Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 54 - Chapter 53 - The Escape

Chapter 54 - Chapter 53 - The Escape

CIUDAD MEDICAL... 

Panay ang tawag ni Gian sa kaibigang si Vince mula pa kagabi ay hindi na ito sumasagot. Malakas ang kutob niyang hindi ito nakaalis!

Pilit na lang niyang kinalma ang sarili at inisip na walang masamang  nangyari rito.

Kasalukuyang tinitingnan niya ang mga dokumentong nakalap matapos ibigay ni Vince ang address ng bodega.  

Sigurado siyang may kinalaman ang Congressman sa ipinagbabawal na droga. Kailangan lang nila ng solidong ebidensiya. 

Mapagkakatiwalaan ang informant na nagbigay ng impormasyon kay Vince. 

Alam nito ang mismong lugar ng kargamento. Kaya pinag-aaralan niya ng husto. 

Patuloy siya sa pagbabasa ng mga dokumento ng naturang kuta subalit isang hindi kilalang negosyante lamang ang may-ari nito. 

Binalikan niya ang katabing laptop at hinanap sa files ang impormasyon ng naturang rest house. 

May karapatan pa rin siyang makialam sa misyon dahil hindi naman siya tuluyang inalis doon. 

Tinawagan niya ang isa sa kasamahan habang nakatingin sa larawan ng target. 

"Esiah, alamin mo ang nagngangalang Charles Velasco, ito ang sinasabing may-ari ng kuta ng mga kargamento, ipapadala ko sa' yo ang files."

"Sige  po captain!"

Matapos makipag-usap ay agad niyang ibinigay ang mga dokumentong kailangan ng kasamahan. 

Nang matapos ay may iba pa siyang hinahanap na impormasyon tungkol sa kumpanya ng mga Lopez. 

Kahit nakakulong na ang mga salarin ay hindi pa rin nila nalalaman kung sino ang tunay na may-ari ng kumpanya. Kahit wala na sa tungkulin ang mga pinakulong ay pinalitan lang ng bago ang posisyon ng mga ito, bagay na ikinadismaya ng kasintahan.

Kailangan niya ng ebidensiya upang malaman kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng kumpanya. Hanggat hindi ito ang napatalsik hindimakakabalik ag tunay na may-ari.

Ilang sandali pa nagbabyahe na siya patungo sa lugar na pupuntahan.

Malaya siyang nakakakilos ngayon dahil umalis ang nobya mamimili raw ito ng pagkain nila kasama ang mga bantay niya. 

Kailan man ni hindi niya naisip na ang isang tagapagmana ng multi-million company ay mamalengke para sa kanya! 

Pagdating sa stasyon ng pulis ay bumaba ng taxi ang binata. 

---

SANTA MARIA POLICE STATION... 

Tinungo ni Gian ang information area, may nakaunipormeng pulis doon na tila may binabasang papeles. 

"Good morning, anong kaso?" 

Saglit lang itong tumingin sa kanya at muling tumingin sa binabasa. 

Umarko ang kilay ng binata. Mukhang hindi siya nito kilala. 

Sa trabaho niya mas mabuti nga ang gano'n. 

"Nandiyan ba si Chief Danilo Cordova?" 

Muling umangat ang tingin nito at ngayon ay nakakunot na ang noo ng pulis sa pagtataka. 

Alam niya kung bakit ito nagtataka, iyon ay dahil kilala niya ang hepe nito. Lahat ng impormasyong kailangan ay nasa internet lang at ito ang hinanap niya kanina. 

"Anong kailangan mo?" 

"Ako ang nagbigay sa inyo ng impormasyon sa mga anumalyang nangyari sa Mining Energy Development Corporation."

Ang mga ebidensiyang ibinigay niya kay Vince para kay don Jaime ang tinutukoy niya. 

"Iyong kay don Jaime Lopez?" 

"Tama, ako ang nagbigay ng ebidensiya kay don Jaime." 

"Ikaw 'yong witness? Sandali ano ngang pangalan mo?" 

"Dave Villamayor." 

"Kailangan ko munang makita ang ID mo, protocol lang." 

Dinukot niya sa bulsa sa likod ng pantalon ang pitaka at inilabas ang hinahanap nito.

"Heto ho," ibinigay niya ang kailangan nito na agad namang tinanggap.

Kinuha nito ang isang record book at isinulat ang pangalan niya. 

Sa trabaho niya, kailangang laging nakahanda sa anumang kailangan kapag pinasok ang isang trabaho. 

"Sales supervisor ka pala sa MEDC?" 

"Oho." 

"Kaya pala nakuha mo ang gano'ng impormasyon." 

"Oho pwede ko na bang makausap, ang hepe?" 

"Sige sir, samahan na kita." 

Natuwa si Gian sa narinig. 

Inihatid nga siya nito sa opisina ng taong kailangan niya. 

Pumasok ito at nasa likuran siya. 

"Chief," sumaludo ito sa amo na ikinatingin ng hepe sa gawi nila. 

"Vasquez, anong kailangan mo?" 

"Nandito ang witness na si Dave Villamayor." 

"Witness?" 

Tuluyan na itong pumasok at hindi na niya naririnig ang pinag-usapan ng mga ito. 

Gano'n pa man alam niyang ipinaliliwanag ng naturang pulis sa amo kung sino siya. 

Kailangan niyang dito mag report ng tungkol sa ebidensiya dahil hindi niya pwedeng gamitin ang totoong katauhan kung sa ahensiya nila sila mag report. 

Ilang sandali pa muling bumalik ang pulis. 

"Pumasok ka na."

"Salamat."

Tinungo niya ang kinaroroonang mesa ng hepe at iniwan na sila ng tauhan. 

"Anong maipaglilingkod namin sa'yo sir?" 

Matamang tiningnan ni Gian ang opisyal. 

"Kailangan ko hong makakuha ng kopya ng mga ebidensiya at iba pang dokumento tungkol sa nangyaring skandalo sa MEDC sir, " deretsong tugon ng binata. 

Napaupo ng tuwid ang hepe. 

"Pasensiya na ho, kahit witness pa kayo ay confidential ang files namin."

Sa pagkakataong ito ay wala ng nagawa si Gian. 

Inilabas niya ang isang bagay na makakapagpatunay ng totoong katauhan niya. 

"Kailangan ko ho ng ebidensiya sir," sabay lapag ng tsapa at ID sa mesa nito. 

Nanlaki ang mga mata ng opisyal.

"Agent Villareal?"

Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone dahil sa isang mensahe na agad niyang binasa. 

Hinihintay niya ang message ni Vince at hindi siya nagkamali galing nga sa kaibigan. 

Vince: Pare hindi ako nakaalis

Agad siyang nagpaalam at lumabas para makausap ang kaibigan.

"Pare kumpirmado!" 

"Ang alin?" 

"May kinalaman si Delavega sa droga! Pare hawak ko ang ebidensiya!" 

Saglit siyang natahimik at agad naisip kung may kinalaman si don Jaime. 

"Sigurado ka ba?" 

"Oo, akala ko nga kape lang eh!Nasa loob ng sachet ng kape!" 

Hindi makapaniwala ang binata sa narinig. 

Mantakin bang ilagay sa kape! 

"Bakit hindi ka pa umaalis?"

"Hindi ako nakaalis."

"Bakit?"

"Sige na pare tinatawag ako mamaya na lang ulit."

"Mag-iingat ka."

Kabadong ibinaba ni Gian ang cellphone at bumalik sa loob ng opisina ng hepe matapos tawag ng kaibigan . 

Humugot siya ng malalim na paghinga at kinalma ang sarili. 

Alam niyang walang mangyayaring masama sa kaibigan. Umaasa siyang hindi ito mapapahamak dahil magaling ito!

"Ikaw ang nagpabagsak kay Mondragon tama ba?" salubong na tanong ng hepe pagbalik niya. 

Kumunot ang noo niya sa narinig. "Paano mo nalaman?" 

Muling tumikhim ang opisyal.  "Ibinalita sa telebisyon. Sandali at ipapahanap ko." 

Gamit ang radyo ay may kinausap ito. 

"Dalhin niyo rito lahat ng mga papeles na nakuha natin sa MEDC ngayon." 

Pagkuwan ay muli siyang hinarap ng opisyal. 

"Bakit mo kailangan ang mga 'yon?" 

"Kailangang kong malaman kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng kumpanya ni don Jaime."

"Hinahanap  din  namin   pero hindi madaling malaman."

Bumungad ang isang lalaking may dalang mga makakapal na folder. 

"Sir, heto na po ang kailangan ninyo." Inilapag nito sa mesa ng hepe ang mga dala bago sumaludo at umalis. 

Tumuon ang tingin ni Gian sa mga dokumento. 

"Tingnan  mo sir, baka nandiyan ang kailangan mo. " Iminuwestra ng opisyal ang nasa mesa. 

"Salamat." 

Nagsimula siyang bumuklat. 

"Pwede ka rin sir lumipat doon sa isa pang mesa sir, para maka pag concentrate kayo."

Tiningnan niya ang mesang itinuro nito. 

"Salamat ho." 

Dinala niya ang mga papeles sa kabilang mesa at tinulungan pa siya nito. 

Napailing si Gian. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero hindi niya mapigilan dahil sa biglang pagbabago ng treatment sa kanya ng hepe. 

Tao nga naman. 

Maiiba talaga ang turing ng tao sa sa'yo kung alam nilang may pakinabang ka sa kanila. 

Nang makuha ang kailangan ay nagpaalam na siya sa hepe. 

"Okay na ako rito sir," itinuro niya ang mga papeles ka kakailanganin.

"Sige sir, kung may kailangan ka pa sabihin mo lang." 

Tumango siya at umalis na. 

---

CIUDAD MEDICAL... 

Nang makarating sa ospital ay agad niyang binuklat ang mga papeles at binasa ng maigi ang mga laman. 

Ngunit wala siyang makitang ebidensiya tungkol sa tunay na nagmamay-ari ng kumpanya ni don Jaime. 

Wala roon ang bagong may-ari!

Paano nangyari 'yon? 

Nakumpiska ng awtoridad ang lahat ng ebidensiya bakit wala sa nakuha niya? 

File of evidences ang nakalagay sa folder pero walang kinalaman sa hinahanap niya.

Humugot ng malalim na paghinga ang binata. Sinabi nga pala nitong hindi madaling malaman.

Binalingan niya ang katabing laptop at nagsimulang maghanap ng impormasyon sa Chairman ng kumpanya. 

Kung walang makuhang ebidensiya sa bagong may-ari, paniguradong meron sa Chairman. Hindi ang isang Calvin Go lang ang tunay na may-ari ng kumpanya dahil napalitan na ito ng iba.

Tiyak na may ibang tao sa likod nito at iyon ang aalamin niya. 

Hindi nagtagal ay may lumitaw ng koneksyon sa Chairman, isang hindi katandaang lalaki. Ito ang may pinakamalaking investment sa kumpanya. 

Agad niyang tinawagan ang isa pang kasamahan para pumunta, ito ang pangalawa sa pinakamalapit sa kanya. 

Alam niyang walang misyon ang tauhan kaya napakiusapan niya. 

Hindi na niya ipinaalam sa head nila ang tungkol dito dahil hindi naman masyadong delikado ang ipapagawa niya. 

Ilang sandali pa dumating na ang tauhan at agad niyang sinabi ang pakay habang magkaharap sa mesang puno ng papeles. 

"Itong ipapagawa ko hindi ito kasali sa misyon, tungkol ito sa kumpanya ni don Jaime." 

"Hindi ba tapos na 'yon?" 

Umiling ang binata.

"Hindi pa, wala pang nakakaalam kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng MEDC." 

"Anong gagawin sir?" 

Tumayo siya at kinuha sa mesa ang isang folder at ibinigay dito na agad nitong tinanggap. 

Binuklat nito at binasa ang laman. 

"Rodney Chang?" 

"Hanapin mo ang nagngangalang Rodney Chang. Isa 'yan sa investor nina Calvin Go kaya siguradong alam niya kung sino ang bagong may-ari ng kumpanya ni don Jaime." 

"Opo sir! Bigyan niyo lang ako ng dalawang araw ibibigay ko ang kailangan mo."

"Salamat, salamat din sa pagtulong kahit hindi ito kasama sa trabaho."

"Trabaho pa rin ito sir dahil manghuhuli tayo ng kriminal kahit pa hindi ito misyon."

"Maraming salamat Greg." 

Tumango ang binata at nagpasalamat siya dahil nauunawaan siya ng kasama. 

Maaari naman sana niyang ipaubaya na lang sa pulis ang pagtuklas sa bagong may-ari kaya lang matagal ang proseso sa imbistigasyon at ang pinakamabilis na paraan ay magmanman. 

Nakakulong ang mga salarin at kasalukuyang ini - interogate pero gaano pa katagal 'yon? 

Maghahanap pa ang mga ito ng abogado at hahaba ang proseso. 

Ang pinakamabisa? 

Ang plano niya. 

Napatingin siya sa cellphone at muling tinawagan ang kaibigan. 

Nag ring na ito at gano'n na lang ang kanyang tuwa, hinintay na lang niyang sagutin ito ngunit hindi nangyari. 

Gano'n pa man, maingat pa rin siya at hindi na nagtext, paano na lang kung mapahamak pa ito dahil sa kanya. 

---

DELAVEGA RESTHOUSE... 

Hanggang ngayon hindi makapaniwala si Vince na hindi siya nakaalis sa gabing 'yon. 

Sigurado siyang ang gumawa sa kanya ng gabing 'yon ay ang impormante. Dinala lang siya ulit sa kanyang silid at pinatulog. 

Ibig bang sabihin alam nitong aalis na siya? 

Napakaraming tanong na umiikot sa kanyang utak ngayon pero ang pinakauna roon ay dapat na niyang malaman kung sino ang espiya! 

Pinalipas na lamang niya ang ilang araw at nagmanman ng husto. 

Palaging kasama ng kongresista ang tatlong alalay nito, isang nagngangalang Sandro, isang Warren at isang Alvin. 

Nasa isang mesa ang mga ito kasama ang anak habang siya naman ay nakamasid sa likuran. 

Ang nagngangalang Sandro ay tahimik lang at naghihintay ng iuutos ng amo. 

Ang nagngangalang Alvin ay tila pinakamalapit sa amo. Casual na lang ito makipag-usap. 

"Senior, handa na ang inyong kakailanganin para sa pag-alis ng bansa bukas," anang Alvin. 

Aalis ng bansa ang amo ng mga ito, pagkakataon na rin niya! 

"Salamat."

Ang nagngangalang Warren, ay madalas may suhestyon sa mga sitwasyon. 

"Senior, sa tingin ko dapat magtagal kayo sa China palamigin muna natin ang sitwasyon."

Sitwasyon? Anong sitwasyon? 

Alam na ba ng mga ito ang plano nilang raid? 

Imposible! 

"Tama si Warren dad, hanggat magulo rito kailangan mong umalis." 

"Pero walang mag-aasikaso sa-" 

"Ako ng bahala."

"Hindi ka sasama? Hindi pwede Xander! Delikado ka rin alam mo 'yon!" 

"No dad, mas delikado ang sitwasyon mo, isa pa kaya ko ang sarili ko, trust me dad, ang mahalaga makaalis ka. Isa pa kasama ko naman ang mga tauhan natin, sa'yo na lang muna sina Alvin, Warren at Sandro."

Tumahimik na ang mga ito. 

Ang sabi nila kung sino ang pinakamalapit sa amo ay siyang hudas sa grupo. 

Tumiim ang tingin niya sa Alvin na 'yon na ngayon ay tahimik na. 

Nagsalita ang amo. 

"Isasama ko nga pala si Ace." 

Nanlaki ang mga matang napatalikod siya. 

' Kuhang-kuha ko na talaga ang tiwala ng Tongressman na ito!'

Napabalik siya ng silid at matamang nag-isip. 

Hindi pwedeng maisama siya kailangan na niyang gumawa ng paraan ngayon! 

Inihanda niya ang sarili para sa pag-alis. 

Bumuga siya ng hangin at hinintay mag alas siyete ng gabi. 

May kalahating oras pa siya para magprepara ng gagawin at magligpit ng mga kakailanganing gamit. 

Sinigurado niyang malinis ang buong silid at walang bakas ng puting pulbos. 

Nang matapos ay pumikit siya at nanalangin. 

Anuman ang mangyari sa kanya ngayon, handa siyang tanggapin ng walang pagsisisi. 

Matapos manalangin ay bumuga siya ng hangin at tumayo. 

Ito na ang oras ng paglisan. 

Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid at ng masiguradong wala ng bakas ay marahan niyang binuksan ang pinto at tumingin sa pasilyo. 

Sa pagkakataong ito sinigurado niyang wala ng makakapalo ng batok niya! 

Hindi na rin siya nag kunwaring mabagal maglakad habang wala pang tao. 

Nang makalabas sa pasilyo ay may dalawa ng tauhan doon. 

Muli siyang bumuga ng hangin at nilibot ang tingin. 

Wala ng ibang tao. 

Humugot siya ng malalim na paghinga bago lumapit sa mga ito ng iika-ika. 

"Saan ka pupunta?" 

"B-brad, pwede bang makausap si Senior? Ang sakit kasi ng tiyan ko!" 

Napahawak siya sa braso ng isa sa mga ito, bagay na ikinapiksi ng lalake sabay atras upang mabitiwan niya. 

"K-kailangan ko ng ospital!"  bigla siyang lumuhod sa mga ito na parang nabuwal. 

"Sabihin na natin kay Senior!" Mabilis itong lumayo at may tinawagan. 

Ang plano niyang pagpapahimatay ay hindi uubra ngayon. 

Paano kung habang nakapikit siya bigla na lang siyang barilin sa ulo! 

Nang makalapit na ito ay kinapitan niya ang binti nitong may suot na maong na pantalon na agad naman nitong ikinaatras. 

"Parang awa niyo na, d-dalhin niyo ako sa ospital! Hindi ako makalakad!" 

Hawak ang tagiliran ay iika-ika siyang naglakad. 

"Pumayag na si Senior! Maghintay ka lang!" 

"S-salamat" 

Ilang sandali pa may dala ng stretcher ang apat na tauhan. 

Tumayo siya at humakbang palapit roon ngunit hindi pa siya nakaabot ay biglang may pumatid sa kanya dahilan ng tuluyan niyang pagkatumba buti na lang natukod niya ng mabilis ang mga palad kaya hindi dumeretso sa sahig ang mukha niya. 

"Sakitin na lampa pa!" 

Walang nakakilos isa man sa mga ito. 

Umangat ang tingin niya sa nagsalita. 

"Pinapasama ka ni senior sa China tapos ganyan ka!" 

Halos manlisik ang mga mata ng nagngangalang Alvin habang hawak nito sa tagiliran ang nakasuksok na kwarenta 'y singkong baril. 

"Ano pang hinihintay mo! Pinapatawag ka tanga!" 

"B-boss Alvin, masakit daw ang tagiliran niyan eh." 

Hinugot nito ang baril at dinuro ang tagiliran niya. 

"Diyan ba? Ha! Diyan ba?" 

Napapaatras siya habang malakas nitong tinutusok ng dulo ng baril ang tagiliran niya. Mabuti na lang talaga at wala namang masakit doon. 

"Ano masakit ba lampa! Tatanga mo paano ka napalapit kay senior ang lampa-" 

Nagulat ang lahat ng sumunod na pangyayari, iglap niyang inagaw ang baril at itinutok sa mukha nito. 

"Marunong ka ba niyan?" ngisi pa nito. 

Ngumisi na rin siya. "Ikaw ang tanga! Marunong nga akong mang-agaw ang paggamit pa? Gusto mong subukan ko sa'yo?" Ibinaba niya ang baril at pinuntirya ang ibabang bahagi nito. 

"Hindi kita pwedeng patayin eh, kaya ang papatayin ko na lang ay ang magiging lahi mo, dagdag ka lang sa basura sa mundo!" 

"Ace, tama na 'yan!" sita ng isa sa mga ito ngunit hindi man lang siya natinag. 

"Hererra ano 'yan!" 

Nilingon niya ang sumigaw subalit 'yon ang pagkakamali niya dahil sinipa ni Alvin ang baril sa kamay niya at sinalo nito saka siya binaril!