Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 236 - The Truth

Chapter 236 - The Truth

Aliyah's Point of View

SA BUONG buhay ko ngayon pa lang ako nagalit ng husto. Noon kapag nasasaktan ako, umiiyak lang ako ng tahimik, ngunit iba na ang usapan ngayon. Masyado na nila akong sinasaktan sa pamamagitan ng aking anak. Si Guilly ang kahinaan ko kaya ang sinumang manakit sa kanya ay hindi ko sasantuhin.

" Mommy sorry po." sambit ni Guilly nung nagkita na kami sa resto sa ibaba ng building. Doon sya dineretso ni Tin nung ilayo sya sa eksena namin ni Monique kanina.

" Bakit ka nagso-sorry anak? eh wala ka naman kasalanan. " sagot ko habang tinatabihan ko sya sa upuan.

" Eh kasi po nagkulit ako kanina kaya nagalit yung mommy ni Travis." napabuntung hininga ako. Mabuti pa ang bata alam yung naging pagkakamali nya, samantalang yung mas nakakatanda ikinakaila pa yung ginawa nya dito.

" Ano ba talaga ang nangyari baby? Bakit ka umiyak ng ganoon? " tanong ko. Although nakita ng dalawang mata ko yung ginawa ni Monique gusto ko pa rin malaman yung side ni Guilly.

" Sabi ko gusto ko kasi po puntahan si lola Paz ko, pero nipigil nya po ako. Sabi ko sandali lang naman, tapos  tumakbo ako dun sa door pero nihila ako sa arms ko nung mommy ni Travis. Mahigpit po hawak nya eh at masakit po kasi haba yung nails nya kaya nag cry ako po. Sabi nya tumigil daw po ako kasi may meeting si lola Paz. Nihawak nya mahigpit yung face ko po tapos yun mommy galit na sya. " bumangon muli ang galit sa puso ko ng marinig ang paliwanag ng bata. Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya.

" Walanghiya pala yung babaing yun eh! Bata yan pinatulan nya? Humanda sa akin yun mamaya. " galit na bulalas ni Tin.

" Celestine! " may pagbabanta sa tinig ko. Hindi dapat sya nagpapakita ng galit sa harap ni Guilly.

" Bakit Aliyah? Hahayaan na lang ba natin yun? Sino ba sya? "

" Nakipag-batuhan nako ng salita sa kanila ni Onemig kanina. Sa mga sinabi ko, siguro naman tatantanan na nila ako. " malumanay ngunit mahahalatang may pagdaramdam pa rin ako sa nangyari.

" Oh eh wala man lang bang ginawa si Onemig? Ah wag mo ng sagutin, I'm sure hindi man lang nya pinigilan ang babaing yon! Masyado nyang binibigyan ng importansya kaya hayun lumalaki ang ulo! Daig pa ang may hydrocephalus! " hindi ako nakakibo sa sinabi ni Tin. Parang may pumipiga sa puso ko lalo na't ganon din talaga ang nakita ko kay Onemig kanina. Hindi man lang nya pinigilan si Monique na magsalita sa akin ng hindi maganda. Hindi na sya yung dating Onemig na pinoprotektahan ako. Samantalang ako, siya pa rin ang nakadambana sa puso ko hanggang ngayon.

" Tin tama na. Sa mga sinabi ko kanina sa kanila, sapat na yon para malaman ni Onemig ang saloobin ko. Kung hindi na ako yung binibigyan nya ng importansya ngayon, wala na akong magagawa dun. Talagang ganon, iniwan ko kasi sya nung panahong kailangan nya ako. Tanggap ko na yung galit nya sa akin dahil dun pero ibang usapan na pag si Guilly ang sangkot. Hindi ko hahayaang apihin ng kahit sino ang anak ko. "

———

SA loob ng ilang araw na dumaan sa opisina, pinipigilan ko ang sarili ko na magkaroon ng interaksyon kay Onemig o maging kay Monique man. Hindi ko na muli pang isinama si Guilly para hindi na lang sya masaktan ulit.

Alam ko na gusto akong kausapin ni Onemig. Madalas kasi sabihin ni daddy sa akin dahil nagpapaalam daw ito sa kanila na gusto akong makausap. Nakita ko rin yun nung minsang magkasalubong kami sa lobby ng floor namin. Nagkatitigan kami. Puno ng lungkot at pagsisisi ang nakita ko sa kanyang mga mata. Medyo naawa naman ako pero nung tangka na nyang ibubuka ang bibig nya para magsalita, mabilis akong umalis at iniwasan sya.

Hindi sa ayokong makarinig ng kahit ano mula sa kanya kundi ayokong mag- breakdown ako kapag nagkausap na kami. Ayokong makapag-bitiw ng masasakit na salita na alam kong hindi ko na mababawi kapag nasabi ko na. Kahit naman hindi maganda ang nangyayari sa pagitan naming dalawa ngayon, ayoko pa ring masaktan ko sya. Mahal ko siya at kailanman hindi na yon mabubura sa puso ko.

Ngunit nung dumating ang araw ng Sabado, hindi ko na naiwasan ang hangarin ni Onemig na makausap ako ng sarilinan.

Nagdidilig ako ng halaman nung dumating sya. Hindi ko nga napansin na nakapasok na sya ng bakuran dahil nakatalikod ako. Bigla na lang kasing nawala yung tubig sa host kaya lumingon ako para tingnan yung gripo. Nagulat ako ng makita ko syang nakatayo dun sa tabi ng gripo at sya pala ang nagpatay nung tubig.

Magpo-protesta na sana ako pero laking gulat ko ng higitin nya ako sa braso at hinila palabas ng bakuran namin.Pilit akong nagpupumiglas pero malakas sya sa akin kaya naisakay nya ako sa naka parada nyang kotse sa harap ng bahay  namin.

" Ano ba Onemig! Kidnapping to baka akala mo!" sa wakas natagpuan ko rin ang dila ko nung nakasakay na ako sa front seat at umaandar na ang sasakyan.

" Kidnapping? May nangingidnap ba na nagpapaalam sa pamilya ng kikidnapin?" tanong nya. Oo nga naman.

" Yun naman pala eh! Eh di sana dun na lang tayo sa amin kung gusto mo lang pala akong makausap. Bakit kailangang pwersahin mo pa ako ng ganito?"

" Bakit papayag ka ba? Ilang beses na akong nagpasabi sa mga magulang mo pero ayaw mo. Kaya masisisi mo ba ako kung gumawa na ako ng ganitong hakbang para makausap ka lang? " hindi ako nakakibo. Tama naman sya, umiiwas talaga ako na makausap sya.

Hinayaan ko na lang siya kung saan nya ako gustong dalhin. Siguro kailangan na naming mag-usap para matapos na. Hindi man kami magkabalikan atleast maayos ang lahat sa pagitan namin. Hindi na ako umaasa pa na babalik sya sa akin.

Makakapag-patawad ako pero yung relasyon namin bilang mag-asawa, ayoko ng umasa. Tutal hindi naman kami dito ikinasal, baka invalid na yon. Kaya nga nakapag-pakasal sya kay Monique. Pag-usapan na lang namin siguro kung paano ang magiging sitwasyon namin kay Guilly. Sabi ko nga hindi ko naman ipagdadamot sa kanya ang bata, ang problema nga lang, ayaw sa kanya ni Guilly.

Makalipas ang halos kalahating oras, humimpil sya sa isang lugar na puro puno lang ang makikita. Binukas nya ang pinto ng driver's seat at pinatay ang aircon ng sasakyan. Gayun din ang ginawa ko, ibinukas ko din ang pinto ng passengers seat at kampanteng umupo lang.

Nararamdaman kong nakatingin sya sa akin habang ako naman ay sa harap lang nakatuon ang pansin ko. Ayoko syang tingnan kasi baka hindi ko na naman sya matiis. Marupok pa naman ako.

Puro buntong hininga lang ang naririnig ko mula sa kanya. Hindi siguro alam kung paano mag-uumpisa. Nang matapos ang ilang minuto na hindi pa rin sya nagsasalita, napilitan akong harapin na sya upang magulat lang. Paano ba naman titig na titig sya sa akin na para bang iginuguhit nya ang mukha ko sa isip nya.

Nakaramdam ako ng pagka-asiwa sa paraan ng paninitig nya. Kaya medyo yumuko ako kasi naramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko. Ayokong makita nya na naaapektuhan pa rin ako sa kanya sa simpleng tingin pa lang.

After a long while, I decided to break the silence.

" Hindi ba galit ka sa akin? Bakit ngayon gusto mo na akong makausap?" kalmadong tanong ko.

" Sweetie I'm sorry." mahinang usal nya, puno ng sakit ang bawat kataga kaya napatingin akong bigla. I bit my lower lip, ayokong magsalita kasi parang may bumikig sa lalamunan ko. Parang ang sakit kasi. Pero kailangan na naming mag-usap. Its now or never.

" Sorry din kung iniwan kita noong panahon na kailangan mo ako. Sobra kasi akong nasaktan nung marinig ko kayong nag-uusap ni daddy, hindi ko na kinumpirma ang lahat. Gumawa ako ng mga bagay na hindi ko pinag-iisipan dahil lang nasaktan ako.Hindi kita masisisi kung nagalit ka sa akin." buong kapakumbabaan na turan ko.

" Yeah, that night. That night that seems like a nightmare to me. Hinanap kita para sabihin sana yung napagkasunduan namin ni tito Nhel but you were gone. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa sa paghahanap. Umuwi ako sa bahay natin sa Tagaytay pero wala ka. Then umuwi ako sa Quezon Ave. at doon ko nalaman na umalis daw kayo ni Tin sabi ni yaya Melba. I even hired a private investigator pero wala man lang nakuhang lead kung saan kayo pwedeng makita. For more than 3 years, hindi ako sumuko na maghanap pero nung dumating ka, nasaktan ako ng labis dahil kasama mo si Jam at may bata kayong dala. Can you imagine what I felt that day? Gusto kong magwala, gusto kong sumbatan ka pero anong magagawa ko kung sumuko ka na? Kahit na mali ang pagkakaintindi mo dun sa usapan namin ni tito Nhel, still nasaktan pa rin kita. " halos gumagaralgal na ang tinig nya habang nagsasalita. Bakas din sa mukha nya ang sakit sa pag-alala sa nakaraan.

Mabilis na kumalat sa sistema ko ang pait ng maalala ko rin yung mga pinagdaanan ko ng wala siya. Hindi ko man gustong maalala pero kailangan ko ring sabihin sa kanya ang lahat.

" Nung umuwi ako that day, gusto kong sorpresahin ka." bigla kong saad kaya napatingin sya at nagpatuloy ako nung makita kong naghihintay sya sa idudugtong ko. "Naisip ko na sa dami ng problema mo nung mga panahon na yon, kung maririnig mo yung balitang dala ko, kahit paano maiibsan yung dalahin mo. Pero ang lungkot mo nung makita kita. Gusto kitang damayan pero si daddy ang pinuntahan mo para kausapin. Medyo curious ako kaya kahit hindi dapat nakinig ako. Yun nga, sinabi mo na gising na si lola Marta kaya kailangan mong panindigan si Monique dahil sa batang dinadala nya. Sobrang sakit ng naramdaman ko nun lalo na nung pumayag si daddy dahil malaki ang utang na loob nya sa inyo. Hindi ko akalain na magagawa nyo sa akin yon. Habang nagsasakripisyo ka para kila Monique, nagsasakripisyo din ako. Nagtiis ako. Imagine, I was pregnant that time and my husband is in somebody else's side doing his  obligations. "

" Aliyah! " nabigla sya sa narinig.

" Yes, Onemig yun ang surprise ko sayo nung araw na yon. Buntis ako nung mga panahong wala ka sa tabi ko dahil nandito ka at nag-aalaga ng iba. Tiniis ko lahat ng hirap ng paglilihi na walang nakakaalam sa sitwasyon ko. Pero tinanggap kong lahat yon dahil dinadamayan kita sa sitwasyong nasuotan mo. Inunawa ko pati yung relasyon natin na nakatago. Lahat Onemig.Pero narinig ko yung usapan nyo ni daddy. Kaya naisip ko na rin na lumayo noon kahit nangako ako sayo na kahit anong mangyari mananatili ako sa tabi mo. Mali man ang pagkakaintindi ko sa usapan nyo, nasaktan kasi ako kaya hindi na ako nakapag-isip ng tama. I'm sorry. "

Humugot sya ng malalim na hinga bago ako hinila at kulungin sa mahigpit na yakap. Nakaramdam ako ng kaginhawahan ng madama ko ang init ng kanyang katawan. Mahigit tatlong taon akong nangulila sa mga yakap nya. Pero hindi pa man nagtatagal ay kumalas ako dahil sa may naalala.

" Hey! Why?" tanong nya dahil nabigla sya sa biglaan kong kilos.

" You're a married man. Ayokong maakusahan ako na nang-aagaw ng asawa ng iba." napangiti sya na ikinakunot naman ng noo ko.

" Yes, I'm a married man." sabi nya tapos natatawa pa rin sya.

" See? tapos may lakas ng loob ka pang yakapin ako. At ano ang nakakatawa Juan Miguel?"

" Nothing! Gusto mo pa bang malaman kung ano ang nangyari at pinag-usapan namin ng daddy mo nung gabing yon? " tanong nya.

" Ano kinalaman non kung bakit ka natatawa ngayon? "

" May connect. Malaki. " sabi nya.

" Sige makikinig ako. " at inumpisahan na nyang ikwento yung nangyaring pag-uusap nila ni daddy nung gabing yon.

FLASHBACK :

" Onemig naguguluhan ako dun sa text mo kanina. Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit hindi dapat malaman muna ni Aliyah ang pag-uusapan natin? " sabi ni tito Nhel.

" Tito Nhel I need your help. Gising na po si lola Marta at ang reason kung bakit siya malubhang inatake ay dahil nalaman nyang buntis si Monique. Walang maiturong ama sa pinagbubuntis nya kaya ako ang sinabi nyang nakabuntis sa kanya. Ngayong nagising si lola, gusto nyang pakasalan ko si Monique. "

" Ibig bang sabihin Onemig, hindi na matutuloy ang kasal nyo ni Aliyah? Paano ang anak ko? Ayokong masaktan siya? "

" Tito wag po kayong magagalit, pero kasal na po kami ni Aliyah sa France.Napagkasunduan namin na  isorpresa na lang kayo sa araw ng church wedding namin. Kaya hinihingi ko po ang tulong nyo kung paano ang gagawin ko ngayong pinipilit ako ni lola Marta na pakasalan si Monique. Kung hindi ko po gagawin yon baka humantong pa sa pangalawang atake ni lola na ayon sa doktor ay hindi na pwedeng maulit. Alam kong may kakilala kayo sa munisipyo na pwedeng lapitan. "

" Ang gusto mo bang mangyari, pakakasalan mo si Monique pero hindi irerehistro? "

" Yes tito because I'm already married to your daughter. Sa mata lang ni lola Marta kami kasal at kailangang pumayag si Monique sa kasunduang yon, tutal hindi naman sa akin yung bata. Bale ililigtas ko lang sya sa galit ni lola Marta at sa kahihiyan sa mga tao. "

" Sige kakausapin ko yung kaibigan ko sa munisipyo para sa gusto mong mangyari. Ipaalam mo na rin kila pareng Migs ang gagawin nating ito baka magka-problema pa kung hindi sila sumang-ayon at kay Aliyah na rin. "

" Tito ngayong gising na po si lola Marta, kailangan ko pong panindigan si Monique dahil sa batang dinadala nya. Kayo na po ang bahala kay Liyah hindi ko po kayang sabihin sa kanya dahil ayaw ko po na makitang nasasaktan sya,hindi na po matutuloy ang kasal namin. "

" Alright, ako na ang bahala sa lahat anak. Malaki ang utang na loob ko sayo at sa daddy mo, ako na ang bahala kay Liyah."

" Matapos lang po ito, pakakasalan ko pa rin naman po si Aliyah sa simbahan. Mahal na mahal ko siya at siya ang gusto kong makasama sa aking pagtanda. "

" Alright, tutulungan kita pero mas mabuting sabihin mo rin agad ito kay Aliyah para hindi naman sya masaktan. "

" Sige po tito, mabuti na rin sigurong kausapin ko sya para wala na tayong problemahin pa,maiiintindihan naman nya ako sigurado. "

" Yun ang buong kwento at sa takbo ng mga pangyayari mukhang hindi mo nga narinig lahat. " turan nya.

" You mean, you're not married to Monique and Travis is not your son? " tanong ko.

" Hindi. Kasi legally married ako kay Aliyah Neslein Mercado. Nung makuha ko yung marriage certificate natin from kuya Mark, pina-register ko na rin dito sa tulong din ng daddy mo. And Travis, he is not mine. " namangha ako sa sinabi nya. All this time iniisip ko na invalid yung kasal namin dahil sa ibang bansa kami ikinasal.

" Bakit ganoon umasta si Monique? Ipinamumukha pa nya sa akin na siya si Mrs. Arceo. At yung ginawa nya kay Guilly? parang siya ang may higit na karapatan sayo kaysa sa amin,yun naman pala hindi naman siya ang tunay. " malungkot syang tumingin sa akin matapos marinig ang sinabi ko.

" I'm sorry about that. Kahit alam nya kung ano ang totoo sa aming dalawa, iba ang inaasta nya. Hindi ko mapigilan dahil hanggang ngayon tinatakot pa rin nya ako na sasabihin nya ang totoo kay lola Marta kapag hindi ako umayon sa kanya."