Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 240 - Accepting the Situation

Chapter 240 - Accepting the Situation

Aliyah's Point of View

UNTI-unti kaming nasanay na mag-ina sa sitwasyon namin. Every other week lang namin nakakasama si Onemig. But in fairness to Onemig naman, lagi syang tumatawag kapag wala sya sa amin pero aminin ko man o hindi nahihirapan din ang kalooban ko lalo na kapag nagtatanong si Guilly. Hindi lahat kasi ng bagay naiintindihan na niya. Kahit ipaliwanag ko eh marami pa rin syang katanungan at hindi kami matatapos dahil kapag nasagot mo na yung isang tanong nya, may panibago na naman ulit na tanong.

Sabado na. Isa na naman sa mga weekends na kami lang ni Guilly sa Tagaytay kasama ng tatlong house helpers namin dahil nasa Sto. Cristo si Onemig para dun sa mag-ina. Mabuti na lang umuwi si Neiel para samahan kami.

" Ate bakit hindi ka na lang magpaalam kay tito Frank na ilipat ka na lang ulit ng Makati para hindi kayo byahe ng byahe ni Guilly?" tanong ni Neiel sa akin. Nasa hapag kami at kumakain na ng lunch.

" Nakakahiya na kay tito Frank bunso. Ilang taon akong nawala tapos binigyan pa ako ng magandang position sa FCG pagbalik ko. Parang abuso na kung magpapalipat pa ako di ba? " sagot ko.

" Oo nga ate pero kung nahihirapan ka pwede mo naman sigurong pakiusapan si tito Frank o kaya si lolo. " saad muli ng kapatid ko.

" Sige pag-uwi namin ni Guilly next week, kakausapin ko si lolo. Nga pala bunso, yun bang pinapa-asikaso ko sayo para sa birthday ni Guilly next week, naayos mo na? " pag change ko ng topic ng maalala ko yung tungkol sa birthday party ni Guilly. Siya ang pina-asikaso ko sa pagbabayad nung mga kailangan sa party kasi ako ang inutusan ni tito Frank na umattend dun sa business conference na dito mismo sa Tagaytay gaganapin. Mas makakatipid kasi kung ako ang ipadadala dahil may bahay ako dito. Hindi na kailangang magbayad ng hotel para tuluyan habang may conference.

" Oo naman teh, ako pa ba? Yung additional chairs and tables, nabayaran ko na. Yung balloons at cake ayos na din pati na yung clowns. Everything is settled, yung bonus ko na lang ang wala pa." may pilyong ngiti at nakalahad pa ang kamay ng kumag na kapatid ko sa harap ko.

" Hoy Neiel Allisen, matapos kong bayaran ng buo yang kotse mo, humihingi ka pa ng bonus sa akin? Akalain mo yun? Para inutusan lang kita at hindi naman ikaw ang nagbayad ah. Para kay Guilly naman yun." reklamo ko sa kanya pero natatawa ako. Alam ko naman kung bakit kailangan nya ng pera.

" Ate alam mo naman na nag-iipon ako para sa pamasahe-—"

" Papuntang Switzerland? " putol ko sa sasabihin niya.

"Ate nga!" napapakamot pa siya sa ulo niya

" O bakit? totoo naman ah. Kung bakit naman kasi manliligaw ka lang taga- Switzerland pa. Ang daming patay na patay sayo dito, yung malayo pa ang nagustuhan mo."

"Bakit ate, nung na-in love ka ba kay kuya Onemig, inisip mo ba kung pasok ba sya sa standards mo? Hindi di ba? Kasi pag mahal mo kahit ano pa sya, kahit nasaan pa sya, wala ka ng pakialam don kasi siya yung dinidikta ng puso mo ." gulat akong napatitig sa kapatid ko. Ito na ba yung baby brother ko na kahit sa langaw eh ayaw kong padapuan? Kailan nag-mature to?

" What? " tanong nya nung mapansin nya na nakatitig lang ako sa kanya.

" Nei ikaw ba yan? " natawa sya sa akin. Para kasi siguro akong tanga na namamangha sa kanya.

" Nu ka ba teh? Ano palagay mo sa akin, grade one pa rin hanggang ngayon? Tumatanda na rin ako ate kaya huwag kang parang engot dyan na nakatulala sa akin." ngising-ngisi pa ang loko.

" Heh! Maka-engot ka dyan! Ate mo ako. Wala ng galang tong batang to. " nayayamot kong turan.

" Hahaha. Okay ka lang teh? Kulang ka na yata ng kisspirin at yakapsul kay kuya Onemig kaya ka mabilis maasar. O baka naman may kasunod na si Guilly kaya ka ganyan. " lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

" Neiel Allisen ang dami mong alam!"

"Bakit ate, sa age kong ito sa palagay mo inosente pa rin ako?" ngising-ngisi pa ang damuho kong kapatid.

" What?" lalo lang syang tumawa ng tumawa sa reaction ko.

" Ate your baby bro is not a child anymore. Mas matindi pa nga si Andrei sa akin dahil dun sya lumaki sa Switzerland." imporma nya.

" Really? You mean may experience na kayo ni Andrei sa —I mean yung ano, oo yun na nga?" hindi ko madiretso yung tanong ko kasi nasa hapag din yung anak ko. Kanina pa nga nya kami tinitingnan ni Neiel na kunot na kunot ang noo.

" Nung high school pa ate. Sabay kami nung nagpunta kami ng Japan. May nakilala kami doon na Pinay entertainers, safe naman." kwento nya. Pahapyaw lang pero gets ko naman.

" Ang mga baby brothers ko hindi na pala talaga baby. Nei, wag ka muna mag-aasawa ha? Tapusin mo muna yang pag-aaral mo. " parang gusto ko ng mag-histerikal sa nalaman. Ang mga kabataan nga naman ngayon ang agang tumuklas ng mga bagay na hindi pa dapat.

" Oo naman ate. Gusto ko na maging proud din sila mommy sa akin. Gusto ko na maging katulad din ni dad na successful."

" Gusto mong maging ramp model? "

" Hindi. Engineer. Pero pwede rin both katulad nya. "

" Idol mo talaga si Nielsen Emmanuel Mercado noh? "

" Naman! Kung paanong idol mo rin si Alyanna Maine Guerrero. "

Nagtawanan na lang kaming magkapatid. Totoong ang mga magulang namin ang iniidolo namin pareho. Sobrang tatag kasi nilang dalawa. Sa dami ng pinagdaanan nila mula noon hanggang ngayon, matibay pa rin ang pagmamahalan nila.

Hinahangad ko na maging ganon din kami ni Onemig. Kahit nasa panahon kami ngayon na kung saan sinusubok na naman ang aming pagsasama, nawa'y mapanatili namin yung tiwala at pag-ibig na nananahan sa puso namin para sa isa't isa.

_________________

FRIDAY night. Pauwi na kami ni Guilly ng Sto. Cristo dahil birthday party na nya sa Sunday. Excited na ang anak ko dahil yung theme ng party nya ay Walt Disney. Gusto nya yung mga girls na kalaro nya ay nakasuot ng parang Disney princess at yung mga boys naman ay yung outfit ni Prince Charming.

Si Neiel ang nagmaneho pauwi. Kaya naman kami ginabi ay dahil hinintay pa namin sya galing sa university. May exam daw kasi sila kaya hindi nakauwi kaagad.

Nakatulog kaming mag-ina sa byahe. Ginising ako ni Neiel nung nasa mismong gate na kami ng bahay namin.

" Tulugan ba ako sa byahe." reklamo nya.

" Sorry baby bro. Pagod kasi ako kanina. Tumulong akong magtanim kila manang dun sa garden namin."

"Okay lang teh. Mukha ngang pagod ka kaya hindi na kita ginising. Naghihilik ka nga eh, tulo laway ka pa." pang-aasar nya.

" Sira! Hindi ako ganon noh!" yamot kong turan.

" Hahaha. Pikon!" tumatawang kinarga na nya ang tulog na si Guilly saka nagpatiuna ng pumasok sa bahay. Sumunod na ako matapos mai-lock ang kotse nya.

Sinalubong ako ni mommy sa front door.

"Tulog na tulog yung apo ko ah. Kumusta ang conference sweetie?" tanong ni mommy habang humahalik sa pisngi ko. Nagmano naman ako sa kanya saka umakbay.

" Okay naman po mommy. Marami akong nakilala doon na interesado sa company natin. Expect na within this week may tatawag sa office natin. May mga sure clients po ako." sagot ko.

" That's good anak. Congrats!"

" Thank you po mommy."

" Kumain na ba kayo? Magpapahain ako. " tanong ni mommy.

" Kumain na po kami sa may gasoline station sa NLEX mommy, nag BK po kami. "

" Ah okay. Magpahinga ka na at mukhang pagod ka."

" Sige po mommy. Si Onemig po pala, nagpunta na dito? "

" Oo dumaan dito kanina pagkagaling sa office. Kunwari may pag-uusapan sila ng daddy mo kaya nauna ng umuwi yung si Monique sa kanila. Hinintay nya kayo kaya lang gabi na wala pa kayo kaya umuwi na muna. "

" Hindi naman po ako makakatawag sa kanya, baka mahuli ako ni Monique. " malungkot kong saad.

" Ang hirap din ng sitwasyon mo anak, ikaw ang asawa, ikaw ang nagtatago. Konting tiis lang anak, para kay Guilly. Malalampasan nyo din ni Onemig yan. " sabi ni mommy habang hinahagod-hagod ako sa ulo. Yung hawak ni mommy ang nagbibigay talaga ng comfort sa akin. Kahit gaano kabigat ang sitwasyon basta nandyan ang yakap ng nanay, parang gumagaan lahat. We are so lucky that Neiel and I have a wonderful mother like Alyanna Maine Guerrero- Mercado.

That night, Onemig didn't miss his chance to visit me and Guilly. Kunwari ay inutusan sya ni tito Migs para dalhin kay daddy yung mga documents na kailangang pirmahan upang makapuslit lang sa kanila para makita nya kami.

" Kumusta ang mag-ina ko?" tanong nya matapos humalik ng magaan sa labi ko.

" Okay lang beb. Excited na nga yang anak mo sa party nya." sagot ko. Iminuwestra nya na maupo ako sa kandungan nya na sya ko namang ginawa. Nang makaupo ako ay agad kong iniyakap ang mga braso ko sa leeg nya. Nagkatitigan kami.

" I miss you so much baby, kayo ni Guilly. " turan nya sa mababang boses. Punong-puno ng pangungulila ang nakikita ko sa mga mata nya.

" Kami man ni Guilly beb. Nami-miss ka na namin. Kanina ka pa nga nya gustong makita. Kaya lang hayan, nakatulog na sa byahe pa lang. " nakatingin kami pareho sa aming anak na mahimbing na natutulog.

Napabuntung-hininga sya ng malalim bago muling tumingin sa akin.

" Gusto ko na kayong makasama. Yung malaya tayong nakakapamasyal na walang iniintinding ibang tao. "

" Beb baka pwedeng sabihin mo na sa kanila kung nahihirapan ka na sa sitwasyon natin." mungkahi ko.

"Gustuhin ko man sa ngayon, hindi pa talaga pwede. Ayokong maging dahilan ng muling atake ni lola Marta. Nung magtangka akong kausapin sya, hindi pa man ay bigla ng tumaas ang bp nya."

Tumango na lang ako at inintindi ang sinabi nya. Pareho lang naman kami na nagtitiis sa sitwasyon namin. Alam ko na mas mahirap sa kanya dahil wala ng ibang aasahan sila lola Marta kundi siya lang.

" Tara matulog na tayo baby. " yakag nya.

" Ha? P-pero—baka naman—"

" Hay sweetie, tumakas lang ako, si daddy na ang bahala pag hinanap ako. Uuwi din ako ng maaga bago sila magising. C'mon, miss na miss na kita. " pilyong ngisi nya saka ako binuhat at ibinaba sa kama.

Hala ka Aliyah! Mukhang mapapalaban ka dyan sa asawa mo. Isang linggo kayong hindi nagkita kaya goodluck na lang sayo.

Ihi lang ang pahinga mo. hahaha.