Ran's POV
PAGPASOK KO sa school kinabukasan, buong pagtataka ko nang ang lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin.
"Problema ng mga `to?" bulong ko.
Habang naglalakad ay may narinig akong dalawang nag-uusap na estudyante.
"`Di ba, siya `yong nasa video?" bulong ng isang estudyante.
"Oo, siya nga! Ang galing niyang kumanta, `di ba?" sabi naman ng kasama nito.
Nagulat ako sa aking narinig.
Anong video ang pinagsasabi nila?
Nagulat ako nang bigla silang lumapit sa akin.
"Hi!" Bati nila sa akin at abot tainga ang ngiti.
"H-hello?" sagot ko naman.
"Ate, `di ba ikaw itong nasa video? OMG! Ang galing-galing mo pong kumanta," sigaw ng babaeng maiksi ang buhok.
"Huh?" Iyon lang ang naisagot ko. Lumingon naman ako sa cellphone na hawak nito.
Nanlaki ang mga ko at wala sa sariling hinawakan ang phone nito. "Bakit mayro'n kayo nito?" tanong ko sa kanila.
Ngumiti naman nang napakatamis ang babaeng maiksi ang buhok. "Galing sa kuya ko po kasi iyan. Nakuha raw niya no'ng pumunta siya sa isang bar kagabi," sabi nito.
Nasapo ko na lamang ang aking buong mukha.
Kaya ba ganoon sila tumingin kaninang pagpasok ko ay dahil sa video ko na kumakanta? Nakakahiya.
MATAPOS ANG pag-uusap namin nila Hillary at Jillianiyong dalawang Junior High na lumapit sa akin kanina tungkol sa video ko ay pumunta na agad ako sa classroom.
Pagpasok ko roon ay kaagad na napunta sa akin lahat ng atensyon ng lahat.
"H-hi?" bati ko sa kanila.
"Omg! Singer ka pala?!"
"Girl, sample nga! Kanta ka ulit dito!"
"Ran, simula ngayon isa na ako sa mga tagahanga mo."
Halos lumuwa ang dalawang mga mata ko nang bigla silang nagsisigaw at lumapit sa akin.
"Ran..."
Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Atoz.
"Ay, dadaan ka ba? Sorry kung humarang kami sa daraanan mo," sabi ng isa naming kaklase kay Atoz.
"Okay lang," sagot naman nito.
"May sasabihin lang sana ako kay Ran."
"Okay, sabihin mo na kasi kakanta pa siya."
"Oy! Abcde, saan mo dadalhin si Ran?!" sigaw ng isa kong kaklase nang bigla akong hinila ni Atoz palayo sa mga kaklase namin.
"Sa akin muna siya, babalik ko rin siya sa inyo," sabi nito at kinindatan ang classmate ko.
Rinig ko naman ang pagtili nito. "Kinindatan ako ni Abcde! Mahihimatay na ako, guys! Saluhin ninyo ako!"
Dinala naman ako ni Atoz sa canteen.
"Ano palang sasabihin mo?" tanong ko sa kanya nang nasa loob na kami.
"Gusto kita," sabi niya.
"Huh?"
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung paano pero, Ran... gusto kita," sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.
Nagbibiro man siya o hindi, kinakabahan ako.
"A-atoz," bulong ko.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita pipilitin na gustuhin din ako. Ang gusto ko lang, malaman mo na gusto kita, na may nararamdaman ako para sa'yo," turan nito at nginitian ako.
Nakatingin lang ako sa kanya.
Wala akong masabi. Nakakapipi siya, lalo na ang mga binitiwan niyang mga salita.
"Alam mo, Atoz"
Natigilan ako sa sasabihin ko nang biglang tumunog ang school bell.
Tumayo naman si Atoz sa kinauupuan niya at nagsimula na humakbang. Pero bago ito umalis ay may sinabi muna siya sa akin.
"Nga pala, ang ganda ng boses mo kapag kumakanta ka," sabi niya at tuluyan na umalis.
"ANONG GAGAWIN ko, Perzeus?" tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa bench sa ilalim ng malaking puno sa loob ng school.
"Simple lang, iwasan mo siya," dire-diretsong sagot ni Perzeus.
Tiningnan ko siya nang masama. "Seryoso ka?!" sigaw ko.
"Oo. Iyon lang naman ang pinakamadaling solusyon sa problema mo," sagot niya.
"Pero, si Atoz"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita muli si Perzeus, "Alam mo, Ranya? Lagi mo na lang inuuna at inaalala iyang Abcde na iyan. P'wedeng kahit minsan naman, ang sarili mo nga muna ang unahin mo?" inis na saad niya sa akin. "Ngayong nagtapat siya sa'yo, ano na lang ang gagawin mo? Ang mga tao, kapag may gusto sila, mapabagay man iyan o tao, hangga't maaari ay kukunin at kukunin nila ito. Gagawa at gagawa sila ng paraan para mapasakanila iyon. Paano na lang kung malaman niyang bampira ka? Ano na lang ang gagawin mo?" tanong ni Perzeus sa akin.
Natigilan ako. "H-hindi naman siguro mangyayari iyon," bulong ko.
"Ranya!"
Napalayo ako kay Perzeus nang bigla siyang sumigaw.
"Ikaw na nga ang nagsabi sa akin, `di ba? Hindi natin alam kung anong kayang gawin ng mga tao kapag nalaman nilang bampira tayo," mariing saad ni Perzeus. "Kung wala kang nararamdaman para sa kanya, madali mo lang siyang layuan. Iyon lang ang tanging solusyon sa problema mo," turan niya bago siya umalis.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Bakit ba naman kasi sinabi ko sa lalaking `to na may gusto sa akin si Atoz? Iyan tuloy... nasermonan pa ako," bulong ko.
"Ran!"
Bigla akong lumingon sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino iyon.
"S-s-si Atoz!" Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at kinuha ang lahat ng mga gamit ko at agad na tumakbo.
"Sandali!"
Narinig ko pang muling sumigaw si Atoz pero hindi ko na ito nilingon. Nagpatuloy na lang akong tumakbo.
Hingal na hingal naman akong napaupo sa sahig. Dito ako sa locker room napadpad sa pagtakas lang kay Atoz.
"Pinagpawisan ako roon, ah!" sabi ko habang pinupunasan ang aking mga pawis.
"Okay ka lang?"
"Ay! Pusang gala!" Napatalon naman ako sa pagkakaupo dahil sa labis na gulat nang biglang sumulpot sa aking tabi si Keith. "Ano ba! Huwag mo nga akong ginugulat! Aatakihin ako sa puso sa'yo, eh!" bulyaw ko rito.
"Sorry, gusto ko lang naman malaman kung okay ka"
Hindi ko ito pinatapos sa sasabihin nang hilahin at nakipagpalit ako ng pwesto.
"Diyan, diyan ka. Kung may lalaking daraan at magtatanong kung nakita mo ako, sabihin mo ay hindi," sabi ko rito at tumalikod.
Mayamaya pa ay may narinig akong mga yabag palapit sa kinaroroonan namin. Pigil-pigil ko ang aking paghinga habang nagkukunwaring abala sa pagsasaayos ng gamit sa nakabukas na locker.
"Excuse me, May nakita ba kayo ng kasama mo na isang babae na dumaan dito?" tanong ni Atoz kay Keith.
"Ah, w-wala. eh," nauutal na saad ni Keith.
"Wala talaga? Eh, iyang kasama mo?" tanong ni Atoz at narinig ko ang yabag ng kanyang mga paa na papalapit sa amin. Napapikit ako.
"Wala talaga! Promise! Peks man, mamatay man si Batman!" Rinig kong sambit ni Keith dahilan upang mataw ako nang mahina.
"Okay. Sinali mo pa talaga si Batman," natatawang turan ni Atoz. Rinig ko ang mga yabag nitong palayo sa puwesto namin ni Keith.
Kinalabit ako ng kasama ko. "R-ran? Wala na s-siya."
Nakahinga ako nang maluwag nang masigurong wala na nga si Atoz. Mayamaya pa, nilingon ko si Keith. "Salamat," sabi ko at tumayo na. Ngunit bago ako umalis ay nilingon ko muli si Keith.
"Yes. Yes ang sagot ko," nakangiting saad ko.
"Huh?"
"Hindi mo ba gets? Sinasagot na kita!" sigaw ko. "Yes, Y-E-S! Yes. I can be your friend." Pagkasabi ko noon ay nagulat ako sa sumunod na nangyari.
Niyakap ako ni Keith.
"Salamat, Ran! Ilang araw ko ring hinintay ang sagot mo. Akala ko, hindi ka papayag. Ang saya saya ko!" sabi nito habang yakap-yakap ako.
"Oh, siya tara na! Magsisimula na ang klase natin," nakangiting saad ko.
Habang naglalakad kami ni Keith papuntang silid-aralan ay nagkwento ito tungkol sa kaniyang buhay.
Hindi ko lubos maisip na magkakaroon ako ng kaibigan lalo na at isa siyang tao. Hindi ko alam pero parang ang lapit ng loob ko kay Keith.
"Ikaw, Ran? Magkwento ka naman tungkol sa'yo."
Napalingon naman ako rito. "Mamaya na. Nandito na tayo sa classroom, eh," wika ko at binuksan na ang pinto ng classroom.
Agad kong nakita si Atoz nang makapasok kami sa loob at nakatingin siya sa akin. Kaya naman agad kong iniwasan iyon.
"Okay, class, please bring out one whole sheet of paper. We have a quiz," sabi ng teacher namin sa Filipino.
Mga nag-ungutan ang mga kaklase ko. Kaniya-kaniya sila ng protesta sa quiz na gagawin.
"Huwag ninyo akong turuan! Ako ang teacher kaya ako ang masusunod! Kung teacher sana kayo, eh `di kayo ang masusunod!" sigaw ni Teacher Aimie.
Wala na nga kaming nagawa. Mukhang nagalit talaga ang aming guro dahil ang dami ng pinasagutan nito sa amin.
Pagkatapos nang napakahabang quiz, sa wakas ay oras na ng uwian.
Naglabasan na ang aking mga kaklase. Mayamaya'y lumabas na rin ako kasabay si Keith.
"Paano ba iyan? Kita na lang tayo bukas?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lang naman si Keith at ngumiti.
"Magkaibigan na tayo kaya mag-ingay ka na! Hindi`yong ang tahimik mo r'yan. Mapipipi ako sa'yo, eh," natatawang saad ko.
"Sige, kita na lang tayo bukas," sabi niya at ngumiti bago pumasok sa kotseng sundo.
Ang yaman talaga ng mga kaklase ko. May mga sariling kotse at driver sila.
Pasakay na ako sa bike nang biglang sumulpot si Atoz sa aking harapan.
"Ran, iniiwa"
"Sige, Atoz. Uwi na ako. Ba-bye!" sabi ko sa kaniya at agad na pinatakbo ng aking bisekleta ko.
'Kung wala kang nararamdaman para sa kanya, madali mo lang siyang layuan. Iyon lang ang tanging solusyon sa problema mo.'
KATOK MULA sa pinto ang kumuha ng aking atensyon sa pag-iisip.
"Anak, busy ka ba?" tawag sa akin ni Papa sa labas ng k'warto.
Bumangon naman ako sa pagkakahiga at pinagbuksan ito. "Hindi naman po. Bakit po?" tanong ko.
"May ipabibili sana ako sa'yo sa botika. Ayos lang ba?" tanong nito.
"Okay lang po. Ano po ba iyon?"
"Ito `yong reseta at pera. Salamat, anak," wika ni Papa.
Hindi ko ginamit ang aking bike dahil nasira ito kaninang tinakbuhan ko si Atoz. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko ay nakalbo ang mga gulong.
"Sana pala nagdala ako ng jacket ko. Ang lamig pala kapag ganitong oras na," bulong ko habang yakap-yakap ang aking sarili.
Mag-alas onse na kasi ng gabi kaya malamig na ang simoy ng hangin.
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay nakita ko si Keith na lumabas sa isang tindahan ng mga damit.
"Keith!" sigaw ko at kumaway pero hindi niya ako narinig. "Bakit mag-isa lang yata siya? Bakit wala siyang kasama?" tanong ko.
Sinundan ko naman si Keith kung saan siya pupunta hanggang nasa tawiran na siya ng kalsada.
Nakita kong tumawid si Keith kaya sumunod na ako ngunit laking gulat ko nang may isang mabilis na sasakyan ang papunta sa direksyon niya.
"Keith!" Mabilis ko siyang tinakbo at itinulak dahilan upang mapasubsob siya sa kabilang lane.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nangibabaw ang malakas na tunog ng pagbangga ng isang sasakyan sa aking katawan.
Gulat na gulat si Keith sanasaksihan. "Ran! Anong gagawin ko? Sandali, tatawag ako ng ambulansya," natatarantang saad ni Keith. Kaagad nitong kinapa at kinuha ang phone sa bulsa at saka may tinawagan.
"H-h-huwag m-mo na i-ituloy. O-okay lang a-ako," nakangiwing wika ko. Unti-unti akong tumayo sa pagkakabagsak ko sa kalsada.
"R-ran?! P-p-paanong...?" Nanginginig ang mga kamay ni Keith na nakahawak sa kaniyang phone.
Napatingin naman ako sa sahig. Maraming dugo ang nagkalat at ang sasakyan na bumangga sa akin, wala na. Wasak ito at halos hindi na sira na ang unahang parte.
"B-bampira ka?"
PAGKAUWI KO ng bahay ay agad kong nakita si Papa sa kusina at naghahanda ng hapunan.
Huminga ako nang malalim nang maalala ang nangyari kanina.
Pagkatapos kasi ng insidente ay nagmadaling umalis si Keith kaya naman pati ako ay umuwi na rin. Alam kong nagulat siya sa mga pangyayaring nasaksihan niya kaya naiintindihan ko kung umalis ito agad.
"Papa," tawag ko sa aking ama na abalang naghahanda ng pagkain sa mesa.
"Oh, nandiyan ka na pala. Halika na't kumain na tayo," sabi nito habang abala pa rin sa paghahanda ng pagkain at hindi ako nililingon.
"Papa!" Naiiyak na tawag ko.
"Ano? Halika na't kumain... Ran? Anong nangyari sa'yo? Bakit ang daming dugo sa damit mo?" natatarantang tanong ni Papa at lumapit sa akin.
Umiyak lang ako.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito.
"Papa, may nakakaalam na." Niyakap ko siya nang mahigpit.
"Huh? Sino At paano?"sunod-sunod na tanong ni Papa.
"Iyong kaibigan kong tao," sagot ko. "Paano kung... kung sabihin niya? Paano kung l-layuan niya ako? Paano kung kamuhian niya ako. Paano kung"
"Anak! Kumalma ka." Hinawakan nito ako sa mukha. "Kung sasabihin man niya sa iba na isa kang bampira, huwag kang matakot. Kasama mo akong haharap sa kanila," sabi ni Papa at pinunasan ang mga luhang tumulo sa aking mukha. "Tahan na, nandito lang si Papa para sa'yo."
HATING GABI na pero hindi pa rin ako makatulog. Naaalala ko ang nangyari kanina lalo na si Keith na sobrang takot na takot. Namumutla siya at tila naumid ang dila.
Napabuntong-hininga ako. "Keith," bulong ko.
Siguro, mas mabuting ako na lang ang lumayo sa kanya simula bukas.
"GOOD MORNING, `nak!" masayang bati ni Papa sa akin pagkalabas ko ng kwarto.
"Morning po," mahinang sagot ko.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Dahil ba iyan sa nangyari kagabi?" tanong nito. "Sabi ko naman sa'yo, `nak. Kasama mo ako kaya, huwag ka na mag-alala."
Nginitian ko na lang siya.
"`Pa, punta na akong school. Doon na rin ako mag-aalmusal." Paalam ko.
"Pero, pinagluto..."
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi ni Papa dahil nasa labas na ako ng bahay. Wala ako sa mood. Mabigat ang kalooban dahil sa nangyari.
Mas lalo akong nalungkot nang maalalang sira nga pala ang aking bisikleta. Pumikit ako nang mariin.
Nagdesisyon akong maglakad na lamang papasok. Mabuti at malapit lang ang paaralan rito sa bahay kaya puwedeng-puwedeng lakarin.
Habang nilalandas ko ang daan patungo sa eskwelahan, hindi maiwasan na maalala ko ang nangyari lalo na ang pagkasiwalat ng pagkatao ko kay Keith.
Pinilig ko ang aking ulo. Mas makabubuting kumalma muna ako at baka mas matakot sa akin si Keith.
Nasa ganoong pag-iisip ako nang mapansin ang sasakyan na dumaan sa aking gilid. "Kina Keith iyon, ah," bulong ko.
Nakita kong huminto iyon sa tapat ng gate at pinagbuksan ito ng driver ng pinto. Lumabas si Keith mula sa loob.
Mabilis naman akong nagtago sa poste na malapit sa akin dahil baka makita niya ako.
Nang makaalis na ang sasakyan nina Keith ay agad akong napatingin sa gate kung saan siya pumasok.
"Buti na lang pumasok na siya," sabi ko sa sarili ko at naglakad na papasok sa gate ng school.
Ngunit laking gulat ko nang biglang may humawak sa aking pulsuan at hinila ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong at pagsusungit ko sa kanya.
Tama iyan, Ran. Dapat sungitan mo lang siya.
"`Di ba, friends na tayo? Kaya sabay na tayong pumasok!" masayang sambit ni Keith.
Huwag kang maniniwala sa kanya, Ran. Nagpapanggap lang siya na mabait pero sasabihin niya rin kung sino ka talaga.
Agad ko namang hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin.
"Hindi tayo magkaibigan at hindi mangyayari iyon. Kaya kung gusto mong pumasok, pumasok ka nang mag-isa mo!" Pagkasabi ko noon ay iniwan ko na siya.
Nang paalis na ako ay may isang kamay ang humila sa akin.
"Ano ba?"
"Anong nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganyan dati, ah!" tanong ni Atoz. "Dahil ba ito sa pag-amin ko sa'yo ng nararamdaman ko kaya ka nagkakaganyan?" tanong ulit ni Atoz.
Hinablot ko ang aking kamay na hawak-hawak niya.
"P'wede ba kayong dalawa?" Turo ko kina Atoz at Keith. "Layu-layuan ninyo ako, ah! Ayaw ko na makita iyang mga pagmumukha ninyo! At saka, ikaw?" Binalingan ko si Atoz. "Hindi kita gusto! Kaya bakit naman ako maaapektuhan sa pag-amin mo sa akin," sabi ko at inirapan siya bago ako umalis sa harap nilang dalawa.
Pagtalikod ko ay kasabay naman nang pagtulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang mahulog. Tama naman iyong ginawa ko. Kung hahayaan kong pumasok sila sa buhay ko, alam kong masasaktan ko lang din sila at mas lalo pa nila akong kamumuhian kapag nalaman nila ang totoong ako.
Nang mapagtanto ko, nasa loob na pala ako ng banyo ng paaralan at umiiyak. Hindi ko lubos maisip na magagawa ko ang bagay na iyon. Tinaboy ko ang mga taong mahal ko.
Napasinghap ako.
Pero, tama lang naman ang ginawa ko, `di ba? Ang itaboy, iwasan, layuan sila upang sa ganoon ay hindi nila malaman kung sino ako at kung ano talaga ako. Kasi sa huli, ako lang din ang masasaktan at hindi sila. Kapag nalaman nilang isa akong bampira, malamang ay kamumuhian nila ako.
Buong araw ay hindi ako pumasok sa klase. Lumabas ako ng school nang mahimasmasan. Nasa bar lang ako ni Uncle Tommy at doon nag-isip-isip.
"Hoy! Wala ka bang balak na pumasok?" tanong ni Uncle Tommy sa akin.
"Nasa bar mo po ako, `di ba? Sa tingin mo, may balak pa akong pumasok?" Pambabara ko rito.
"Ewan ko sa'yo!" Napapailing na lang ito sa akin.
"May problema ka, `no? Kaya ka nandito," tanong na naman nito.
"Kapag pumuntang bar may problema talaga agad?"
"Oo, gano'n ang mga tao, eh. Nagpupunta sila rito kapag may problema sila," sagot naman ni Uncle.
"Hindi naman ako tao, eh! Bampira ako. Bampira!" sigaw ko kay uncle.
"Hoy, tumahimik ka nga! Mamaya may makarinig sa'yo, eh." HInawakan pa ni Uncle Tommy ang akaing bibig dahil sa pag-awat.
Nagpumiglas ako. "Totoo naman, eh. Bampira ako at hindi na mababago iyon. Bakit ba kasi bampira ako, Uncle? Iyong tipong lagi na lang akong nagtatago. Laging umiiwas at nilalayuan ang mga taong mahalaga sa akin. Bakit?! Bakit nabuhay pa ako kung laging magtatago naman at hindi ko makakasama ang mga taong mahalaga sa akin."
Ganoon na lamang ang aking gulat nang yakapin ako nito. "Tahan na, huwag ka na umiyak."
Mabilis akong lumayo kay Uncle. "A-ako? Umiiyak?" Doon ko lang naramdaman ang mainit na likidong bumasa sa aking mukha. Kasabay ng mga salitang iyon ay ang pagbagsak na naman ng mga luha ko. Hindi ko mapigilan. Napakabigat sa dibdib at hindi ako makahinga.