Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 250 - Flashback Part 2

Chapter 250 - Flashback Part 2

Aliyah's Point of View

DIRETSO lang akong nakatingin kay Onemig. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Blangko.

Pinipigil ko ang pagkurap upang hindi tuluyang bumagsak ang mga namuong luha sa mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin. Sa tuwing tinitingnan ko kasi siya, lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko  na kasi makita yung taong minahal ako ng buo. Yung taong ayaw na nakikitang nasasaktan ako. Ang taong nasa harap ko ngayon ay hindi na ganoon. Siya pa nga ang nakakapanakit sa akin sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita.

Huminga ako ng malalim at buong tapang na hinarap si Monique.

" Oo ako ang gumawa noon Monique. Hindi yon pakikialam kundi pagsunod lamang sa habilin sa akin ni lola Marta. Hindi ko gagawin ang lahat kundi lang dahil sa kanya. Kung tutuusin, ano ba ang pakialam ko sayo? Wala ka namang mabuting nagawa sa akin para pag-aksayahan ko ng oras at pagod. Pero dahil si lola Marta yon, labag man sa loob ko, ginawa ko ang lahat ng sinasabi mong pakikialam ko. "

" Hindi ko maintindihan kung bakit sayo siya nagbilin gayong naririto ako na apo niya o kahit dito kay Onemig na lang? Anong ginawa mo para pagtiwalaan ka niya ng ganyan? " sarkastiko pa nyang turan. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Para bang may malaking halagang iniwan si lola Marta kung makapag-salita siya at inuto ko ito para sa akin mapunta.

" Bakit ako? Sa totoo lang Monique hindi ko alam kung bakit ako. Siguro nakatakda talaga akong dumalaw nung araw na yon kaya sa akin siya nagbilin. Yung pagtitiwala, hindi ko pinilit si lola Marta na sa akin ipagkatiwala ang lahat. Hindi naman madaling gawin yung mga inutos niya lalo na't alam ko na siguradong magagalit ka kapag nalaman mo, na hayan na nga at sinaktan mo pa ako. Huwag mong isisi sa akin ang lahat Monique, ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko pero ako pa rin ang masama at lumalabas na nakikialam. Pareho kayo niyang si Onemig, napakadali sa inyong husgahan ako ng hindi inaalam muna kung ano nga ba ang totoo. Pagod na ako. Pagod na akong idepende ang sarili ko. Wala naman akong ginawa pero ako yung sinisisi sa lahat ng nangyari. Pati sa pagtupad ko sa habilin ng namayapa, ako pa rin ang lumabas na nakialam. Sabihin nyo sa akin, saan ba ako lulugar? "

" Kung hindi ka kasi nagmagaling na sabihin ang katotohanan kay lola, eh di sana buhay pa siya hanggang ngayon! Kasalanan mo rin, tapos ngayon itatanong mo kung saan ka lulugar? " galit pang turan niya. Nag-init naman bigla ang ulo ko. Hindi ba niya narinig ang mga sinabi ko?

" Sa tingin mo ba, sa akin magtitiwala si lola Marta kung ako ang sinisisi niya sa nangyari sa kanya? Nung una, sinisisi ko rin ang sarili ko dahil sa sinapit niya pero siya na rin mismo ang nagsabi na hindi yon ang ikinasama niya ng loob kundi yung paglilihim mo sa kanya ng katotohanan. Yung panlolokong ginawa mo sa kanya. Ikaw ang puno't dulo ng lahat —ahhh! " napahinto ako dahil pahablot niya akong sinabunutan.

" Tama na! Sumosobra ka na Monique. Anong karapatan mong saktan si Liyah? At ikaw Onemig, anong klaseng asawa ka? Nasisikmura mong tingnan na lang ang asawa mo na sinasaktan? Ganyan ka ba kagalit para balewalain mo na lang siya?" galit ng turan ni Jam habang yakap ako upang ma-protektahan. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Onemig dahil inilayo na ako ni Jam.

" Are you alright? Tss. what a silly question. Alam ko namang hindi. Bukas na bukas din Liyah, aalis na tayo dito. Whether you like it or not. Hindi ko na gusto ito, ilalayo ko na kayo sa kanya. Kakausapin ko sila tito Nhel." sabi ni Jam nung makalayo na kami.

" Sige Jam, papayag ako. " tumingin siya sa akin at bumuntung-hininga. Pinunasan niya ang luhang pumatak sa pisngi ko.

" Liyah! "  tawag ng pamilyar na tinig.

Nilingon siya ni Jam pero ako ay nanatili na nakatalikod. Nagkatinginan kami ni Jam. Naunawaan niya ang tingin ko kaya nagpauna na siya.

Medyo matagal na namayani ang katahimikan pero hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Ayoko kasing makita niyang umiiyak ako.

" I'm terribly sorry." turan niya.

" Okay." tugon ko.

" Liyah mahal na mahal kita. Ikaw ang buhay ko." sabi niyang muli pero hindi pa rin ako humaharap. Nagsimula ng manikip ang dibdib ko.

" Alam ko. Alam na alam ko Onemig. Pero kasi hindi ko na nakikita yang sinasabi mo. Mahal mo ako pero binulag ka na ng sama ng loob. Natitiis mo na nakikita akong nasasaktan. Hindi ka ganyan noon. Pero naiintindihan kita. Pinag-aralan ko kung bakit ganyan ka. Ayusin mo muna yang sarili mo bago ka lumapit muli sa akin dahil kawawa naman kaming nagmamahal sayo kung patuloy kang ganyan. "

" What do you mean, Liyah? " 

" You know what I mean at sarili mo lang ang makakatulong sayo. " yun lang at walang lingon-lingon na lumakad ako palayo sa kanya. Iyak ako ng iyak. Hindi ko gustong lumayo pero hinihingi na ng pagkakataon.

" Mahal na mahal kita Aliyah Arceo!" sigaw niyang muli.

" Mahal din kita Onemig Arceo. Mahal na mahal." alam kong hindi na niya ako narinig dahil napakalayo ko na.

End of Flashback

Umiiyak na si tita Bless ng matapos kong ilahad ang lahat.

" Kaya pala hindi na niya sinabi sa amin ang nangyari nung araw na yon dahil alam niya na madadagdagan lang ang galit namin sa kanya." umiiyak na wika ni tita Bless sa akin.

" Siguro nga po. At ganoon din si Monique. Paano niyang sasabihin sa inyo eh puro pananakit ang ginawa niya sa akin. Nasaan na nga po pala sila ni Travis? " naalala kong itanong.

" Hindi ba't ikaw ang umayos non? Nung matapos ang 9 days ng inang, nagsama na sila ni Edison Centeno. Lahat ng ginawa mo na bilin sayo ng inang ay narinig lahat ni Monique dun sa ni-record mo na usapan ninyo ng lola niya. Binigay sa kanya ng tito Migs mo. Yung pagkausap mo kay Edison, yung pagtubos ninyo ng tito Migs mo sa bahay at lupa nila, yung lote na binili niyo para sa paglilibingan ng inang at paglilipat nung labi ng mga magulang at kapatid ni Monique. Lahat ng yon ay narinig niya. Iyak siya ng iyak at humihingi ng tawad sa amin ng tito Migs mo. Nagsisisi siya sa lahat ng ginawa niya sa iyo. Nalaman din niya na naging magkaibigan kayo ng lihim ng lola niya. Sa tuwing sinusundo mo pala si Guilly noon sa bahay, nagkakausap kayo ng inang? " sa huli ay tanong ni tita Bless.

" Opo tita. Naging malapit si lola Marta sa akin noon. Alam niya na may nakaraan kami ni Onemig pero hindi niya masyadong inuungkat dahil iniisip niya na si Monique ang dahilan kaya kami naghiwalay ni Onemig. Duda ko nga po naghihinala siya nun sa pagkatao ni Guilly pero hindi naman po niya ako tinatanong. Kaya nga po nung mangyari yung insidente nung gabi ng birthday ni Guilly, hindi na nagulat si lola Marta nung ipagpilitan ni Guilly kay Monique na si Onemig ang daddy niya. Sa totoo lang po tita, kaya natitiis ko rin yung sitwasyon namin ni Onemig noon, dahil po yun kay lola Marta. Ayaw ko po siyang bigyan ng alalahanin. " ngumiti si tita at niyakap ako.

" Alam mo anak, napaka-buti mong tao. Kahit na nasasaktan ka na, inuunawa mo pa rin ang iba. Proud ako na may manugang akong kagaya mo. Sana lang maging maayos na kayo ng anak ko. Ako na siguro ang pinaka masayang nanay kapag nangyari na yon."

" Mangyayari din po iyon tita. In God's time. "

***

Nanatili sila mommy at tita Bless ng isang buwan dito sa US para alagaan kami ni baby. Hindi na sana muna sila uuwi kaya lang peak season na ang negosyo sa Pilipinas dahil nalalapit na ang pasko kaya napilitan na silang umuwi. Babalik si mommy sa pasko kasama ang buong pamilya namin para sama-sama kami. Then after ng New Year, magkakasama na kaming babalik ng Pilipinas para sa ordination naman ni Jam.

Time flies so fast when you're having fun. Masaya ako at nalilibang sa dalawa kong anak. Mahigit tatlong buwan na si Julia kaya marami ng developments sa kanya. Nakakausap na namin siya ni Guilly at humahagakgak na. Pati si lolo Franz at lola Paz ay halos ayaw na siyang bitawan.

Natapos ang pasko at bagong taon kaya heto na kami at buong pamilya ng nakasakay sa eroplano kasama si Jam at ang parents niya. Ilang oras na lang ang itatagal at nasa Pilipinas na kami.

Nung nasa NAIA na kami, hindi ko alam kung bakit parang nangangatog ang tuhod ko. Mabuti na lang at si mommy ang may hawak kay baby at si Guilly naman ay na kay daddy kundi baka nabitawan ko na sila. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, para akong jelly na ewan.

" Hey relax! Kinakabahan ka noh?" tudyo ni Jam sa akin. Masyado niya akong kilala para mahulaan pati nararamdaman ko.

" Ewan ko ba Jam. Bigla na lang akong parang nanlalambot pagbaba pa lang natin ng eroplano."

" Ano yan, high school lang na nag-eexpect na makita ang crush? "

" Sira! Hindi yun. Basta iba."

" Just wait til we reach Sto. Cristo." may panunukso pa sa himig niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang magaling, ngingisi-ngisi pa.

Matapos ang ilang oras na biyahe, sa wakas nasa Sto. Cristo na kami. Si Jam lang ang sumama sa amin dahil nagpababa ang parents niya sa mansion ng mga Montreal. Next week pa naman ang ordination niya kaya magbabakasyon lang daw muna siya sa amin ng ilang araw.

Pagdating sa bahay ay bumungad agad sa amin si lola Baby kasama si tito Migs at tita Bless. Masaya nilang sinalubong ang sanggol na karga ni mommy.

" Welcome home apo." sabi ni lola Baby. Ngumiti ako at niyakap siya at hinalikan.

" Na-miss po kita lola." tugon ko.

" Tara na muna kayo, kumain muna tayo bago kayo magpahinga." yaya ni lola Baby sa lahat.

Inayos muna ni Neiel yung crib ni baby para doon namin ito ihiga habang kumakain kami. Natutulog na rin kasi ito. Yung mga kasama namin ay nauna na sa dining room. Si Tin ay kinuha na si Guilly para siya na ang magpakain. Hinintay na kami ni Jam kaya sabay-sabay na kaming tatlo nila Neiel na nagpunta sa dining.

Pagpasok namin ay biglang tumahimik ang lahat. Nagulat na lang ako ng makita kong may kasama pala sila na marahil ay naroon na kanina pa.

" Welcome back Aliyah." napatulala ako sa kanya. Ibang-iba ang itsura niya kaysa noong huli kaming magkita. Napatingin ako kay Jam. Ngiting-ngiti ito na para bang sinasabi niya na, I told you so.

Kaya pala para akong nanlalambot kanina. Nakakapanlambot naman kasi pala itong taong nasa harapan ko.