Aliyah's Point of View
IN marriage, it is not enough that you get married because you're in love with each other. Kapag naroon na kayo at nagsasama, doon mo mapagtatanto na kaya mo pinakasalan ang taong ito dahil hindi mo lang ito mahal kundi gusto mo rin syang maging lakas mo at ikaw sa kanya.
May kanya-kanya kaming kahinaan ni Onemig, pero sa tuwing magkasama kami, nawawala iyon, nagiging kalakasan na. Importante rin yung pareho kayong may matinding pananalig sa Diyos. Yung mga bagay na hindi nyo kaya ay nagiging madali kung ipinagkakatiwala ninyo ito sa Kanya.
Faith and trust are the strongest foundation in marriage. Faith and trust. To the One up there and to the person whom you share your life with.
" Hey baby, how's your day?" salubong ni Onemig sa akin sa entrada pa lang ng pinto. Kadarating ko lang galing sa work. Mas nauuna kasi syang makauwi sa akin dahil nasa Cavite lang din yung site.
" I'm tired but I'm fine now, nakita na kasi kita." may ngiti sa labing niyakap nya ako at hinalikan sa sentido. I hugged him back and inhaled his scent. Pakiramdam ko lahat ng pagod ko sa maghapon ay naglaho na lang bigla.
" Kinilig naman ako sa sinabi mo Mrs. Arceo. In return, pinagluto kita ng favorite mong breaded pork chop."
" Hahaha. Yun lang naman ang kaya mong lutuin among my favorites, prito lang kasi. Anyway, thank you beb sa effort."
" Sus. Ikaw na magaling magluto. Hayaan mo pag-aaralan kong lutuin lahat ng favorite mo. "
" No need beb. Trabaho ko yan at ako dapat ang gumagawa nyan, hindi ikaw. I'm fine with your cooking skills, no need to impress me more. For me, you're perfect."
" Really? " namumungay ang mga matang tanong nya.
" Uh huh! Ay---" nagulat ako ng bigla nya akong buhatin at dalhin sa bathroom ng kwarto namin.
" Beb ano ba! mababasa damit ko. " reklamo ko pero natigil ako ng bigla nyang tanggalin isa-isa ang suot ko.
" Huwag mo kasi akong pinapakilig ng ganun baby. " turan nya habang hinuhubaran ako. Sabi ko na eh. Ganyan yan pag kinilig, kasali pati si junjun, parang karburador na nag-iinit din.
At ng matapos sa ginagawa ay binuhat muli ako at marahang inilapag sa bath tub na may maligagam na tubig.
Medyo na-relax naman ako dahil sa dampi ng maligamgam na tubig sa katawan ko . Ilang sandali lang ay kasalo ko na rin sya sa bath tub.
Jusko! alam ko na ang kasunod nito. At tiyak na tiyak yung pagkain namin sa dinner ay iinitin na lang namin pagkatapos nito.
Si Onemig pa!
Kinabukasan nagising ako na masakit na naman ang buong katawan ko. Hindi ba naman ako tinantanan eh. Matapos sa bathroom ay umulit ulit ng ilang beses sa kama bago kami kumain ng dinner. After ng dinner, hayun sumige na naman ang maharot kong asawa, at ito na yata ang pinaka intense sa mga love makings namin. Ang resulta, heto tanghali na ako nagising at wala na ang asawa ko sa tabi ko.
Pumunta ako sa bathroom at mabilis na nag-shower. Medyo napawi ang sakit ng katawan ko at nawala ang antok ko. Bumaba na ako nang matapos magbihis.
Dinatnan ko sa kusina si Onemig na nagluluto. Sobrang engrossed sya sa ginagawa kaya hindi nya namamalayan na nasa likod nya ako. Pinagmamasdan ko sya at medyo nag-init ang mukha ko dahil naka boxer shorts lang sya at apron.
Juskong katawan yan!
Pwede talaga sya sa runway katulad ni daddy. Minsan, pinapasalamatan ko talaga si God na ginawa Niya si Onemig, mukhang nag-effort at ginanahan kasi Siya when He created him, ang ganda ng kinalabasan.
Tumikhim ako kaya napaharap sya kaagad. Ngumiti sya sa akin ng malapad. Ngiti pa lang nya parang nakapag-breakfast na ako ng bongga.
Hay talaga naman! Kailan ba ako masasanay?
" Morning baby! Gutom ka na ba? Sandali na lang ito."
" Bakit ikaw na naman gumagawa nyan? Wala naman tayong work ngayon kaya sana ginising mo na lang ako." sabi ko. Saturday na kasi at wala rin syang out of town appointment kaya ang araw na ito ay isa lang sa madalang naming free time together .
" Pinagod kita baby kaya hinayaan na lang kitang magpahinga muna." ngising-ngisi pa ang damuho samantalang namula naman ako sa sinabi nya.
Sitting at the dining table, I shook my head. Kailangan ko talagang masanay sa mga sinasabi nya at siguro medyo babawasan ko ang pagpapakilig sa kanya, I'm afraid that 9 out of 10 times we would end up to bed.
He seems to be reading my thoughts . He took a deep breath and stared at me.
" Sorry baby nawalan ako ng control kagabi, napagod tuloy kita ng husto. Hindi na mauulit yung ganon, promise."
Tinaasan ko sya ng kilay.
" Talaga ba? Maniwala ako sayo!" bumunghalit sya ng tawa. Ang saya ng damuho. Naka-score kasi ng husto kagabi.
" You know that I can't resist you. I'm uncontrollably in love with you. And your moans are music to my ears, nawawalan tuloy ako ng control." lalo tuloy akong namula sa sinabi nya. Kasalanan ko pa talaga kung irresistible ako?
I sighed. I admit that I also didn't have the confidence that I'd be able to control myself when we're intimate. Sa mga paraan kasi nya, nagagawa nyang ilabas ang natatagong wild side sa pagkatao ko.
We spent the whole afternoon in cleaning our house. We also do the laundry together. Masaya kaming pareho at hindi namin nararamdaman ang pagod. Ganoon naman palagi basta magkasama kami.
With someone you love the most by your side, the world is such a better place.
Lumabas kami nung dinner na. Doon kami kumain sa restaurant kung saan sya nag proposed noon sa akin.Kilala na kami ng mga staff dito at isang tawag lang ni Onemig ay ready na ang lahat sa table namin as soon as we arrived.
Naglakad-lakad kami sa loob ng Skyranch matapos ang dinner. Medyo maraming tao ang naroon dahil papaumpisa na naman ang summer vacation.
" Beb, mag-CR lang ako, wait mo na lang ako dito." paalam ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan naming concrete bench pero hinila nya ako.
" No. Sasamahan kita. Maraming tao baka kung mapaano ka pa." sabi nya tapos pinagsalikop nya ang kamay namin at pumunta na ng CR.
Medyo mahaba ang pila sa CR. Pang lima siguro ako sa pila tapos si Onemig, doon tumayo sa may gilid para hintayin ako. Panay ang sulyap sa kanya nung mga babae sa pila, may napadaan pa nga na grupo ng mga teenagers na napasinghap pa nung makita sya.
May nabiktima na naman.
Hindi ko na lang pinapansin ang mga ganong klase ng pagpapakita ng interes sa kanya. I can't do anything about that. Gwapo talaga sya kahit saang anggulo mo tingnan. Matangkad at maganda ang katawan. Ang lakas ng appeal. Idagdag pa yung mga dimples nya na lalong nakaka-attract sa mga babae.
Kapag magkasama kami, madalas akong nakakatanggap ng death glares sa mga nakakasalubong namin. Parang kasalanan ko pa na ako ang kasama nya. Sa klase ng tingin nila parang ako ang dahilan ng climate change at pagtaas ng bilihin.
Tsk. Talaga naman.
Nang sa wakas ay ako na ang pumasok sa CR. Medyo natagalan ako kasi ang dami kong inihi. Bottomless ice tea kasi yung inorder ko kanina.
Paglabas ko ay agad na tumama ang tingin ko sa asawa ko. Medyo nayamot ako ng konti kasi kaninang pumasok ako ng cr mag-isa lang sya dun sa spot na kinatatayuan nya, ngayon napapalibutan na sya nung mga teenagers kanina. Apat sila. In fairness, mukhang mga anak mayaman at magaganda sila.
Yung itsura naman ni Onemig ay parang asiwang-asiwa. Hindi muna ako lumapit, tumayo lang ako dun sa gilid. Hindi nya ako nakikita kasi natatakpan ako nung isang girl.
" Wala ka naman yatang kasama eh. Sumama ka na lang sa amin, tiyak na mag-eenjoy ka." dinig kong sabi nung isa na may mahabang hair.
" Oo nga pogi, game kami sa lahat ng bagay." sabi naman nung matangkad na blonde na tila may nais pang ipahiwatig. Mukhang may pagka-wild pa yata ang isang to.
" Sorry girls, I'm with my wife. She's just inside. " sagot ni Onemig habang itinuturo ang CR.
" Ows! may wife ka na? hindi halata ah." sabi ulit nung blonde na may pahawak hawak pa sa braso ni Onemig. Feeling close!
Hindi na ako nakatiis kaya lumapit na ako. Baka kung ano pa ang hawakan nila sa asawa ko, at mapaaway pa ako. Ang akin ay akin. Period.
Namamanghang napatingin naman sa akin yung apat.
" Beb halika na. I'm done." untag ko tapos hinawakan ko na sya sa kamay. Hindi ko pinansin yung apat na hitad.
" See girls? I'm telling you the truth. Sige maiwan na namin kayo. "paalam ni Onemig. Isa man sa mga babae ay walang nakakibo. May bakas ng panghihinayang ang nakita ko sa mga mata nila.
Hindi ako kumikibo habang naglalakad kami pauwi. Hindi rin naman sya nagtangkang kausapin ako dahil binibigyan siguro nya ako ng time para ma-relax.
Nung nasa loob na kami ng bahay namin ay saka ako nagsalita.
" Bangis mo talaga. Saglit lang akong nawala may nakasalisi na agad! " there is a bit of annoyance in my tone.
" Hey! are you mad?" tanong nya na may pagkagulat dahil sa tono ko.
" What? No!" kaila ko. Pero sa totoo lang kahit ako hindi ko alam kung bakit parang naiinis ako.
" Weh di nga? kilala kita baby. Hayan at lumalaki butas ng ilong mo. Selos ka noh? " pang-aasar pa nya.
" Tss! " sabay irap sa kanya.
" Haay, Mrs. Arceo, wala ka pong dapat ipagselos. Mga bata yon. Sayong-sayo lang ako. From head to toe and every fiber of my human being is yours. Legally yours." he said as he pulled me into a hug and kiss my temple.
Muli ko syang tinaasan ng kilay. Pero hindi na ako nakipag-talo pa. He's right. He is mine for a very long time. Even when we broke up before and he's with anyone else, his heart still belongs to me. He knew that if it wasn't me, it wouldn't work with anyone else.
Kaya ano ang inaarte mo ngayon?
Oo nga bakit nga ba ako biglang nainis?
Without a word, I turned my body to him, hooked my arms around his neck and pulled him in for a kiss. I gently savored the softness of his lips.
Medyo nagulat sya nung una pero bumigay din pagkatapos. Minsan pakipot lang to eh.
" Hmm.. mukhang may gusto kang mangyari ha baby? What is it?" he teased after that passionate kiss we had just shared.
" Wala noh!"
" Sus halika na maligo na tayo. Pagbibigyan na kita." nakangisi nyang untag sa akin. Hinila na nya ako papunta sa silid namin.
" Heh! para-paraan ka kamo. Ako pa talaga dinadahilan mo." humalakhak lang sya at isinagawa na ang kanyang maitim na balak.
Araw ng linggo. Maaga kaming gumising para umattend ng worship service. Ito ang bagay na hindi namin nalilimutan gawin ni Onemig na magkasama kahit noon pa. Bukod sa iminulat ng pamilya, natutunan din namin ito noong bata pa kami sa Bible study na pinupuntahan namin. Sunday worship is not an obligation, it's a must for us Christians to worship God. Kapag inisip natin na obligasyon ito, nawawala na yung essence ng tunay na pagsamba. Dapat ginagawa natin ito dahil yun ang dikta ng puso natin dahil sa pagmamahal natin kay God at pagdakila sa Kanyang kabanalan. Hindi dahil sa obligasyon.
After namin sa church ay doon na kami sa resto nag lunch. Then umuwi na kami sa bahay para makapag-pahinga dahil may pasok na kami kinabukasan.
Bandang hapon nung makatangap si Onemig ng hindi inaasahang tawag. Nasa garden kami nun at katatapos lang magdilig ng halaman.
Sinagot nya ito at inilagay sa loud speaker para marinig ko. Si tito Migs ang nasa kabilang linya.
" Hello dad, napatawag po kayo?"
" Anak pwede ba kayong umuwi ni Liyah ngayon dito?" may bakas ng pag-aalala yung boses ni tito kaya parang binundol ng kaba ang dibdib ko.
" Dad bakit po? May nangyari po ba?" si Onemig na medyo nanginginig na rin yung boses nya.
" Tumawag si Monique kanina, si lola Marta inatake, isinugod namin sya sa ospital. Nandito kami ngayon ng mommy mo."
" Kumusta na sya dad?"
" Comatose sya anak. Hindi pa alam kung kailan sya gigising." sagot ni tito, he hung up matapos sabihin ni Onemig na uuwi kami.
Nagkatinginan kami ni Onemig. Tumango ako tapos mabilis na kaming nag-ayos para umuwi na ng Sto. Cristo.
Medyo papadilim na nung makarating kami. Hinatid lang nya ako sa bahay namin tapos nag-usap lang sila saglit nila daddy pagkatapos umalis na sya para pumunta ng ospital.
Malalim na ang gabi hindi pa rin ako makatulog. Gusto kong tawagan si Onemig pero nag-aalangan ako kasi alam kong nandoon si Monique. Iniisip ko rin na baka marami syang inaasikaso dun kaya hindi nya ako matawagan.
Bandang 10pm na nung tumawag si Onemig . Humingi sya ng pasensya dahil mag-isa lang syang nag-aasikaso dun sa ospital. Umuwi na daw kasi sila tito Migs at isinabay na si Monique.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nung malaman kong wala doon si Monique. Siguro sinadya nila tita Bless na isabay na sya para hindi sila magkasarilinan ni Onemig.
The next morning, umuwi si Onemig. Pagod na pagod ang itsura nya kaya pinagpahinga ko muna sya bago kami bumiyahe paluwas ng Manila. Tinawagan ko na lang si tito Frank at sinabi ko yung nangyari kaya tatanghaliin kami ni Onemig ng pasok sa trabaho.
Ilang araw na ganoon ang sitwasyon namin. After ng work ay umuuwi sya ng Sto. Cristo at ako naman ay sa bahay namin sa Quezon Ave. umuuwi dahil wala akong kasama sa bahay namin sa Tagaytay.
Naaawa na ako kay Onemig. Alam kong napapagod sya pero hindi lang nya pinapahalata. Minsan nasabi ko na magpahinga muna sya pero ang lagi nyang sinasagot ay walang ibang mag-asikaso kay lola Marta at hindi sya mapapakali hanggat hindi nya nakikitang bumubuti ang kalagayan nito.
Kapag ganoon na ang sagot nya ay hindi na lang ako kikibo. Alam ko naman na bukod sa sarili nyang lola, si lola Guelay, mahal din nya si lola Marta. Magiliw at maasikaso na kasi ito noon pa man sa kanya kahit na nung nabubuhay pa ang apo nito na kaibigan nya. At nung mamatay ang apo, lalo ng napalapit si lola Marta sa kanya. Siya na ang ipinalit para maibsan ang pangungulila nito sa apong namatay. Kaya kung nagpapakapagod man sya ngayon, hindi lang dahil sa nakaatang na obligasyon kundi yun ay dahil mahal niya si lola Marta at nagmamalasakit sya dito.
Isang linggo na ang lumipas ay hindi pa rin gumigising si lola Marta,nasa state of coma pa rin ito.Kaya ang sitwasyon namin ni Onemig ay ganoon pa rin. Mas nag-aalala ako dahil parang namamayat na sya. Marahil sa byahe nya araw-araw pauwi ng Sto. Cristo. Kaya nung pagkahatid nya sa akin sa bahay ay hindi na ako nakatiis na kausapin sya.
" Beb bakit hindi ka magpaalam kay tito Frank na ilipat ka na muna ng Sto. Cristo pansamantala? Para hindi ka na bumibyahe araw-araw. Namamayat ka na oh." Malungkot nya akong tiningnan. Tila ba labag sa loob nya ang mungkahi ko.
" Baby ayos lang ako. Mas mahihirapan ako kung hindi kita makikita araw-araw. Don't worry, kaya ko to. " tugon nya sabay yakap sa akin ng mahigpit. I hugged him back. We stayed in the couch hugging each other for I don't know how long. Sobrang missed na namin ang isa't isa.
Kumilos ako at hinawakan ko sya sa mukha. Nakatitig lang sya sa akin habang hinahagod ng mga daliri ko ang buhok nya. Gusto kong maiyak habang nakatingin sya sa akin ng may pangungulila. Alam ko kung gaano sya nahihirapan sa nangyayari pero wala naman akong magagawa kundi ang magtiis at umunawa.
Malalim na ang gabi nung bumiyahe sya pauwi ng Sto. Cristo. Dahil sa sobrang pangungulila sa isa't isa ay nauwi kami sa aking silid. Sinulit ni Onemig yung ilang oras para ipadama sa akin yung pagmamahal at pangungulila nya. The most intense love making we ever had. He really did his best just to prove how much he love me. I am happy, of course. I missed him so much. I missed us.
Pero ang kasiyahang naramdaman ko nung gabing yon ay dagling napawi nung araw na magising na si lola Marta.