Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 232 - 3 Years Later

Chapter 232 - 3 Years Later

Aliyah's Point of View

LIFE is complex and full of uncertainties. Minsan kung kailan akala mo payapa at maayos na ang lahat saka naman darating ang hindi mo inaasahan.

Wala akong hinangad sa buhay ko kundi ang pagmamahalang katulad ng nakagisnan ko sa mga magulang ko. Ang daddy ko ang ideal na lalaki na gusto kong makatulad ng taong mamahalin ko, na nangyari rin naman. Ngunit....

" Waaahh, mama!" napakislot ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang munting tinig na yon. Napangiti ako ng malapad ng makita ko ang bulto nya na papasok sa aking opisina. Mabilis syang dinaluhan ni Tin.

" Ano na naman ba ang nangyari sa baby namin this time?" tanong ni Tin sa nagmamaktol na batang si Guilly.

" Eh kasi po mama si Monmon nitutukso na naman po nya ako. Wala daw po akong papa. Mama ano po ba yung papa?" napawi ang ngiti ko at nagkatinginan kami ni Tin.

" Anak hindi natin kailangan non.Mayroon ka namang mama at mommy di ba? Dalawa kaming nagla-love sayo kaya huwag mo na lang intindihin yun si Monmon. Okay baby? " tumango naman ang bata at masayang lumapit sa akin.

" What is it baby?" tanong ko. Inabot ko sya at iniupo sa lap ko.

" Mommy mayroon po bang papa sa mall? Bili mo na lang si Guilly. " she pouted her lips. Napatingin ako kay Tin at sabay kaming natawa. Nagtataka namang napatingala sa akin ang batang si Guilly.

" Baby wala kasing ganun sa mall. Hayaan mo papahanap tayo ng ganun sa mama mo. "

" Hoy bakit ako? " reklamo ni Tin.

" Oh eh bakit? alangan namang ako? Ikaw ang mama nya! " kontra ko.

" Ikaw naman ang mommy nya!" balik nya sa akin. Naguguluhang tumayo si Guilly at umalis sa kandungan ko. Mabilis na tumakbo patungo sa pintuan.

" Oy Guilly saan ka pupunta? " pigil ko.

" Eh mommy, dun na lang ako kay Fr. Ramon, ang gulo nyo ni mama eh. Papabili ako ng papa sa kanya kapag nagpunta sya sa bayan para hindi na ako nitutukso ni Monmon." hindi na ako nakahuma dahil mabilis na syang lumabas ng opisina ko.

Napabuntong hininga si Tin.Nagkatinginan kami. Tila marami syang gustong sabihin pero sa huli pinili na lang nyang manahimik at itinuloy ang naudlot na trabaho. Nararamdaman ko na may mga bagay syang gustong sabihin pero gaya ng dati, tumatahimik na lang sya.

Natahimik na rin ako. Ilang taon na nga ba ang lumipas simula nung mangyari ang gabing yun? Mahigit tatlong taon na. Tatlong taon na malayo kami ni Tin sa pamilya namin dahil sa nangyari nung gabing yon. Nung gabing magising na mula sa pagka-comatose si lola Marta.

Flashback:

Pinayagan ni tito Frank yung request ko na ilipat muna pansamantala si Onemig sa office sa Sto. Cristo para hindi na sya nahihirapan sa pagbyahe pauwi araw-araw para mabantayan si lola Marta. Nung una ay hindi nya nagustuhan ang ginawa ko dahil ayaw nya na hindi kami nagkikita araw-araw. Ngunit pinilit ko sya dahil nakikita ko na nahihirapan talaga sya kaya sa huli ay wala na syang nagawa kundi pumayag.

Hindi rin naman naging madali sa akin yung mga araw na lumilipas na hindi ko sya nakakasama kaya tuwing weekends ay umuuwi ako para magkasama lang kami.

Dalawang linggong ganoon ang sitwasyon namin hanggang isang weekends na pauwi ako ng Sto. Cristo , nagsabi si Tin na sasama syang umuwi.

Magkasama nga kami ni Tin na umuwi ng Sto. Cristo nung araw na yun dahil may usapan sila ni Gilbert na doon sila magse-celebrate ng monthsary nila.

Gabi na nung makarating kami sa bahay. Sakto naman na pagdating namin ay naroon na si Gilbert sa bahay. Nakapagpaalam na raw sya kila lolo Franz para sa date nila ni Tin.

Mabilis lang na gumayak si Tin pagkatapos ay umalis na sila ni Gilbert.

Ilang oras ng nakakaalis si Tin nung dumating naman si Onemig mula sa ospital. Bumaha ang tuwa sa puso ko nung makita ko sya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang tensyon sa kanya sa paraan ng pagyakap nya sa akin. Alam ko na nahihirapan sya sa sitwasyon nya pero buhay kasi ang nakasalalay kaya nagtitiis sya.

" I'm sorry baby." sambit nya habang panay ang halik sa ulo ko.

" Sorry for what?" naguguluhang tanong ko na napatingin sa kanya. Nakatitig lang sya sa akin at nasasalamin ko ang lungkot, pagkahapo at pangungulila sa paraan ng pagtitig nya. Inangat ko ang mga kamay ko at hinaplos ng marahan ang mukha nya.

" Please promise me that whatever happens you will stick with me." turan nya na hindi sinagot ang tanong ko.

" Bakit beb may problema ba?" kinakabahang tanong ko.

" Basta! I'll go ahead, I need to talk to your dad." binigyan lang nya ako ng mabilis na halik sa labi saka mabilis na kumalas sa akin at nagmamadaling pumunta sa study room. Nandoon na kasi si daddy at hinihintay sya.

Naiwan akong nakatulala sa nakapinid na pinto ng study room. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan nila ni daddy. Tila may mabigat na problema si Onemig na imbes na sa akin sabihin ay si daddy ang mas pinili nyang sabihan. Nararamdaman ko na mayroon nga. Sa tagal ba naming magkasama na halos araw-araw ay kami lang dalawa, kabisado ko na ang mga kilos nya.

Kinakabahan ako at hindi mapakali. Gusto kong malaman kung ano ang problema nya. Hindi naman yata maganda kung tatayo na lang ako at hihintayin syang magsabi ng kusa sa akin. Mag-asawa kami kaya dapat sa akin muna sya nagsasabi bago kung kanino pa man. Tumitindi tuloy ang hinala ko na baka may kinalaman ako sa problema nya. Kaya naman kahit labag sa kagandahang asal, lumapit ako sa pinto ng study room at pinakinggan ang pinag-uusapan nila ni dad.

" Tito ngayong gising na po si lola Marta, kailangan ko pong panindigan si Monique dahil sa batang dinadala nya. Kayo na po ang bahala kay Liyah hindi ko po kayang sabihin sa kanya dahil ayaw ko po na makitang nasasaktan sya,hindi na po matutuloy ang kasal namin. "

Napatda ako sa narinig. Si Monique buntis at pakakasalan nya ? kaya hindi matutuloy ang kasal namin? Paano nangyari yon? Ibig sabihin may nangyari na naman sa kanila kahit mag-asawa na kami?

Bigla akong nanghina sa nalaman. Tila punyal na sumasaksak sa puso ko ang bawat salita na narinig ko mula sa kanya. Hindi ko namamalayan na tigmak na pala ng luha ang pisngi ko. I felt betrayed. I felt cheated. All this time, may nangyayari na pala behind my back, ni hindi ako nakaramdam.

Matagal bago sumagot si daddy. Mas lalo akong nasaktan ng marinig ko syang sumagot.

" Alright, ako na ang bahala sa lahat anak. Malaki ang utang na loob ko sayo at sa daddy mo, ako na ang bahala kay Liyah."

What? Wala man lang kahit konting galit na mababakas sa tono ni daddy. Bakit ganon? Ako yung anak nya na hindi papakasalan tapos parang ayos lang sa kanya? Dahil lang sa utang na loob hahayaan nyang ako ang masaktan?

Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sarili kong ama parang hinayaan nyang maulit muli yung nangyari sa kanila ni mommy noon. Dahil lang sa utang na loob.

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na sama ng loob sa dalawang taong mahalaga sa akin. Kaya naman kahit tigmak sa luha, nagmamadali akong lumabas ng bahay. Nasalubong ko pa si lola Baby na puno ng pagtataka ang tingin dahil sa itsura ko. Tinangka nya akong kausapin pero mabilis akong nakalayo sa kanya.

Kinuha ko ang sasakyan ko sa garahe at mabilis na sumakay. Mabuti na lang at bukas ang gate dahil kakalabas lang ni Neiel.

Hindi pa ako nakakalayo nung bumaba naman si Tin mula sa sasakyan ni Gilbert. Walang salitang bumaba ako ng sasakyan ko at lumapit ako sa kanya.

Nagulat sya ng higitin ko sya sa braso at hinila papunta sa sasakyan ko. Napatda rin si Gilbert na hindi na nakapagsalita dahil sa gulat. Nang maayos ng nakasakay si Tin ay pinaharurot ko na ang kotse. Hindi ko na pinansin ang malakas na pagtawag ni Gilbert.

Kay Jam kami tumuloy ni Tin matapos ang gabing yon. Mabilis kaming nakapag book ng flight papunta sa Italy sa tulong ni Gen at Yuan na sa airlines nagtatrabaho. Halos isang taon kami doon sa Italy pagkatapos nung umuwi kami ng Pilipinas ay kasama na namin si Jam at dito na kami sa formation center tumira ni Tin kasama si Guilly. Inayos muna ni Jam ang lahat ng kailangan namin bago sya bumalik ng Italy.

Binigyan kami ni Fr. Ramon ng isang malaking kwarto sa likod ng seminaryo. Bilang kapalit, nagtrabaho ako sa opisina ng seminario bilang tagapamahala ng accounts nila at si Tin naman ang nag-aasikaso sa mga files at supplies ng mga batang inampon nila Father. May mga teachers din na nagtuturo kaya madalas sumasama si Guilly sa amin para makasama sa pag-aaral ng mga bata.

Hindi alam ng pamilya ko kung nasaan kami ni Tin. Gayun din si Onemig. Maging si Gilbert ay naghahanap na rin. Bago kasi mag deactivate si Tin ng mga social media accounts nya ay nabasa pa nya ang huling mensahe ni Gilbert sa kanya. Hinahanap nila kami. Hindi naman talaga nila kami mahahanap dahil hindi kami lumalabas ng formation center simula nung dumating kami. Doon lang sa loob umiikot ang buhay namin.

Alam ko na mahirap para kay Tin ang ginawa nyang pagtatago kay Gilbert pero mas pinili nyang tulungan ako sa nangyari sa akin kaysa ang manatili sya kay Gilbert. Hindi nya ako kayang iwan dahil magkapatid na raw kami. Gusto kasi ni lolo Franz na gawin ng legal ang pag-aampon nila mommy kay Tin. Ang alam ko nga may maliit na bahagi na rin si Tin sa last will ni lolo. Kaya kahit nasaan ako, dun sya dahil pamilya na kami.

Ayoko munang bumalik sa amin. Ayokong makita si Onemig na may kasama ng iba. Hindi ko alam kung kakayanin ko kahit boses lang nya ang marinig ko. Masyadong malalim ang sugat na dinulot nya sa akin. Mas masakit ito kaysa dun sa nauna naming paghihiwalay. Ikinasal kami sa France at nagsama sa isang bubong. Kaya mahirap para sa akin ang mag move on na lang ng basta-basta. Mahirap lumimot.

Masama rin ang loob ko kay daddy. Yung taong tinitingala at iniidolo ko ay kasali pa sa nanakit sa akin. Alam ko na nalulungkot sya sa nangyari. Dahil kung mayroon mang hindi nawalan ng komunikasyon sa amin ni Tin, si mommy yon. Palihim nga lang. Siya ang tinawagan ko nung magpalit kami ni Tin ng numero. Nakiusap ako na wag na lang syang magbanggit ng kahit na ano tungkol sa nangyari noon at sinunod naman nya dahil natatakot sya na baka putulin ko ang komunikasyon namin.. Hindi rin nya alam kung nasaan kami.

End of flashback:

" Besh lumalaki si Guilly na naghahanap na ng tatay. Minsan hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon." sabi ni Tin.

" Besh darating din tayo dyan pero hindi pa sa ngayon. In God's perfect time magkikita rin sila ng ama nya." sagot ko.

" Sana nga. Ang talino naman kasi, hindi nauubusan ng tanong. "

" Oo nga. Manang-mana sa atin. " napangiti si Tin.

" Syempre naman! " proud pa na sabi nya.

Biglang naputol ang masayang usapan namin ni Tin nang mag ring ang cellphone ko. Si mommy ang tumatawag.

" Yes mom! musta po? " masayang bungad ko.

" Liyah anak. " malungkot na sambit ni mommy. Bigla akong kinabahan. Ang lakas ng pintig ng puso ko. May kakaiba sa tono ng boses ni mommy na nagpakaba sa akin ng husto.

" Bakit po mommy may problema po ba? " tanong ko.

" Anak ang lolo Phil mo. " parang may bikig sa lalamunan si mommy na nagpapahirap sa pagsasalita nya. Lalo tuloy akong kinabahan. Si lolo Phil? jusko wag naman sana.

" Mommy ano po nangyari kay lolo Phil? Mommy please, kinakabahan na po ako." pagsamo ko. Napatingin na rin si Tin sa akin ng marinig ang pangalan ni lolo. Napadakot na rin sya sa dibdib nya at parang biglang nabalisa.

" Inatake sya sa puso nak. Wala na ang lolo mo. Umuwi na kayo ni Tin anak. " parang bombang sumabog sa harap ko ang mga salita ni mommy. Si lolo Phil. Wala na si lolo Phil. Sa sobrang panghihina ay napaupo na lang ako sa couch. Kinuha ni Tin ang phone ko at sya na ang kumausap kay mommy.

Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Para akong robot na kumikilos habang nagpapaalam kay Fr. Ramon. Itinawag ko kay Jam ang nangyari at noon din ay agad syang nag book ng flight pauwi ng Pilipinas. Hinintay na namin ang pagdating ni Jam bago kami umuwi ni Tin ng Sto. Cristo para magkakasama na kami.

Sinundo na lang namin si Jam sa airport para doon na kami manggaling pauwi ng Sto. Cristo. Salitan na lang kami ni Tin sa pagmamaneho para makapagpahinga si Jam habang bumibyahe kami.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng makarating kami. Sa bahay nila lolo Phil kami humimpil. Maraming tao sa labas at maliwanag ang ilaw. Sa harap ng bakod ay ang tarpaulin ni lolo. Talagang wala na sya.

Mabilis akong bumaba. Sumunod si Tin sa akin at sa likod naman nya ay si Jam karga si Guilly. Nakatingin sa amin ang mga tao sa labas. Pagpasok ko ay agad akong tumakbo sa kinalulugaran ng kabaong ni lolo at walang habas na nanangis. Tinatangisan ko ang mga nagdaang taon na hindi ko nakasama si lolo. Ni hindi kami nagkausap man lang bago sya namatay.

" Anak!" napalingon agad ako ng marinig ko ang pamilyar na tinig. Nakita ko si daddy na punong-puno ng lungkot at pangungulila ang mga mata. Hindi ko na inalintana ang sama ng loob ko sa kanya sa nagdaang taon, palundag akong yumakap ng mahigpit sa kanya at umiyak sa kanyang balikat.

" Daddy I'm sorry. I'm really, really sorry po."

" Shh. Hush now sweetie. Wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang inaakala mong tama. Ako ang dapat mag sorry anak. I'm sorry." madamdaming wika ni daddy. Hindi ako makasagot dahil sumasakit na ang lalamunan ko kakaiyak. Niyakap ko na lang sya ng mahigpit para iparating sa kanya na ayos lang ako.

Iniupo ako ni dad sa couch na naroon. Umalis sya saglit upang tawagin sila lola Paz at mommy na nasa kusina. Si lola Bining daw ay nasa kwarto at nagpapahinga. Pinagpahinga daw ni daddy dahil kagabi pa nakabantay kay lolo.

Paglabas nila mommy ay nag-iyakan na naman kami. Pati si Tin ay mahigpit nilang niyakap at iyak din ng iyak. Hindi na namin naalala si Jam at Guilly na nakaupo lang sa isang sulok.

Nang mapansin sila ni daddy ay agad naman nya silang nilapitan upang estimahin. Nagtataka namang napatingin si lola Paz at mommy kay Guilly. Sabay pa silang napatingin sa aming dalawa ni Tin.

" Sino yung batang kasama ni Jam?" si mommy ang malakas ang loob na nagtanong.

Nagkatinginan kami ni Tin. Tila naghihilian pa kami kung sino ang magsasalita sa aming dalawa. Sa huli ay ipinasya kong ako na lang ang sasagot sa tanong.

" Si Guilly po, anak namin . " nagulat sila sa sagot ko gayun din ang kapapasok na si Gilbert at Onemig kasama si Monique.

Madilim ang tinging ipinukol sa akin ni Onemig bago mabilis na tumalikod at nag walk out.