THE FEELING is unfathomable. Oo. Promise. Hindi ko talaga masukat. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko mula pa no'ng umuwi ako galing sa date namin ni David. Hahahaha. Okay. H'wag niyo akong taasan ng kilay, hindi siya formal date, it was a friendly date. There is nothing so special between us. Para lang talaga akong nasa dreamland kanina kasi ang ganda ng nangyari sa buhay ko . . . soooooobra.
Talagang naguguluhan lang ako sa nararamdaman ko.
Una, pagkagulat. Look, gaya ng nasabi ko, wala akong dugong k-pop kasi nga boyband fan ako. At 'di lang basta boyband. Fan kami ng nanay ko ng Boyzone, BSB, Nsync, A1 at syempre Westlife. Sorry kung 'di kayo maka-relate. Sadyang mahilig lang ako sa 90's music. Kaya nga nagulat ako sa sarili ko na natagalan kong makipag-usap kay David Kang. Siguro dahil sa boss ko siya. Dapat ko lang siyang pakisamahan. Dapat kaming magkaroon ng magandang rapport. 'Yun lang 'yun.
Pangalawa, pagkainis. Kasi naman, feeling ko wala akong poise kanina nang kumakain kami. Ewan ko ba, parang nawala ako sa sarili ko. Alam ko dahil sa sobrang sarap ng pagkain. Saka siguro, dahil na rin sa ganda ng mga mata ni Sir David. Ayan ah, Sir David na tawag ko sa kanya. Kasi boss ko siya, 'di ba? Kailangan ko bang ulit-ulitin 'yun?!
Pangatlo, pagpapasalamat kay Father Almighty na maker of heaven and earth. Sa Panginoong Hesus na hindi ako binitawan. May trabaho na ko! Yahooo! If you just fully trust in God, he will never leave you. NEVER.
At pang-apat . . . ang sabi sa 'kin ng tiyan ko. . .
"ILABAS MO NA YAN MAGGIEEEE. Kanina ko pa yan naamoy oh," si Lucy. Nakatakip na ang ilong at para kong titirisin.
Nagbalik ang diwa ko sa realidad. MASAKIT ANG TIYAN KO!
"Gusto mo ako na ang hihila sa'yo sa CR?" Nakapamaywang na si Lucy. Oh my.
"Hindi. H'wag. Kanina pa ko pabalik-balik pero walang lumalabas, eh. Ang sakit na talaga ng tiyan ko," pagmamakaawa ko kay Lucy. Alam ko kasing galit na siya.
"Gusto mo dalhin na kita sa ospital? Mukhang 'di na maganda ang lagay mo, best. Parang."
BOOOM.Hindi na natapos ni best ang sasabihin niya dahil bumagsak ako at hindi ko na alam ang mga sumunod pa.