Chereads / SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL] / Chapter 9 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 7

Chapter 9 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 7

Ran's POV

HINDI AKO makapaniwala sa aking narinig. "T-t-omboy ka?!" gulat na tanong ko rito.

"Hindi, nagkakamali ka," sagot nito at yumuko. "Gusto kita, bilang ikaw kaya..."sabi nito at tumingin sa akin. "...sana pumayag kang maging kaibigan ko!" sigaw nito habang nakapikit ang mga mata at magkadikit ang mga palad sa harap ng mukha.

Natawa na lang ako nang mahina.

Napadilat naman ang isa nito mata. "B-bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" bulong nito.

"Wala," sagot ko at naglakad papunta sa locker ko. "Alam mo? Kakaiba ka," sabi ko saka ito sinulyapan. "Nagwawaldas ka pa ng pera para lang sa akinpara maging kaibigan mo. Kagaya niyan..." Turo ko sa paper bag na nasa paanan nito. "Bumili ka pa talaga ng sapatos para sa akin?" Umiiling na saad ko at kinuha ang aking notebook at naglakad na palabas ng locker room. Ngunit, bago ako umalis ay nilingon ko itong muli at nagsalita, "Hindi mo naman kailangang gawin iyang mga bagay na iyan kung talagang gusto mong makipagkaibigan sa akin.

Simple lang, makihalubilo at makisama ka hindi iyong bibigyan mo ako ng mga materyal na bagay at pipiliting maging kaibigan mo," sabi ko at saka nagsimulang maglakad.

"Sandali!" habol nito sa akin. "Sana, tanggapin mo man lang ito, sabi nito at inabot sa akin ang paper bag na hawak.

"`Di ba, sabi ko sayo hindi ko kailangan ng materyal"

"Sige na. Kahit ito lang. Please?" Hawak na nito ang isang kamay ko. "Para sa'yo talaga ito," sabi nito at iniwan na ang paper bag sa harap ko.

Napatingin ako sa iniwan nito. Lumipat ang paningin ko sa likod ng babaeng iyon habang naglakad ito palayo sa akin. "Sino ka? Bakit mo ginagawa `to," bulong ko bago ko kinuha ang paper bag at bumalik sa classroom.

"Bakit ang tagal mo Miss Kim?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa akin ni Mrs. Marquez.

"Hindi ko po kasi agad nahanap iyong notebook ko," sagot ko na lang sa kanya at naglakad papunta sa upuan ko.

Habang naglalakad, hindi ko inaasahan ang sunod kong makikita.

Iyong babae na nasa locker room kanina, classmate ko!

Napalunok ako nang nakatingin lang ito sa akin kaya agad naman akong umupo. Grabe, pinagpapawisan ang mga palad ko. Paano ba naman kasi, nasa likod ko lang ito.

NANG TUMUNOG na ang school bell hudyat na break time na ay tumayo na ako. Nararamdaman ko kasing nakatingin pa rin sa akin iyong babae. Agad kong tinapik iyong classmate ko na nasa mas malapit sa akin.

"Josa, kilala mo ba iyong babaeng nasa likod ko na may bangs? Iyong nasa pangalawang upuan sa likod?" tanong ko kay Josa.

"Ah, si Keith Richards. Bakit? May problema ba sa kanya?" tanong nito.

"Wala naman. Parang ngayon ko lang kasi siya nakita," sagot ko sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon ni Josa papuntang canteen. "Oo, ganun talaga siya. Hindi mo siya madalas makita at napapansin kasi lagi lang siyang mag-isa, kumbaga loner?" aniya.

"Wala ba siyang mga kaibigan?" tanong ko.

"Hindi ko alam," sagot naman niya. "Sige, Ran. Maua na ako. Tinatawag na kasi ako ng mga friends ko," sabi niya at pumunta na sa kaniyang mga kaibigan.

NANG MAKARATING na ako sa bahay ay agad kong binuksan iyong bigay sa akin ni Keith na paper bag. "Ang yaman naman niya. Binigyan niya pa talaga ako ng sapatos para lang pumayag ako na maging kaibigan niya," bulong ko.

Nang kuhanin ko ang mismong kahon ng sapatos, may isang maliit na papel ang nahulog.

Hi, Ran! :)

Tuwing nakikita kita, lagi kong sinasabi sa sarili ko na sana, kagaya rin kita. Kasi, una sa lahat mabait ka, friendly at laging nakangiti. Sana maging kagaya kita na may maraming kaibigan at laging masaya.

Keith Richard

Napakunot-noo ako sa nabasa ko. "Kaya ba gusto niya akong maging kaibigan dahil sa mabait ako?" sabi ko na lang.

Habang nakahiga sa kama kong kabaong ay may kumatok sa pinto ng aking kwarto.

"Anak?" tawag ni Papa mula sa labas.

"Bakit po?"

"P'wedeng pumasok?"

"Opo opo!" sagot ko at dali-daling pinagbuksan ito. "Bakit po?" tanong ko rito nang makapasok na sa loob.

"Si Uncle Tommy mo kasi..." sabi nito.

"Bakit anong nangyari kay Uncle?" tanong ko.

"Wala naman pero kasi, iyong bar na pinapatakbo niya," mahinang saad nito at napatingin sa akin. "Ran, naaalala mo pa ba iyong alok sa'yo ng Uncle mo? Iyong pagbalik at pagtugtog mo sa banda na binuo niya?" tanong pa nito.

Buong pagtataka akong tumango. "Opo, pero `di ba, sabi ko naman" H;indi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman si Papa.

"Anak, nalulugi na ang bar ng Uncle mo at iyan pa rin ba ang idadahilan mo?" tanong ni Papa. "Kaya nga nagpapatulong siya sa'yo na maging bokalista ka ng banda na binuo niya ay para kahit paano ay may mga tao pa rin angg pupunta ro'n." Paliwanag ni Papa.

"Pero kasi..." Napabuntong-hininga ako.

Hinawakan ako ni Papa sa balikat. "Sasamahan naman kita, anak. Kaya huwag kang mag-alala dahil walang mangyayaring masama sa'yo," sabi nito at nginitian ako.

Napangiti naman ako nang matipid. "Sige po. Payag na"

"Talaga, Ran?! Salamat!" Laking gulat ako nang biglang lumabas si Uncle sa likod ng pinto ng aking k'warto.

"Kanina pa po ba kayo riyan?" sigaw na tanong ko sa kaniya.

Tumango lang naman ito. "Ang Papa mo lang pala ang kailangan kong ipakausap sa'yo para lang mapapayag ka," nakangiting saad niya. "Promise, mag-eenjoy ka sa bar ko," sabi niya at kinindatan ako.

"Alam mo, Uncle... Sa kinikilos mo parang hindi naman palugi iyong bar mo. Parang gusto mo lang talaga akong bumalik ulit sa pagbabanda," sagot ko sa kanya.

Tumawa siya at napakamot pa sa ulo. "S-sorry naman. Masaya lang kasi talaga ako na babalik ka na sa pagbabanda lalo na sa pagkanta mo," nakangiting sambit niya. "So, paano, Ran? Kita na lang tayo sa bar mamayang eight o'clock?" sabi ni Uncle.

"T-teka! M-m-mamaya na? Agad-agad?" tanong ko. Bigla ako nakaramdam ng pressure.

Tumango siya. "Oo. Ano gusto mo? Bukas pa?" Bakas ang pagiging sarcastic na tanong niya sa akin.

Napairap na lang ako dahil mukhang no choice na ako.

PAGPATAK NG alas siyete kuwarenta ng gabi ay sinundo ako ni Papa sa aking kwarto.

"Ano, tara na?" nakangiting tanong nito sa akin.

Tumango lang naman ako at nginitian ang ama ko.

Sabay naming tinungo ang daan palabas ng bahay upang makakuha ng tricycle na masasakyan.

"Ano? May napili ka na bang kakantahin mo mamaya?" tanong ni Papa sa akin habang nasa biyahe kami.

Umiling lang ako. "Wala pa nga po, eh. Pakiramdam ko, nakalimutan ko na kung paano kumanta," sagot ko.

Natawa naman ito nang mahina. "Ikaw talaga!" sabi nito at ginulo ang aking buhok.

"Mamaya, kung kakanta ka na ay hanapin mo lang ako sa mga nanonood o hindi naman, tingnan mo lang iyang bracelet na bigay ko sa'yo. Tandaan mo, Ran nandito lang ako lagi para sa'yo, anak," sabi ni Papa at pinatong nito ang ulo ko sa kaniyang balikat.

"Salamat po, papa."

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa bar ni Uncle Tommy.

"Halika na sa loob, anak?" tawag ni Papa sa akin pagkababa namin sa tricycle.

Napatingin naman ako sa lugar na iyon. Napabuntong-hininga ako.

Wala na itong atrasan, Ran.

Tinapik naman ni Papa ang aking balikat kaya napatingin ako sa rito. "Kaya ko `to," sabi ko bago kami pumasok sa loob ng bar.

"RAN, MABUTI nakarating kayo?" tanong ni Uncle Tommy sa akin pagkakita niya sa amin sa loob. "Tara, doon tayo," aya niya sa amin papunta sa isang k'warto kung saan hindi maririnig ang kaingayan ng bar.

"Lugi ka na talag, Uncle `no?" tanong ko sa kaniya pagkapasok namin sa pribadong silid.

Kanina kasi habang papasok kami ay kapansin-pansin agad na mangilan-ngilan na lang ang taong nagpupunta rito.

Tila nag-isip pa muna ito bago sumagot. "Hindi pa naman masyado. Kaya nga, nagpapatulong ako sa'yo para hindi lalong lumugi itong bar ko," sabi niya at nilapitan ako. "Ran, handa ka na bang kumanta mamaya?" tanong ni Uncle Tommy.

"Ano pa nga bang magagawa ko, eh nandito na ako," sagot ko sa kaniya.

"Buti na lang talaga pumayag ka, Ran. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag tuluyang nawala sa akin ang bar na ito," kunwari ay mangiyak-ngiyak na saad ni Uncle.

"Ang drama ninyo," sabi ko. "Dinamay mo pa si Papa para lang mapapayag ako."

"Itong pamangkin ko naman na ito! Ang sungit-sungit pagdating sa akin," sabi niya at hinampas ako sa braso.

Inirapan ko lang siya.

"Sige na, mag-ayos ka na riyan at magsisimula na kayong tumugtog mayamaya. Tatawagin ko na lang kayo kapag pupunta na kayo sa stage," sabi niya bago lumabas ng silid.

"Ran," napatingin naman ako kay Papa. "Sigurado ka na bang kaya mo nang tumugtog? Sorry, kung pinilit pa kita para dito."

Nilapitan ko si Papa. Hinawakan ang kamay nito. "Papa, gusto ko rin naman talagang tulungan si Uncle. Hindi ninyo naman ako pinilit para dito, eh," sabi ko saka ito nginitian.

"Basta, tandaan mo nandito lang ako para sa'yo, anak," sabi nito at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko siya nang buong pagmamahal. Alam ko naman na hinding-hindi ako iiwan ni Papa. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.

Nasa ganoong posisyon kami nang may kumatok sa pinto. "Excuse? Nandito po ba si Miss Ranya Kim?"

Napatingin naman kami sa lalaking nasa may pintuan.

Tinataas ko ang aking kamay. "Ako iyon. Bakit?" tanong ko.

"Hello po," bati nito at nginitian ako. "Pinapatawag na po kayo ni Sir Tommy," sabi nito sa akin.

Tumango lang ako. Lumingon ako kay Papa at nagpaalam na. Humakbang na ako palapit sa pinto pero bago ako umalis ay nginitian nito muna ako at tinuro ang bracelet na nakasuot sa aking kamay.

Pinapahiwatig nitong tingnan ko lang iyon kapag kinabahan ako mamaya.

"GOOD EVENING, everyone!" Masayang bati ni Uncle sa mga taong nasa bar.

Mabilis na naitakip ko ang aking mga kamay sa magkabilaang tainga ko nang magsigawan ang mga iilang tao na nandoon.

"Okay, okay. Alam kong gusto ninyo na marinig ang bandang binuo ko ngayong gabi kaya, guys... Ito na ang The Cross Road!" Pagkasabi ni Uncle Tommy no'n ay lalong nag-ingay ang mga tao. "I-welcome ninyo naman sila ng masigabong palakpakan!" nakangiting saad ni Uncle.

Nasa gilid ako ng stage at hinihintay si Uncle.

"Ran! Halika na!" Lumingon ako kay Uncle Tommy na kinakawayan ako.

"U-uncle, kinakabahan ako," sabi ko. My hands are shaking. Nanlalamig din ang mga ito. Ang kaba sa aking dibdib ay halos rinig ko na.

"Ran," tinapik ni Uncle Tommy ang balikat ko. "Huwag kang kabahan. Nandito lang kami ng Papa mo," wika niya at pinisil ang aking braso.

Huminga naman ako nang malalim at napapikit. "Kaya ko `to," turan ko kay Uncle at nginitian ito. Ayokong makitaan nila ako ni Papa ng kaba lalo at nasa harap na ako ng mga tao.

Habang paakyat ako sa stage ay rinig na rinig ang pagtsi-cheer ng mga tao sa amin. Panay ang sigaw ng mga ito sa pangalan namin na 'The Cross Road'. Napuno ng ingay ang buong lugar. Nang nasa gitna na ako ng entablado ay lahat ng mata ay nasa akin. Iba't ibang mukha ang nakikita ko mula sa aking kinatatayuan. Habang nakatayo ako roon ay biglang bumalik sa akin ang alaala ng nakaraan...

"Halimaw!"

"Salot sa lipunan!"

"Mamamatay tao!"

Lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin at hinuhusgaan ang buong pagkatao ko...

Nangangatog ang mga kamay kong nakahawak na sa mikropono. Lumingon ulit ako sa mga tao na sa baba ng stage. Nakatingin sila sa akin at nakangiti. Nandoon din si Papa na nanonood.

Huminga ulit ako nang malalim. Ran, kaya mo iyan. Nakaraan na iyon. Hindi na mauulit iyon.

Tumingin muna ako kay Papa at ngumiti bago nagsimulang kumanta.

I don't know what I want, so don't ask me

'Cause I'm still trying to figure it out

Don't know what's down this road

I'm just walking

Trying to see through the rain coming down

Even though I'm not the only one, who feels

The way I do.

Habang kumakanta ako ay bumalik sa alaala ko ang mga panahong mag-isa ako. Wala pa si Papa na laging nandiyan.

I'm alone, on my own

And that's all I know

I'll be strong, I'll be wrong

Oh, but life goes on

Oh, I'm just a girl

Trying to find a place in this world

Nang makilala ko si Papa, nagkaroon ako ng pag-asa na mabuhay sa mundo. Pero, lagi ko pa rin tinatanong sa aking sarili kung bakit parang may kulang? Bakit parang hindi pa rin ako tanggap ng mundo?

Got the radio on, my old blue jeans

And I'm wearing my heart on my sleeve

Feeling lucky today, got the sunshine

Could you tell me what more do I need?

And tomorrows just a mystery, oh yeah

But that's okay

Habang kumakanta ako, naaalala ko ang mga panahon na lagi akong hinuhusgaan at kinukutya ng mga tao.

I'm alone, on my own

And that's all I know

I'll be strong, I'll be wrong

Oh, but life goes on

Oh, I'm just a girl

Trying to find a this world place in

Maybe I'm just a girl on a mission

But I'm ready to fly

Pero, siguro nga tama sila. Hindi nga ako nababagay sa mundo nila dahil bampira ako at tao sila.

I'm alone, on my own

And that's all I know

Oh, I'll be strong, I'll be wrong

Oh, but life goes on

Oh, I'm alone, on my own

Oh, I'm just a girl

Trying to find a place in this world

Oh, I'm just a girl

Oh, I'm just a girl, oh, oh

Oh, I'm just a girl

Ngunit anong magagawa ko? Gusto ko rin namang mamuhay ng normal kagaya nila.

BUMALIK AKO agad sa kwarto kung saan kami dinala ni Uncle Tommy kanina.

"Anak..." Lumingon naman ako kay Papa. "Okay ka lang ba?"

Tumango lang ako at matipid na ngumiti.

"Talaga ba?" tanong ulit ni Papa. "Mukhang naging emosyonal ka kasi sa kanta mo kanina," sabi nito at umupo sa tapat ko.

"Wala po iyon, Papa. Masaya lang ako na nakakanta ulit ako." Pagdadahilan ko rito kahit na ang totoo ay hindi. "Papa, tara na po. Inaantok na po ako"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang pumasok si Uncle Tommy at nagsisisigaw. "Ran! Ran... Ang ganda-ganda ng performance ninyo kanina! Lalo na ikaw! Iyong ibang nanonood at nakikinig kanina at naiiyak na dahil sa pagkanta mo!" sabi niya at umupo sa tabi ni Papa. "Balik ka ulit bukas, ah!"

"Titingnan ko po," turan ko sa kanya at kinuha na ang gamit ko. "Sige, Uncle. Uwi na kami." Paalam ko sa kanya at nauna na akong lumabas ng kwarto.