Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hello There David

ERRstories
--
chs / week
--
NOT RATINGS
87.4k
Views
Synopsis
“I’M SORRY ABOUT EARLIER, Brian and I are just friends so don’t think that . . .” Hindi ko na natapos pa ang explanation ko dahil bigla na siyang sumingit. “Look Maggie, I don’t care about your personal life. We’re here to work. So you don’t need to explain.” Galit ba sa akin si Sir David?Nag-sorry na naman ako, ah.Ang tindi. Mahirap kaya mag-sorry lalo pa at alam kong wala naman akong kasalanan sa kanya. “Ang yabang naman.” Hala, ‘di nga? Nasabi ko ‘yun? Ako ba talaga ‘yong nagsalita? “What did you say? Ako, mayabang?” iritable niyang tanong. Patay na. Ano’ng sasabihin ko?! Kailangan kong mag-isip nang mabuti. “No, didn’t say that! Ang sabi ko lang may garlic ang pizza. Ba-wang,” with fingers crossed, I replied, hoping that he’ll buy my alibi. ooOoo Matawa, kiligin, at ma-inlove. Sino nga ba ang nararapat para Kay Maggie? Si Brian na past niya or si David na boss niya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Maggie

"ANNYEONGHASEYO . . . this means hello or good morning, got it, Maggie!?" explains her bestfriend.   

"Maggie."

"Maggie."

"MAGGIE TO EARTH! HELLO! Are you still with me!?"

Nabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Lucy, ang kinakapatid ko slash best friend na rin. Dahil nga sa mahilig si Lucy sa Korean Dramas, mas excited pa siya sa akin sa bago kong work. Dream job niya raw ang makapunta sa Korea kaya naman nang malaman niyang I'll be working in an English Center, halos maglulundag siya sa tuwa, at ako naman, heto, nagmamaktol—masakit ang puso, nagdaramdam sa sitwasyong mayroon ako.

I'm Maggie, I just turned 19 and I don't know what to do with my life. At 19, I have to find a job to sustain me, to make it through life. Dad passed away when I was 10, my mom joined the heavens a week ago, with no resources left, I have to do something so just to finish college.

I don't blame God but I feel bad. Bakit ako pa? Bakit ngayon pa?! Malapit ko nang matupad ang pangarap ko para kay mama nang mamatay siya, at heto ako ngayon, trying to make ends meet pero di ko alam kung saan magsisimula.

"Kakausapin mo ba ko o ibabato ko 'tong si Pikachu?"si Lucy ulit at medyo napipikon na.

Si Pikachu, ibabato ni best? Naku,'di ako papayag. Kahit na stuffed toy lang 'yun at hindi mababasag, ayokong marurumihan si Pikachu dahil sa . . . dahil sa . . .ahmm . . .dahil sa gusto ko ang Pokemon. Oo,'yun lang 'yun. Walang kinalaman si Pikachu sa first love ko. Wala Talaga. Promise!

"Ano, titingan mo na lang talaga ako?! Hindi ka magsasalita!?"

Alam kong galit na si best. Kitang-kita ko nang umuusok ang ilong niya, sa sobrang init e, pwede nang mag-fry ng egg. Nag-peace sign ako at nag-smile para humupa ang galit niya. Mabuti na lang at alam ko ang kiliti ng best ko at tumakbo siya sa akin para yakapin ako.

"Best, I know this is hard for you. But you have to hold on. Mas malulungkot sina Tita at Tito if they would see you like this, 'di ba? You have to do this. Alam ko namang ayaw mo ng Korean Drama pero you need this, para maging okay ang work mo. At isa pa, aminin mo, crush mo si Lee Jong-suk. Kahit patpatin 'yun, kapag nag-smile busog ka na. Kaya, sige na. Ituloy na natin 'to, please."

Tuluyan na akong napatawa ni best sa sinabi niya. Oo nga naman. Isa pa, magaling ding umarte ang artistang 'yun. Bagay na bagay siya sa mga roles niya at nakakakilig talaga. Pero syempre, wala pa ring tatalo kay . . . kay . . . naku, erase, erase, kung sinu-sino na naman ang iniisip ko. Hindi ko na siya dapat isipin pa. Kung nasaan man siya ngayon . . . sana lang . . .

"Ano naman ang iniisip mo, best?"

Ayokong malaman ni best na iniisip ko ang taong 'yun. "Naisip ko lang best, ikaw na lang kaya ang mag-work do'n? Tutal naman mas excited ka pa sa akin. Tapos malay mo, doon mo na makilala ang true love mo."

"True love? Patawa ka. Isa lang kaya ang one and only true love ko. At nabasa ko sa status niya na uuwi na siya ng Pinas." Hindi 'to maaari. Uuwi na siya. Uuwi siya ng Pilipinas. Ano'ng gagawin ko?

"Best . . ." Parang naiiyak na hindi mapakali ang boses ni Lucy.

"Huh!?"

"Ano kayang una kong sasabihin sa kanya?"

"Ahm . . .ewan ko. Hi—hindi ko alam. Siguro . . . ahmm . . ."

"Tama! Alam ko na, best! I'll bring him sa National Museum."

"National Museum?!"

"Oo. Kasi ang tanda ko, sabi niya noon sa akin, enjoy raw siya sa mga artifacts. Dahil daw parang nabuhay na rin siya noong unang panahon."

"Ah, I see," 'yun lang ang nasabi ko. Hindi ko na talaga naiintindihan pa ang sinasabi ni best, eh. Sumisikip kasi ang dibdib ko. Kahit na ano'ng gawin kong pigil, hindi ko mapigilang umiyak ang puso ko. Pakiramdam ko, unti-unti 'tong nadudurog.

"Sorry, best. Na-excite lang ako. Let's continue our lesson."Mabuti na lang at naalala ni best na tinuturuan niya ako. Palagay ko,'di na naman niya ko mahahalata. Huminga ako nang malalim nang hindi ko namamalayan.

"Best, mahirap talagang i-pronounce ang korean, pero magagawa mo naman 'to, best. Matalino ka naman. eh."Mali ng akala si best. Kailangan ko lang gawin 'yun para lumuwag ang paghinga ko. Dahil ang totoo, kahit na kailan, hindi dapat malaman ni best ang tunay na nararamdaman ko.

"Annyeonghaseyo . . . this means hello or good morning. Tama, best!?" Nakita kong nangislap ang mga mata ni best. At long last, nakuha ko. Naiintindihan ko. Well, may kirot man sa puso ko, kakayanin ko. Kaya ko 'to. Sabi nga sa mga drama, ajah, fighting!

"Best . . . ahmmm, pwede mo ba kong samahan kapag nakipagkita ako kay Brian?" Nagulat ako na hindi pa pala tapos ang usapan namin ni Lucy about Brian. Akala ko magpo-focus na ulit kami sa pag-aaral ng Korean, pero parang ganoon yata talaga ang epekto ni Brian sa buhay namin ni best.

"Best, akala ko ba mag-aaral tayo? Eh, bakit parang lumulutang ang isip mo? Kanina lang, excited kang turuan ako. May pa-Maggie, Maggie to earth ka pa tapos ngayon tulala ka diyan. Lucy to eart!"

"Sorry, best. Bigla ko lang ulit kasi naalala 'yung nangyari noong high school graduation natin. Masama bang sinabi kong mahal ko siya? Naging honest lang naman ako sa feelings ko. Tapos umalis siya at lumipad papuntang Japan nang 'di nagpapaalam sa akin."

"Baka naman may reason siya. Hayaan na lang natin siya. H'wag mo na lang din 'yang isipin."

Paano ko nga ba sasabihin na ako ang dahilan kung bakit umalis si Brian? Ang totoo, mahal ko si Brian, at alam ko rin na mahal ako ni Brian. Pero I let go of him nang malaman kong mahal ng bestfriend ko ang aking dream guy. Oh, well . . . my best is like my sister so, gano'n talaga . . . kailangang mamili.

It was our graduation day. I was planning to finally give the most awaited YES when I got a text from Lucy. Lucy was more than excited—she would confess to Brian, she would face her fear and tell Brian how much he meant to her, and me being the good bestfriend, I turned down Brian for Lucy's sake and the rest is history.

"Best, umiiyak ka ba?"Hindi na pala niya napigilang pumatak ang luha niya na kanina niya pa pilit itinatago kay Lucy. Naalala niya kasi ang mukha ni Brian nang pinagtulakan niya ito palayo sa kanya. Masakit pero mas mahalaga sa kanya si Lucy na para na rin niyang kapatid.

"Ewan ko ba, Lucy. Parang ang sakit na ng ulo ko. Hindi ko na yata maiintindihan 'yung lesson natin."

"Ganoon ba? Ako nga rin, 'di na makapag-concentrate. Kasi naman naalala ko pa si Brian. Anyway best, this time alam ko, hindi na niya ko i-tu-turn down. Because I will fight for him whatever it takes."