Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 235 - Burst of Emotion

Chapter 235 - Burst of Emotion

Aliyah's Point of View

NAGPUPUYOS ako sa galit hanggang sa makarating ako sa aming bahay. Ang walanghiyang yon! Ako pa ang pinagbibintangan nyang nagtaksil gayong siya itong may sarili ng pamilya. Kung maghabol kaya ako kahit sa ibang bansa kami ikinasal? siguradong kahit paano iikot ang tumbong nya.

Bwisit na yon! Kaya pala ganon na lang ang galit nya sa akin. Bakit hindi na lang sya nagtanong kay daddy kung sino si Guilly? Nag-assumed agad sya na anak ko ito sa iba.

Sabagay sa galit nyang iyon kaya hindi na siguro sya nag-abalang alamin ang totoo. Dumating kasi akong may bitbit na bata.

Pero teka bakit ba binibigyan ko pa ng katwiran ang hudyong yon? Ang dapat nga dun sa mokong na yon, paluhurin sa asin ng nakadipa.

Siguro ngayon mabaliw-baliw na yon sa nalaman nya. Medyo may pagka-shunga rin kasi eh. Hindi kaya nya napansin na yung mata, ilong at dimples ni Guilly ay kuhang-kuha sa kanya? Ngayon bahala sya sa buhay nya! Huwag syang makalapit-lapit sa amin ng anak nya kundi ipagpipilitan ko talaga na anak ko si Guilly kay Chris Evans.

Bwisit sya! Lumuhod muna sya sa asin bago ko sya patawarin.

Wala na si Guilly sa couch kung saan ko sya iniwan kanina. Marahil inilipat na ni lola Baby dun sa kwarto namin.

" O bakit ganyan ang itsura mo apo? Ano ba nangyari sa panunugod mo dun sa kabila?" bungad kaagad ni lola Baby sa akin pagkapasok ko pa lang sa kwarto namin.

" Hayun po la, napagbintangan lang naman ako na nagtaksil sa kanya. Wala syang idea na anak nya si Guilly. "

" Ha? Eh kahit hindi mo pa sinabi sa amin ang totoo tungkol kay Guilly, nahinuha na agad namin na anak ninyo sya ni Onemig dahil sa resemblance nya sa inyo. Bakit hindi yata nya napansin yon? Wala bang lukso ng dugo man lang? " tanong ni lola Baby.

" Ewan ko ba dun lola Baby! May pagka shunga rin po pala. " natawa si lola Baby sa sinabi ko pero pinagsabihan pa rin ako.

" Apo mas magandang pag-usapan nyo ni Onemig yan. Kung sa tingin mo eh wala ng pag-asa na magkabalikan pa kayo dahil sa nakikita mo na may pamilya na sya, mas mabuting mag compromise kayo para kay Guilly. Karapatan nung bata na makilala man lang nya ang ama nya. Hindi ko gusto yung pag-iyak nya na nakita ko kanina. Masyadong masakit. Gusto mo ba ang ganung eksena? "

" Lola hindi ko po syempre gusto yung ganun si Guilly, hindi ko naman sya ipagkakait kay Onemig. Ang sa akin lang po eh matuto naman syang humingi ng tawad sa nagawa nya, hindi yung parang ako lang ang may kasalanan sa nangyari sa amin. Aminado ako sa nagawa kong pag-iwan sa kanya pero sana intindihin nya kung bakit ko nagawa yon. Huwag po kayong mag-alala lola, kakausapin ko rin sya pero huwag muna sa ngayon, naiinis pa ako sa kanya. Kung makapambintang naman kasi ang hudyong yon! "

" Hay nako apo umandar na naman yang pagka-pilya mo na namana mo sa mommy mo. O siya, maiwan na muna kita dyan at magluluto na ako ng hapunan natin. " paalam ni lola Baby.

Tinabihan ko sa kama si Guilly nang makalabas na si lola Baby. Buong pag-iingat kong hinaplos ang kanyang buhok. Ang kawawa kong anak, ang bata pa nya para makaranas ng ganong pag trato mula sa sarili nyang ama. Marahil hindi na sya lalapit kay Onemig dahil sa nangyari. Mukhang nagkaroon sya ng takot dito dahil sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya.Medyo pasinghal daw ayon kay tita Blessie kaya pinagalitan ni tita ang anak nya dahil lalong umiyak si Guilly. Wala pa kasing nakipag-usap sa bata ng ganon, lahat malambing sa kanya dahil mabait syang bata. Ngayon lang talaga, sa ama pa nya mismo.

Matapos ang hapunan ay nilinisan na ni Tin si Guilly. Bumabawi dahil wala sya maghapon at naglambing din ang bata sa kanya. Nung makatulog na si Guilly ay kinwento ko kay Tin yung engkwentro namin ni Onemig kanina.

" Ang walanghiyang yon! Ginusto ko pa man din na magkausap na kayo para mawala na yung pagsusungit nya, yun pala naman iba ang kinagagalit nya sayo. Hindi man lang nya nahalata ang malaking pagkakahawig ni Guilly sa kanya. Bulag lang!?" nagngingitngit na rin si Tin.

" Yan din ang sinabi ni lola Baby kanina. Sila tita Bless nga kahit wala pa akong sinasabi, alam na nila pero ito mismong ama pinaghinalaan pa ako na nagtaksil sa kanya. Isa nga sa pinag-aalala ko nung bago tayo bumalik dito ay yung mahalata ni Onemig na anak nya si Guilly dahil ayokong makagulo kami sa kanila ni Monique pero hindi ko akalain na iba ang mangyayari. "

" Hay besh huwag mo na ngang intindihin yung hudas na yun,naiinis lang ako. Wala ka na ngang ginawa kundi ang intindihin sya at magsakripisyo para sa kanya dahil dyan sa lintik na obligasyon nya sa ibang tao. Ayaw nyang masira ang pangako at obligasyon nya sa kanila pero ikaw naman ang isinasakripisyo nya. Hindi nga sya dapat magalit sayo kung iniwan mo man sya. Ano ang gusto nya, magpakatanga ka habang nakikita mo syang may kasamang iba? Ano man ang dahilan nya, para sa akin wala ng saysay yon ngayon lalo na dun sa nangyari kay Guilly kanina. Naiinis ako besh sa sarili ko dahil kinukumbinse pa kita na mag-usap at magkaayos na kayo. Kainis! " napapailing na lang ako kay Tin. Alam kong tama na naman sya. Hindi ko sya masisisi kung naiinis man sya kay Onemig ngayon. Mahal na mahal nya kasi kaming dalawa ni Guilly.

Napabuntung hininga ako ng malalim. Hinayaan ko na lang si Tin na ibuhos ang saloobin nya. Alam kong matagal na nyang gustong sabihin sa akin yung mga nasabi nya. Noon pa man alam kong tutol ang kalooban nya sa sitwasyon namin pero ayaw lang nyang manghimasok kahit pa miyembro na rin sya ng aming pamilya.

Naghahanda na akong matulog nung katukin ako ni daddy at mommy sa room ko.Sinabi nila na nanggaling daw si Onemig kanina dito sa bahay para humingi ng paumanhin sa nangyaring pagtatalo namin dahil kay Guilly. Naikwento ko kasi sa kanila kanina sa gitna ng aming paghahapunan ang nangyari at syempre nagalit sila sa ginawa ni Onemig. Pero dahil maunawain ang aking pamilya, ng makuha nila ang side ni Onemig, napatawad naman nila ito at sinabi nila sa akin bago lisanin ang aking silid, na kung anuman ang maging desisyon ko, igagalang nila.

Kinabukasan, nagsimba kaming buong pamilya. Paglabas namin ng simbahan, namataan namin ang mga Arceo. Nung makita ni Guilly si tito Migs at tita Blessie, patakbo syang lumapit sa mga ito.

" Lola Bless, lolo Migs!" pagtawag ni Guilly habang tumatakbo. Nakita naman agad sya nila tito Migs kaya sinalubong nila siya at niyakap.

" Guilly!" nilingon nya ang tumawag na si Travis. Ngunit ng makita nya si Onemig na karga si Travis ay agad syang nagtago sa likod ni tito Migs. Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha ni Onemig dahil sa ginawa ni Guilly. Kasalanan naman nya. Nagkaroon ng takot sa kanya ang bata.

Lumapit ako at nagmano kila tita Bless, sinikap ko na hindi mapagawi ang tingin ko kay Onemig lalo na't kasama nya si Monique at Travis. Kinuha ko si Guilly at nagpaalam na kami sa kanila.

Nakasakay na kami ng anak ko sa aming kotse ng hindi man lang tinapunan ng kahit sulyap man lang si Onemig. Gusto kong iparamdam sa kanya na nasaktan ako sa nangyari kahapon. Ayaw ko munang magkalapit at magkausap kami sa ngayon, masakit pa ang lahat.

Lunes naghahanda na kami ni Tin sa pagpasok sa office nang magising si Guilly.

" Mommy gusto ko po sumama sa office, pwede po?" nagkatinginan kami ni Tin at parehong napangiti. Ang cute naman kasi ni Guilly habang nakikiusap, ang hirap tanggihan.

" Sige anak, go to yaya Melba para makapag breakfast ka na."

" Yey! Thank you mommy. " tuwang-tuwa na nagtatalon pa bago lumabas patungo sa dining area.

" Besh sigurado kang isasama natin ang baby natin? Baka wala tayong matrabaho nyan." natatawang tanong ni Tin.

" Hayaan mo na.Kapag hindi natin nakikita, nami-miss natin. Paminsan-minsan lang naman may mangungulit sa atin sa trabaho tsaka mabuti na rin yon, may magpapasaya sa atin lalo na ngayong tambak ang trabaho natin. "

Masaya namang sumang-ayon si Tin. Nang matapos mag breakfast ni Guilly ay si Tin na rin ang nagpaligo at nagbihis sa bata.

Palinga-linga si Guilly sa paligid nang makarating kami sa building ng FCG. Sa lobby pa lang ay namamangha na siya sa lawak ng lugar. Hindi kasi ganito ang nakikita nyang opisina ko nung na kila Fr. Ramon pa kami.

Pagdating namin sa aming palapag ay marami na ang bumati sa amin na employees. Lahat ay nagsasabi na napaka cute daw ni Guilly. Nung nadaanan namin ang room ni lola Paz, naroon na sa kanyang pwesto sa labas ang kanyang assistant na si Monique. Hindi ko alam kung ako lang ba o ano, pero napansin ko na masama ang tingin nya sa amin lalo na kay Guilly. Nalaman na ba nya ang totoo mula kay Onemig?

Pero ganun pa man hindi ako nagpahalata sa napansin ko, nung bumati sya sa akin bilang empleyado ay sinagot ko naman sya out of courtesy.

Naging mabait naman si Guilly habang nagta-trabaho kami ni Tin.

Pinagamit kasi namin sa kanya yung isang computer para may nilalaro sya nga lang wala pang lunch break ay nagyaya na syang kumain.

Habang nililigpit namin ni Tin yung mga papeles sa table namin dahil mag-eearly lunch na nga kami, nagpaalam si Guilly na pupunta daw muna sa kanyang lola Paz. Dahil nasa katabing room lang naman yung office ni lola kaya pinayagan ko na.

Ilang sandali lang ang lumipas ng marinig ko ang kanyang pag-iyak. Kinabahan ako dahil wala namang ibang bata sa floor namin kundi siya lang. Kaya nagmamadali akong lumabas para tingnan kung ano ang nangyari sa kanya.

Nakita ko sya na nasa harap ni Monique, umiiyak habang hawak ni Monique ng isang kamay nya ang panga ng bata habang dinuduro nya ito ng isang daliri nya. Biglang nag-init ang ulo ko, alam kong nasasaktan ang bata sa hawak nya kaya umiyak ito at dinuduro pa nya.  Anong karapatan nyang gawin ang ganon sa anak ko?

" Anong nangyari at bakit umiiyak ang bata?" tanong ko. Pilit pa rin akong nagpapaka-hinahon kahit na nagsisimula na akong sumabog.

" Ah kasi ma'am nagpipilit syang pumasok eh may ka-meeting po si Madam."

" Kung ganon, bakit sya umiyak at naabutan pa kitang hawak mo ang panga nya? Anong ibig sabihin non?" pigil na pigil ang panggigigil ko sa kanya habang kausap ko sya.

" Pinagbibitangan mo ba ako ma'am sa pag-iyak nyang bata? Makulit po kasi sya, gusto nyang pumasok kaya pinigilan ko lang. " katwiran nya.

" Miss Belleza, hindi basta umiiyak ang anak ko ng walang dahilan. Kung pinigilan mo lang sya, hindi naman yan iiyak unless may ginawa ka pa bukod dun. " diretso ng akusa ko sa kanya.

" Sinasabi mo ba ma'am na sinaktan ko sya kaya umiyak sya? " si Monique.

" Ikaw na ang maysabi nyan. At base sa dinatnan kong tagpo kanina, mukha nga. " sabi ko.

" Ma'am kahit na ikaw ang boss namin dito wala kang karapatan na pagbintangan ako ng ganyan. Hindi lang naman ako simpleng empleyado lang dito, asawa ako ng isa sa mga nasa board. And it's not Ms. Belleza ma'am, its Mrs. Arceo for you, Ms. Mercado. " buong pagmamalaking turan nya.

The nerve of this woman! Ipamukha pa ba sa akin yung ganung bagay. Lalo ng nag-init ang ulo ko sa sinabi nya kaya hindi ko na napigilan ang pagsabog ng emosyon ko.

" I don't care kung sino pang Poncio Pilato ang asawa mo, ang sa akin lang huwag saktan ang anak ko kundi hindi ako mangingiming harapin ang kahit sino. Hindi kita pinagbibintangan kundi huling-huli kita sa akto sa ginagawa mong pagtrato sa anak ko kanina. Ano ba problema mo? Kung may problema ka sa akin, sa akin mo ibunton, huwag sa batang wala pang muwang. Puro takot ang iniimprenta nyo sa isip ng anak ko na wala namang kasalanan sa inyo! " nanginginig na ako sa galit habang sya ay parang bale wala lang na nakahalukipkip pa.

" Anong nangyayari dito? " boses ni Onemig ang narinig ko mula sa likuran ko.

" Itong asawa mo, inabutan ko lang naman na sinasaktan ang anak ko pagkatapos ikinakaila nya kahit nakita ko naman mismo. Onemig hanggang ngayon may trauma pa si Guilly sa ginawa mo nung isang araw tapos ngayon heto na naman? Anong kasalanan nya sa inyo? Kung may galit kayo sa akin, spare my daughter, wala syang kinalaman dito. Pagsabihan mo yang asawa mo, wala syang karapatang saktan ang anak ko. Hindi ako nanggugulo sa inyo kaya pakiusap tantanan nyo ako! " hindi nakakibo si Onemig sa sinabi ko. Nakikita ko ang pagsisisi sa mukha nya. Ngunit hindi ko na pinansin yon, wala akong panahon sa nararamdaman nya. Ang importante sa akin ang nararamdaman ni Guilly.

Tinalikuran ko na sila upang sundan si Guilly na inilayo na ni Tin nung nagkakasagutan kami ni Monique.

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko na namang magsalita si Monique.

" Hindi ka nga nanggugulo ma'am pero sana hindi ka na lang bumalik dahil simula nung dumating ka, nagulo mo ang tahimik na naming buhay." napatda ako sa sinabi nya kaya pumihit ako pabalik.

" Bumalik ako para sa pamilya ko. Kaya kung wala kang katahimikan ngayon hindi ko na problema yon. Lumayo ako dahil sayo pero ngayon hindi ko na pahihintuin ang takbo ng buhay ko ng dahil lang sayo. Huwag mong ipagmalaki na asawa ka ng isa sa mga nasa board kaya malakas ang loob mo na pagsalitaan ako ng ganyan. Baka nakakalimutan mo, isa ako sa nagmamay-ari ng kompanyang ito. Buong kompanya. At kaya kitang patalsikin kapag ginusto ko. Wala kang parte dito, sampid ka lang! " wala na akong pakialam sa lumalabas sa bibig ko. Hindi ako sobrang martir at isa pa wala rin siya sa lugar. Asawa lang siya pero akala mo isa siya sa nagmamay-ari ng kompanya. Hmp.

" Aliyah! " gulat na sambit ni Onemig. Hindi nya akalain na magsasalita ako ng ganon. Out of character kasi. Wag lang kasing kakantiin ang anak ko, kundi lalabas talaga ang sungay ko.

" Bakit Onemig, mali na naman ba ako? Huwag mo kasing masyadong pinagbibigyan yang asawa mo, hindi na tuloy nya alam ang tamang lugar nya!" yun lang at iniwanan ko na sila ng tuluyan.

Hindi sa lahat ng pagkakataon magiging mabait ako. Kailangan ko ring lumaban para ipagtanggol ang sarili ko, lalo na ang anak ko. Masyado ng marami akong isinakripisyo at tinitiis hanggang ngayon tapos parang gusto pa uli akong mawala ng taong dahilan ng paglayo ko. Maiksi lang ang buhay kaya hindi ko na sasayangin sa pamamagitan ng paglayo ng dahil lang sa gusto nya.

Ano sya sinuswerte?