Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 226 - Travelling to France

Chapter 226 - Travelling to France

Aliyah's Point of View

SINAMAHAN ako ni Onemig hanggang sa loob ng bahay namin. Eksaktong naghahapunan sila nung dumating kami kaya inanyayahan ko na rin sya na sumalo na sa amin.

Ang nagtatanong na tingin ni Celestine ang sumalubong sa akin pagkaupo ko pa lang sa hapag.Siguradong marami itong itatanong sa akin dahil bigla na lang akong nawala nung gabi ng Christmas party.

Panay ang sulyap nya sa aming dalawa ni Onemig, tila pinag-aaralan ang mga kilos namin. Deadma lang ako, mamaya ko na sya kakausapin. Alam ko naman na may pagka Mike Enriquez itong si Tin, hindi nya ako tatantanan hanggat hindi ako umaamin sa kanya.

After ng dinner ay nagpaalam din agad si Onemig na uuwi muna. Tutulungan daw muna nya ang mommy nya sa paghahanda para sa noche buena nila. He promised me that he will be right back after noche buena.

Hinatid ko sya hanggang sa gate namin at ang hudyo ginulat pa ako sa isang masarap na halik. Dahil marupok ako, syempre tinugon ko. A shameful moan both escaped on our lips. We were both panting when we pulled out from the kiss. Grabe, hindi talaga mabuti kapag nagdikit na ang mga labi namin, mauubusan kami ng oxygen sa katawan.

We were so quiet while looking into each others eyes. All I can see is the love he has for me while looking in his eyes. He then cupped my face and kiss my forehead.

" I love you so much baby."

" I love you too my handsome engineer." napangiti sya tapos niyakap ako.

" I'll go ahead baka magtaka na sila kung bakit matagal ka bumalik sa loob."

" Yeah. I'll wait for you ha?" sabi ko tumango sya tapos kumalas na sya sa yakap nya at tinunguhan na nya yung kotse nya.

Pagpasok ko ay namataan ko si Tin na papasok na sa room ko. We share a room din pag nandito kami sa Sto. Cristo. She is like a sister to me kaya hindi ko pwedeng hindi i-share sa kanya ang nagaganap ngayon sa buhay ko.

" Besh!" nilingon nya ako. Inaayos nya kasi yung kama namin.

" Hmp. Kainis ka! Kailan ka pa natutong maglihim sa akin ha? Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin. Sabagay sino ba naman ako? Isang hamak na maganda lang naman ako. Isang dyosang ulila na inampon ng pamilyang ito at itinuring na parang tunay na anak.Pero akalain mo yun, ako lang yata ang walang nalalaman sa mga kaganapan dito. Sabihin mo sa akin besh, saan ako nagkulang? Ano ang nagawa ko sayo para pagkaitan mo ako ng katotohanan? Ano--aray naman besh! " natigil sya sa pag-eemote nya dahil binato ko sa kanya yung unan. Puro kasi kalokohan.

" Maka-aray ka naman, ang lambot kaya nyang unan." natatawa kong turan.

" Syempre para mas effective ang pag-eemote ko. Pero wag ka nga dyan! Magtapat ka sa akin Aliyah Neslein, wag mo akong daanin dyan sa pa-cute mo, hindi uubra sa akin ngayon yan. Ano na?! " panay ang litanya nya, hindi nauubusan ng sasabihin. Kaloka sya.

Hindi ako kumibo bagkus itinaas ko lang yung kamay ko na may engagement ring at iniharap sa kanya. Napatutop sya sa kanyang bibig at kulang na lang ay maghisterya.

" Oh. em. gee.! Engaged ka na besh?! Kanino? Huwag mong sabihing sinagot mo na si Onemig? Kailan pa? Bakit engaged na agad kayo?" inulan na ako ng mga tanong nya.

" Yup besh, engaged na ako. Kanino? kay Engr. Juan Miguel Arceo. Kailan ko sinagot? bago tayo pumunta ng Italy pero secret lang at nasabi ko naman kay Jam. Kailan kami na engaged? kahapon lang at family lang ang nakakaalam. Got it?" tugon ko sa hindi makapaniwalang si Tin.

" Bakit parang ang bilis yata? Si Monique, paano si Monique?" tanong nya.

" Besh, alam mo naman kung ano ang totoo sa kanilang dalawa di ba? walang label, one sided, nga lang sya yung alam ng lahat na girlfriend ni Onemig. At ako? ako yung official pero ako yung itinatago. Ayaw ni Onemig ang itinatago ako pero wala syang magagawa dahil ayaw nya naman magdamdam yung lola ni Monique na may malubhang sakit. Umaasa kasi ito na sila ni Monique hanggang sa huli. Isa pa may obligasyon sya sa kanila at alam mo rin yon. Kaya itinago muna namin yung tungkol sa amin. Nung pagka-galing nga lang natin ng Italy doon lang namin nasabi sa mga oldies. " paliwanag ko.

" Wow as in wow talaga. Wala man lang nakahalata sa amin nila Gilbert na kayo na pala ni Onemig. " namamangha pa nyang sambit.

" Huy besh family lang nila at natin ang nakakaalam ha? kahit kay Gilbert na best friend ni Onemig hindi pa pwede sa ngayon. Tayo lang besh, tayo lang. Okay? " pakiusap ko.

" Oo naman besh. My lips are sealed. "

promise nya with matching gesture pa na sini-zipper ang bibig nya.

" Thank you besh. Atleast ngayon hindi na ako mahihirapang mag-imbento ng dahilan kapag umaalis ako kasama si Onemig. " sabay ngisi ko sa kanya.

" Oo nga! kunwari ka pang may kikitain na client o supplier dyan, yun pala naman nakikipag-date ka lang sa kanya. " nakanguso nyang saad.

" Hindi kami nagde-date noh! umuuwi kami sa bahay namin sa Tagaytay para maglinis. " gulat na naman syang napatingin sa akin.

" What? may bahay na kayo? " nangingiti akong tumango dahil sa reaksyon nya.

" Oo besh. Noon pa pala nya hinuhulugan yon. It was suppose to be his anniversary surprise for me kaya lang hindi kami umabot don dahil ginulo ni Greta ang relasyon namin. Pero ganon pa man tinuloy pa rin nya dahil naniniwala sya na kami pa rin sa huli." kwento ko pa.

" Besh masayang-masaya ako para sa inyo. Sana maayos na ni Onemig ang anuman ang dapat nyang ayusin dun kila Monique para happy na talaga tayong lahat. " turan nya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

" Sana nga besh. Sana nga. "

Nung malapit ng mag-noche buena ay ginising na kaming lahat ni lolo Franz. Ayaw nyang may natutulog sa oras na yon dahil nakaugalian na nila na magkakasama ang pamilya sa hapag. Excited din naman kami dahil opening na ng mga gifts na nasa ilalim ng Christmas tree.

Ilang minuto bago ang 12 midnight ng may nag-doorbell sa gate. Si daddy na ang lumabas para sinuhin at ng bumalik siya ay hindi sya nag-iisa, kasama nya ang mag-anak na Arceo. May mga dala silang pagkain at mga regalo.

" Naisipan namin na dito na lang kami tutal kami lang naman, umuwi ang mga kasambahay namin sa kani-kanilang pamilya. Ayos lang ba sa inyo?" si tita Bless na medyo nahihiya pa.

" Naku naman Blesilda, syempre ayos lang sa amin na dito kayo. Ayos na ayos. Pamilya na tayo dahil engaged na ang binata nyo at dalaga namin. Mas masaya nga yung marami tayo. " tugon ni lolo Franz, lahat naman kami ay nakangiting tumango bilang pag-sang-ayon.

" Maraming salamat po tito Franz. Sige po iaayos na namin sa table itong mga dala namin. " sabi naman ni tito Migs. Magkakasama sila na inayos ang hapag samantalang kami naman ni Onemig ay dinala na sa ilalim ng Christmas tree yung mga dala nilang gifts.

Masaya kaming nagsalo-salo sa noche buena. Busog na busog ako sa dami ng pagkain sa hapag. Panay nga ang kantyaw ni Onemig sa akin baka daw mahirapan akong matulog sa dami ng kinain ko. Siya rin naman, mas marami pa nga syang nakain sa akin.

Nagkayayaang mag-inom yung mga oldies nung matapos yung opening ng mga gifts.

Si Tin at si Neiel naman ay sinubukang laruin yung regalo ni daddy na Play Station 4 pro. Magkasundo silang dalawa pagdating sa mga video games. Siguradong puyatan na naman yan.

Iniwan na namin sila ni Onemig, dun kami sa labas ng bahay tumambay, dun kami sa swing naupo.

" Merry Christmas baby!" bati nya sa akin tapos may inabot syang envelope.

" Merry Christmas too beb! What's this?" tanong ko.

" Why don't you open it?" untag nya. Binuksan ko yung envelope tapos nagtataka ko syang tiningnan nung makita ko yung laman. Round trip plane tickets to France.

" Aalis tayo? Bakit?"

" Gusto kong magbakasyon tayong dalawa sa France, dun tayo kay kuya Mark tutuloy. Nakapag-paalam na ako sa parents natin kahapon at pumayag naman sila. Actually inayos ko na yan nung nasa Italy ka, I really wanted to be with you, yung malaya tayong makakakilos at hindi nagtatago. "

" Beb paano tayo aalis? Magtataka naman sila sa office kung sabay tayong mawawala. Hanggang kailan tayo dun sa France? " tanong ko.

" Si lolo Franz na daw ang bahalang gumawa ng dahilan. Aalis tayo after ng New Year, doon na tayo magse-celebrate ng birthday natin, yung tayong dalawa lang. Then after that saka na tayo mag-decide kung kailan tayo uuwi. "

" Na-plano mo na talaga lahat noh? " natatawang sambit ko.

" Syempre surprise ko sayo yan. Gusto ko rin na ma-enjoy natin yung isat-isa ng walang iniintinding ibang tao. Yung malaya tayong maglakad ng magkasama ng hindi nag-aalala na baka may makakita. Magagawa lang natin yun kung lalabas tayo ng bansa." turan nya. Nakakaunawang tumango ako. Medyo naghikab ako kaya umayos sya ng upo at ipinasandal nya ako sa balikat nya.

Hinawakan nya yung kamay ko at pinagsalikop yung mga daliri namin. Nararamdaman ko na pinapatakan nya ng maliliit na halik yung ulo ko.

" Beb?"

" Yes baby?"

" Paano ka magpapaalam kila Monique? Paano yung obligasyon mo sa kanila kung medyo matagal kang mawawala?" tanong ko and he just sighed.

Gustong-gusto ko ang plano nyang bakasyon para sa amin dahil kahit paano, kahit sandali lang, magiging malaya kaming magkasama ng walang iniintinding makakakita pero inaalala ko rin yung mag-lola. I am not a selfish human being, my parents taught me to be selfless dahil hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng buhay ng katulad ng sa akin.

" Baby will you please stop thinking about other people? This is me and you. I want you to think about us this time. Ginagawa ko ang lahat para sa ating dalawa. So please baby breathe out and stop being selfless even just for awhile. Can you?" I nodded. Sunod-sunod. Well, he is right. It's about time to think about us. Masyado na kaming maraming isinakripisyo.

Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa kanya at niyakap naman nya ako. I felt his warmth and I felt contented. He is my home.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Gaya nung pasko, nasa amin din ang mga Arceo nung New Year's eve at napag-usapan din habang nasa hapag kami ang napipinto naming bakasyon ni Onemig. Hindi pa man ay marami na silang mga bilin na pasalubong. Si Neiel ay may listahan pa talaga na ibinigay na akala mo ay may perang patago sa akin.

Nung araw mismo ng New Year ay nagpaalam si Onemig para pumunta kila Monique. Hinayaan ko naman sya dahil alam ko naman na magpapaalam sya sa kanila na mawawala sya ng medyo matagal. I wonder kung ano ang idinahilan nya dun sa mag-lola, I didn't ask him naman, bahala na syang gumawa ng rason.

Halos dinner time na nung bumalik sya. Ayaw pa daw kasi syang paalisin ni lola Marta lalo na nung magpaalam daw sya na may destino sya sa ibang lugar at matatagalan bago sya makadalaw ulit sa kanila. Hindi daw nya sinabi kung kailan ang alis nya dahil nagpupumilit daw si Monique na ihatid sya.

Two days bago ang birthday ko, yun ang schedule ng flight namin ni Onemig papuntang France. Hatinggabi ang kinuha nyang flight para wala daw makakita sa pag-alis namin. Hinatid lang kami ni Tin at Neiel sa Terminal ng bus sa kabayanan para makaluwas kami, magta-taxi na lang kami papuntang airport mula naman sa bus terminal sa Manila. Hindi na kami nagpahatid pa sa airport para hindi na makaabala pa sa kanila basta tatawag na lang agad kami kapag nandoon na kami sa France.

More than 13 hours ang travel time from Manila to Paris. Halos pareho lang sa Italy. Doon kami sa Paris mag-stay kung nasaan si kuya Mark. Pero ang balak ni Onemig ay dalhin ako sa ibat-ibang lugar doon. Dadalhin din daw nya ako sa school kung saan sya nag-aral. May naisip akong bigla na idea pero hindi ko sinabi sa kanya. I want to surprise him. Maybe on his birthday.

7 am ang oras sa France nung lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa airport. We hailed a cab to take us to kuya Mark's place.

Medyo nagulat pa si kuya nung pagbuksan kami ng pinto ng apartment nya.

" Whoa! I didn't expect you two to arrived this early. Come in. Pasensya na halos kadarating ko lang from my duty sa hospital." natataranta pa si kuya Mark habang iginigiya kami papasok ng bahay nya. His house is cozy and well ordered.

" Pasensya na kuya kung maaga kami kasi hindi kami pwedeng umalis ng maliwanag pa dun sa atin. Alam mo na. " hinging paumanhin ni Onemig sa kapatid. Tumango naman si kuya Mark. Alam nya ang kwento sa aming dalawa ni Onemig, never nagtago si Onemig sa kuya nya pagdating sa usapin tungkol sa aming dalawa at sa pamilya. Updated sya palagi.

" Ayos lang ba Liyah na mag-share kayo ng room ni Onemig? Dalawa lang kasi ang rooms dito." tila nahihiya pa si kuya Mark ng magtanong sya.

" Okay lang kuya. We often sleeps together naman. And Onemig knows his limitations , so don't worry. "

" Good. Feel at home. I'll prepare for your breakfast, I'm sure you are both tired and hungry. " sabi ni kuya pero pinigilan sya ni Onemig.

" Kami na ang bahala kuya. Go back to sleep. May duty ka pa mamaya. Kaya na namin ni Liyah mag-prepare ng breakfast. " nahihiya man, napahinuhod na rin si kuya Mark, halata namang inaantok pa sya.

Nagpaalam na si kuya Mark na matutulog na muli matapos humingi ng paumanhin. Babawi na lang daw sya sa amin sa susunod na araw dahil day-off nya.

Madali naman kaming nakakilos ni Onemig sa kitchen ni kuya Mark dahil bukod sa maayos ito ay kabisado pa rin naman ni Onemig kung saan nakalagay ang mga gamit.

Matapos ang breakfast ay dinala na ako ni Onemig dun sa dating room nya. Maaliwalas din at simple. May malaking bed sa gitna. May couch at study table sa magkabilang side. May sariling bathroom at walk in closet din.

Sinimulan naming ayusin yung mga bagahe namin sa closet at yung mga pinadalang pasalubong kay kuya Mark ay iniwan namin sa table sa dining area. Then after nun ay nahiga muna kami ni Onemig para magpahinga.

Iniisip ko yung gagawin ko para sa birthday ni Onemig. Kinakabahan ako at medyo natatakot din. Ngunit kapag naiisip ko kung gaano ko sya kamahal at kung gaano rin nya ako kamahal parang naiibsan na rin yung takot ko kahit paano.

Bahala na nga.