Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 239 - Leaving is not an option

Chapter 239 - Leaving is not an option

Aliyah's Point of View

NAGUGULUHAN na tumingin sa akin si Guilly. Nanlalaki pa ang kanyang mga bilugang mata.

" Mommy di ba sabi mo po ang daddy ko ang nagbili ng house natin? " tanong nya.

" Yes baby."

" Eh di si papa Jam po ang nagbili, siya po ang daddy ko eh. Tapos ayaw mo pauwiin daddy ni Travis kasi sabi mo po siya ang nagbili nito. Naguguluhan si Guilly mommy, hindi ko po intindi. " turan nya na kunot na kunot ang noo. Kung hindi lang seryoso ang usapan baka natawa na ako sa kanya.

" Anak kasi ganito yon. Yung daddy ni Travis ang bumili nito para sa atin kasi siya ang ——". hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi biglang lumabas si Onemig sa pinagtataguan nya. Naging dahilan yon para magtago si Guilly sa likuran ko.

" Let me do it sweetie. Ako na ang magsasabi sa kanya. " wika nya. Nilingon ko naman si Guilly.

" Baby, siya si Juan Miguel , gusto ka niyang kausapin anak. Pwede ba?" malumanay kong turan.

" Juan Miguel? Bakit parang mumukha po kami ng name mommy?" nagtatakang tanong nya. Napatingin ako kay Onemig, sinenyasan ko na siya na ang kumausap sa bata.

Tumikhim muna sya bago lumapit kay Guilly. Lumayo naman ng konti ang anak namin at lalo pang sumiksik sa akin. Ang ginawa ko ikinandong ko sya sa lap ko para magkaharap sila.

" Guilly, I'm sorry kung nasigawan kita the last time. I didn't mean to do that. I'm just tired from work. It won't happen again, I promise."

Nanatili lang na nakayuko si Guilly. Hindi tumitingin sa kanya. Kaya naman nagpatuloy na lang siya.

" And also I want to be close to you. Gusto ko na makalaro ka, makasama kang mamasyal. Pupunta tayo sa mall, bibili tayo ng mga toys. Gusto mo ba yon?" tanong ni Onemig. Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman na humarap si Guilly sa ama. Lihim akong napangiti.

" Gusto po. Pero baka agagalit na naman sa akin yung mommy ni Travis katulad noong nagkulit ako po sa office ni lola Paz. "

" Hindi natin sasabihin sa kanya at kay Travis. Secret natin to. Pwede ba yon?" malumanay na tanong nya sa anak.

" Pede po. Pero bakit ikaw po nandito? Sayo po house ito? Sabi ni mommy ang daddy ko ang nagbili nito. Kilala mo po ba ang daddy ko, si papa Jam? " napatingin si Onemig sa akin. Tila hindi nya alam kung ano ang uunahing sagutin sa mga tanong ni Guilly.

He heaved a deep breath before he face his daughter.

" Guilly, binili ko ang house na ito para sa mommy mo, pero ngayong nandito ka na, sayo na rin ito. Hindi si papa Jam mo ang bumili nito. Ako. Kasi baby, ako ang —— a-ang tunay na daddy mo hindi si papa Jam." biglang natahimik si Guilly. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon nya dahil nakatalikod siya sa akin.

" Waaahhh mommy! " nataranta si Onemig ng biglang pumalahaw ang anak.

" Hey what's wrong? " panay ang alo nya sa bata habang pinupunasan ang mga luha nito sa pisngi.

" Kasi po niloloko mo Guilly. Daddy ka ni Travis tapos ngayon po sabi mo daddy rin kita. Hindi ko naman mommy yung mommy nya. Si Aliyah po ang mommy ko. Magulo po ikaw hindi ko intindihan. " napapakamot na lang sya sa katwiran ng anak. Nangingiti naman ako sa reaksyon nya. Hindi nya siguro akalain na ganon ka smart ang anak namin.

Kumilos ako at iniharap ko sa akin si Guilly. Inangat ko ang baba nya para magkaharap kami ng husto.

" Baby gusto mo bang makinig kay mommy?"

" Opo."

" Okay listen carefully para hindi ka maguluhan. Totoo ang sinasabi niya na siya ang daddy mo. Naghiwalay kami nung nasa tummy pa kita tapos naging wife nya yung mommy ni Travis kaya naging daddy siya ni Travis. Hindi nya alam baby na anak ka nya, kailan lang nung malaman nya. Kasi umalis si mommy at iniwan sya. Pero ngayong nandito na tayo, makakasama na natin sya dito sa house. Naintindihan mo na nak? " malumanay kong wika para maunawaan nya ako.

" Opo. "

" Naniniwala ka na ba na sya ang daddy mo? "

" Opo.. pero ayaw ko sa kanya kasi baka mag shout na naman sya sa akin pag nagkulit ako po. " napamaang si Onemig ng marinig ang anak.

" Baby, didn't I promise you a while ago that it won't happen again? Daddy loves you and I promise that I will take care of you and mommy. "

" Talaga po? "

" Yes. talaga. "

" Okay. Hindi na takot Guilly sayo, daddy ni Travis." natawa ako kasi hindi nya matawag ng daddy ang ama nya.

" Daddy. You can call me daddy."

" Okay. Daddy it is. " tugon nya sabay alis sa kandungan ko at nagpakarga sa ama. Naiiyak naman ako na pinagmasdan silang mag-ama. Hindi nakatakas sa paningin ko ang luhang bumagsak sa pisngi ni Onemig habang yakap nya si Guilly ng mahigpit. Nagtataka namang nakatingin lang si Guilly sa ama. Maya-maya umangat ang maliliit nyang kamay at dahan-dahan na pinunasan ang luha ni Onemig.

" Daddy wag ka na po mag-cry. Sabi ni lolo Nhel bakla daw pag nag cry ang boy. Narinig ko po yun nung nag-uusap sila nun ni tito Neiel." bigla akong napahagalpak ng tawa sa sinabi ni Guilly. Susme, ang batang ito ang daming alam.

" Tears of joy lang to anak kasi nakita na kita. From now on magkakasama na tayong tatlo nila mommy. Pero baby secret lang natin to muna ha? "

" Opo daddy."

Nagyakap kaming tatlo. Masaya ako dahil buo na kami. Kahit na patago kaming magkakasama, ayos lang. Dahil alam ko hindi maglalaon magiging malaya din kami mula sa kung ano man ang kinakaharap namin sa ngayon. Ang mahalaga nandito na kami ni Onemig kasama ang aming anak. Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang makitang namumuhay kami ngayon na taglay pa rin ang pag-ibig namin sa isa't isa. Hindi ito nabago ng panahon ng paghihiwalay.

NANG oras na ng pagtulog namin sa gabi, hindi pumayag si Guilly na matulog hanggat hindi sya binabasahan ng daddy nya ng libro. Ganun kasi kaming dalawa bago siya matulog.

Napapangiti na lang ako kasi simula nung tanggapin nya si Onemig kanina bilang tunay nyang daddy, hindi na sya humiwalay dito. Napapakamot na lang si Onemig ng ulo. Gusto ko ng matawa kasi alam kong atat na rin syang masolo ako pero wala syang magawa dahil naglalambing ang anak at bumabawi naman sya dito.

Hinayaan ko na lang muna silang mag-ama dun sa kwarto ni Guilly. Matapos kaming magligpit ni yaya Melba sa kusina, nanuod na si yaya ng tv sa living room at ako naman ay tumuloy na sa silid namin ni Onemig para maligo na at mag-prepare na sa pagtulog.

Matapos maligo ay nahiga na ako at nagbasa muna saglit hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising kasi ako na parang may mabigat na nakadagan sa akin. Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko si Onemig na natutulog na at kaya pala mabigat ay nakayakap pala sya sa akin at nakapulupot ang mga binti nya sa mga binti ko.

Jusko lang. Mukha talagang hindi ako makakawala sa kanya sa ayos naming ito.

Tinapik ko sya dahil gusto kong mag banyo. Bahagya syang kumilos at idinilat ang isang mata.

" Why?"

" Magbabanyo ako beb." sabi ko tapos bumangon din sya.

" Tulog ka na ulit, kaya ko na."

" Magbabanyo rin ako after mo." tumango ako then nag proceed na ako sa cr.

Nang matapos ako nagulat pa ako paglabas ko dahil nandoon na sya sa pinto nakaabang. Niyakap muna nya ako tapos hinalikan sa pisngi bago pumasok ng cr. Anyare dun?

Hindi pa ako natatagalan sa pagkakahiga ko ng lumabas sya ng banyo. Awtomatikong niyakap nya ako paghiga nya tapos ipinulupot na naman nya yung mga binti nya sa akin.

" Beb hindi na ako makahinga. Para namang mawawala ako kung makayakap ka dyan."

" Natatakot lang ako na mawala ka na naman."

" I'm not going anywhere beb. Ang sabihin mo umaandar na naman yang pagiging tarsier mo."

" Halata ba?" nangingiti nyang tanong.

" At talagang nagtanong ka pa ha? " nauwi na sa tawa yung ngiti nya.

" Baby? " tawag nya tapos may naglalarong pilyong ngiti sa labi. Hayan, kapag ganyan yan may gusto yang ipahiwatig.

" Hay nako beb. Alam ko na yang mga paganyan-ganyan mo." medyo tipid ang ngiti ko. Ayoko namang ipahalata na excited din ako na maging intimate kami.

" Ikaw naman baby more than 3 years na akong celibate baka naman pwede mong gawan to ng paraan." pilyong turan nya.

" Sus maniwala ako sayo. Magkasama kayo sa bahay ni Monique, huwag mong sabihin na nagtitigan lang kayo sa loob ng mahigit tatlong taon?"

" Sa bahay nga sila nakatira pero magkahiwalay kami ng room. At for your information never ako nakipagtitigan dun, ni hindi ko nga halos tinitingnan yun. I only have eyes on you baby. " turan nya at may pakindat kindat pa sa akin ang mokong.

" Oo na, sige na. "

" Talaga baby? "

" Oo nga ang kulit.

" Yes! yes!"

Haha. Talaga naman.

__________________

Simula nung araw na umuwi kami ni Guilly ng Tagaytay, naging ganon na ang sistema namin kapag weekends. But after a month, nagkaroon ng kaunting pagbabago dahil madalas na raw nagtatanong si lola Marta kung bakit hindi umuuwi si Onemig gayong malapit lang naman ang Laguna. Hindi raw ba nito naaalala man lang ang mag-ina nya, si Monique at Travis.

Kaya para hindi makahalata si lola Marta, napag-usapan na lang namin ni Onemig na every other week na lang kami uuwi ni Guilly ng Tagaytay dahil every other week din sya uuwi ng Sto. Cristo para naman dun sa mag-ina.

Mahirap para sa amin ni Guilly ang ganong sistema pero pilit kong iniintindi dahil mahal ko si Onemig. Magtitiis ako hanggat kaya ko kasi nangako ako sa kanya na hindi ko na siya iiwan ano man ang mangyari.