Chereads / SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL] / Chapter 8 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 6

Chapter 8 - SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 6

Ran's POV

"PARA SA'YO," sabi ni Papa sabay bigay sa akin ng isang paper bag. "Happy birthday ulit, anak."

"Salamat po," sagot ko sa kanya at kinuha ang inaabot sa akin.

"Simple lang iyan kagaya mo kaya sana magustuhan mo."

Nginitian ko naman siya bago ko binuksan ang kaniyang regalo. Pagbukas ko sa paper bag ay bumungad sa akin ang isang kahon na maliit. "Ano po ito?" tanong ko.

Hindi sinagot ni Papa ang tanong ko bagkus lumapit siya sa akin at kinuha sa kamay ko ang hawak na kahon. "Ran, ito ang napili kong i-regalo sa'yo. Kahit saan ka man magpunta lagi mong iisipin na nasa tabi mo lang ako at laging kasama," madamdaming wika ni Papa at binuksan nang marahan ang kahon.

Napa-wow na lang ako nang makita ko ang laman noon. Isang simpleng bracelet na kulay mahogany na may maliit na krus.

"S-salamat po rito, Papa." Yumakap ako kay papa matapos niyang maisuot sa aking kamay iyon.

"Ano ba? Huwag nga kayong umiyak!"

Lumingon kami kay Uncle Tommy.

Natatawang nagpunas ako ng luha. "Tears of joy lang po ito, Uncle."

"Oh, siya... ito naman ang regalo ko sa'yo." Iniabot nito sa akin ang isang malaki at kulay itim na bag.

"Guitara?" Gulat na tanong ko kay Uncle Tommy.

Nginitian ako nito. "Sabi ko naman kasi sa'yo, Ran. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka pumapayag na sumama sa banda ko kaya naman iyan, niregaluhan na kita ng paborito mong instrumento."

Napatingin naman ako sa guitarang hawak ko.

"Ran, bakit hindi mo kasi subukang tumugtog ulit? Wala namang mawawala sa'yo kung susubukan mo, `di ba?" dagdag pa ni Uncle Tommy.

Napatingin ako rito.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Hindi ko alam kung kaya ko pang tumugtog dahil, alam mo naman iyong nangyari dati, `di ba? Kung bakit tumigil ako sa pagtugtog."

Nilapitan naman ako nito at tinapik ang aking balikat. "Ilang taon na rin naman ang lumipas simula noong mangyari iyon, Ran. Hindi ka pa rin ba nakalilimot? Move on! Ito na iyong pagkakataon mo muli para bumalik sa pagbabanda mo," sabi nito.

Tiningnan ko lang siya.

"Kung saan ka masaya, doon ka. Hindi iyong ipagkakait mo ang kasiyahang `yon para sa sarili mo," dagdag pa na wika ni Uncle Tommy.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Sige, Ranya. Uuwi na kami ni Perzeus. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko sa'yo." Pagkasabi ni Uncle iyon ay lumabas na sila ng bahay ni Perzeus.

"Anak," tawag sa akin ni Papa kaya napatingin ako sa kanya. "Alam kong hindi dapat ako nakikisawsaw sa inyo ni Uncle Tommy mo pero, tama naman kasi siya. Kung saan ka masaya, doon ka. Hindi iyong pinagkakaitan mo pa mismo ang sarili mo na maging masaya," aniya. "Sa nakikita ko kasi sa'yo, anak. Gusto mo pero natatakot ka. Natatakot ka kung ano ang mga posibleng mangyari," mahinang sambit niya pa.

"Eh, paano kung mangyari ulit iyong bagay na iyon sa akin? Paano kung kamuhian nila ako? Paano kung"

"Anak, hindi mo pa nga nasusubukan pero heto ka at ang daming tanong na nabubuo sa isipan mo. Ran, anak ilang taon na iyon, `di ba? Kalimutan mo na iyon. Isang alaala na lamang iyon, anak," sabi ni Papa at niyakap ako. "Sige na, magpahinga ka na sa taas. Basta tandaan mo, nandito lang lagi si Papa. Happy birthday and I love you." Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Mahal na mahal ko rin po kayo."

PAGKAPASOK KO ng school kinaumagahan ay agad akong dumiretso sa locker ko. Kukuhanin ko muna ang notebook ko para sa aking first subject. Nasa hallway na ako malapit sa kinaroroonan ng locker ng mga babae nang may napansin akong umabas na lalaki mula sa locker room ng mga babae.

"Lalaki?" tanong ko, "Bakit magkakaroon ng lalaki sa locker room ng mga babae? `Di ba, may sarili rin silang locker?" tanong ko nang makalapit na ako sa aking locker. Nagkibit-balikat na lang ako bago ko binuksan iyon.

Pagbukas ay may tumambad sa akin na isang maliit na pulang kahon. Lumingon-lingon muna ako dahil baka may taong nang-iwan.

"Ano `to?" bulong na tanong ko.

Nang mabuksn ko iyon ay may isang hair clip na kulay pula sa loob at kinuha ito pero kasabay nang pag-angat ng hair clip ay may nahulog na kapirasong papel.

Sana gamitin mo ito araw-araw.

:)

Iyon ang nakasulat sa papel. Natuon ang aking atensyon sa hair clip. Napangiti ako. "Infairness... marunong pumili iyong nagbigay nito. Maganda at simple lang," sabi ko bago ikabit ang hair clip sa aking buhok.

"ANO IYANG nasa buhok mo?" tanong ni Atoz sa akin.

Napahawak naman ako sa aking buhok. "Ito ba? May naglagay sa locker ko kanina kaya sinuot ko," nakangiting sagot ko.

"Bagay sa'yo," aniya sabay gulo sa buhok ko.

Nakatingin lang ako habang ginagawa iyon.

"Ang liit mo pala, `no?" natatawang saad niya pa.

Bakit parang lumiliwanag ang paligid ni Atoz? Iyong pagngiti niya, nakasisilaw at ang bawat pagtawa niya ay parang awit sa aking pandinig "Aray! Bakit mo ginawa iyon?" tanong ko sa kanya.

Kinutusan niya kasi ako.

"Titig na titig ka kasi sa akin. Baka, matunaw ako," sabi niya at naunang naglakad papunta sa klase.

Napailing na lamang ako. "Hoy! Hintayin mo naman ako!" Habol ko sa kanya.

Nang buksan namin ang pinto ng classroom ay nagtse-check na ng attendance si Mrs. Marquez.

Patay! Magsesermon na naman `to!

"Oh, kayong dalawa... ano pang ginagawa ninyo riyan? Pasok na!" sigaw nito nang makita kami na nakatayo pa rin sa labas ng pinto.

"Good morning, Mrs. Marquez," nakangiting bati ko.

"Walang good sa morning kaya.maupo ka na," agsusungit na turan nito.

Pagkaupo ay agad namang pinalabas ni Mrs. Marquez ang aming mga k'waderno para magsulat.

"Oo nga pala! `Yong notebook ko sa locker, nakalimutan ko," bulong ko.

Bakit ba naman kasi nakalimutan kong kunin kanina, eh iyon dapat ang unang kukuhanin ko roon at hindi ang hair clip na ito.

Kaya naman nagpaalam ako kay Mrs. Marquez na may kukuhanin lang akong notebook ko sa locker room.

Matalim nito akong tiningnan. "Late ka na nga, wala ka pang notebook," sabi nito. "Sige na! Kuhanin mo na iyong k'waderno mo at bilisan mo!" bulyaw nito sa akin.

Agad naman akong pumunta sa locker room pero habang nasa hallway pa lang ako ay may naririnig akong ingay na nagmumula roon.

Pagdating ko ay may nadatnan nga akong babae. "Excuse me?" tawag ko rito.

Nagulat ko yata ito dahil nabitiwan nito ang hawak-hawak na paper bag paglingon sa akin.

Napakunot naman ako ng noo nang napansin kong nasa harap siya ng locker ko at nakabukas ito. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"A-ah... a-ano," nauutal na saad nito.

Lumapit naman ako rito. "Bakit nasa harap ka ng locker ko? Ikaw ba ang nag-iwan ng hair clip kanina? Bakit mo ginawa iyon?" Sunod-sunod na tanong ko.

Pinulot muna nito ang paper bag bago siya sumagot. "P-p-para sa'yo," nauutal na saad nito at iniabot sa akin iyon.

"Bakit mo ginagawa `to?" tanong ko.

"Gusto kita."