Chereads / Hello, Seatmate / Chapter 7 - Seven

Chapter 7 - Seven

Chapter 7

TANGHALI na nang magluto kami ng barbeque sa labas. Napagdesisyunan namin na may gagawing activity mamaya, maglalaro lang siguro kami. Dahil uuwi rin kapag gumabi na dahil may iba't-ibang gagawin kami since Sunday bukas.

Dahil gutom na gutom ako ay linapitan ko ang mga kabandmates ko na naghahanda.

"Kumakain kaba nito?" Tanong ni Yna na may ipinakita sakin na parang ahas na tinusok.

Lumayo ako para makaiwas dahil nakita ko pang may kung anong tumutulo galing dito. "Ew! What's that?"

"Eh, sarap kaya nito." Kinagat pa niya ito at linunok. Nag-iba ang timpla sa aking mukha. I don't really like to eat exotic foods o bago pa sa aking paningin.

Lumayo ako sakaniya baka kung ano pa ang ipapakita sakin. Lumapit ako kay Rolly na naghihiwa ng isda para kinilaw raw. I don't know what it is, but it is raw fish parang sushi pero inihalo nila ito ng kahit ano.

Binigyan ako ni Jeydon ng hotdog. "Finally, ito lang yata ang kilala kong pagkain dito." Natuwa ako ng kinagat ang hotdog. Huli ko kasing kain ay 3 years ago. Dahil nahihiya ako noon dahil ang taba ko raw.

Tinawanan niya ako, napatitig ako sa mukha niya. Seriously, he doesn't look bad at all. Kapag nakapunta ito sa Korea, I'm sure maraming mag ooffer sakaniyang scouts from entertainment.

"Crush mo 'ko?" Napabalik ako sa huwisyo kaya tinignan ko siya ng masama. Nakakainis talaga siya.

Kumain kaming lahat ng Lunch, at Hotdog lang talaga ang kinain ko. Hindi naman masama dahil masarap naman talaga.

"Laro tayo!" Sigaw ni Geoffrey na may dalang bola. Napatigil kami sa aming gawi at napatingin sakaniya.

Ngumiti siya at inayos ang kaniyang eyeglass. 'San niya ba nabili iyan?

Agad na nagsitayuan sila, nakaupo parin ako sina Hazel at Rico. Tinignan nila kami.

"Hindi ka sasama?" Kunot-noong tanong ni Jeydon. Umiling ako dahil hindi ako marunong maglaro ng sports. "Hindi ako mahilig sa sports." Nahihiya akong ngumiti.

"Dito nalang pala ako. Hindi ako marunong ng Volleyball." Ani ni Jeydon at umupo sa tabi ko.

Magrereklamo pa sana si Quinn at Yna pero parang may napansin sila kaya tumawa lang sila at umiiling na umalis.

"Let's go. Don't disturb them." Nagngiting-aso si Rolly at hinila sila para lumabas.

Umiling ako at itinuon ang aking ginupit na feathers. Tinuruan kasi kami gumawa ng Dream Catcher and it's amazing.

"Bakit ayaw mo maglaro sa labas?" Tanong ni Jeydon saking tabi at tinulungan akong gupitin ang iba pa. Habang sina Hazel at Rico ay tahimik na idinikit ang mga beads.

Nagbuntong-hininga ako. "Hindi kasi ako marunong." Ako yung lampa version, tinutukso nga ako ni Yerin na Paper girl. Dahil kahit anong gawin kong sports ay palagi akong matutumba.

Tinignan ko siya na seryosong nag gugupit. "Ikaw?"

Tumigil siya sakaniyang ginawa at tinignan ako. Lumunok pa ako ng napansin ang lapit ng mukha namin kaya ibinalik ko ang aking ginawa. May nararamdaman ako, and it's really weird.

"Hindi rin ako marunong." Anito at ngumiti. Narinig ko pang tumikhim si Hazel kaya tumingin kami lahat sakaniya.

"Wala wala." Iniwagayway niya ang kaniyang kamay. "Balik na tayo sa ating ginawa."

Napatingin ako sakanilang dalawa ni Rico. I smiled mischievously. I don't know what's happening but I smell something fishy.

"Bakit?!" Tinaasan niya ako ng kilay and I saw her face redden.

Bumunghalit ako ng tawa kaya mas lalong pumula. Nang napansin ako ni Rico na tumingin sakanila ay pumula rin ang kaniyang mukha. I knew it!

"What?" Hiniwakan ako ni Jeydon sa balikat at yinugyog para akong nahilo. Pinisil ko ang kaniyang tagiliran dahil nakaka-inis ang kaniyang ginawa. Kaya napadaing ito.

Nang natapos ang lahat sa ginawa ay napagdesisyunan namin na mag island hopping. And it's really exciting. First ko lahat ang aming ginawa. Sana pala sumama ako sa mga kaklase kong mag-oouting. Sasabihan ko si Yerin mamaya sa aking ginawa, and I bet she will be proud of me.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Jeydon at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko siya ng masama at binawi ito.

"No, it's kinda amazing." It's true. Noong pasakay pa kami ay natakot ako, pero kalaunan ay masarap pala sa pakiramdam.

Nang nakarating kami sa unang Island ay picture taking dito at doon. Ni hindi nga kami nakaligo dahil may sunod pa kaming puntahan na island.

Medyo konti lang ang nakikita kong tao, ang iba pa ay mga Foreigner.

Sa ibang island naman ay puro buhangin ang makikita ko. At it's really white as paper. "Wow." Nakakamangha talaga.

"It's nice isn't it?" Humagikhik pa si Yna at Quinn. Tumango ako bilang sagot.

May nakita akong papalapit sakin na mga Turistang Koreano. Yumuko ako at ngumiti.

"Are you Korean?" Tanong ng isang lalaki na may nakasabit na Camera sa kaniyang leeg. Ngumiti ako at tumango. "Yes"

Nagsikuhan pa sila sa isa't-isa and I notice something's familiar. "Are you Shinwoo-oppa?" Nagbago ang features niya, dahil kulay brown na ang kaniyang buhok, but still ang pogi parin niya. He's one of the famous idols.

Nanlaki ang mata ng katabi nang may dalang camera at tinakpan ang mukha. "How did you know?"

"Ano pinagsasabi niyo?" "Who are they?" Ngayon ko lang pala napansin na nandito si Yna at Quinn sa aking tabi.

"Ah, they are my bandmates. Quinn at Yna." Pakilala ko sakanila at tinuro silang dalawa. Tumango tango naman yung dalawang Koreano

"Oh, I am Shinwoo from M.P boygroup in Korea. And this is my friend Baejin." English ang kaniyang pinakilala and nakakatawa dahil ang cute ng accent niya.

Tumango sina Quinn at Yna at naghandshake sila. Tumingin sakin si Shinwoo at tinaasan ng kilay.

Oh, I forgot. "Sorry, I'm Tiana Song."

"Tiana-shi." Tumango si Baejin at ngiti lang ang sagot ni Shinwoo.

"Tourist too?" Tanong nila, umiling ako at sinagot na isa akong Exchange student.

"Can I take a picture of you before we leave?" Tanong ni Shinwoo-oppa. Kumunot ang noo ko. Bakit naman?

"Wae?"

"I will show this to my hyungs that someone who wasn't fangirling in front of me." Tumawa ito. Yeah fan ako sakaniya, pero hindi ako tulad ni Yerin at yung mga kaklase kong halos ibigay na nila ang kanilang sarili sa kanilang bias.

Tumango ako at tumabi sakanila. Pati rin sina Quinn at Ynna ay kinuhanan rin kami.

"Last shot." Ani ni Baejin at inayos ang kaniyang camera.

Naramdaman ko ang kamay ni Shinwoo sa aking balikat at pababa sa aking beywang kaya uminit ang mukha ko. What is he doing? It's making me uncomfortable lalo na't naka swimsuit ako.

Alanganin akong ngumiti at naramdaman ko nalang na may humila sa kamay ko at tumama ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

"J-jeydon?" Gulat kong sambit. Uh oh, he's furious.

"Don't touch her." Galit nitong sambit at itinago ako sa kaniyang likod.

Hinila ko ang kaniyang Tshirt. "Let's go Jeydon." Nakakahiya! Wala namang ginawa si Shinwoo sakin.

"Easy." Tumawa si Shinwoo at umatras. Tumingin ito sakin. "Possessive boyfriend." At kumindat bago umalis.

"Aba't." Susugurin sana ni Jeydon si Shinwoo buti at umalis na ito. Napabuga ako ng hangin, mabuti at hindi nabugbog ni Jeydon si Shinwoo. Kung ganon ang mangyari, baka masira pa ang career niya.

"Let's go." Nagpahila nalang ako kay Jeydon at pumunta na kami sa Yacht.

Gabi na ng pauwi na kami. And Jeydon is really acting strange. Tahimik lang itong nagdadrive.

Nagkibit balikat silang lahat sakin dahil sinabihan nina Quinn at Yna ang buong nangyari kanina.

Nang ihatid na ang iba ay tahimik na ang sasakyan. Habang si Quinn sa likod ay tahimik na natutulog sa likod.

Nang nakarating na kami sa bahay ay bumaba agad ako. Naramdaman ko rin na bumaba si Jeydon sa sasakyan.

Humarap ako sakaniya. "Ano, kanina." Yumuko ako at lumunok. Nakakahiya, baka galit ito sakin.

"Sorry." Ngumuso ito na parang bata. I chuckled, he's cute.

Tumingkayad ako at hinawakan ang kaniyang ulo. Yumuko ito sakin. "It's alright, thank you." At ginulo ang kaniyang buhok.

Ngumiti siya at lumayo. Kinuha niya ang kaniyang phone at ay pinindot bago niya itago sa bulsa.

"Please confirm my friend request this time. 'Wag mo nang ireject." Tumawa siya ng mahina at kumindat. Napailing ako at tumawa narin.

"Okay." Kumaway ako. "Take care, ihatid mo na si Quinn." Tumalikod na ako para buksan ang gate.

"May lakad ka bukas?" Tanong niya.

Lumingon ako sakaniya. "Yeah. Why?"

Umiling siya at ngumiti. I think he's up to something no good.

"Nothing." Ani nito at kumaway.

Ngumiti lang ako ng alanganin at pumasok sa gate. Nakita ko pang nakasandal lang ito sa Van habang tinignan ko. Kumaway ako sakaniya at pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko palang ay confirm ko kaagad ang kaniyang friend request. And he posted our pictures with our bandmates. Napangiti ako.

I think this is the best. Hindi na ako nag-sisi na nandito ako sa Pinas.

-----

Hello agaaaaain! Enjoy reading. Okay lang ba? Sorry kung madaming typos at wrong grammar. Don't worry, i will edit it soon.

Vote and Comment. Please support my story para gaganahin ako. Hahahaha.

XOXO