Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 227 - Paris, France

Chapter 227 - Paris, France

Aliyah's Point of View

LOVE is about what you feel to the one who give you space in his life and make you special. Yun si Onemig. Ganoon ako para kay Onemig. Ngayon na kami lang dalawa ang nandito sa banyagang lugar na ito, mas lalo kong naramdaman yung pagiging special ko sa kanya. Yun bang tipo na pati lalakaran ko kulang na lang walisan nya. Ganern.

Hindi ko mapigilan na kiligin at the same time matawa na rin sa sobrang pag-aalaga nya sa akin. Nung tanungin ko kung bakit, ang sabi nya hayaan ko na lang daw sya dahil gusto nyang bumawi dun sa mga panahong wala sya sa buhay ko. Hinahayaan ko naman.

Sa totoo lang, ang sarap sa feeling nung ramdam mo kung gaano ka kamahal ng taong pinag-uukulan mo rin ng pagmamahal. Yung pareho nyong ipinapakita at ipinadadama sa isat-isa yung pagmamahal nyo para kung dumating man yung pagkakataon na magkalayo kayo, na huwag naman sana eh walang regrets na mararamdaman.

Sobrang attached na kami ni Onemig sa isa't isa. Hindi naging hadlang yung mahigit tatlong taon naming paghihiwalay para hindi kami bumalik dun sa dating closeness namin. Siguro dahil hindi naman kami parehong nagtanim ng galit sa puso namin dun sa nangyari noon.

" Good morning baby! breakfast is ready." nauulinigan ko yung boses ni Onemig. Parang hindi ko maidilat yung mga mata ko, inaantok pa kasi ako. Naramdaman ko na lang yung magagaang na halik sa buong mukha ko. Hayan na naman sya, sa tuwing magigising ako sa umaga ganyan ang eksena naming dalawa, mahihiya nga ang sino mang celebrity love team sa aming dalawa sa sobrang sweet nitong fiance ko.

" Good morning beb! Ang daya mo hindi mo ako ginising, ako sana ang magluluto ng breakfast natin ngayon." sabi ko habang inaalalayan naman nya akong bumangon mula sa kama. Sumaglit muna ako ng bathroom na nasa isang panig lang ng silid upang mag-toothbrush at maghilamos. Sinundan nya ako hanggang doon sa may pinto. Sumandal sya sa may hamba habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko.

" Wala kang gagawin ngayon. Its your day and I want you to enjoy every minute of it. Let me handle everything. Just relax, ok? Happy birthday baby. " he said then he hugged me from the back and kiss my temple.

" Thank you beb. Ano na naman kaya ang mga pasabog mo ngayon? Minsan ayoko na lang magtanong, hindi ka naman kasi nauubusan ng surprises. " sabi ko ng matapos ako sa ginagawa.

" Hahaha.. ayaw mo ba na sinu-surprise kita, ha baby? " malambing ang boses nya na nagtanong sa akin. Humarap ako sa kanya saka ko ipinulupot yung braso ko sa bewang nya.

" Hindi naman sa ganon, ayoko lang na mamihasa. Paano kapag nakalimutan mo tapos ako naman madi-disappoint ako kasi syempre expected ko na. " sabi ko.

" Okay , got your point." sabi nya then he kissed my cheek.

" Hindi mo na ako isu-surprise?"

" No. sabi ko nakuha ko yung punto mo pero hindi ko sinabing titigil ako sa pagsu-surprise sayo. " may ngiti sa labi nya habang nagsasalita.

" Ihhh, bahala ka na nga! kahit naman ano ang sabihin ko, yung kakulitan mo pa rin ang mananaig. " medyo natatawa kong turan.

" Hayaan mo na lang kasi ako sa ginagawa ko baby, masaya ako na napapasaya kita sa mga surprises ko. No amount of money can buy that happiness I see in your face whenever you are surprised. Nakakaramdam ako ng satisfaction, ng contentment. Basta iba yung feeling kapag nakikita kita na nakangiti at masaya. Parang dinaig pa yung orgasm. " nanlaki yung mata ko sa huling tinuran nya.

" Beb! yang bibig mo nga! spg na yan! "

" Sweetie, we are engaged. Tayong dalawa lang ang nag-uusap dito. Magiging wife na kita, so natural lang na hindi na tayo dapat nahihiya sa isa't isa. And besides hindi na tayo teen ager para sa strong parental guidance na yan."

" Hoy beb kahit na. Inexperience ako baka nakakalimutan mo. " sabay irap ko sa kanya.

" Okay, sorry na po my naive and virgin fiancee.Tara na at baka naiinip na si kuya Mark dun sa dining area. Baka isipin nun nag chuk tsak chenes na tayo. " pilyong wika nya.

" Beb bakit ka ba ganyan ngayon magsalita? Naiinip ka na ba?" lakas loob kong tanong. Syempre lalaki sya at may needs sya. Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang pagpipigil nya lalo't magkatabi kaming natutulog.

" Naiinip saan?" hindi na itinago ang pilyong ngiti na sumilay sa labi nya.

" Doon. " tipid kong tugon. Hindi ko mabanggit yung salita at parang aliw na aliw naman sya sa paghihirap ko.

" Saan doon? Baby linawin mo nga, ang gulo mong kausap ah."

" Sus! tara na nga. Puro ka kalokohan. Mababaliw ako sayo!" untag ko sa kanya. Hinigit ko sya sa braso para makalabas na kami ng tuluyan dun sa kwarto.

" Talaga baby, mababaliw ka talaga kapag naiparanas ko na sayo yung sinasabi mong doon. Hindi kita tatantanan--aray ko! " hindi nya natuloy yung sinasabi nya dahil kinurot ko na sya sa tagiliran.

" Isa, Juan Miguel kapag hindi ka pa tumigil dyan, ikaw ang hindi ko tatantanan ng kurot. " nakatingin lang sya sa akin na may pilyong ngisi sa labi.

" Ayos lang. Alam ko na higit pa sa kurot ang mararanasan ko sayo kapag----uhm. kakagigil ka baby." kinurot nya yung magkabilang pisngi ko tapos ginawaran ako ng mariing halik sa labi. Pinandilatan ko naman sya ng mata.

" Hoy anyare sa inyong dalawa? Kanina ko pa kayo naririnig na nagtatalo dyan. " tanong ni kuya Mark nung nasa dining area na kami, tila naiinip na nga sa amin.

" Good morning kuya. Ah wala naman itong kapatid mo may sapi lang naman. Wow!" hindi ko napigilang isatinig ang pagkamangha ng makita ko ang mga nakahanda sa hapag. Ang daming pagkain at may pa-cake pa si engineer. Na-surprised na naman nya ako.

" Aw, thank you beb. Kahit alam ko na isu-surprise mo ako, na-surprise pa rin ako. Ang galing mo talaga." sabi ko sabay yakap sa kanya. Niyakap din nya ako at hinalikan sa ulo.

" Hay respeto naman po sa walang partner dito. Mabuti pa Liyah mag- wish ka na at i - blow mo na yang candle sa cake mo. " si kuya Mark.

Imbes na mag-wish ay nagpasalamat na lang ako sa Lord sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Good or bad situations hindi tayo dapat nakakalimot magpasalamat sa Diyos. Yun lang magising ka sa umaga

kada araw ay isang malaking blessing na yon mula sa Kanya.

After nung breakfast namin, nakatanggap ako ng tawag mula sa mga kapamilya ko. Nandoon silang lahat para bumati sa akin. Tinanong ko si lolo Franz kung wala bang naghahanap sa akin sa office, sinabi na lang daw nila na nasa US ako at um-attend ng business conference. Si Onemig naman daw ay may kailangang asikasuhin na bagong project sa Dubai as per tito Migs instructions. Nalulungkot ako na pati sila ay nagtatahi ng dahilan para maitago lang kami. Kung hindi naman kasi ganoon ang gagawin, may mga taong masasaktan.

Ginugol namin yung buong maghapon sa pamamasyal sa ibat-ibang lugar sa Paris kasama si kuya Mark. Siya lahat ang gumastos sa pagbabayad ng mga kinain namin sa resto, sa amusement park at sa movie theatre. Gift na raw niya sa aming dalawa ni Onemig yon, may duty raw kasi sya sa mismong birthday ni Onemig kaya tinodo na nya ngayong birthday ko ang blow-out.

Nung gabi na ay kami na lang dalawa ni Onemig sa bahay. May biglaang duty kasi si kuya Mark dahil nakiusap yung kasama nyang nurse na palitan sya dahil nag-sick leave ito. Bukas ng gabi na ang uwi ni kuya.

Hindi na kami nagluto para sa hapunan dahil marami pang natira dun sa pagkaing binili ni Onemig kaninang umaga. Pinabaon ko na nga kay kuya Mark yung iba para makalibre na rin sa pagkain yung mga co-nurse nya sa ospital.

Pinauna na ako ni Onemig sa room namin para makapagpahinga na. Siya na kasi ang nagligpit at naghugas ng mga kinainan namin. Ayaw nya talaga akong pakilusin dahil birthday ko raw. Naiiling na lang akong pumasok sa room namin at nauna ng maligo.

Paglabas ko ng bathroom ay wala pa rin sya. Siguro nanonood pa ng tv sa living room. Dumiretso na ako sa walk in closet para magbihis, mamaya ko na lang sya tatawagin pagkatapos ko. Hinanda ko na rin yung pantulog nya at inilapag sa ibabaw ng kama nung lumabas ako mula sa closet.

Nagsusuklay na ako ng buhok ko nung makarinig ako ng tunog ng cellphone. Hinanap ko yung pinanggagalingan nung tunog dahil wala naman sa bedside table kung saan ako malapit na nakaupo. Wala rin sa kama. Tumayo ako para hanapin at doon ko ito nakita sa study table nya.

Nang damputin ko ang cp ay pangalan ni Monique ang naka-rehistro sa screen kaya napagpasyahan kong lumabas para ibigay ito kay Onemig. Hindi pa ako nakakarating sa pinto ng huminto na ang tawag. Malamang. Sa tagal ba naman nitong nagri-ring kanina natural na huminto na sya.

Hinintay ko na tumawag ulit pero lumipas ang ilang segundo, wala ng sumunod kundi isang text mula sa kanya ang pumasok.

Hindi ko binasa yung message. Kahit naman fiancee ako ni Onemig, hindi ako nakikialam sa mga personal nyang gamit. Kahit na sinasabihan nya ako na pwede kong i-invade ang privacy nya, hindi ko pa rin ginagawa.

" Beb!" tawag ko. Mabilis naman nya akong nilingon mula sa panonood ng tv.

" Yes baby?"

" May text ka oh. Tumatawag nga yan kanina pero huminto na bago ko pa mahanap. It's Monique. " tugon ko at inabot sa kanya yung phone nya nung makalapit ako. Pero imbes na tingnan yung phone nya ay inilapag lang nya ito sa center table. Tapos nagulat na lang ako ng bigla nya akong hinila at kinandong sa lap nya na parang bata.

" Beb naman eh! " reklamo ko. Hindi nya ako pinansin, sa halip puno ng panggigigil na niyakap ako ng mahigpit at pinaghahalikan ako sa mukha.

" You smell so good baby. Literal na amoy baby talaga. Kakagigil!"

" Aray naman!" bigla ko syang nahampas sa hita. Kinagat ba naman ako sa balikat eh.

" Sorry baby. Nakakagigil ka kasi!" natatawang turan nya habang panay ang himas sa balikat ko dun sa may part na kinagat nya. Inirapan ko naman sya. Aba! nginisihan lang ba naman ako tapos niyakap pa ako ng mas mahigpit.

" Bakit ba lately palagi ka na lang ganyan beb? " tanong ko.

" Sinasamantala ko lang naman yung pagkakataon na tayong dalawa lang sa lugar na to. Yung malaya tayong nakakakilos ng walang iniintinding iba. Yung nalalambing kita ulit ng ganito." nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita. Iba talaga yung ningning ng mga mata nya ngayon. Hindi ko nababasa yung lungkot at pagod, hindi katulad kapag nasa Sto. Cristo kami na para bang pasan nya ang daigdig.

Inangat ko ang mga kamay ko at dinala sa kanyang mukha. I trace his jaw using my both thumb then I crouched to kiss him gently on the lips.

" Okay beb, I understand. Sige hanggat malaya tayo dito, manggigil ka hanggang gusto mo." a naughty smile formed on his lips.

" Sure ka? baka kapag ibinuhos ko ng todo ang panggigigil ko hindi ka tumagal." awtomatikong namula ang mukha ko sa sinabi nya. Bigla akong natulala. Bakit parang iba yung dating sa akin nung sinabi nya?

Narinig ko na lang na tumawa sya ng malakas.

" Huh? "

" If you have just seen your face baby-——-priceless. Ano ba kasi yang tumatakbo sa utak mo ha?" nang-aasar na tanong nya.

" Kainis ka! Kung ano-ano naman kasi sinasabi mo. Bakit hindi mo pa kasi basahin yang text ng girlfriend mo, baka emergency yan? " sabi ko. Hindi naman kasi sinulyapan man lang.

" Kung emergency yan sana tumawag ulit sya di ba?"

" Kahit na! baka may gustong itanong ganon. Malay mo. " pangungulit ko pa.

" Alam mo baby ibang klase ka talaga. Hindi ko alam kung understanding ka lang talaga o ipinamimigay mo na ako?" kunwa'y maktol pa nya.

" Hindi noh! Ayoko lang na may pagsisihan ka kung importante pala yan. Lalo na't may sakit yung lola nya. Nag-aalala lang ako para sayo, kargo mo kasi sila. I'm just being rational here. " paliwanag ko pa.

Hinigit nya ako para mas mayakap pa ng mahigpit.

" You know sweetie, I'm so proud of having a fiancee like you. You really have a good heart. Mas lalo tuloy akong nai-inlove sayo araw-araw. " malambing nyang turan. Mabilis nya akong ginawaran ng halik sa pisngi.

Kinuha nya yung cellphone nya sa center table at walang pag-aalinlangan na ipinakita sa akin yung text ni Monique.

Monica Belleza :

I miss you so much. Please call me. I wanna hear your voice hon.

I rolled my eyes. Sana pala hindi ko na kinulit na basahin nya,naimbyerna tuloy ako.

Ang plastic mo Aliyah!

Hindi ah. Ayoko lang ng ganitong text. Kung tungkol sa lola nya, okay pa. Pero pagdating sa feelings nya kay Onemig, maramot ako.

" See? I told you. Kaya hindi ko binabasa ang mga text nya, makulit ka lang kasi baby." sabi nya. Nakita nya siguro yung reaction ko.

" Sana sinabi mo agad na ganun. May pa-hon hon pa sya sayo. Yun ba ang tawagan nyo?" nakanguso ko ng turan.

" Di ba sabi ko tatawag ulit yon kung importante nga? And FYI sya lang ang may endearment sa akin. Nakita mo naman yung pangalan nya sa contacts ko di ba? unlike you, my baby ang nakalagay. Come on, don't be jealous, alam mong ikaw lang, hmm?" sa malambing na boses na turan nya.

Mapungay ko syang tiningnan. I hooked my arms on his neck. He let me kiss him. Gumalaw naman ang kanyang mga kamay. He held me by the waist and his other hand on my nape. He kiss me thoroughly. Mas lalong humigpit ang hawak nya sa akin, tila pinipigilan ako na huwag tumigil sa paghalik. The kiss lasted for I don't know how long. Hindi ko na nga namalayan na naihiga na pala nya ako sa couch. Basta nung huminto kami pareho pa kaming tumingin sa labi ng isa't isa. Tila nag-aadya pa ng panibagong halikan.

At hindi nga ako nagkamali nang kumilos sya at muling sakupin ang aking labi. Tila wala ng kontrol sa sarili at namumungay na ang kanyang mga mata. The sight of him makes me feel hot and feverish. Kumawala ang hindi mapigilang ungol mula sa akin. Napapikit ako ng mariin. Hindi maikakailang nasasarapan ako sa klase ng paghalik nya. Tila may kakaibang pakiramdam na pinupukaw sa aking kamalayan. Sensasyon na ngayon ko lang naranasan. Hindi na ako bata pero aaminin ko, inosente ako sa ganitong pakiramdam. We kissed, we make out before but not this intense. May limitasyon. Lalo namang hindi ko ito naranasan kay Jam, halik lola lang sa akin yun tapos bible at rosary ang madalas na ka-bonding nun.

Then naramdaman ko na huminto sya. Dumilat ako at yung gwapo nyang mukha ang nakatunghay sa akin.May pilyong ngiti sa labi na pulang-pula na dahil sa nangyaring halikan. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nahihiya ako dahil ako ang unang humalik sa kanya at alam kong ramdam nya na nadadala ako sa mga halik nya. Pruweba na yung mga ungol ko kanina.

" You, okay? Is my kiss too rough?" umiling lang ako sa tanong nya. Hindi naman talaga. Ang sherep nga eh.

Pilya ka talaga Aliyah. Ang harot mo!

He slouched to kiss me again on the lips. This time it's full of intense desire. Hindi ko sya masabayan kaya buong puso na lang akong nagpaubaya. He then showered me kisses on my neck down to the valley of my breast. Paimpit kong itinago ang ungol sa nararamdaman kong kiliti dahil sa kahihiyan sa naging reaksyon ko kanina.

Napaigtad ako ng maramdaman ko yung kamay nya na humihimas na sa hita ko paakyat. Hindi ko sya masaway dahil maging ako man ay hindi na ma-control ang sarili sa nararamdamang kakaibang sensation. Nagpapaubaya dahil sa natuklasang kakaibang karanasan.

Kung saan man kami dalhin nitong ginagawa namin, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang pigilan.

💕❤️❤️❤️💕