Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 238 - Reconcile

Chapter 238 - Reconcile

Aliyah's Point of View

ANG sabi nga sa banal na aklat, ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang  panahon at oras.

May panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa. Panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot.

Sa ngayon,  kami ni Onemig ay nasa panahon ng pag-aayos mula dun sa panahon ng pagkasira ng aming relasyon.

Pareho naming nilimot yung masakit na nakaraan para maayos namin ang kasalukuyan. Matapos naming mag-usap nung araw na yon, kinausap din namin ng palihim ang aming pamilya. Para kaming may board meeting sa study room ni lolo Franz nung pag-usapan na namin ang maaaring maging solusyon sa aming problema.

Ang suggestion ni tito Migs at tita Blessie ay i-assign si Onemig sa bubuksang mall sa Laguna. Ang FCG Home Builders kasi ang nakakuha sa project na yon.Pumayag naman si lolo Franz tutal medyo malapit lang ang Laguna sa bahay namin sa Tagaytay.

Si tito Migs na raw ang bahalang mag-explain kay Monique at lola Marta kung bakit mawawala si Onemig ng matagal.

Ang problema na lang ay yung sa akin.Hindi ko kasi basta na lang maiiwan ang trabaho ko dito sa Sto. Cristo dahil kakalipat ko lang at si tito Frank naman ay hindi maaaring mag-stay ng matagal ng Sto. Cristo dahil kailangang full time siya sa Comtech Masters sa Makati. Nung mawala kasi kami ni Tin ng tatlong taon sa Comtech, ang pinsan kong si kuya Freego na panganay na anak ni tito Frank ang pumalit sa akin. Hindi naman tama kung paaalisin na lang siya basta dahil lang sa problema namin ni Onemig. Nakakahiya naman kung sa tuwing may problema ako ay naaabala din sila.

Kaya ang naging pinal na desisyon ay ililipat si Onemig ng project at doon siya uuwi sa bahay namin sa Tagaytay. Ako at si Guilly ay tuwing weekends naman uuwi doon. Si Celestine naman ay mananatiling kasama nila mommy sa bahay dito sa Sto. Cristo kapalit ni Neiel na nasa bahay naman namin sa Quezon ave. dahil college na ito at sa Manila nag-aaral.

" Ano baby? Sabi sayo magagawan natin ng paraan kung magkasama tayo sa pagharap sa mga problema. Basta manatili lang tayo sa tabi ng isa't isa, malalampasan natin kung ano man ang dumating." wika ni Onemig nung kami na lang dalawa ang naiwan sa study room. Nagsialisan na sila para daw makapag-usap kami para sa gagawin naming pag-uwi sa Tagaytay.

" Oo nga beb. Buong pamilya natin ang sumusuporta sa atin. Sana lang maging maayos na ang pagsasama natin para hindi naman masayang ang effort nilang lahat." buong pag-asam na wika ko.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Tila gusto nyang iparamdam sa akin na magiging maayos ang lahat this time dahil magkasama kami. Na wala na akong dapat ikatakot dahil bukod sa kanya ay nariyan ang buong pamilya namin.

" Baby all I wanted is to be with you and Guilly. Gusto ko ng masaya at tahimik na buhay kasama kayo. Pero hindi natin makukuha kaagad yon sa ngayon. Konting tiis lang at malalampasan natin yan basta't manatili ka lang sa tabi ko. Please, promise me that whatever happens you'll stay. No more hiding and chasing, okay baby? " napangiti na lang ako sa huling tinuran nya.

" Yes beb, I promise. "  ngumiti sya ng malapad at mabilis na dinampian ng halik ang aking labi.

I hugged him tight after that short kiss. This is also what I really wanted. To be with him and only him. I want to forget about the world and just be with him.

Nang sumapit ang araw ng Lunes, nagpatawag si lolo Franz ng biglaang meeting para sa lahat ng miyembro ng board. Mayroong pagtataka sa ibang kasapi dahil kamakailan lang kasi nung huli syang magpatawag ng meeting. Pero sa aking palagay o marahil maging ng buong pamilya namin ni Onemig ay alam na ang agenda ng meeting na ito ni lolo.

" Gentlemen, ladies, sorry to interrupt you. This meeting is only a matter of minutes. I just want to let you know that we will have a little changes in some assignments here in the company. " bungad ni lolo Franz tapos inisa-isa na nya ang mga malilipat ng pwesto.

Wala namang pagtutol sa mga nalipat dahil wala namang nabago sa posisyon kundi yung sa trabaho lang. Nanatili ako sa posisyon ko at si Tin. Si lola Paz at mommy naman ay nagpalit lang ng executive assistant, kaya si Monique ang napunta kay mommy at si Jaz na EA nya ang kay lola Paz.

Natunugan ko na kung bakit ginawa yon ni lolo Franz, yun ay para hindi na kami nagpapangita madalas ni Monique. Nasa top floor kasi ang office ni mommy at nasa ibaba naman kami. Isang malaking bagay na yun para sa akin. Nasisira kasi ang araw ko dahil sa umaga pa lang naririnig ko na yung pasaring ni Monique sa tuwing dumaraan ako papasok sa office ko. Hindi ko naman pinapansin pero yung kasama kong si Tin, hindi pinapalampas yon. Kaya ang resulta, umaga pa lang bad vibes na.

Na-announce din yung paglipat ni Onemig sa Laguna kasama si Jake at Gilbert. Nakita ko ang pagkagulat at  tila pagtutol kay Monique pero dahil ang chairman ang nagsasalita hindi siya makahirit. Lihim kaming nagkatinginan ni Onemig. Para bang yung tingin nya ay nagsasabi na ito na yung simula ng plano namin.

Nang matapos ang meeting ay agad ng nagsialisan ang ibang miyembro ng board kasama si lolo Franz at lola Paz. Sumunod na rin sila mommy at daddy, tito Migs at tita Bless at sila Onemig.Naiwan kaming dalawa ni Tin dahil sinadya nya akong ipaiwan para tanungin.

" Besh, talaga bang ready ka na sa plano nyong ito?" tanong ni Tin.

" Oo besh. Nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi nya. Ayoko na rin namang magtago at iwan sya ulit. Nakita mo naman kung gaano kahirap yung pinagdaanan ko nung iwanan ko sya di ba? " sagot ko.

" Pero mahirap pa rin dahil patago din itong gagawin nyo. "

" I know but atleast magkasama na kaming lalaban at nandiyan din kayo para sumuporta. Alam ko na hindi magiging madali ngunit lahat titiisin ko para maging buo lang kami. " nakakaunawang tumango si Tin sa sinabi ko. Alam ko na nag-aalala sya sa akin dahil saksi sya sa lahat ng pinagdaanan ko dahil sa pagmamahal ko kay Onemig. Kung mabibigo akong muli, isa si Tin sa masasaktan ng husto.

Sa susunod na linggo na mag-uumpisa yung project sa Laguna. Nag-usap kami ni Onemig ng palihim kinabukasan matapos ang biglaang meeting ni lolo Franz.

Sa Sabado na siya luluwas kasama si Jake at Gilbert para maayos nung dalawa yung apartment na titirhan nila. Siya naman ay tutuloy na sa bahay namin sa Tagaytay. Gusto niya na lumuwas din kaming dalawa ni Guilly para makapag-bonding kami bago sila sumabak sa trabaho kinalunesan. Kaya napagkasunduan namin na mauna na kami ni Guilly sa kanya para hindi makahalata si Monique. Kaya Friday pa lang luluwas na kaming mag-ina.

Iniisip ko kung paano tatanggapin ni Guilly na makakasama namin si Onemig ng weekends. Siguradong magtataka siya kapag nakita niya ito.

Friday came. Si Tin mismo ang nag-ayos kay Guilly pati sa mga gamit nya. Panay ang bilin nya kay yaya Melba ng kung ano-ano para sa bata. Natatawa na lang ako sa kanya. Dinaig pa ako sa pagiging over protective kay Guilly.

" Mommy bakit hindi natin nisama si mama Tin? Kawawa naman si mama wala si Guilly, masa-sad sya." tanong ni Guilly nung nakasakay na kami sa kotse paluwas. Si Neiel ang inutusan ni daddy na mag-drive at maghatid sa amin sa Tagaytay tutal luluwas din naman ito dahil may pasok na sa school.

" Baby marami kasing gagawin si mama Tin. Babalik din naman tayo agad kaya hindi na siya masa-sad." paliwanag ko. May gagawin kasi si mommy at si Tin ang katuwang nya kaya hindi ito nakasama sa amin.

" Where are we going mommy?" tanong muli ni Guilly.

" Sa isang house natin baby. "

" Marami tayo house mommy? "

" Hindi naman baby. But we have our own house. Your daddy bought it for us."

" My daddy? You mean papa Jam?" napipilan ako sa tanong nya. Dapat ko na bang sabihin sa kanya na si Onemig ang tunay nyang ama?

" Hindi anak. Malalaman mo rin when the right time comes. Sleep na muna baby, mahaba pa ang biyahe natin. " untag ko sa kanya. Hindi na rin naman sya nangulit at tumahimik na. Maya-maya lang ay nakatulog na nga siya sa kandungan ko.

Nagkatinginan kami ni Neiel.

" Ate siguradong magtataka yan bukas pag nakita nya si kuya Onemig sa bahay nyo. " turan nya.

" Yun naman ang gustong mangyari ni Onemig, baby bro. Gusto na nyang mapalapit si Guilly sa kanya. Kapag okay na sila saka namin sasabihin sa kanya ang totoo. " paliwanag ko sa kapatid ko.

" Alam mo ate  hindi ko akalain na magiging katulad ng love story ng mga parents natin ang love story nyo ni kuya Onemig. Ang kaibahan nga lang hindi ka nagpakasal sa iba tulad ng ginawa ni mommy with papa Anton. "

" Oo nga baby bro. Pero in fairness kay mommy, ginawa lang nya yun to save papa Anton and vice versa. Papa is a good man too like daddy. Naging masaya ang childhood ko because of him. And I hope, kung naayos nila daddy yung relasyon nila ni mommy noon, magiging ganon din sana kami ni Onemig soon. "

" Tiwala lang ate. Maaayos din ang lahat. " madamdaming wika ng kapatid ko. Humilig ako sa kanyang balikat. I'm so lucky to have a brother like him. He makes everything lighter for me.

Gabi na halos ng marating namin ang bahay sa Tagaytay. Malinis ang bahay ng datnan namin dahil may mga stay out helper na kinuha si Onemig. Yung tagalinis at tagaluto ay naratnan namin sa bahay dahil pinag-overtime ang mga ito ni Onemig para may mag-asikaso sa amin. Uuwi rin sila matapos kaming makakain ng hapunan.

Panay ang tingin ni Guilly sa kabuuan ng bahay. Mukhang nagustuhan naman nya base sa ngiting nakikita ko sa mga labi nya. Nagulat ako ng makita ko ang loob ng magiging silid ni Guilly ng  ihatid kami dito ng isang kasambahay.

Kailan kaya pina-ayos ni Onemig ang silid na ito?

Tuwang-tuwa naman si Guilly ng makita ang room nya. Yung favorite cartoon character nya kasi ang makikita sa buong silid. Mula sa bed sheet, pillows, comforter hanggang sa mga stuff toys ay puro mukha ng cartoon character. Natandaan pala ni Onemig yung minsang magtanong sya sa akin tungkol sa anak namin. Ito na yung inumpisahan nyang gawin para mapalapit kay Guilly.

Nung pumasok naman ako sa room namin ni Onemig ay hindi ko maiwasang hindi alalahanin yung mga nakaraan. Wala siyang binago kahit na pinaka-maliit na detalye sa silid namin. Kahit may dumaang sakit sa pagkaalala ko sa nakaraan, naging masaya pa rin ako na wala syang binago sa ayos ng silid.

Before lunchtime nung dumating si Onemig kinabukasan. Laking gulat ni Guilly ng makita nya ito ngunit hindi naman ito nagtanong agad. Ayaw nyang lumapit kung nasaan si Onemig. Palagi lang syang naka-buntot kay Neiel o kay yaya Melba. Ayaw rin nya akong lapitan dahil nasa tabi ko si Onemig.

Naaawa kong tiningnan si Onemig. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya dahil hindi nya malapitan ang aming anak. Hindi ko rin alam kung paano ko uumpisahan sa bata ang pagpapaliwanag sa aming sitwasyon. Hindi madali para sa batang edad nya na intindihin ang lahat.

Hapon na nung magpaalam si Neiel na uuwi na sa bahay namin sa Quezon ave. Naging malungkot si Guilly habang tinatanaw ang papalayong kotse ng kanyang tito.

Nilapitan ko sya pero nung makita nyang nasa likod ko si Onemig ay tumakbo sya papasok ng bahay papunta kay yaya Melba.

Nagkatinginan kami ni Onemig. Malalim syang napabuntung-hininga.

" Baby puntahan mo muna sya, susunod ako matapos mo syang makausap." malungkot nyang saad.

" Beb?" nag-aalanganing tanong ko.

" It's alright baby. Nandito na tayo, kailangang harapin natin at ipaliwanag sa kanya ng unti-unti. Gusto ko rin na magkaayos na kami. Nasasaktan ako tuwing umiiwas sya sa akin. "

" I'm sorry beb."

" You don't have to. Kasalanan ko." umakbay sya sa akin at hinalikan ako sa ulo. Malungkot akong umakyat papunta sa silid ni Guilly. Nakasunod si Onemig sa akin.

Marahan akong kumatok sa pinto at si yaya Melba ang nagbukas. Sumenyas ako na kakausapin ko si Guilly kaya mabilis syang tumalima at lumabas na.

" Anak can we talk?" bungad ko habang umuupo ako sa gilid ng kama. Napansin ko si Onemig na medyo nakakubli sa may pinto.

" Why po mommy?" tanong nya.

" Kasi napansin ni mommy na malungkot si Guilly namin. Bakit kaya sya sad?"

" Umalis na kasi si tito Neinei eh. " turan nya na ang tinutukoy ay ang kapatid kong si Neiel. Yun ang tawag nya dito.

" Nandito naman ako baby eh. " sabi ko.

" Lagi mo naman kasama yung daddy ni Travis po. " parang nagtatampong sambit nya.

" Bakit ayaw mo ba sa kanya? He is nice naman. "

" Ayaw ko sa kanya mommy, nisigawan nya ako noon tapos galit yung mommy ni Travis sa akin kasi nagkulit ako dun sa office ni lola. Ayaw nila sa akin po kasi bad ako. " napamaang ako sa sinabi nya. Hindi ko alam na ganon pala ang iniisip nya dahil sa mga nangyari.

" No baby don't say that. You're not bad. Maaring makulit ka pero hindi ka bad. Yung daddy ni Travis, he wants to apologise to you, he didn't mean to yell at you that day, he's just tired from work. Pwede ka ba nyang kausapin ha, baby?" malumanay kong paliwanag para maintindihan nya.

" No mommy. Pauwiin mo na sya sa bahay nila Travis. Di ba sabi mo nibili ito ng daddy ko sa atin? Bakit nandito rin yung daddy ni Travis sa house natin? " napamaang ako sa tanong nya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na yung daddy ni Travis ay daddy rin nya?

Lihim akong tumingin kay Onemig na nakakubli sa pinto. Marahan syang tumango.

" Baby hindi ko sya pwedeng pauwiin kasi ano—siya ang bumili ng house natin na to."

Nanlalaki ang mga mata at naguguluhang tumingin sa akin ang anak ko.

This is it! Wala ng urungan to.

Related Books

Popular novel hashtag