Aliyah's Point of View
NUNG matapos naming mag-usap ni lola Marta ay agad akong sumenyas kay tito Migs. Nung pumasok siya ng ICU ay may kasama na syang doktor at mga nurses.
Tumabi ako kay tito Migs na nasa may paanan ng hospital bed para bigyan ng daan ang doktor na titingin kay lola Marta.
" Out of coma na po siya Mr. Arceo pero hindi pa rin po natin siya pwedeng ialis dito sa ICU. Ikinalulungkot ko pong sabihin na medyo hindi maganda ang tibok ng puso niya at hindi normal ang pulse rate niya. Nangangamba akong sabihin na parang yung pasyente na rin ang ayaw lumaban. " nag-panic ako sa sinabi ng doktor. Bakit ganon? Kanina lang ay masaya si lola Marta habang nag-uusap kami.
" Bakit ganon doc? Kanina lang ay masaya siyang gumising at nagpumilit pa na kausapin itong manugang ko. Sinabi pa niya na huwag akong mag-alala dahil kaya niya." tanong ni tito Migs sa doktor.
" Well, mostly sa mga patients na galing sa comatose stage ay ganyan ang reaksyon dahil sa tagal ng pagkakatulog nila. Ayaw nilang mag-alala ang pamilya nila sa kanila. Sa case ni lola Marta, tatapatin ko na kayo Mr. Arceo, mahina po talaga ang lagay ng puso niya at sa edad niya baka hindi na niya kayanin. Tanging ang kagustuhan na lang niyang lumaban ang maaaring makapag-salba ng kanyang buhay o ang milagro galing sa Diyos. I'm sorry Mr. Arceo, sinabi ko na ito nung huling ma-stroke siya, na baka hindi na niya kayanin ang susunod na atake. Magdasal na lang po tayo at may awa ang Diyos. " malungkot na tumango si tito Migs sa sinabi ng doktor. Ako naman ay parang nanlambot sa narinig. Nag-aalala ako at natatakot sa maaaring mangyari kay lola Marta. Paano kung siya mismo ang ayaw ng lumaban gaya ng obserbasyon ng doktor sa kanya kanina?
Nagpaalam na ang doktor at mga nurse sa amin ni tito Migs. Nagbilin na kung may kailangan ay nasa station lang sila.
Nagkatinginan kami ni tito Migs pagkalabas ng doktor at mga nurses. Pareho kaming nahulog sa pighati at kalungkutan sa nalaman.
" Tito Migs, what if—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.
" Talagang ganon anak. Nakatakda sa ating mga tao ang kamatayan.Kung mangyari man kay inang ito, wala na tayong magagawa. Ang tanging magagawa natin ay maging matatag at tanggapin ang lahat. Hindi natin pwedeng kwestiyonin ang Diyos tungkol dito dahil alam Niya ang makabubuti para sa atin. At lalong hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyayari ngayon dahil wala kang kasalanan. Ang lahat ng bagay ay may itinakdang panahon. " turan ni tito Migs. Naiiyak ako pero hindi ko maikakailang lumuwag ang pakiramdam ko sa lahat ng sinabi niya. It's so comforting. Parang nababasa niya kasi ang nasa isip ko. Na sinisisi ko na naman ang sarili ko sa nangyari kay lola Marta.
Ilang minuto lang kaming nakatingin ni tito Migs kay lola Marta ng bigla itong magmulat ng mata.
" Migs!" mahinang tawag niya kay tito.
" Ano po iyon inang?" tanong ni tito Migs na mas lalong lumapit kay lola Marta para magkarinigan sila.
" Maraming salamat sa lahat." saad ni lola Marta.
" Inang huwag na muna kayong magsalita, ipahinga nyo muna ang sarili niyo." sabi ni tito Migs, halata sa tinig niya ang kaba.
" Oo alam kong malapit na ang oras ko, nararamdaman ko na. Kaya gusto kong magpasalamat sa lahat ng tulong ninyo sa amin ng apo ko. Napakabuti ninyo ni Blessie sa amin ng mga apo ko. Kahit hindi si Monique ang tunay na asawa ni Onemig at hindi niya anak si Travis, kinupkop niyo pa rin kami. Alam ko na tiniis rin ninyo ni Bless na hindi makasama ang tunay ninyong manugang at apo, alang-alang sa amin, lalo na sa akin. Sinuportahan ninyo ako sa paggagamot ko. Kapag nao-ospital ako, kayo lahat ang gumagastos. Salamat. Sana mapatawad ninyo ang apo ko sa mga nagawa niya kay Onemig, higit sa lahat dito kay Liyah. Kung mawala man ako, kayo na ang bahala dun sa mag-ina. " ngumiti ng malungkot si lola Marta matapos magsalita. Malungkot naman na tumango si tito Migs bilang pag-sang-ayon sa mga habilin niya.
" Inang huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat, mapabuti lang ang kalagayan nila. Magpahinga na po muna kayo, bawal sa inyo ang mapagod. " sabi ni tito Migs. Ngumiti pang muli si lola Marta kay tito Migs bago bumaling sa akin.
" Aliyah, yung pinag-usapan natin ha? Huwag mo ring sisihin ang sarili mo sa nangyari sa akin, malaking tulong nga iyon para malaman ko na matagal na palang naglilihim ang apo ko sa akin. Wala kang kasalanan. Kay Monique sumama ang loob ko nung mga sandaling yon kaya ako inatake. Hindi ko matanggap na nagawa niyang sumira ng pamilya dahil sa sarili niyang kagustuhan. Salamat dahil kahit sasandali lang tayong naging malapit ay naging mabuti ka sa akin. " sabi ni lola Marta. Nangunot naman ang noo ni tito Migs sa huling tinuran ni lola Marta. May halong pagtataka.
Hindi na nakuhang magtanong pa ni tito Migs kay lola Marta dahil biglang huminto si lola sa pagsasalita. Medyo hinigit ang kanyang hininga. Pagkatapos sunod-sunod siyang umubo.
Nag-panic naman ako ng husto.
" Lola? Lola Marta?!" sabay tapik ko sa braso niya. Nakita ko na naghahabol siya ng hininga.
God. No!
" Tito Migs, bumababa ang pulse rate ni lola!" nagpapanic na rin ang itsura ni tito Migs ng malingunan ko.
" Diyan ka lang, tatawagin ko ang doktor! " natatarantang aniya pa saka mabilis na lumabas ng ICU.
Hindi ko naman malaman ang gagawin ko. Iyak ako ng iyak habang hinahaplos ko ang braso ni lola Marta.
" Lola please.. not now." sabi ko habang tuloy-tuloy sa pagtulo ang luha ko.
Pumasok ang mga doktor at nurse kasama si tito Migs. Mabilis akong umalis sa tabi ni lola Marta para bigyan sila ng daan para i-revive ito. Habang tinitingnan ko yung monitor parang unti-unting gumuguho yung pag-asa ko.
Lumapit ako kay tito Migs na noon ay lumuluha na rin habang nakatingin sa ginagawa ng mga doktor na pagre-revive kay lola Marta. Niyakap niya ako at sabay kaming umuusal ng panalangin.
Hanggang sa makarinig kami ng pagsinghap at malakas na tunog ng aparato. Napatingin ako dun. Flat line.
" Time of death 8:26 pm." anang doktor.
" I'm sorry Mr. Arceo." sabi nung isang doktor ng harapin si tito Migs. Lumuluhang tumango lang si tito Migs.
" Anong nangyayari dito?" malakas na tanong ni Monique. Lahat kami ay napatingin sa biglaang pagpasok niya kasama si Onemig.
" We're very sorry Ms. Monique, hindi na kinaya ni lola." tugon nung nurse sa kanya.
" No! Lola! Bakit hindi ninyo kami hinintay? " palahaw niya habang yakap-yakap ang katawan ni lola Marta. Si Onemig naman ay napasuntok pa sa pader at doon tahimik na tumangis. Umiiyak din kami ni tito Migs habang nakatingin sa kanila.
Natigil lang si Monique ng simulan na ng mga nurse na tanggalin ang mga aparato na nakalagay kay lola Marta at pagkatapos ay tinakpan na ito ng puting kumot upang ilabas na sa ICU ang kanyang katawan.
Noon lamang sila tumingin ni Onemig sa pwesto namin ni tito Migs. Pareho pa silang nagulat ng makita nila ako.
Nanlilisik ang mga matang tumingin si Monique sa akin.
" Nandito ka? Siguro kaya namatay si lola kasi nakita ka niya. Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ngayon, masaya ka na ba dahil wala na siya?!" sabi niya habang dinuduro ako. Akmang sasampalin nya ako ng harangin siya ni tito Migs.
" Anong sinasabi mo Monique? Walang kasalanan si Aliyah. Kasama ko siyang nagbantay sa inang. " nagtitimpi sa galit na tugon ni tito Migs sa paratang ni Monique sa akin.
" Talaga naman dad. Siya ang may kasalanan kaya inatake at na-comatose si lola kaya siya rin ang may kasalanan ng pagkamatay niya. Salot yan dad. Salot! "
" Monique! " sigaw ni Onemig sa kanya.
" Wala siyang kasalanan. Isa pang beses na sabihin mo yan ako na ang makakalaban mo. Tara na Liyah at ihahatid na kita sa parking lot. " galit na sambit ni tito Migs saka hinila na ako palabas ng ICU.
" Tito ako na lang po. Kaya ko na. Baka kailanganin po kayo para sa pag-release ng bangkay ni lola Marta. " sabi ko nung magsimula na kaming maglakad sa pasilyo ng ospital.
Naaawang tumingin sa akin si tito Migs at huminga ng malalim.
Pareho na kaming mugto ang mga mata dahil sa pag-iyak.
" Pasensiya ka na anak sa mga masasakit na salitang ipinupukol sayo ni Monique. Kung alam lang niya kung gaanong nagpasalamat si inang sayo kanina at sabihing wala kang kasalanan,hindi siguro siya ganyan."
" Hayaan nyo na po siya tito. Huwag nyo na lang pong banggitin sa kanila na nag-usap kami ni lola. Sikreto po namin ni lola Marta yon. "
" Sikreto? " nagtatakang tanong niya.
" Opo tito, sikreto nating tatlo. Saka ko na lang po sasabihin kapag naayos ko na po yung bilin sa akin ni lola Marta. Sa inyo ko rin po unang sasabihin kapag nagawa ko na po. Sa ngayon po, wag muna kayong magbanggit sa kanila."
" Sige anak, maaasahan mo ako dyan. Bweno hanggang dito na lang ako at baka kailanganin nga ako dun, malapit na lang naman yung parking. " sabi ni tito Migs habang tinuturo pa yung parking lot na kita na nga kung saan kami nakatayo.
Tumango ako saka nagmano sa kanya. Pinanood ko muna siyang makalayo bago ako naglakad papuntang parking lot.
Nasasaktan at nalulungkot ako sa nangyari. Gustuhin ko man na samahan pa si tito Migs sa pag-aasikaso kay lola Marta ay hindi ko magawa dahil kay Monique. Pilit niyang isinisisi sa akin ang lahat.
Nang marating ko ang kotse ko, agad kong binuksan ang pinto ng driver's seat. Akma na akong papasok ngunit napahinto ako sa gulat dahil may biglang nagsalita sa likuran ko. Boses na pamilyar na pamilyar. Ngunit sa pagkakataong ito, malamig at walang buhay.
" Liyah bakit kailangang maging ikaw pa?"
Liyah?
" Anong ibig mong sabihin Onemig?" patanong din na tugon ko saka ako humarap sa kanya.
" Bakit kailangang ikaw pa? Naintindihan ko na, na hindi mo kasalanan nung na-comatose si lola Marta pero itong pagkamatay niya, bakit ikaw ang nandoon? Bakit nagpunta ka pa? Anong ginawa mo? " sunod-sunod na tanong niya. Napailing ako. Saan na naman papunta itong usapan na ito?
" Anong ginawa ko? Wala akong ginawa. Kung bakit sa kamalas-malasan naman, sa oras pa ng pagdalaw ko natapat yung pagkamatay niya. Hindi komo sa akin natapat, kasalanan ko na. "
" Wala akong sinasabi na kasalanan mo. " bulalas niya.
" Wala nga ba? Sa tono ng pananalita mo, at sa mga tanong mo, ganoon na rin ang tinutumbok non Juan Miguel."
" Bakit ba kasi nagpunta ka pa? Nagi-guilty ka ba sa nangyari sa kanya? " biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Para na rin niyang sinabi na kasalanan ko nga ang nangyari kay lola Marta.
" Alam mo Onemig, hindi ko akalain na kayang-kaya mo akong saktan ng paulit-ulit ng mga salita mo. Kahit anong gawin kong pag depende sa sarili ko, pareho lang kayo ni Monique na ako ang sinisisi sa nangyari. Pumunta ako dito hindi dahil guilty ako, kundi nag-aalala ako kay lola Marta. Darating ang oras malalaman mo rin kung bakit ako ang itinaon na naroon sa pagkamatay ni lola Marta. At kapag nalaman mo na, sana hindi pa ako napagod sayo para naman wala kang pagsisihan sa huli. "
Tuluyan na akong pumasok sa sasakyan ko at iniwan ko syang tulala. Pinasibad ko ang kotse ko palabas ng ospital. Nagngingitngit ang kalooban ko sa mga paratang nilang dalawa sa akin ni Monique. Ang kaibahan nga lang niya kay Monique, hindi niya tuwirang sinasabi ang paratang niya pero para sa akin ganoon din yon. Hindi ko akalain na sa kabila ng pagpaparamdam niya ng pagmamahal sa akin, kayang - kaya rin niya akong saktan.
Siguro ganoon talaga. Love is not love if it's not incisive. Ang taong mahal mo lamang ang may kakayahang saktan ka, wala ng iba pa. At sa punto ng relasyon namin ni Onemig ngayon, I think I'm on the edge of giving up kahit na ang kabilang panig ng isip ko ay gusto pang lumaban.