AWESOME is an understatement. Walang tulak-kabigin ang English Center na papasukan ko. Online interview kasi ang nangyari kaya ngayon ko lang talaga makikita 'to at hindi gaya ng ibang centers na napuntahan ko, talagang malaki to. Beige ang wall na may magandang landscape. Glass ang door at malawak ang parking. Agad akong nag-doorbell at nang walang nagbukas e, ginamit ko na ang kakapalan ng mukha ko.
"Ahmmm . . . tao po. May tao po ba?"
"Ano yun?!" angil ni Manong guard na parang naabala ko ang tulog.
"Ahmmmm . . . good morning po, guard. Ako po si Maggie. First day ko po ngayon dito."
Pinilit kong pasiyahin ang boses ko, para kasi akong na-badtrip sa tono ng boses ni Manong Guard, pero kailangan kong makisama, first day of work, eh.
"First day?! Sorry hija, mali ka ng napuntahan. Sarado na ang center." Mas lalo akong nainis sa ginawa niyang pagtaas ng kamay na para bang nagsasabing go away, you don't belong here. Aba, 'di ako papayag nang gano'n. Hindi talaga.
"Ho? Imposible, ho. Dahil tanggap po ako sa trabaho, heto nga po 'yung email sa akin, oh. Napakaklaro naman po." Medyo napataas ang boses ko kasi naman alam na alam ko sa sarili ko na today is my first day tapos sasabihin ng guard na 'to na sarado na ang center, aba, hindi pwede 'yun. Ipaglalaban ko ang karapatan ko.
"Hija, h'wag mo naman akong taasan ng boses. Wala na talaga Ang center na 'to. Nalugi. Takot na kasi ang mga Koreano dito dahil sa mga nangyayaring kaguluhan. 'Di ba nga at may 44 na namatay na mga pulis."
"Ahmmmmm . . . ganito na lang po, let me talk to your manager." Pinilit kong baguhin ang tono ng boses ko. Kasi baka naman baka madaan sa mabuting usapan. Pero nakaka-badtrip din kasi ang boses nitong guard, oh well . . .'di ako santa para magpakabuti.
"Eh, tulog pa po si boss."
"Manong, I'm sorry. Dahil mukhang kakailanganin kong sugurin ang amo mo at nang magising siya sa katotohanan na mali ang ginawa niyang pagpapaasa. Kung alam niya lang kung gaano ko kailangan ng trabaho ngayon."
"Ako na lang ang aakyat, hija."
"No need for that." Namilog ang mga mata ko sa isang singkit na may makinis na mukha na biglang lumabas sa likod ni Manong Guard. Oh well, sabi ko nga 'di ako fan ng Korean Dramas pero parang tumalon ang puso ko at kinilig sa lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan ko. At itong dila ko na dapat ay dumadaldal na ay parang umatras. Hindi tuloy agad ako nakapagsalita.
At siya na nga ang bumasag ng katahimikang namagitan sa amin.
"I'm sorry for the misunderstanding."
"Sorry? Is that all that you can say? Look, I spent almost one week to study your language just to do well with this job, and here you are telling me that you are sorry, just that?!"
"If you don't want to accept my apology then, then, just leave. I don't have anything to do with you."
Kung hindi lang kasalanang manaksak baka sinaksak ko na ang lalaking ito ng gunting na nasa bag ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko lalo na at alam kong galit na rin ngayon ang Koreanong kausap ko. Isa pa, kailangan ko ng trabaho, kaya nag-change mood muna ako. Huminga ako nang malalim.. Sobrang lalim,'yung parang nakalunok ako ng hangin, 'yung gano'ng pakiramdam.. I cleared my throat. Kinain ko na ang pride ko. Kailangan kong magpakababa para sa future na pinapangarap ko.
"Gomenosai, I'm so sorry. I'm sorry."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Sa sobrang lakas ng tawang ginawa niya, muntik nang malaglag ang panga ko. Humingi lang ako ng sorry tapos pinagtawanan niya ako? Ang hirap kayang kainin ng pride tapos pagtatawanan niya ko? Sipain ko kaya 'to? Para hindi na makakita.
"I'm sorry. I didn't mean to laugh. Gomenosai is Japanese for sorry. Miyane is Korean for sorry."
Tama ba namang pagtawanan ang pagkakamali ng tao? Sa nakakalito ang language nila, eh. Parang pareho at magkatunog.
"Miyane. Masaya ka na?" Talagang nagsalita ako ng tagalog para hindi niya ako maintindihan. Nakakainis kasi. Tingnan na lang natin kung ano'ng sasabihin niya.
"Ano ba talagang kinagagalit mo sa 'kin?"OMG! Did he just speak in Filipino?