Chereads / Hello, Seatmate / Chapter 5 - Five

Chapter 5 - Five

Enjoy reading :)

-----

Chapter 5

"Kainin mo to." May inilagay si Jeydon sa aking plato nang madaming chicken. I'm on a diet, sasabihin ko sana pero natatakam ako sa Manok.

Kanina pa ako nakasimangot. Ang lakas ng topak ng lalaking ito at halos ilagay na sa akin ang lahat ng pagkain na nakahain. Natatawa na nga sila Rolly dahil inubusan na raw sila dahil ibinigay na sakin lahat ni Jeydon. Kaya yung spaghetti nalang ang kanilang inatupag.

This KFC food is the best. At first time ko pang nakakatikim nito. Usually home-made lang ang kinakain ko. Tulad ng kimchi, ang sarap 'nun. Medyo maanghang at ang asim. But it's good for our health dahil healthy foods naman ang nakalagay don.

Nandito kasi kami sa Band Room. Walang klase sa isang Subject namin dahil may sakit yung Subject teacher namin kaya nandito kami at kumakain at tumatambay. At ito naman si Jeydon, tumawag ng food service ng KFC. Sa loob pa talaga inilagay. Darn, he's really rich ang dami niya kasing in-order.

Tumayo si Jeydon at napaangat ang tingin ko sakaniya. "Lalabas lang ako. Ubusin mo yan." Tinuro niya ang aking pinggan na puno ng Fried Chicken. Tinignan niya lang ako at kumay-kaway.

Umirap lang ako sakaniya at kinuha ang ang fried chicken. Ang sarap, hindi na kailangan ng sauce.

Siniko ako ni Hazel. Si Hazel pala yung kausap ko sa Cafeteria yung magkasing ugali ni Yerin.

"Anong ginawa mo kay Jeydon?" Tumaas ang kaniyang isang kilay at ngumiti siya na parang nang-aasar.

"Wala." Sagot ko at kumain uli. Hindi talaga mawawala ang favorite kong Fried Chicken. Ang hilig talaga namin sa Chicken, and I don't know why, tradition na yata ito sa Korea. But too bad, my brother is allergic on chicken dahil mangangati ang kaniyang katawan.

Narinig kong humalakhak si Rolly sa tabi pati na rin si Quinn, at Yna. Tahimik sa tabi ang dalawa naming bago na kabandmates na sina Rico at Geoffrey.

"Aminin mo girl. Magkilala na kayo no? Ang sweet niyo kasi sa Classroom." Tukso ni Yna at kumuha ng pizza.

Umiling ako at kumuha uli ng Chicken sa pinggan. "Hindi talaga. Nakakainis na nga siya eh." Sumimangot ako at tumingin sa pintuan baka pumasok si Jeydon at marinig pa kami. Baka magalit pa iyon. Mahirap na ang moody pa naman nun.

"Hmm, ang rare nga yun pumasok eh. Tsaka alam mo ba." Umusog si Yna at lumapit samin. Nakaupo lang lami sa sahig, dahil walang mesa dito sa loob. At komportable naman ako dahil minsain ito ang ginagawa namin ni Yerin na magpipic-nic sa garden doon sa School namin.

Ako naman ay lumapit dahil interesado akong makinig. Lumapit rin silang lahat, baka hindi pa nila alam rin? Buhay chismis nga naman oh. Pati ako nahawa. Pft.

"Takot yun humawak sa mga babae. Ni-kahit may mga babaeng nanligaw sakaniya ay iniwan niya lang." Tumango tango pa si Yna habang sinasabi iyon na parang Fact talaga ang sinasabi niya.

"Oo nga. Akala namin bakla yan eh. Hindi ko talaga yan nakikitang nakipag-usap sa mga babae. But now." Ngumisi silang lahat sakin kaya napaatras ako.

"Bakit?" Bigla akong nautal dahil kinabahan ako sa kanilang mukha. Wala naman akong kinalaman kay Jeydon kung bakit nagkaganun siya. Really.

Hahawakan sana ako ni Quinn pero bumukas ang pintu-an. Napahinga ako ng maluwag ng umayos sila ng upo at napainom ng tubig.

Inilagay ko ang buto sa aking pinggan at napabuga ng hangin. It's intense. Umupo si Jeydon sa tabi ko at iniharap ang aking mukha sakaniya.

Nanlaki ang mata ko nang magkalapit ang mukha namin sa isa't isa. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang kaniyang kamay. Narinig ko ang tikhim ng mga kabanda ko sa tabi at humagikhik. And I look like a fish, because he squished my face and I look like an idiot right now.

Napatitig lang ako sakaniya. Ngumiti siya bigla at binitawan ako. Hinaplos niya ang ulo ko, at inyos ang aking bangs. "Good girl, inubos mo lahat." Pagkatapos ay tumawa ito na parang proud siya sa kaniyang sarili.

Tinignan ko ang aking pinggan, and yeah. Naubos ko nga. Oops, where's my diet? Pero huli na iyon tinignan pala nila kami.

Tumikhim ako at inayos ang aking upo. Hinaplos ko ang aking mukha dahil pakiramdam ko'y namumula ito dahil sa init. Am I blushing?

Tumayo si Rolly at pumalakpak. "Practice kaya tayo ngayon?" Suwestyon niya at tinuro ako.

"Hindi pa kita narinig kumanta, pero alam kong maganda boses mo. Pero gusto ko lang malaman kung tama ba ang hinala ko." Ani niya at uminat-inat. Kahit sa pag inat niya lang ay masasabi mong bakla siya dahil kumembot pa ito.

"At kayo." Tinuro niya ang bagong kabandmates namin na tahimik na kumakain. Napatingin ako sakanila, at nakita kong patingin tingin si Rico kay Hazel.

Tumikhim ako, I know the reason. Patago akong napangiti. I think sumali si Rico dito sa banda para kay Hazel. He has a crush on her.

"Ngiti ngiti mo jan?" Tinignan ko ng masama si Jeydon na nakatingin lang sakin sa tabi. May topak talaga ito.

Tumayo ako at tinulungan silang maglinis ng aming kinain. Ang cute lang ng band room nila. Para talaga siyang nasa Garage ka lang. Dahil may mga paints sa gilid.

Napatingin ako sa mga instrument na nasa little stage. Hinawakan ko ang piano, at ang guitar. Ang tagal ko nang hindi gumagamit ng mga instrument.

Dahil doon sa school namin, ay halos ang pagturo lang sa pagkanta, at sayaw. And we don't have time to use instrument like this.

"Kayong dalawa." Napamewang si Rolly at tinuro ang dalawa.

"Tugtog nga kayo. Gusto kong marinig." Ani niya, sumunod naman ito sa utos niya. Napangiti ako, para talaga siyang lalaki kapag ganiyan siya kabossy. Sayang, gwapo pa naman.

"Alam mo bang si Jeydon talaga ang Leader dito. Pero umalis eh." Biglang tumabi sakin si Yna na umiinom ng Chocolate drink.

Napatingin ako sakaniya. "Really?" Hindi nga? Hindi kasi halata. Para siyang walang pake sa kaniyang sarili at isip bata.

"Yeah. Ang cool talaga niya. Ang galing nga din niyang maglaro ng sports." Pagpatuloy nito. Napatingin tuloy ako kay Jeydon na nakaupo sa gilid at kinakagat ang straw. He doesn't look like one.

Napaiwas ako ng tingin nang napalingon siya saming banda. Pinalobo ko ang aking pisngi at tinignan sina Hazel at Quinn na inayos ang intrumento habang si Rolly ay may binabasang pyesa.

"Nagbago lang yan dahil sayo." Tumingin siya sakin kaya napatingin rin ako sakaniya. "Try mo kayang kaibiganin siya. Wala naman mawawala diba?"

Napataas ang kilay ko sa kaniyang sinabi. Ano ba siya? "Bakit naman?"

Umiling siya at ngumiti. "Nag eeffort kasi siya, at tingin namin nagbabago siya." Tumayo ito at umalis. W-what?

Napatitig ako kay Jeydon na tinatawanan ang mga bago dahil hindi pala marunong gumamit ng drums at gitara. At kalaunan ay tinuruan niya ito kung pano gamitin ang mga instrument.

Napangiti ako. Make friends right? My second step.

Natapos ang practice namin, pero wala pa akong part. Dahil problemado si Rolly dahil hindi talaga marunong gumamit ang mga iyon. Lalo na't bago pa ang mga instrument kaya inaalagaan muna nila iyon.

Napakamot nalang ako sa ulo ng nagtext si Ate Bianca na hindi niya ako masusundo. Pero may kukuha naman daw saakin pero inayawan ko na. At sinabihan na ako nalang uuwi para makapag ensayo ako. And she's happy and the same time scared. Pero I gave her assurance na makakaya ko. Ayaw ko naman abalahin sila Manong at si Ate dahil lang hindi ko kayang maka-uwi ng maayos.

Binigyan niya ako ng kung saan ako sasakay at kung saan ang address.

PUMUNTA muna ako sa Waiting shed, doon kasi daw hihinto ang bus. Kaya nang dumating ito ay dali dali akong sumakay.

Binigyan ko ang driver ng pera. Nagtataka nga ako, dahil doon samin, card lang ang ipakita namin at bayad na.

Umupo ako sa bakante. Sandalian lang ay may umupo sa tabi ko.

"Hindi ka sinundo?" Kunot-noong tanong ni Jeydon sa tabi ko.

Iling lang ang sagot ko sakaniya at tumingin sa labas.

Napapikit ako dahil inantok sa pagod. Ang sarap din sa pakiramdam dahil namiss ko ang lamig. Ang lamig kasi sa Korea, pero kapag summer ay doon lang uminit. But, kapag gabi na ay doon uli lalamig.

Patong patong na nga ang aming mga suot dahil sa lamig doon. But I like it. Kapag snow na, my brother and I always plays snow.

Napamulat ako ng naramdaman kong may humawak sa ulo ko at agad na nilingon siya.

Nakita kong nanlaki ang mata niya at ngumiti siya nang alanganin. "Nakita kasi kitang inaantok, kaya--."

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil inayos ko ang aking sarili at inihiga ang ulo ko sa kaniyang balikat.

Pumikit ako. "Stop moving and let me sleep." And he's a good boy dahil tumahimik ito at hindi siya gumalaw.

----

Did you enjoy it? Kekeke. Inedit ko lang ng konti ito.

Vote and Comment.