Chereads / Hello, Seatmate / Chapter 15 - Fifteen

Chapter 15 - Fifteen

Chapter 15

Reminder, all the italic words are Korean Language :) Enjoy Reading.

------

Kinabukasan, ay iba na ang trato samin nang mga estudyante. At marami nang nag abot samin nang mga gig na sasalihin. Syempre, umayaw kami dahil hindi naman permanent yung group namin.

Our performance was successful. Madaming good comment at syempre may matatanggap kami na negative comment.

"Diba siya yung exchange student na kasali sa banda? Nakasali lang yan dahil kay Jeydon." Narinig kong bulong sa kanan ko. Napabuntong hininga ako at napayuko.

Mukhang napansin na talaga ako ngayon nang mga tao. a

Nang tumunog ang phone ko ay agad ko itong kinuha at tinignan. Napakunot ang noo ko. "Yerin is calling?" Nakakagulat naman. Ba't naman ito tumatawag ngayon?

Tumabi ako sa gilid at sinagot ang kaniyang Video Call. Inayos ko muna ang aking bangs sa camera.

"Tianaaa!" Kumaway ito. Nanlaki ang mata ko sa nakitang background.

"What the hell?" Yun nalang ang nasabi ko. Kinunotan ko siya nang noo. "Your joking right?" Nakita kong inilibit niya ang camera sa lugar at napanganga ako. She here! Here in the Philippines!

"Please, just pick me up." She pleaded. Ngumuso pa ito. "If you have a class, just cut it." Then it shuts out. She's a bad influence eh? Ano bang nangyari sakaniya? Ba't agad-agad?

Tumalikod ako para puntahan siya sa Airport, nandoon siya sa Airport dahil nakita ko sa kaniyang background. But, hindi parin mawawala sa isip ko, bakit nga ba siya nandito?!

"Tiana!" Napalingon ako kung sino ang tumawag. And there he is, ang gulo parin nang buhok niya but he is so damn attractive. What the?Did I just curse about his looks?

"Bakit?" Tanong ko sakaniya, hindi ba dapat nandoon siya sa Band Room? I tilted my head nang nakalapit siya.

"Saan ka pupunta? Mag lulunch na tayo." Hinawakan niya ang braso ko at hinila. Hindi parin nagbabago ang kaniyang kakulitan sa buhay.

I hissed at hinawakan ko siya sa kabilang kamay. Sumimangot ako. "May lakad ako ngayon." Napailing ako, hindi ako makakasabay sakanila. Papunta na sana ako kanina pero yung dakilang bestfriend ko ay nandito at hindi ko malaman kung bakit.

Napaisip ito at dahan dahang tumingin. "That's brilliant. Sasamahan kita, may dala akong sasakyan ngayon." Aniya at tumalikod.

Tatawagin ko sana uli siya pero nakalayo na ito. Nabuga ako nang hangin. Ang kulit talaga, napailing nalang ako at sumunod sakaniya sa labas.

Habang nasa byahe kami ay hindi ko mapigilan magtanong. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" I beamed. Kanina pa kami paikot-ikot, ni hindi niya alam kung saan kami papunta.

Napalingon muna siya saakin panandalian at bumalik sa harap. "Saan ba?" Nakakunot-noo ito.

Napailing ako, baliw talaga. "Sa Airport."

"Sino?" Narinig ko ang kuryosidad sa kaniyang tinig habang seryosong nagdadrive.

Napahalumbaba ako sa gilid nang bintana at pumikit. "None of your bussiness." Pakanta kong sagot sakaniya. At narinig ko pa ang iilang tanong niya kung sino yung nandoon, kaya napangiti nalang ako sa kakulitan niya.

Nang nakarating kami sa Airport ay agad ko itong tinawagan. Ilang sandali lang ay sumagot ito.

Inayos ko ang aking Cellphone para makita talaga ang mukha ko. "Where are you?" Mahirap na, hindi kami taga rito, at kung mawawala pa kami. Nako, hindi ko na alam kung anong gagawin.

Nakabusangot ang mukha ni Yerin nang bumungad sa akin. "I'm still here-- at lotte?" Sambit niya habang inilibot ang kaniyang paningin sa paligid.

Napakamot ako sa aking kilay at tinignan si Jeydon na nasa aking tabi na nakatingin rin sakin. I need help, hindi ko alam kung saan iyon.

Ngumiti siya at tumalikod. "Follow me."

Habang nakasunod sakaniya ay hindi ko talaga mapigilang hindi ngumiti, syempre nandito yung bestfriend ko. At ito siya, nasa harap ko.

"Yerin-ah!" Tawag ko sakaniya, para akong naiiyak habang nakatingin sakaniya. Ang tagal rin naming hindi nagkita.

Lumingon ito saakin at napatayo. Ngumiti ako at pinaghiwalay ang aking kamay para nakayakapan kami.

"Tianaaa!" Sigaw niya at tumakbo papunta sakin at yinakap ako. Pinagtitinginan na talaga kami rito dahil ang ingay namin. Narinig ko ang kaniyang pag hikbi at doon ko natatandaan ang tanong ko sakaniya.

Inilayo ko siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat. "Why are you here?" Seryoso kong tanong sakaniya. Pero umiwas ang kaniyang tingin at maiiyak uli dahil namumula ang kaniyang ilong.

"We broke up." Aniya at yumuko. Napabuntong hininga ako, yun lang pala. Akala ko kung anong nangyari. Baka may masamang nangyari sa Korea.

"That's better. I don't like him for you anyways." Pranka ko. I just don't like that guy, dahil inaagaw niya ang time ko kay Yerin.

Sumimangot ito at mahinang binatukan ako. Napatingin siya sa aking likod at kumunot ang noo. "Who--?" Hindi na niya pinatapos ang kaniyang tanong ay lumapit ito kay Jeydon.

Napahilamos ako sa aking mukha. Here comes trouble.

"Crazy Psychopath?" Tanong ni Yerin sa kaniyang may slang na english. She's improving alot. Maiintindihan mo naman, pero hindi mawawala ang kaniyang Korean Tone, tulad ko.

"W-what?"Kumunot ang noo ni Jeydon at tumingin sakin. I forgot to tell him. He looks helpless, at the same time curious.

Linapitan ko si Yerin at yinakap sa likod. "Jeydon, this is my Bestfriend Yerin." Pakilala ko sakaniya.

Naramdaman kong siniko ako ni Yerin ng mahina kaya napabitaw ako.

"I'm Yerin-ah." Ngumiti si Yerin at ibinigay ang maleta kay Jeydon. "If your friends with Tiana, be good to me. I'm her legal bestfriend." Ani Yerin at pinaltik ang kaniyang buhok at tumalikod.

Nagkatinginan kami ni Jeydon at ngumiti ako sakaniya. "I'm sorry for that." Pagpasensya ko, may saltik talaga ang Bestfriend ko. Ang ganda siguro tignan kapag nagsama-sama sila Hazel, Rolly at si Yerin. World war III.

"It's okay." Sabi ni Jeydon at inakbayan ako. Tinignan ko siya ng masama at sisikuhin ko sana siya pero bigla akong hinila ni Yerin.

"Na uh. Don't touch her. No skinship." Tinignan ng masama ni Yerin si Jeydon at hinila ako palayo. Nakita kong napakamot sa batok si Jeydon at sinundan kami.

"Yerin." I said in a warning tone. Pero ngumuso lang ito

"I just wanted to be with you. It's been a long time Tiana-shi. I just missed you, and I need to catch up about you." Mahabang paliwanag niya at ngumuso uli. She's acting cute. But mas magaling ako. Haha.

Napa-aww ako. She's sweet, nakaka-konsensya tuloy. Matagal tagal rin kaming hindi nag kausap dahil busy kami nung nakaraan.

Inakbayan ko si Yerin. "Hmm, we should head to my Tita and Tito. I'm sure they will be happy to see you." Alok ko sakaniya.

Umiling ito. "My Father already booked a hotel here." May binigay siya saaking pangalan ng hotel. Tsk, Yerin's Dad is really protective to her, since she's the only child in their family.

"And, I want to check your school. I heard you joined a band?" She wiggled her brows.

Umaliwalas ang mukha ko sa narinig. I have a plan. "Sure, later." Ngumiti ako. Ipapakilala ko si Yerin sa mga Ka-bandmates ko. She will be proud of me. Napalakpak siya sa kaniyang narinig at yinakap ako.

-----