Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 248 - Without You

Chapter 248 - Without You

Aliyah's Point of View

8 months later

California, USA

" Good morning Liyah!" marahan kong idinilat ang mga mata ko ng marinig ko ang tinig. Nangunot ang noo ko ng maaninagan ko ang taong nasa harap ko.

" Jam!" biglang sambit ko sabay bangon.

" Oopps, careful! Yeah, ako nga ito, in flesh. Anong nakakagulat don?" tanong niya.

" Buti pinayagan kang lumabas ng bagong superior mo?" tugon ko na patanong din.

" Off namin ngayon kaya naisipan kong umuwi dito para kumustahin kayo ni Guilly." nakangiting tugon niya. Ngumiti rin ako.

" Kumain ka na ba? Wait ipagluluto kita." tanong ko. Nang akmang tatayo ako ng pigilan niya ako.

" Huwag na, nagluluto na si Mikmik sa ibaba. " tukoy niya sa kasambahay ko." Tsaka, huwag ka na ngang magkikilos, bawal na sayo ngayon."

" Sus, hindi naman mabigat ang pagluluto. " reklamo ko.

" Don't be so stubborn Aliyah Neslein. Hintayin mo ako at ako na ang bahala. " sabi niya kaya hindi na lang ako tumutol, binuo na ang pangalan ko eh, meaning seryoso na siya.

Bumaba na siya at naiwan akong nag-iisip. Last month pa kami huling nagkita ni Jam kahit na nasa iisang lugar lang kami. Dalawang blocks lang ang layo ng church kung saan siya naka-assign mula dito sa tinitirhan namin ni Guilly. Ito yung bahay nila lolo Fabian na kapatid ni lolo Franz. Dun sana ako sa kabilang bahay, yun mismong kila lolo Franz pero napakarami nila dun ngayon, kumpleto ang mga pinsan ko dahil pasukan na sa school dito. Actually, si tita Elize ang nag-suggest na dito na lang ako sa bahay nila kasi hindi naman daw sila uuwi dahil nasa New Zealand sila Aira at isa pa, sa kalagayan ko ngayon, mabuti na daw yung tahimik ang paligid ko.

Two months pa lang kami dito sa US, umalis kami ng Pilipinas eight months ago, after nung libing ni lola Marta. Hindi na kinaya ni Jam yung pananakit ni Monique sa akin nung libing ni lola Marta at ang pagbalewala sa akin ni Onemig. Kaya nung matapos ko ang lahat ng bilin ni lola Marta sa akin, na iniwan ko lahat kay tito Migs. At gaya nga ng pangako ko kay tito Migs, sa kanya ko sinabi ang lahat ng pinag-usapan namin ni lola Marta.

Pinag-paalam kami ni Jam sa pamilya ko na isasama na niya kaming dalawa ni Guilly sa Italy. Dahil nakita naman nila ang sitwasyon namin ni Onemig, buong puso silang pumayag para mapag-isip isip din ni Onemig ang kanyang mga pagkakamali. Sumang-ayon din naman si tito Migs at tita Bless. Masama rin ang loob nila sa kanilang anak. Kaya kahit masakit sa kanila na umalis kami, tinanggap na rin nila ang desisyon ko, namin ni Jam dahil hindi ko na talaga kaya. Dumating na ako sa punto na napagod na ako. Sobrang sakit na ang nararamdaman ko nung mga panahong yon. Naglalaban na nun ang puso at isipan ko. Sa huli, nanaig sa akin kung ano ang tama at nararapat. Ang umalis na lang muna. Kahit mahal ko si Onemig, kailangan din niyang magkaroon ng leksyon sa mga maling nagawa niya.

Six months kami sa Italy. Ikinuha kami ni Jam ng bahay malapit sa congregation nila para kahit paano ay madalaw-dalaw niya kami ni Guilly. Ilang linggo ang lumipas bago ako nakapag-adjust na walang Onemig sa tabi namin ni Guilly. Gabi-gabi akong umiiyak. Hanggang sa isang araw, kusa na lang akong huminto at hinarap ang buhay naming dalawa ni Guilly. Katwiran ko, kinaya ko nung unang maghiwalay kami, siguro naman kakayanin ko rin ngayon.

Every other day ay kasama namin si Jam nung nasa Italy kami. . Mabuti na lang mabait at maunawain ang superior niya kaya nasasamahan niya kaming dalawa ni Guilly. Pero nabago yun makalipas ang anim na buwan dahil na-ordein na siya as Deacon kaya kailangan niyang lumipat ng US para mag-serve sa congregation nila na naka-base dito. Kaya nung umalis siya ng Italy ay bitbit na naman niya kami ni Guilly papunta ng US. Six months ulit kami dito sa US then after that balik na ng Pilipinas dahil doon naman siya ma-oordein as priest. Apat na buwan na lang ang tatakbuhin at hindi ko alam kung kaya ko na bang umuwi.

" Oy babaing sawi, halika na, mag-breakfast na tayo." asar ni Jam, nakasilip lang siya dun sa pinto ng kwarto ko. Ngumuso ako.

" Makasawi naman to." naasar kong turan.

" Hahaha. Anong gusto mong sabihin ko?" natatawa pa niyang tanong.

" Babaeng maganda, ganon! "

" Sus, oo na, maganda ka na. Baka sumobra na yang haba ng nguso mo, maapakan ko pa. hahaha." aliw na aliw talaga syang asarin ako.

" Kita mo tong pari na to, mapang-asar. Ayaw ni Lord ng ganyan. "

" Oo na, titigil na. Dinamay mo na si Lord eh, wala akong laban dun. "aniya. Tatawa-tawa pa.

" Si Guilly ba, gising na? " tanong ko ng maalala ko ang aking anak.

" Oo nasa baba na. Pinapakain na ni Kat." sabi niya na ang tinutukoy ay ang yaya ni Guilly. Si Mikmik at Kat ay mga kasambahay na pinadala sa amin ni papa Anton galing Pilipinas. Nag-request kasi si mommy sa kanya ng kasambahay para sa akin kaya mabilis pa sa alas kwatro na nagpadala si papa Anton mula dun sa sandamakmak nilang kasambahay sa mansion ng mga Montreal. Si Jam ang nagbayad nung ticket nung dalawa.

Inalalayan ako ni Jam hanggang sa makababa ako at makarating ng dining area. Hirap na kasi akong kumilos ngayon.

Wanna know why?

Kabuwanan ko na kasi sa pangalawang anak namin ni Onemig. Isang buwan na akong buntis nung umalis kami ng Pilipinas. Kaya mas lalo nila akong pinayagan na lumayo muna.

Inaasar nga ako ni Jam palagi. Sa tuwing lalayasan ko daw si Onemig, may baon daw akong souvenir. At sa pangalawang pagkakataon, wala na naman siyang kaalam-alam na may nabuo na naman kami. Ang saklap lang sa part niya dahil hinding-hindi daw nila ipapaalam sa kanya na buntis ako at kung nasaan kami ng anak niya. Iniwasan ko na ring magtanong kila mommy at tita Bless ng tungkol kay Onemig kapag tumatawag sila sa amin. Ayoko pa. Hindi na muna. Pero hindi ko ikakaila na nangungulila ako sa kanya at kahit naman ganon ang nangyari sa amin, mahal na mahal ko pa rin siya.

" Good morning mommy!" masayang bati ni Guilly pagkakita sa akin.

" Good morning my baby!" bati ko tapos hinalikan ko siya sa pisngi.

" I wanna kiss your tummy." request pa niya.

" Sure baby!" sabi ko tapos mabilis siyang tumayo at hinalikan ang tiyan ko.

" Good morning baby sister." sabi pa niya sa tiyan ko.

" Hey! How sure are you that it's a girl?" tudyo ni Jam.

" I saw mommy's ultrasound and it says, it's a girl." natatawa si Jam na ginulo ang buhok ni Guilly. Napakatalino talaga ng anak ko, natatandaan lahat niya ang sinasabi ko.

" Do you have a name for her?" tanong muli ni Jam.

" Yes!"

" Okay. Ano naman ang naisip mong pangalan? " tanong muli ni Jam.

" Julia Miguelein." buong pagmamalaking sambit ni Guilly.

" Oh. What a beautiful name."

" Of course. Just like mine, papa Jam."

" Tsk. tsk. Hindi talaga nawawala yung Miguel sa pangalan ng mga anak mo noh?" hinarap ako ni Jam na may halong pang-aasar na naman sa tono ng pananalita niya.

" Bakit? Nung nalaman ko bang lahat may Antonio sa pangalan ang bawat miyembro ng pamilya ninyo, nagreklamo ba ako? Hmm? " sabi ko sa kanya sabay tinaasan ko siya ng kilay. Natawa siya ng malakas saka iiling-iling na ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Akala niya ha?

" By the way, naka-ready na ba lahat ng gamit mo sa panganganak? " biglang tanong niya.

" Ready na po fr. Jam, last week pa." si Mikmik ang sumagot kasi siya ang nag-ayos nun.

" Good. Hindi natin matitiyak kung mapapaaga ka na naman sa due date mo gaya nung kay Guilly. Kailan daw pupunta sila tita Laine dito?" tanong niya sa akin.

" One week daw before ng due date ko. So, next week na yon. Si mommy at tita Bless lang yata kasi walang maiiwan sa office. Si Tin naman, yung trabahong iniwan ko ang inaasikaso niya kaya malamang hindi siya makasama. Nagmamaktol nga, kasi daw siya ang kasama mo nung manganak ako kay Guilly tapos ngayon daw hindi siya makakasama. "

" Dito na lang siya mag-Christmas kamo. "

" Natural. Dahil lahat sila uuwi dito sa Christmas. Ikaw ba, uuwi ka ba ng Switzerland? " tanong ko sa kanya.

" Hindi siguro. Baka sila mommy na lang ang pauwiin ko dito. "sagot niya. Nakangiti akong tumango bilang pag-sang-ayon. Ilang beses naman na kaming nag celebrate ng Christmas na magkakasama. Hindi na bago yon. Simula kasi noong maghiwalay si mommy at papa Anton sa marriage for convenience nila, naging part na ng family namin ang mga Montreal. Naging business partners din namin sila.

Lumipas muli ang isang linggo. Dumating nga si mommy at tita Bless. Mabuti na lang nataon sa off ni Jam ang pagdating nila kaya nasundo niya sila sa airport.

Pagkakita nila sa akin ay agad silang yumakap. Pareho pa silang umiiyak habang himas-himas ang aking tiyan.

" Laine, magkaka-apo na naman tayo ng wala na namang kamalay-malay ang Onemig na sutil." sabi ni tita Bless habang nagpapahid ng luha.

" Ano ka ba Bless, andyan ang apo nating panganay, kung ano-ano ang sinasabi mo. Alam mo namang napaka-matandain nyan. " bulong ni mommy kay tita.

" Oo nga. Sorry naman." bulong din ni tita kay mommy. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa, para silang mga teen agers kung mag-usap.

" Hi baby! Kiss mo naman ang mga lolas mo. " baling ni tita Bless kay Guilly.

" Lola Bless akala po Guilly hindi nyo na siya nipapansin." natawa ako sa sinabi ng anak ko. Ang dami talagang alam.

" O hayan, sabi na sayo eh." sabi ni mommy kay tita.

" Oo nga, matalino nga pala ang bagets." bulong muli ni tita kay mommy. " Hindi naman apo, binati lang namin ni lola Laine yung baby sa tummy ni mommy mo. Of course, napansin ka namin, marami yata kaming pasalubong sayo." sabi ni tita Bless sa apo sabay pakita dun sa isang malaking paper bag na puno ng chocolates at candies.

" Really lola? Nibili po ba yan lahat ni daddy ko sa akin?" natigilan saglit si tita Bless sa tanong ni Guilly.

" Ha? A-ah oo. A-ng daddy mo nga ang b-bumili—nyan. " halos magkanda-utal-utal si tita Bless sa pagsagot sa apo.

" Yehey! Papa Jam, ang dami pong nibili ni daddy ko sa akin. Come papa, doon po tayo sa kitchen, bibigyan kita ng madami po." masayang-masaya siya na hila-hila pa si Jam papuntang dining room.

Nung makaalis si Guilly at Jam ay binirahan na naman ng iyak ni tita Bless.

" Huy! nangyari sayo? "tanong ni mommy.

" Naaawa ako dun sa apo natin eh. Asang-asa siya na sa ama niya galing yun eh wala naman yung ama niya. " nangunot ang noo ko sa huling sinabi ni tita Bless.

" Blessie! " saway ni mommy kaya lalo akong nagtaka.

Anong wala si Onemig?

" Tita ano yung sinabi nyo? Anong wala si Onemig? " napatingin si tita sa akin. Hinihintay ko na sagutin niya ang tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin. Parang ayaw niyang sagutin talaga ang tanong ko.

" Tita?" naghihintay ang tono ko.

" Ano, ano kasi anak—" hindi na natuloy ni tita yung sinasabi niya dahil biglang nabago yung ekspresyon ng mukha ko. Biglang nag-panic na rin siya. Napapangiwi na kasi ako.

"Aray! Mommy ang sakit ng tiyan ko!" naisigaw ko na yung nararamdaman ko.

" Naku, anak manganganak ka na yata! Jam! Jam bilisan mo, ilabas mo ang kotse, manganganak na si Liyah!" natatarantang tawag ni mommy kay Jam na humahangos naman palabas ng dining kasunod si Guilly.

Hindi ko na halos namamalayan ang ginagawa nila dahil humihilab ang tiyan ko. Sobrang sakit. Heto na naman yung pakiramdam na parang hinahati ang katawan ko sa dalawa. Halos panawan na ako ng ulirat. Naramdaman ko na lang na buhat-buhat na ako ni Jam at patakbo niya akong isinakay sa kotse.