Chapter 234 - Guilly

Aliyah's Point of View

YOU can't be strong all the time. Sometimes you just need to be alone and let your tears out. Yun ang ginawa ko matapos ang ilang minuto pagkalabas ni Onemig sa opisina ko. Nagkulong ako sa cr ng office ko at iniyak ko na lahat yung sakit ng loob ko. Akala ko nung nasa seminario kami, malakas na ako, matatag na. Para kay Tin at kay Guilly. Pero kapag nakita ko pala sya, nawawala na yung paninindigan ko, gumuguho sa isang iglap. Tunay nga na siya ang kahinaan ko, ang aking cryptonite.

Hindi ko akalain na sa pagbabalik ko ay ganun ang magiging trato ni Onemig sa akin. Ano ba ang nagawa ko para ganunin nya? Oo iniwan ko sya. At siya rin naman ang dahilan kung bakit ko nagawa yon kaya hindi naman siguro sapat na dahilan yon para makaranas ako ng ganung pagtrato mula sa kanya. Siya ang  higit na may kasalanan, pinakasalan nya si Monique dahil buntis ito. He cheated on me.

" Besh nakita kong galing si Onemig dito. Madilim ang itsura. Hindi nga ako pinansin ng masalubong ko, galing kasi ako ng cr. Nag-away ba kayo?" tanong ni Tin. May pag-aalala sa tinig nya.

" Hindi besh, ni hindi nga kami nagkikibuan habang pinipirmahan ko yung papeles na dala nya. Kaya ano inaarte-arte nya? "

" Wow taray! Eh bakit parang namamaga yang mata mo? " puna nya habang mataman akong tinitingnan sa mukha.

" Wala to besh. Parang hindi ka naman sanay sa akin. "

" Yun na nga eh.Tinitiis mo yang sakit gayong pwede mo naman syang kausapin para kahit paano magkaintindihan kayo. Mas makakagaan sa bigat na dinadala mo dyan sa puso mo. Malalaman mo pa kung anong inaarte-arte nya. Wala man mabago sa sitwasyon nyo ngayon atleast kahit paano magiging malaya ka sa sakit ng nakaraan. " turan ni Tin. Napatitig ako sa kanya. Madalas talaga siya ang eye opener ko. Yung tipong gusto ko ng pumikit para lang huwag ko ng makita ang katotohanan pero pilit nya akong idinidilat para harapin ko ito.

I heaved a sigh. Tama na naman sya. Pero hindi ganoon kadali yon kung si Onemig mismo ang mas galit sa aming dalawa. Hindi naman yata makatwiran na ako pa yung unang lumapit para makipag-usap sa kanya. Naniniwala pa rin ako na, if there's a will, there's a way.

Pagdating ng uwian, kila daddy naman kami nakisakay ni Tin. Sila lolo Franz kasi ay may dadaanan pa sa mall bago umuwi. Nami-miss na namin si Guilly kaya nagmamadali na kaming umuwi.

Pagdating sa may gate ng bahay namin, bumaba si Tin para buksan ang gate nang mapatingin naman ako sa unahan, sa bahay nila Onemig. Nakahimpil din doon ang kotse nya at halos sabay sila ni Monique na bumaba. May batang lalaki na sumalubong sa kanila na halos kasing age ni Guilly.

Napansin siguro ni daddy ang tinatanaw ko at ang pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita na sya.

" Uhm.. dyan na sila nakatira simula nung —-"

" That's enough dad hindi po ako interesado."

" Sweetie!" gulat na sambit ni mommy na nasa back seat. Tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

" Mommy nasasaktan po ako. Hanggang ngayon umaantak pa rin yung sugat na nilikha ni Onemig sa buong pagkatao ko. Unti-unti nya akong pinapatay sa sakit mom. Hindi pala ako ganun kalakas at katatag para tiisin ang lahat ng nakikita ko. Hindi ko na yata kaya mommy. Hindi na. " mabilis akong niyakap ni daddy dahil wala ng ampat sa pagtulo ang luha ko. Inabot ako ni mommy at panay naman ang himas sa likod ko.

" Anak kung hahayaan mo lang na magkausap kayo ni Onemig, kahit paano naman mawawala yang sakit  na nakatago sa puso mo. Marami kang hindi alam sa nangyari. Hindi mo narinig lahat—"

" You knew dad?" tanong ko.Tumango sya.

" Nakita ka ng lola Baby mo nung gabing yon. Kung sana hindi ka nagtangkang makinig o kung hinintay mo kaming magpaliwanag, hindi na sana umabot sa ganito ang lahat. " napatingin akong bigla kay daddy.Puno ng kalituhan ang isip ko sa sinabi nya. Ngunit ng mapagtanto ko ang ibig nyang sabihin lalo akong napaiyak.

" Dad you mean, mali ang desisyon kong lumayo? Hindi ba't ikakasal pa rin naman sila kahit nanatili ako?"

" Anak hindi kita sinisisi sa nangyari, naiintindihan ka namin dahil nasaktan ka. Oo, totoo yung ibang narinig mo pero mali ang pagkakaintindi mo. Ang mas mabuti siguro kayo ni Onemig ang mag-usap. Ayokong sa akin lahat manggaling ang dapat mong malaman. Mag-usap kayo anak. Hindi rin namin gusto na nakikita kang nasasaktan ng ganyan. Kung malalaman mo ang lahat, pareho kayong lalaya sa sakit ng nakaraan. " turan ni daddy.

Napatingin ako kay mommy. Tulad ni dad, yun din ang parang gusto nyang mangyari sa pakiwari ko. Sa mga tingin pa lang nya, alam na alam ko na.

I heaved a deep breath. Tama sila, this is between me and Onemig at kahit mga magulang ko sila it's not right for them to meddle with our problem. Ang problema ko pa ay kung paano ko kakausapin si Onemig. Galit sya sa akin at kung hindi ako ang kusang lalapit sa kanya para magkausap kami paano ko malalaman ang buong katotohanan na sinasabi nilang lahat?

Sa pagkakataong ito, muli ko na namang ibababa ang pride ko para sa kanya. Sa ikatatahimik ng puso kong nasaktan. Sa ikatatahimik naming dalawa. Hindi na nga mababago ang sitwasyon, but atleast makakagaan kahit paano kapag nag-usap kami.

Kailangan ko ng kumilos.. sunod-sunod na yung kalamidad na dumaan. Baka dumating pa yung big one ay hindi pa rin kami nakapag-usap. Galit man sya sa akin wala na akong pakialam basta ang sa akin lang ngayon marinig ko ang dapat kong marinig mula sa kanya. Namulat kasi ako sa mga sinabi ni daddy kanina. And as the scripture says, the truth will set you free.

Kinabukasan naging abala pa rin ako sa dami ng trabaho ko sa opisina. Halos mag skip na nga ako ng lunch para lang matugunan ko ang mga deadlines ng bawat department. Hindi tuloy ako makahanap ng tiyempo para makausap ko si Onemig.

Natapos ang linggo na hindi ko pa rin  nakikita si Onemig. Pasimple akong nagtanong sa mga tauhan nya na naiwan sa office at napag-alaman ko  na naroon pala sya sa Baguio, dun sa itinatayong branch ng Kabayan Resto,isa sa mga business ng FCG. Yun pala yung pinapirma nya sa akin nung isang araw.

Araw ng Sabado, nagpaalam si Guilly sa akin na gusto daw nyang pumunta kila tita Bless. Nagulat ako dahil hindi ko pa naman sya dinadala doon kahit minsan,simula nung bumalik kami. Kaya pinuntahan ko si mommy na kasalukuyang nagluluto sa kitchen.

" Mom kailan pa po nagsimulang pumunta-punta itong si Guilly doon kila tita Bless?" tanong ko kay mommy. Pinatay muna nya ang stove bago ako hinarap.

" Anak ang daddy mo ang madalas magsama kay Guilly doon kapag pinupuntahan nya ang tito Migs mo. Nawili yung bata dahil nakikipaglaro dun sa anak ni Monique na si Travis. " natulala ako sa sinabi ni mommy. Si Guilly nakikipaglaro dun sa anak ni Monique? Paano kung—?

" Mom, bakit nyo naman po hinahayaan si Guilly dun? Paano po kung—. "

" Aliyah kailan ka pa natutong mag-isip ng ganyan? Maganda ang pagtanggap ng mga tita Bless mo kay Guilly, magiliw sila sa bata. Wala kang dapat ipag-alala."

" Mom hindi naman po yun ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang, paano po kung makita ni Onemig na nakikipaglaro si Guilly dun sa anak nila ni Monique? Eh galit nga po yun sa akin. "

"  Anong kinalaman ni Guilly sa issue nyo? Isa pa alam naman nyang hindi totoo na anak nyo ni Jam si Guilly dahil higit kaninuman siya ang nakakaalam sa tunay na estado ni Jam at kung halimbawa man na totoo, hindi sya sa bata magagalit kundi sayo di ba? Anak hindi naman ganun kababaw si Onemig para patulan ang bata dahil lang galit sya sayo. "

" Mom sorry kung ganun ang naiisip ko. Ilang araw ko na kasing hindi nakikita si Onemig kaya hindi ko pa sya nakakausap. Kung dati ayaw ko syang kausapin ngayon naman sobra-sobra na ang kagustuhan ko na makausap sya. Ilang gabi na po akong hindi makatulog ng maayos sa kakaisip dun sa sinabi ni daddy nung isang araw. Napagtanto ko po mommy na kasalanan ko kung bakit kami nagkaganito ni Onemig. Kahit hindi ko pa naririnig ang katotohanan mula sa kanya, naintindihan ko na po yung pinanggagalingan ng galit nya. He told me before that whatever happens, I should stay but I didn't listen, I left him instead. Yung sakit na pinagdaanan ko, ako rin ang may gawa. Kaya kung nasasaktan man ako ngayon kapag nakikita ko sya na may kasama ng iba, deserve ko yon mom dahil sa pang-iiwan ko sa kanya. Kaya natatakot na rin po ako na mapalapit si Guilly sa kanila baka kasi kapag nalaman ni Onemig ang totoong pagkatao ni Guilly lalo syang magalit sa akin. " nakatingin si mommy sa akin na malungkot ang mga mata.

" Sweetie huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. Lahat ng bagay nangyayari dahil nakatakda itong mangyari. Hindi natin maiintindihan yung dahilan ng Diyos pero para sa ikabubuti ng lahat kaya Niya pinahihintulutan. Yung galit ni Onemig, pansamantala lang yan. Magiging maayos din kayo kapag nakapag-usap kayo. Trust me anak, yung nangyayari sa inyo ngayon, nangyari na sa amin ng daddy mo noon at mas matindi pa pero nalampasan namin dahil ibinigay namin sa Diyos ang lahat. Trust the Lord always and He will give you the desires of your heart. "

Matapos naming mag-usap ni mommy, nawala ang mga agam-agam ko. Gaya ng dati ipagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Ano man ang maging resulta alam kong iyon ang naayon sa kalooban Niya.

Si Tin ang naghatid kay Guilly sa bahay nila Onemig. Hanggang mamayang hapon na ito doon dahil gusto nila tita Blessie na doon na mag-lunch ang bata. Ako na lang ang susundo mamaya dahil may lakad na naman sila ni Gilbert after lunch. Hinahayaan na nila daddy si Tin dahil nasa tamang edad na naman ito at may stable na trabaho. Hindi naman din nagkulang ng respeto si Gilbert sa mga kapamilya namin dahil never naman nyang niyaya si Tin na lumabas ng hindi ipinapaalam kay lolo Franz at kay daddy. Dun pa lang nakuha na niya ang loob ng pamilyang kumupkop kay Tin.

Bandang 2pm ng makatanggap ako ng tawag mula kay tita Blessie.

" Liyah pasensya ka na anak. Ihahatid ko na muna si Guilly dyan, hindi ko mapatahan, iyak ng iyak."

" Po? ano po ba ang nangyari tita? Bakit po sya umiiyak?" nag-aalalang tanong ko.

" Diyan ko na lang sasabihin sayo." hindi na ako nakakibo dahil pinutol na nya ang tawag.

Pagkakita sa akin ni Guilly ay agad itong yumakap sa akin at tahimik na umiyak. Yung iyak na malalim ang pinanggagalingan. Bilang bata, hindi sya dapat umiiyak ng ganito,yung masakit na pag-iyak. Naaawa kong hinagod-hagod ang kanyang likod at paulit-ulit na hinalikan ang kanyang ulo. Naramdaman ko na kumalma naman sya sa ginawa ko.

" Tita ano po ba ang nangyari?" tanong ko kay tita Bless ng mailapag ko na si Guilly sa couch. Nakatulog kasi ito, marahil sa sobrang pag-iyak.

Tita Bless heaved a sigh before she speaks.

" Naglalaro sila ni Travis nung dumating si Onemig. Iniwanan siya ni Travis dahil sinalubong nito si Onemig, kinarga naman ito ni Onemig at binigay dito ang mga pasalubong niya. Masayang-masaya si Travis dahil maraming pasalubong sa kanya . Noon ko napansin na nakatingin pala itong si Guilly sa kanila at tahimik na umiiyak.Nilapitan ko at tinanong ko kung bakit, umiiling lang sya. Lumapit si Onemig at binigyan nya nung isa sa mga pasalubong nya pero tinanggihan lang ni Guilly. Sinabi nya, I want my papa. Medyo nairita si Onemig sa sinabi ni Guilly kaya sinagot sya ni Onemig ng " I can't give you what you want coz I don't know who the hell is your papa. "

" Tita?" nagtatanong na tingin ang ipinukol ko kay tita Blessie.

" I know Liyah, pinagalitan ko nga si Onemig dahil lalong umiyak si Guilly at hindi ko na mapatahan."

Mabilis akong kumilos at pinabantayan ko muna si Guilly kay lola Baby. Pupuntahan ko si Onemig at kakausapin ng magka-alaman na.

Kasunod ko si tita Blessie papunta sa kanila na hindi malaman kung ano ang gagawin sa akin. Pinipigilan nya ako dahil hindi raw ngayon ang tamang panahon na mag-usap kami ng anak nya.

" Anak kadarating lang nya baka mag-away lang kayo kung ngayon mo sya kakausapin. Pinagalitan ko naman na."

" Tita nakita nyo naman ang pag-iyak ni Guilly di ba? Hindi bale ng ako wag lang yung bata. Bata yun eh. Ang sakit nung iyak nya kanina na kahit kayo hindi nyo kayang makita. Don't worry hindi ko sya aawayin, kakausapin ko lang po sya. " nakakaunawang tumango lang si tita. Hinawakan nya ang aking kamay at sabay kaming naglakad papasok sa kanila.

Pagkapasok pa lang namin ni tita sa loob ay agad bumungad sa amin si Onemig at Travis na nakaupo sa couch. Napatingin sya sa akin pagkatapos ay kay tita. Kinuha ni tita Bless si Travis at iniwanan kaming dalawa ni Onemig dun sa living room.

Mahabang katahimikan muna ang namayani sa pagitan namin bago sya kumibo.

" What do you want?" walang gana nyang tanong.

" It's about Guilly. Sana hindi mo sya pinagsalitaan ng ganon, nasaktan yung bata. Kung galit ka sa akin, wag mo naman sanang iparamdam dun sa bata, wala syang kinalaman sa issue nating dalawa.Huwag si Guilly Onemig, wala kang alam."

" Ano ba ang mali sa sinabi ko? Totoo naman na hindi ko maibibigay sa kanya yung gusto nya dahil hindi ko naman talaga alam kung sino ang tatay nya. Hindi ko na kasalanan kung umiyak sya dahil nangungulila sya sa ama nya. Bakit hindi mo ba kasi ipakilala sa kanya yung tunay nyang ama? Natatakot ka ba na malaman ko na bunga sya ng pagtataksil mo sa akin? Kung hindi si Jam, sino ha Aliyah? " nabigla ako sa sinabi nya kaya nasampal ko sya. Nangilid ng mabilis ang luha sa aking mga mata pero pinigilan ko na huwag itong tuluyang bumagsak.

" Ano bang sinasabi mo? Wala kang alam kaya wala kang karapatang paratangan ako ng ganyan. Nandito ako dahil gusto kong magkaliwanagan na tayo pero ano itong ibinibintang mo sa akin? Ako pa ngayon ang nagtaksil gayong ikaw itong may anak dyan sa iba. Ikaw ang nagtaksil Onemig. Maliwanag naman di ba? Dito sila nakatira. Tapos ngayon paparatangan mo ako na nagtaksil sayo? Oo nagkamali ako na iniwan kita at pinagsisisihan ko yon. Deserve ko ang galit mo sa akin doon pero itong paratang mo sa akin ngayon, ibang usapan na, hindi ko ito matatanggap. I guess wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi ko na gustong malaman pa ang katotohanan sa nangyari noon. Wala na ring saysay dahil buo na sa isip mo na sa ating dalawa, ako yung nagtaksil. " mabilis na akong tumalikod at naglakad papunta sa pinto.

The tables have turned, yung ginawa nya ay sa akin naman nya ngayon ibinibintang. Kaya pala ganun na lang ang galit nya sa akin, bukod sa iniwan ko sya, iniisip pa nya na nagtaksil ako dahil sa dala kong bata pagbalik ko.

" Kung hindi ka nagtaksil Aliyah, sino si Guilly? " tanong nya kaya napapihit akong muli paharap sa kanya.

" Anak ko sya. "

" Kung gayon sino ang ama nya? " iritadong tanong nya, huminga naman ako ng malalim bago ako sumagot. Siguro ito na ang tamang panahon dahil siya na mismo ang nagtanong.

" Ang buong pangalan ni Guilly ay Julein Migueliyah. Ikaw na ang sumagot dyan sa tanong mo!" yun lang at mabilis na akong lumabas. Iniwan ko syang tulala.

Related Books

Popular novel hashtag