Chereads / Hello, Seatmate / Chapter 13 - Thirteen

Chapter 13 - Thirteen

Chapter 13

"Saan ba tayo pupunta?" Kanina pa ako hinihila ni Jeydon dito sa Mall, at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Pagkatapos lang nung sinabing nagseselos siya ay hindi na siya nagsalita pa at bigla lang akong hinila.

"Kakain tayo. Hindi ka ba nagugutom?" Huminto muna ito at tinignan ako. Ako naman ay naalala yung nangyari kanina kaya napaiwas ako ng tingin. Bakit ba hindi mawawala yung nangyari kanina?

"Hin--" Hindi ko pa natatapos ang aking sagot, pero tumunog na ang aking tiyan. Napakagat ako sa aking labi at napahimas sa aking tiyan. Why now? Hindi pala biro yung mga nababasa o nakikita ko sa nga movies at novels kapag ganito ang mangyari sayo. Pambihira.

Ngumiti siya at hinawakan na ang aking kamay, at intertwined niya ang aming mga daliri. Nanigas ako sa aking kinatayuan. I want to curse so bad right now.

"Let's go." Aniya at nagsimula kaming lumakad. Napapunta kami sa isang restaurant na mukhang Chinese food. Dahil sa ambiance nang mga painting at yung mga pagkain na rin.

Pina-upo niya ako at habang siya ay nag-order ng kung anong pagkain.

Habang naghihintay, kinuha ko yung phone ko at pinicturan siyang nakatalikod. Linagyan ko iyon na text na. 'September 20'

It's been 3 months right now, time flies so fast. Sa panahong iyon ay madaming nagbago sakin. Yung dating mahiyain, ay ngayon hindi na.

Kaya ko na ring makipagusap ng matagalan sa mga tao. And right now, kanina lang nagbreak kami ni Hyunsik Oppa dahil lang dito.

I wonder kung gusto ba talaga ako ni Oppa o ano. Pero aaminin kong nagkagusto ako sakaniya. Pero dahil yata sa nakalipas na buwan ay mukhang nawala lahat.

"Sorry, ang tagal ko." Pagpaumanhin niya at ngumiti. Itong isip bata na baliw, ito pala ang nakakapagtibok uli sa puso ko.

Ngumiti ako ng alanganin. "It's okay."

Kumain kami ng tahimik. Pero sa huli siya ang unang bumasag sa katahimikan.

"Sorry pala kanina."

Napaangat ang tingin ko sakaniya at tinignan siya na may pagtataka sa aking mata. What for?

Ngumuso it at tumingin sakin. "Sorry, dahil nanggulo ako sa date niyo."

Gusto ko siyang tanungin kong bakit, bakit niya iyon ginawa. Pero hindi ko kaya dahil baka iba ang rason niya. Ayaw kong mag-assume.

Ngumiti ako, gusto kong tumawa pero pinigilan ko. I want to see his reaction. "We already broke up." Sabi ko sakaniya na parang normal lang.

Nakita ko ang kaniyang mata ay lumaki. Umigting ang kaniyang panga at nakita kong ngumiti siya pero agad rin itong tumikhim.

"What? Why?" Gulat niyang sambit.

I smiled at hinawakan ang straw. "We fell out." That's true, maybe hindi talaga kami para sa isa't-isa. Napatingin ako roon at sumimsim.

Napakurap ako ng bigla siyang tumayo at naglahad ng kamay. Kinunotan ko siya ng noo. Ano na naman ba ang trip niya? Minsan talaga, hindi ko mababasa kung ano ang nasa isip niya.

"I know a perfect place for you to move on." Aniya at ngumiti nang malapad. He's always smiling, yan ang trademark niya. Yung madami kang problema, pero kapag makita mo siyang nakangiti. It's funny but, mawawala iyon.

Nang hindi ko inabot ang kamay niya, siya na mismo ang humawak nito at itinayo ako. Napasinghap ko nang magkalapit ang aming katawan, at naamoy ko na ang kaniyang pabango.

"Let's go." Halakhak niya at lumabas kami doon sa Restaurant. May iilan pang tao ay napatingin samin dahil para kaming tanga dito na bigla nalang tumakbo.

Nang narinig ko ang ingay ay agad kong nalaman na saan kami papunta.

"Arcade?" Move on tapos arcade? May konting disappointment sa aking katawan. I thought na pupunta kami sa mga Art Gallery, sa mga coffees or libraries. Dahil yun naman ang gusto sa mga mag momove-on diba? Para makapag-isip isip.

"Yeah." Lumiwanag ang kaniyang mata. And something tells me na mahilig siyang maglaro nito.

Humarap ako sakaniya at tinitigan sa mata. "Hindi masaya mag laro dito kapag walang bet." Ngumiti ako ng matamis.

Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko dahil nakatingin lang ito sakin na nakanganga.

Tumawa ako. "Ano?" Magtitigan na lang ba kami dito?

Napailing ito, at mukhang nahimasmasan dahil lumabas uli ang kaniyang playful side. "Anong bet naman 'yun?" Excited niyang tanong.

"Kung sino ang mananalo, siya ang manglilibre sa pagkain mamaya." Sabi ko sakaniya at kumindat.

Napakunot noo ito at tinignan ako na parang baliw. "Hindi ba dapat, yung natalo ay yung manglilibre?" Aniya.

Tumango ako, pero I have my own stand. Gusto ko rin kasi magpasalamat sakaniya sa lahat.

"Iba na ngayon." Sabi ko sakaniya at itinuro ang lahat na laro. "Let's play." Ngisi ko.

Alam ko naman na gagalingan niya ito sa paglalaro, dahil mukhang magaling siya pagdating sa ganito. Kaya, mas gagalingan ko pa.

Hindi naman ako ignorante, I played Xbox on my home. Kaya confident ako na mananalo dito.

Unang linaro namin ay yung baril-barilan. Binabaril namin ang mga Zombies na lalapit sayo.

"I will kill you

all!" Sigaw ko at nang-gigigil sa mga Zombies na lumabas dahil Final Wave ko na.

Napalingon ako sandali kay Jeydon na nakatingin sakin at nanlalaki ang kaniyang mata

"Ya!" Sigaw ko at napabalik uli ang tingin ko sa aking linaro. What is he waiting for? Talo ba siya? Sabay kaya kaming nag-laro.

Nang natapos na ito ay naging successful naman.

Tumalikod ako at tumalon. "The victory is mine!" Pinapalakpak ko pa ang aking sarili. May ilan rin akong narinig sa tabi na ang galing ko raw. Namula naman ang mukha ko sa aking narinig.

Madami palang nanunuod? Ningitian ko lang sila at nahihiyang nagpasalamat.

Napakamot ako sa aking ulo at tumabi kay Jeydon na nakatulalang nakatingin sakin. Napanguso ako. What's happening to him?

"Natalo ka ba?" Tanong ko sakaniya. And I already guessed dahil nahihiya itong ngumiti at tumawa nang mahina.

"Para kang amazona kapag naglaro." Wika niya at humalakhak, napahawak pa ito sa kaniyang tiyan.

I straightened my face, he's really overreacting. Should I punch him? Nakaka-inis talaga siya minsan.

"Seriously, hindi ako nakakapag-concentrate dahil sayo. Ang ingay mo." Piningot niya ang aking ilong at tumalikod para lumapit doon sa isang Fighting game na Tekken.

Tumingin siya sakin, at naghihintay. He's still challenging me huh? It's my favorite game and I'm sure matatalo ko uli siya.

Kahit ganito ako kaseryoso sa buhay, hindi naman siguro mawawala na maging masaya ako diba? It's one in a lifetime. Sa huli, mamimiss ko ang lahat na ito kaya susulitin ko ito. I'll treasure this memories.

Habang naglalaro kami ni Jeydon ng Tekken ay natalo ang kaniyang pambato ka si 'Jin'. While my avatar is 'Lily'. Palagi kasi siyang gumagamit nang special attack, at mauubusan ito nang energy.

I tilted my head at nakitang kong sumilip rin siya na nakasimangot. Dumila ako at tumawa ng malakas. Ang sarap niyang awayin minsan. Nakakatuwa.

Nasa harap kasi siya, gusto niya raw doon para hindi ko makita ang kaniyang special tricks para manalo. But what happened? Siya pa yung natalo.

Pagkatapos naming laru-in lahat ay ito kami at nagpapahinga sa Food gallery. Ako na ang nag-order nang foods since ako ang nanalo. At ito naman, gusto niyang mag order ako nang marami.

"Ba't ba gusto mong manalo?" Tanong niya sakin at kumuha ng fries.

Ngumuso ako at tinignan siya. "Ba't ka rin nag pa talo?" Tanong ko pabalik sakaniya. Akala niya ha.

Umiling lang siya at itinukod ang dalawang siko niya sa lamesa at ipinatong ang kaniyang ulo roon, na ani'moy nagpapacute sa harap ko.

"Kasi, gustong-gusto ni Jeydon na makita kang naglalaro." Ngumiti siya at pumikit. Omo, did I just see that? Ginagaya niya ba ako?.

Umayos ako nang upo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at ngumiti nang malapad. "Bakit ka nga kasi nagpapatalo?" Ngumuso ako at sinapak siya nang mahina sa balikat. "Tignan mo, si Tiana ang nanalo." Kumurap-kurap ako sa harap niya.

Nagtitigan muna kami hanggang napatawa kami sa aming ginawa. Ang baduy lang, buti at hindi kami naririnig nang mga tao dito sa paligid dahil kakaunti lang ang nandito ngayon.

Bigla niyang hinapit ang ulo ko sa harap niya. At hinihimas ang aking pisngi gamit ang thumb finger niya. "Ipapakita mo lang yan saakin, okay? Huwag sa iba."

Napatulala ako sa mukha niya at bumilis ang tibok sa aking puso. Hindi ako makapagsalita, dahil nakatitig lang ako sa mukha niya.

Pumikit siya at hinalikan ako sa noo. "I'll be here for you."

-----