon.
At kapag rank 1 ka ay may matatanggap kang fifty percent mula sa sampung rango, may twenty five percent ka ring matatanggap mula sa natitira pang miyembro ng organisasyon.
Kapag rank 2 ka ay forty percent ang sa' yo sa sampung rango at sa iba pang matitira ay may twenty percent kang matatanggap.
Ang iba ay maliit na porsyento na lang ngunit may matatanggap pa rin.
Huminga ng malalim ang dalaga.
At muling nagtrabaho.
Sa bahay na lang niya kakausapin ang abuelo tungkol dito.
Naisip niyang marami mang benepisyo ang club marami ding isinasakripisyo.
Ito ang dahilan kaya marami ang nagtatangka sa buhay nila ng abuelo.
Walang tigil ang kalaban.
Kahit saang anggulo niya tingnan walang hindi kalaban.
Mabuti na lang natutulungan sila ng club dito nakakakuha ng mga impluwensiyang tao ang abuelo.
Pagdating sa bahay naroon na nga si don Jaime kausap si mang Roger sa sala.
Nadaanan niya ang isa sa mga katulong sa gilid.
"Julia sabihin mo kung tapos na si lolo kakausapin ko siya."
"Opo Ms."
Pagdating sa kwarto ay
tinungo niya ang drawer ng tokador at kinuha roon ang isang red jewelry box.
Binuksan niya ito at tumambad sa kanyang paningin ang laman no'n.
At napangiti ang dalaga sa nakita.
Subalit biglang naglaho ang kanyang ngiti nang makarinig ng usapan mula sa ibaba.
"Paano po don Jaime tutuloy na po ako?"
"Sige Roger salamat sa paghatid."
"Walang anuman ho. Basta sana bukas kayo pa rin ang manguna sa posisyon gaya ng dati don Jaime."
"Sana, hindi ko kakayanin kung si Roman."
"Hindi mangyayari 'yon don Jaime," mariing tugon ni mang Roger.
"Sige, salamat."
Nang makaalis ito ay tinungo niya ang abuelo sa sala nanonood ito ng balita.
"Lolo, sino kaya 'yang Rage Acuesta na 'yan? I'm curious lolo."
"Hindi ko rin alam, walang ipinakitang larawan si Mr. Kim. Makikilala naman daw sa araw ng pagdiriwang, iyon daw ang tanging hiling ng Acuesta na 'yon na kahit ako ay hindi kaagad mapagbibigyan. Bukas malalaman na natin."
"Parang may something sa kanya at hindi ko alam kung ano 'yon.
Curious ako kasi
kahit malapit na ang anniversary ay humabol pa siya ng membership bukod pa sa pang anim ang rank niya.
Gaano siya kayaman lolo, nalagpasan niya ang napakaraming bigating tao at pasok sa pang sampung rango.
Rank six lolo, nilagpasan pa niya ang mga lumang miyembro. "
Napansin niya ang pananahimik ng abuelo.
Nanahimik din siya.
Aalamin niya kung pwedeng maging investor ang Rage Acuesta na 'yon.
At kung sakali, ay may maipapakita na siyang kakayahang kumuha ng investor sa kumpanya.
' Ilalampaso ko sa mukha nila sa oras na makakuha ako. '
"Aalamin ko kung sino ' yan," tugon ng don.
Napangiti ang dalaga.
"I want to know him lolo, baka sakaling may potential siyang maging investor natin."
"Huwag muna may aalamin pa ako."
May tinawagan sa cellphone ang abuelo at hinintay niya kung sino.
Nasa isip niyang ang chairman ng club ang tatawagan.
"Hello Vince?"
Kumunot ang noo ni Ellah sa narinig.
Bakit si Vince?
"May ipapagawa ako pwede ka ba? Okay sige may ipapakumpirma lang ako salamat."
Tinabihan niya ang abuelong nanonood ng balita.
"Lolo bakit si Vince?"
"May kakaiba sa taong 'yon," tugon ng don na sinulyapan lang siya.
"Ha? Ano naman?"
"Nakausap ko si Mr. Kim, ayun sa kanya lahat ng pag-aari nitong si Acuesta ay nakapangalan sa kanyang mapapangasawa."
Umawang ang bibig ng dalaga.
"Asawa?"
"Hindi pa, fiancée pa lang. Iyon ang nakakapagtaka bakit hindi sa kanya mismo nakapangalan?"
"Eh bakit daw po lolo?"
"Sabi ni Mr. Kim masyadong in love itong Acuesta na 'to sa mapapangasawa kaya doon ipinangalan.
Hindi ako naniniwala, walang ganoong rason maliban na lang kung may taning ang buhay niya kaya pinamimigay na niya sa mapapangasawa.
Kahit nga mag-asawa may kanya-kanyang ari-arian iba itong Acuesta na 'to."
"Kaya balak mong pa imbestigahan?"
"Oo at si Vince ang pinapagawa ko alam kong kaya niya 'yon."
Napatingin si Ellah sa telebisyon.
' Anong meron sa Rage Acuesta na 'yon?'
Hindi ibinabalita sa radyo o telebisyon ang tungkol sa organisasyon tanging sa internet lang at tinatawagan ang mga miyembro at pinadadalhan ng sulat.
Iyon ay upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat miyembro.
Ibang klase rin ang invitation letter ang napabilang sa rank ten.
Ngunit naiiba sa lahat ang card na natanggap ng kanyang abuelo dahil ito ang nasa rank 1 mula noon hanggang ngayon.
Ordinaryo lang ang sa mga hindi top ten pero kapag napasali ka sa rank ten ay espesyal ang card na matatanggap mo.
At iyong card na 'yon ang siyang magsisilbing patunay na kabilang ka sa club.
"At sino raw po ang babae?"
"Isabel Alvar daw."
Hindi pamilyar ang naturang apelyido.
Ibig sabihin hindi napapabilang sa alta sociedad.
Gano' n din naman ang Acuesta na 'yon na ngayon lang sumulpot.
"Sino' yon?"
"Iyon ang aalamin natin."
Natahimik siya.
"Nga pala tumawag si Raven Tan, naalala mo? Makikipagkita siya sa akin ngayong alas syete ng gabi. Sasama ka ba?"
Raven Tan.
"Hindi na ho lolo, alam ko namang tungkol lang 'yan sa rango."
"Sabagay. Nakahanda na ba tayo para bukas?"
"Handa na ang isusuot natin lolo, nakausap ko na ang designer nating si Marie Kuan. Dadalhin na lang niya rito mamaya."
"Mabuti hija. Inihanda ko na rin ang sasakyan natin."
"Salamat po."
Ang designer na si Marie Kuan ay ang pinakakilala rito sa buong Zamboanga.
Lahat halos ng bigating tao ay sa kanya nagpapagawa ng gown.
Magaling siyang magdesenyo kaya marami ang nagkakagusto.
Ikaw na lang ang magdagdag ng palamuting gusto mong ilagay.
Isa pa sa nagustuhan niya ay hindi nito idinidisplay ang gawa para makita ng iba.
Saka lang makikita ng iba 'yon kapag isinuot mo na.
At siya ay nakahanda na, mula sa damit, purse, sapatos at alahas.
Sa araw ng pagdiriwang kailangang ipakita o kailangang makita ng lahat kung bakit ka nasa rango mong 'yan.
Kailangang sa porma mo pa lang makikita na kung ano ang dahilan at ikaw ang rank 1.
Kaya sa araw na' yon kailangang walang makapantay sa isang don Jaime Lopez!
Kahit sino sa kalaban!
---
"Anong plano mo ngayon senior Roman, si Lopez pa rin ang nangunguna?"
Humigpit ang paghawak niya sa basong may lamang alak.
Kausap niya ngayon sa kanyang mansyon si Jeric Mondragon ang anak ni John Mondragon.
"Hindi na ba makakalabas ang ama mo?"
"Hindi gano'n kadali kaya nga kayo ang inasahan niya. Kapag naging senador kayo matutulungan niyo na siya."
"Maghintay lang tayo ng kunti pa."
"Bilisan niyo na senior Roman. Ngayong wala na ang demonyong Villareal na 'yon mas madali na lang ang lahat. Pero parang wala pa rin kayong ginagawa."
"Huwag mo ng alalahanin ang Villareal na 'yon.
Inuuod na 'yon sa lupa.
Kapag ako ang nanguna sa club ngayong taong ito akin lahat ng miyembro maliban kay Lopez."
"Paano kung hindi kayo 'yon?"
Ibinaba niya ang basong hawak sa maliit na mesa kung saan naroon ang inumin.
"Imposible sira na si Jaime. Mapapalitan na siya at ako ang papalit!
Kapag nangyari 'yon ilalagpak ko siya sa pinakadulong rango," ani senior Roman sabay halakhak.
"Paano kung may iba?"
Naglaho ang kanyang ngiti.
"At sino naman?"
"Dad!"
Sabay silang napalingon sa kararating lang na si Xander.
"Bakit?"
Tumalim ang tingin nito sa kanilang dalawa.
"Ang sabi ng source ko nakukuha ang atensyon ni don Jaime ni Raven Tan."
Napaupo siya ng tuwid sa narinig.
"Iyong gago na 'yon?"
"Hindi lang ang gago na' yon. May tarantado pang iba."
"Sino?"
"Isang nagngangalang Rage Acuesta!"
Pumaling ang kanyang ulo sa narinig.
"Sino ba talaga ang impormante mo at mukhang magagamit ng husto?"
Ngumisi ang anak bago tumabi sa kanya.
"Huwag mo ng alamin dad. Tinitiyak ko malaki ang pakinabang natin sa kanya.
Ang mahalaga alam natin ang pinaplano ng mga Lopez.
Ano bang plano mo?"
"Aalamin ko kung sino ang Acuesta na 'yan."
---
Abala si Gian sa pakikipag-usap kay Hendrix dahil sa kanilang mga kakailanganin para sa anibersaryo.
"Ano? Limousine! " ulit ni Hendrix na halatang masama na naman ang loob.
Sinabi na niya rito ang lahat ng plano niya noon pa kaya alam nito ang nangyayari.
Gano'n pa man hindi niya ito lubos na pinagkakatiwalaan dahil halos parehas lang sila nito mag-isip.
"Oo kailangan ko ng sasakyang 'yan para sa anibersaryo ng club."
"Pagkatapos mong manggamit ng ibang pangalan ngayon sasakyan naman ang kailangan mo bakit ba hindi ka na lang bumili ha?"
"Hindi ko pa kailangan ng gano' n kaya hihiram muna ako kay don Manolo."
"Hindi niya 'yon magagawa.
Tsaka bakit ka manghihiram gamitin mo bili mong bagong kotse."
Iyon sana ang plano niya.
Kaya lang hindi siya bibili ng Limousine para i display.
Kailangan sa club na 'yon ma bigyan mo ng pruweba ang rango mo.
Kung ang service niya ang gagamitin ay magtataka sila.
At ayaw niyang mag ka issue ng dahil lang sa sasakyan.
Hindi rin pwede ang hindi luxury car.
Wala na siyang oras para doon.
Sa malayong lugar pa' yon manggaling bukas na ang selebrasyon.
"Ano magagawaan mo ba ng paraan ang hiling ko o hindi? Kasi kung hindi kay don Manolo na lang ako pupunta-"
"Oo na maghintay ka!"
Napangiti ang binata.
Ito na rin talaga ang pinakahihintay niya.
Alam niyang nagagalit na si Hendrix dahil ayaw nitong malaman ng don ang nangyayari sa kanya.
At iyon ang ginagawa niyang panggipit kay Hendrix upang mapasunod ito.
Na sa terminology pa ni Ellah ay 'black mail.'
'Ellah'
Gumapang ang pananabik ng binata sa kasintahan.
'Kunting tiis na lang mahal ko. Kunti na lang.'
Hindi naman niya binablack mail talaga si Hendrix pero parang ganoon na nga.
Ilang sandali pa, muli itong tumawag na mabilis niyang sinagot.
"Parating na diyan kasama ang driver," iritado nitong wika.
Napangiti ang binata.
"Natural na may driver 'yon alangan namang bumyahe mag-isa ang limousine hindi ba?"
"Huwag kang pilosopo gago!" gigil nitong bulyaw at humalakhak siya.
Akalain ba niyang napapasunod niya ang CEO ng kumpanya at tagapagmana ni don Manolo?
Pagkatapos makipag-usap ay binuksan niya ang laptop deretso sa website ng club.
Inisa-isa niya ang mga pangalan ng miyembro roon.
Bukas na ang anibersaryo na pinaghahandaan niya ng husto.
Nagtiim ang kanyang bagang ng makita ang pangalang Mondragon na nasa ikawalong pwesto at pang-anim siya.
Pangalawa si Delavega at nanguna si Don Jaime.
Nakita niya rin ang pangatlong rango na si Raven Tan na minsan na niyang nilimitahan.
Hanggang ngayon ay walang alam si don Jaime tungkol doon.
May mga lihim talaga na hindi nabubunyag.
Muli siyang napatingin sa mga pangalan ng miyembrong naroon.
Hindi naman niya inisip na mapabilang sa rango pero nang malaman niya ang mga benepisyo ay isa lang ang inilihim niya, ang mukha niya lang na maging kay don Jaime ay nilihim niya.
Natigil si Gian sa pag-iisip nang bumukas ang pinto ng VIP room na kinaroroonan niya.
"Ga, I'm here!"
Nahagip ng tingin niya si Isabel na papasok.
Kagagaling lang nito sa isang dress designer nilang dalawa.
"Na sa'yo na ba?"
"Yup."
Nagpasukat na siya noong nakaraang araw at ngayon ay nakuha na nito.
Pumasok ito sa VIP room na kinaroroonan niya.
Tumabi ito sa kanya at naamoy na niya ang mamahalin nitong pabango.
Nagkapera ito dahil sa kanya.
Binibigyan niya ito ng panggastos kaya ang dating ay parang tauhan niya ito.
"Nasaan ang damit mo?"
Sa halip na sumagot ay marahan itong humahaplos sa logo ng card.
Gawa sa ginto ang bangka na nagsisilbing logo ng sulat sa likod ng card.
Kumikinang ang gintong nakaukit sa logo ng sulat.
Tunay na ginto ang logo na 'yon at maaaring pakinabangan.
Kung nakatitig si Gian sa mga pangalan si Isabel naman ay namimilog ang mga mata sa tinitingnang logo na bangka.
"Tunay 'to hindi ba Gian?" marahang hinaplos ng babae ang bangkang napalibutan ng ginto.
"Totoo 'yan."
"Talaga bang sampu lang kayong may ganito?"
"Oo, at kabilang ang kalaban doon," mariin niyang wika.
Noong nagpunta sila sa opisina ng club ay doon ibinigay ang sulat sa kanila.
"Naroon din si don Jaime bilang rank 1."
"At si Ellah," dagdag niya.
Natahimik ito.
"Alam mo bang kapag ikaw ang rank 1 ay pinakanakakaiba ang card na ipapadala sa'yo?"
"Talaga bakit?"
"Dahil hindi lang logo ang gawa sa ginto kundi maging ang pangalan mo ay iuukit nila sa ginto."
"Wow!"
"At si don Jaime lang ang may ganoon sa lahat sa aming isang daang miyembro."
Nanahimik ito at parang alam na niya ang iniisip.
"Ga, kapag magkikita ba kayo ng totoo mong fiancée magpapakita ka ba?"
Iyon din ang naiisip niya.
Pinapraktis niyang huwag maapektuhan sa oras na makita ang kasintahan ngunit duda siyang magagawa niyang balewalain ito sa oras na makita niya.
"Alalahanin mo apo ni don Jaime 'yon.
Alam ng lahat na boyfriend nito si Gian Villareal at kapag nakita ka roon na kasama o kausap si Ellah ay mabilis makakapagduda."
Tumalim ang tingin niya sa kawalan.
"Kaya Ga, huwag na huwag mo siyang lalapitan. Kung ayaw mong mabulilyaso ang mga plano natin."
"Kakayanin ko kaya 'yon kung sakali?"
"Ga," hinaplos nito ang balikat niya na ikinaigtad ng binata.
"Kaya mo dahil nandito ako. Hindi ako hihiwalay sa tabi mo sa buong gabing 'yon."
Umigting ang kanyang panga.
Hindi maintindihan ng binata ang nararamdaman kung matutuwa ba siya na hindi sila mabubuko dahil aaligid si Isabel, o magagalit dahil hindi niya malalapitan si Ellah.
" Handa na ang isusuot natin ang kotse ba handa na rin?"
"Parating na."
Napangiti ito.
"First time kong makasakay ng limousine."
Nagtiim ang kanyang bagang.
Si Ellah alam niyang sawa na.
Halos lahat ng klase ng luxury car ay naipagmaneho na niya rito.
"Hindi ko maisip ang mangyayari bukas paano kapag nagkita kayo ni don Jaime?
Makikilala ka kaya niya?"
Napaisip siya sa sinabi ni Isabel.
Alam niya ang kakayahan ng don pagdating sa ganitong bagay.
Si Ellah kaya niyang lokohin pero hindi si don Jaime!
Sumakit ang utak ng binata sa naisip na mangyayari sa oras na makikita siya ng don na hindi nito alam ang totoo.
Naiisip niya ring paano kung makikita siya ni Vince?
Hindi niya rin ito maloloko.
Kahit pa balutin niya ng matinding pagbabago at kasinungalingan ang buong pagkatao alam niyang hindi ito maniniwala.
Kilala siya nito at kilala niya rin ito.
Gano'n din si don Jaime.
"Kailangang malaman ito ni don Jaime," mariin niyang wika.
Naglaho ang ngiti ni Isabel at napalitan ng takot.
"Ano? Bakit? Gian huwag mong sabihing ipapaalam mo kung sino ka?"
"Gano'n na nga."
"Gian naman! Hindi ka ba nag-iisip? Nagtatago ka tapos ipapaalam mo sa kanila?
Paano kapag nalaman ng apo niya 'yan?
Manganganib ka! "
Apo.
Puro apo puro si Ellah ang pinoproblema nitong si Isabel!
"Wala akong pakialam," matigas niyang wika.
"Gian!"
"Isabel maloloko ko ang lahat baka nga si Ellah magagawa ko pero hindi ang dalawang taong natitira sa buhay ko.
Hindi si don Jaime at si Vince!"
"Pero-"
"Sa oras na makita ako ng don tiyak aalamin niya ang totoo sa akin at ayaw kong malaman niya sa iba.
Gano'n din si Vince.
Baka nga si Vince pa mag-imbestiga, o malamang kumikilos na sila para alamin kung sino si Rage Acuesta, at kapag nangyari 'yon magagalit sila sa akin at ayaw kong mangyari' yon. "
"Pero hindi mo nga pwedeng ipaalam sa kanila!" giit ng babae na ikinainit ng dugo niya.
"Huwag kang makialam sa desisyon ko Isabel!
Kung hindi mo naiintindihan ang sitwasyon manahimik ka!"
Natahimik ito at yumuko.
"Hindi masisira ang plano dahil lang sa nakilala nila ako.
Mas pabor sa atin 'yon dahil alam kong papanig sila sa akin, sa atin."
Sa pagkakataong ito hindi si Isabel ang masusunod.
"Ipaalam mo ito kay mang Roger hindi magandang wala siyang alam gayong kasamahan natin siya, " utos niya.
"Hindi kita maiintindihan pwede namang saka mo na,
lang ipaalam kung -"
"Hindi ko gustong malaman nila sa iba. Sila lang ang pinagkatiwalaan ko Isabel!"
"Kung gano'n wala ka pa lang tiwala sa akin? Sa amin ni tatay? Gano'n ba?"
Napakurap ang binata at umiling.
"Sa ginagawa mo ako ang hindi mo pinagkakatiwalaan."
Lumabas ito nang walang paalam.
Hindi siya nakaramdam ng konsensiya sa ginawa dahil alam niyang tama siya.
Bumuntong hininga ang binata.
Kinapa niya ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at sinimulan ang plano.
Tinawagan niya si don Jaime.
Nakailang ring at walang sumagot.
Tumawag siya ulit nang may sumagot sa kabilang linya.
"Yes? Who's this please sorry if my lolo is busy?"
Napigil ng binata ang hininga at mariing ipinikit ang mga mata.
Nilukob siya ng matinding pananabik pagkarinig sa boses ng pinakamamahal.
"Hello?"
Ipinikit niya ang mga mata at nakagat ang pang-ibabang labi.
Kahit gusto niyang magsalita hindi niya magawa.
"Hello! Ano ba? Alam kong nakikinig ka lang pipi ka ba ha?"
Humigpit ang pagkakapit niya sa cellphone panay ang talak nito habang siya nilulukob ng matinding pananabik.
Si Ellah talaga ang sumagot sigurado siya roon.
"Hoy ano ba kung ayaw mong magsalita ibababa ko na 'to sa-"
"I love you," mabilis niyang tugon ngunit pabulong.
"Ha?"
Pinatay niya ang linya.
Nanghina si Gian kaya napaupo siya.
Parang nawalan ng lakas ang puso niya at isipan.
Marinig lang niya ang boses ni Ellah ay parang gusto na niyang kalimutan ang plano at paghihiganti.
Parang gusto na lang niyang bumalik sa piling ng pinakamamahal na kasintahan.
Mariin siyang napailing.
Hindi maaaring bumalik siya ng hindi malinis ang pangalan, nang walang mukhang ihaharap sa mga Lopez.
Matapos siyang italaga bilang Presidente ng kumpanya nito ay naging kriminal siya at ngayon ay nagtatago, pinaghahanap ng batas maging ng sindikato.
Itinuloy niya ang plano.
Makikipagkita siya sa dalawang taong mahalaga sa buhay niya!
Sa pangalawang tawag niya ay si don Jaime na ang sumagot.
"Sino 'to?"
Nakahinga ng maluwag ang binata.
"Don Jaime ikaw lang ba mag-isa ngayon?"
"Oo sino 'to?"
"Si Gian ho."
"Gian? Gian kumusta? Tagal mong hindi nag paramdam ah! Kumusta na?" ramdam niya ang pag-alala at pananabik sa tono ni don Jaime ano pa kaya si Ellah?
"May sasabihin ako don Jaime pwede ho ba tayong magkita? "
"Oo, ikaw bahala, kahit saan Gian, basta ikaw!"
"Salamat ho. May isa pa sana akong pabor na hilingin."
"Ano ' yon?"
"Isama ninyo si Vince."
Matagal bago ito sumagot.
"Si Vince? Alam na ba niya ang tungkol sa' yo?"
"Wala ho siyang alam. Kung pwede ho ay mamayang alas syete magkita tayo sa Sibugay hotel."
"Oo ba, ikakansela ko na lang ang meeting namin ni Raven Tan."
Natigilan ang binata sa narinig.
"Raven Tan?"
"Oo, kailangan ko siyang makausap. May mahalaga kaming pupuntahang selebrasyon."
Alam niya kung ano 'yon.
"Ano 'yon don Jaime?"
"Hindi mo na dapat malaman pa Gian dahil manganganib ka kapag nalaman mo. Tama na' yang magpalamig ka muna, kami ng bahala sa kalaban natin."
Napapikit ang binata.
Natatakot ang don na mapahamak siya kapag nalaman niya ang tungkol sa organisasyon dahil nandoon si Delavega.
Paano kapag nalaman nitong siya ang pang-anim na rango?
Napalunok siya.
" Don Jaime ang tinutukoy mo bang selebrasyon ay ang anibersaryo ng organisasyong ZBC?"
"O-oo paano mo nalaman? Sandali paano mo nalaman!" sigaw na nito na may dalang takot.
Huminga ng malalim ang binata.
There is no room for denying. Better tell the truth before it becomes useless.
"Ako si Rage Acuesta."
"ANO!"