Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 251 - FINAL CHAPTER

Chapter 251 - FINAL CHAPTER

Aliyah's Point of View

HINDI mapagkit ang paningin ko sa taong kaharap ko ngayon. Tila manghang-mangha ang mga mata ko sa nakikita kong itsura niya. Inabuso ko ang sarili kong i-check ang mga pagbabago na nakikita ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ko na nakikita sa akin ng mga tao sa paligid ko. Ngunit sa sarili ko, mukhang tama nga si Jam, para akong high school na nakita ang crush niya. Kinikilig, namamangha, parang may butterflies sa tiyan at nangangatog ang mga tuhod.

Nabalik lamang ako sa tamang huwisyo ng marinig kong magsalita si Guilly.

" Daddy hindi ka po akilala Guilly kanina. Ampogi po kasi ikaw ngayon." narinig kong natawa ng mahina ang ama niya.

" Bakit sweetie hindi ba pogi si daddy dati?" tanong niya sa anak.

" Mapogi po. Pero mas mapogi po ikaw ngayon po. Atulala nga si mommy ko po sayo eh. " narinig kong nagtawanan ang mga kasama namin sa hapag kainan. Ako naman ay awtomatikong nag-init ang mukha ko sa kahihiyan.

Talaga naman tong anak ko, ang dami talagang alam.

" Bueno magsikain na kayo at lumalamig ang pagkain. Mamaya na kayo magtitigan, mahaba pa ang oras ninyo." striktong turan ni lolo Franz ngunit mahihimigan mo ang pang-aasar sa kanyang tono.

" Lolo!"

" Eat Aliyah Neslein!"

Walang kibo na lang akong kumain. Nakayuko lang ako at walang tinitignan maski isa sa kanila. Nagmamaktol. Pakiramdam ko kasi pinagkakaisahan nila ako.

Nang matapos akong kumain ay agad akong tumayo at nagpaalam na pupunta na ng silid ko. Pumayag naman pero lahat sila ay tila nagpipigil lang na mangiti.

Pagdating ko ng silid ko ay eksaktong umingit si baby Julia kaya mabilis ko itong dinaluhan. Maya-maya lang ay umiyak na ito na tila naghahanap na ng gatas. Kinuha ko ang feeding bottle sa side table at tinimplahan siya ng gatas. Nung unang dalawang buwan lang kasi ako nakapag-breast feed, hindi kasi ako katulad ng iba na sagana sa gatas. Mayroon daw talagang ganoon sabi ng doktor.

Nang maibigay ko na ang gatas ay nagsimula na naman siyang pumikit-pikit. Inalalayan ko na lang at baka masamid. Nung tulog na ulit siya ay dahan-dahan kong inalis ang feeding bottle sa kanyang bibig.

Ilang minuto lang ang lumipas nang may kumatok sa pinto ko. Mabilis akong kumilos para buksan. Baka kasi maistorbo ang tulog ng baby kung patuloy ang pagkatok sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay ang nakangiting mukha ni Onemig ang bumungad sa akin.

" W-what?" kinakabahan kong tanong. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

" Can we talk?" kalmadong tanong niya.

" S-sige. P-pasok ka." takte bakit ba nag-sstutter ako? Niluwagan ko ang bukas ng pinto para makapasok siya.

Pumasok siya at awtomatikong nag-landing ang tingin niya sa crib ni baby Julia. Mabilis siyang lumapit at pinagmasdan ito. Nakita kong napangiti siya pero naging malamlam ang kanyang mga mata.

" Baby I'm sorry." bulong niya at hinaplos-haplos ang ulo ng sanggol. Maya-maya lang ay nagulat ako ng impit siyang humagulgol habang patuloy sa paghaplos sa aming anak.

" Onemig?" agaw ko sa atensyon niya.

Nilingon niya ako. Marahan siyang lumapit sa akin at umupo sa tabi ko sa kamang kinauupuan ko.

Nagulat ako ng bigla syang yumakap sa akin at humagulgol sa balikat ko na parang bata.

" Liyah, I'm sorry. I'm so sorry. Please forgive me." turan niya habang umiiyak. Hindi ako kumibo, tumango lang ako. Hinayaan ko lang siyang iiyak lahat ng sakit na nasa loob niya.

Nung humupa na ang emosyon niya, mabilis na pinunasan niya ang kanyang luha at humarap sa akin.

" I'm sorry baby. Nasasaktan ako habang nakatingin ako kay baby kanina. Wala na naman ako sa tabi mo nung ipanganak mo siya. Parang nung kay Guilly. Kung alam ko lang na buntis ka noong umalis ka, sana pinilit ko silang sabihin sa akin kung nasaan kayo. Kahit masama ang loob nila sa akin, nagpumilit sana ako. " turan niya.

" Hindi rin nila sasabihin sayo kahit magpumilit ka pa, pinakiusap ko kasi sa kanila yon. Gusto ko kasing hanapin mo muna ang sarili mo bago kami ang intindihin mo. You needed space that time beb so you would stop hurting me further. We both need time to heal. The distance is hard but it's the best for both of us. " tugon ko.

Tumingin siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi.

" I know we both need that. Nung hindi ko talaga sila mapilit, umalis na lang ako. " sabi niya. Kinuha ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko at ibinaba yon sa kandungan ko. I intertwined my hand with his.

" Yeah nabanggit nga ni tita Bless na umalis ka daw kinabukasan nung ayaw nilang sabihin kung nasaan kami. Saan ka ba nagpunta nun?" tumingin siya ng diretso sa mga mata ko saka huminga ng malalim.

" Pumunta ako ng Italy." nagugulat akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya kaya napatingin din siya sa akin. Hindi ko akalain na sinundan niya pala kami. Hindi na lang ako nagkumento at sinenyasan siya na magpatuloy.

" Nagbakasakali ako na doon kayo dinala ni Jam. Pero pagdating ko dun, sinabi nung nakausap ko na wala raw kayo dun. Nagpalipas ako ng ilang araw pa pero wala nga raw kayo sabi nung ibang napagtanungan ko." kwento niya. Hindi talaga niya kami makikita dun sa congregation nila Jam dahil hindi kami dun tumuloy, ikinuha agad kami ni Jam ng apartment malapit dun. Hindi rin agad bumalik si Jam sa congregation nila, nagpalipas pa siya ng ilang araw sa tinutuluyan namin dahil alam niyang susundan kami ni Onemig kung sakali. Kaya kahit sino pa ang tanungin niya nung mga sandaling yun, pare-pareho ang magiging sagot nila.

" So I decided na pumunta na lang kay kuya Mark sa France." patuloy niya. " Sinabi ko ang lahat ng nangyari. Maging siya ay sinisisi ako kung bakit kayo umalis ni Guilly. Sinabi rin niya na ayusin ko raw ang sarili ko, hindi daw kasi ako yun. Naisip ko, dalawa na kayo ni kuya na nagsabi na hindi ako dating ganoon, maging si mommy ay sinasabi na nag-iba daw ako lalo na kapag may problema ako at nasasaktan. " matagal muna akong tumitig sa kanya bago ako nagsalita.

" Totoo yun. Pinag-aralan kita, sa ilang beses na nagkaroon tayo ng problema, ganyan ang attitude mo. Stoic ka at naglalagay ng pader na yung mga mahal mo mismo ang ayaw mong papasukin. May mental health condition ka. You have trust issues whenever you are experiencing emotional pain. You're not going to risk us by hurting you more than you already have so you are putting a wall between us. You always assumed you were in self protective mode, certainly not going to offer us the opportunity to make you feel any worse than you may be already feeling. Kasi hindi ka rin nagtitiwala sa sarili mo na mapagtatagumpayan mo anuman yung pinagdadaanan mo kung hahayaan mo kami na damayan ka. Iniisip mo na mas masasaktan ka lang namin. Kaya ang nangyayari, nasasaktan mo kami ng hindi mo sinasadya. "

" Paano mong nalaman lahat yan? " tanong niya.

" Base sa nakikita ko sayo sa tuwing may pinagdadaanan ka, hindi ko maiwasang hindi kita ikumpara sa Onemig noong mga bata tayo, sa kung ano ka ngayon. Yan din mismo ang obserbasyon ni tita Bless sayo. Nitong nakaraan ang pinakamalala na nangyari, sa sobrang sakit na pinagdadaanan mo, nawalan ka ng tiwala sa akin na halos nakakaya mo ngang tingnan na nasasaktan ako. Imbes na magalit ako sayo, pinag-aralan kita at nagtanong ako sa mga pinsan kong doktor para malaman kung bakit ka nagkakaganyan. Kaya sinabi ko sayo nung huli tayong magkita na ayusin mo yang sarili mo. Kailangan kasi na magamot ka. Kailangan mong mag-undergo ng therapy . " tugon ko.

" And I did. " maikling turan niya.

" You did what? " nagugulat na tanong ko.

" The therapy. Sa tulong ni kuya Mark. " sagot niya.

" You mean alam mo na may psychological health condition ka? " nagugulat na tanong ko.

" Nung una, in denial ako pero alam kong may pagbabago sa attitude ko kapag nasasaktan ako emotionally. Then sinabi ni kuya Mark na magpatingin ako dun sa doktor na kaibigan niya. Ilang buwan din akong nag-undergo ng therapy at naging successful naman kasi naka-cope up na ako at hindi ko na nararanasan yung mga symptoms. Ibang version na ang Onemig na kaharap mo ngayon. Dahil sayo kaya inayos ko ang mali sa sarili ko. Gusto ko kapag bumalik ako sayo, sa inyo ng mga anak natin yung magiging masaya na talaga tayo. Yung buo kong maibibigay sa inyo ang sarili ko, ang oras ko, lantad at hindi nakatago. Ngayon, tatanungin kita, hahayaan mo ba akong maging katuwang mong muli sa buhay mo, Aliyah Neslein Arceo? "

Imbes na sumagot agad ay ngumiti lang ako ng malapad. Napakamot naman siya sa batok niya. Yung mannerism niya kapag nahihiya.

" Ano ayaw mo? Hindi na ba pwede? " malungkot niyang tanong.

" May sinabi ba akong ayaw ko at hindi na pwede? Hindi ba pwedeng mag-inarte lang muna saglit? " tanong ko rin. Nangunot naman ang noo niya.

" You mean?" pigil ang ngiting tanong niya.

" Oo Juan Miguel Arceo. Hindi naman pwedeng wala ang tatay ng mga anak ko sa tabi namin. Masyado kitang mahal para hindi kita mapatawad at tanggapin muli sa buhay ko. Sabihin mo ng masyado akong mabait pero yun talaga eh, maiksi lang ang buhay natin kung gugulin pa natin ito sa pagtatanim ng galit sa kapwa natin. Bakit hindi na lang piliin na maging masaya di ba? Ayoko rin namang magkaroon ng regrets at mga what ifs sa buhay ko. " sabi ko tapos ngumiti siya ng malawak, yung halos mapunit na yung bibig nya. Yung ngiti na umaabot talaga sa mga mata niya.

" Thank you baby. Napaka-buti mo talaga.Sorry sa mga nagawa ko, sorry kung hinusgahan kita at hindi pinagtiwalaan. Nagkamali ako ng paratang sayo. Narinig ko lahat ng usapan niyo ni lola Marta noon dun sa recording na binigay sa akin ni daddy. Hiyang-hiya ako sayo dahil alam kong nasaktan kita sa mga salita ko. Hindi na mauulit yon. Hindi na lang ako mangangako basta gagawin ko na lang. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Kayo ng mga bata. Babawi ako sa mga panahong wala ako sa tabi ninyo." kitang kita ko sa mga mata niya ang remorse at pagsisisi, kasabay nun nakikita ko rin ang pagbabago sa Onemig na minahal ko noon at sa Onemig ngayon. And I know its for the better.

" Kalimutan na natin yon. Hindi tayo makakaranas ng tunay na kaligayahan at kapayapaan kung patuloy nating ikukulong ang mga sarili natin sa nakaraan. Move on na tayo and start again." tumango siya at yumuko. Narinig kong huminga siya ng maluwag.

He swallowed hard when he faced me again. Tumingin siya sa mga labi ko. I knew this kind of stare from him and  I could feel the hammering of my chest. When he is about to kiss me —

" Uha! Uha!" nagkatinginan kami at sabay na natawa. Nasira ni baby ng hindi sinasadya ang moment namin.

Sabay din naming dinaluhan ang umiiyak naming anak. Puno na pala ang diaper ng kapain ko.

Kinarga ko si baby Julia at inihiga sa kama para palitan ang diaper.

" Can I?" sabi niya at hiningi ang diaper sa akin.

" Sure. Marunong ka ba?" tudyo ko sa kanya.

" Turuan mo ko syempre." turan niya kaya tinuro ko sa kanya ang gagawin at siya na mismo ang gumawa. Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata ng matapos siya. Tapos hiniling niyang kargahin si baby Julia kaya dahan-dahan ko itong inabot sa kanya. Para siyang tumama sa lotto ng makarga ang anak. Iba ang ningning ng mga mata niya habang nakatingin siya dito.

After a while pumasok si Guilly sa silid namin kasama si Tin.

" Daddy ang cute po ni baby Julia noh?" tanong niya sa ama habang nakikisiksik sa pwesto nito sa kama.

" Yes. Kamukha mo siya sweetiepie."

" Naku Onemig, ikaw ang kamukha ng mga anak mo. Lakas ng dugo mo, ni wala ngang nakuha kay Liyah kundi yung pempem nila. Ang bangis! " turan ni Tin.

" Haha. yung susunod kamukha na niya." sagot naman ni Onemig. Pinanlakihan ko siya ng mata.

" Anong susunod? Pagpahingahin mo nga ako, ang hirap manganak kaya! "

" Oo stop na muna, after 5 years na lang ulit. " tatawa-tawang wika ni Onemig.

" O yun naman pala eh. Tara na kayo at pinapatawag nga pala kayo ni lolo, may meeting daw tayo."

" Meeting? Para saan? " tanong ko.

" Para sa muli niyong pagsasamang dalawa , ano pa ba? " sagot ni Tin at nagpatiuna ng lumabas kasama si Guilly. Wala na kaming nagawa ni Onemig kundi ang sumunod na rin sa kanila dala si baby Julia.

Gaya nga ng sabi ni Tin, pinag-usapan nga ng pamilya naming pareho ni Onemig ang pag-aayos naming dalawa. Nakahingi na pala siya ng tawad sa kanila nung bago pa nila ako puntahan sa US. Hindi lang nila sinasabi sa akin. Humingi rin ng tawad si Onemig kay Jam at nagpasalamat na rin sa lahat ng naging partisipasyon nito sa aming mag-iina. Nagbiro nga si Jam na sana sa susunod daw na magbuntis ako si Onemig naman ang nasa delivery room, nauubos daw kasi ang dugo niya sa nerbiyos. Natawa na lang si Onemig kahit na alam ko na nahihiya siya kay Jam dahil ito ang palaging kasama ko sa tuwing manganganak ako.

Hiniling ni Onemig sa pamilya ko na iuuwi na niya kaming mag-iina sa bahay nila dahil wala namang gaanong tao dun kundi sila na lang tatlo nila tito Migs at tita Bless at dalawang kasambahay nila. Wala na sila Monique dahil kinuha na sila ni Edison Centeno. Napaayos na rin daw niya ang magiging kwarto ng mga anak namin. Napangiti ako, mukhang pinaghandaan na niya ang pagbabalik namin.

Lumipat lang kaming mag-iina kila Onemig nung nakaluwas na si Jam pauwi sa kanila. Magkikita na lang ulit kami sa araw ng ordination niya. Invited kaming lahat pati na rin sila tita Bless at lola Bining na bihira ng lumabas dahil nami-miss daw niya si lolo Phil.

Naging maayos na ang pagsasama namin ni Onemig simula noon. Tipikal na pamilya. Pumapasok sa trabaho ang ama ng tahanan at naghihintay kaming mag-iina sa kanyang pag-uwi sa hapon. Hindi pa kasi ako pinayagang magtrabaho ulit dahil maliit pa si baby Julia. Kaya tutok lang ako sa mga bata at ako rin ang personal na nagluluto ng pagkain namin dito sa bahay.

Masasabi kong ito na yung klase ng pagsasama na hinangad ko para sa amin noon ni Onemig. Malaya naming naipapakita sa lahat kung anong klase ng pagsasama meron kami. Nakakalungkot nga lang na kailangan pang may mawala para ma-achieved namin ito.

Isang hapon na umuwi si Onemig galing trabaho, hindi ko inaasahan na kasama niya ang taong naging dahilan ng lahat ng kaguluhan sa buhay namin nitong nakaraan. Aaminin ko na medyo asiwa pa ako nung makita siya pero hindi naman ako galit para hindi siya harapin.

" Uhm. pasensiya na kung sumama ako kay Onemig dito, gusto lang sana kitang makausap." bungad niya agad nung harapin ko siya.

" Ayos lang naman Monique. Mabuti nga itong makapag-usap na tayo ng maayos. Maupo ka." umupo siya sa mahabang couch at doon naman ako naupo sa single couch kaharap niya.

" Aliyah I'm sorry. Alam kong nasaktan kita physically at emotionally. Naging makasarili kasi ako at naiinggit na rin sayo dahil mahal na mahal ka ng taong mahal ko. Nagkaroon din ako ng galit sayo lalo na nung malaman ko ang tungkol sa inyong dalawa kaya lahat ng paraan ginagawa ko para masaktan ka. Kahit yung anak nyo pinapatulan ko para lang magalit ka. I'm sorry sa pagiging maldita ko at immature. Nagpapasalamat din ako sa lahat ng ginawa mo para kay lola at sa akin na rin. Hindi ko man ganoon kamahal si Edison, hindi ko rin naman ikakaila na masaya ako sa piling niya. I think I'm getting there. Mas masarap pala talaga kung ang pipiliin mong makasama ay yung nagmamahal talaga sayo, hindi yung taong mahal mo pero hindi ka naman mahal. Ipinagpilitan ko yung sarili ko kay Onemig pero hindi maganda ang naging resulta, nakasira pa ako ng pamilya. I'm terribly sorry Liyah. Sana mapatawad mo ako. " sinserong turan niya.

Tipid akong ngumiti bago ako nagsalita.

" Alam mo Monique, hindi naman ako ipokrita kung sasabihin ko sayong hindi ako nagalit sayo. In fact, galit na galit ako sayo lalo kung sangkot ang anak ko sa mga ginagawa mo. Pero sa pagdaan ng mga araw, natutunan ko rin ang patawarin ka lalo na kung ang iisipin ko ay yung mga huling habilin sa akin ni lola Marta. Ginawa ko ang lahat hindi para sayo kundi para sa kanya. Pinapahalagahan ko kasi yung pagkakaibigan namin kahit na  maikling panahon lang. Kalimutan mo na yung hindi magandang nangyari Monique at mag-move on na tayo pare-pareho. Pinapatawad na kita at sana ayusin mo na ang buhay mo, gaya ng habilin ni lola Marta. "

" Maraming salamat Aliyah. Sana maging magkaibigan din tayo gaya nyo ni lola. "

" Walang problema Monique. "

" Sige magpapaalam na ako. Maraming salamat ulit.  " umahon na siya mula sa kinauupuan niyang couch kaya tumayo na rin ako.Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin. Nagugulat man, niyakap ko na rin siya pabalik at marahang tinapik sa balikat.

Nang makaalis na si Monique ay dumiretso na ako sa silid namin ni Onemig. Inabutan ko sila ni Guilly na nilalaro si baby Julia.

" Nakaalis na si Monique?" tanong ni Onemig.

" Hmm." sagot ko habang tumatango.

" How was it? " tanong nya ulit.

" Ayos naman. Humingi ng tawad kaya pinatawad ko. Ganoon lang ka- simple, ganoon kadali." tugon ko.

" Madali lang sayo kasi napakalaki ng puso mo. " sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

" Beb, kung ang Diyos nga nakakapag-patawad, ako pa kaya na magandang nilalang lang? " natawa siya sa huling sinabi ko.

" Yan, yan ang isa pang dahilan kung bakit mahal na mahal kita. Sobrang cool mo."

" Oo kaya mahal na mahal din kita."

" Cool din ako? "

" Hindi, dahil ang bolero mo! " napakamot siya ng ulo at nagtawanan na lang kami na pati si Guilly ay nakitawa na rin sa amin.

Tapos na marahil ang unos sa buhay namin. Mga simpleng bagay lang kasi, masaya na kami.

Ganyan naman talaga ang buhay, parang gulong paikot-ikot lang. Sa bawat pag-ikot, may mga bagay kang natutuklasan, pagdadaanan at natutunan.

Ang buhay dito sa mundo, may kanya-kanyang panahon.

May panahon ng saya, may panahon din ng lungkot.

May panahon ng pagkadurog at may panahon din ng pagbuo.

May panahon ng pahihiwalay at may panahon din ng pagsasama.

Gayun din sa pag - ibig, may pag-ibig na nasusuklian at may pag-ibig na binabalewala.

Ganyan lang ang buhay, dapat matuto tayong tumanggap hindi lamang yung mga magagandang pangyayari kundi maging yung mga pangit din. Dahil sa bawat pangyayari, maganda man o pangit ay may itinuturo ito sa atin para tayo maging matatag.