Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 225 - The Blast

Chapter 225 - The Blast

Aliyah's Point of View

PAGGISING ko ay kaagad sumalubong sa akin ang liwanag ng papasikat na araw na tumatagos sa bintana ng silid. Awtomatikong kinapa ko ang katabi ko ngunit ang bakanteng espasyo lamang ang nakapa ko kaya agad akong bumalikwas ng bangon.

" Beb?" medyo malakas yung pagtawag ko pero ang katahimikan ng paligid ang sumagot sa akin.

Hinagilap ko ang tsinelas ko at lumabas ng silid. Bumaba ako ngunit wala rin sya sa living room. Tiningnan ko ang wall clock. Pasado alas otso na pala, napasarap ang tulog ko. Marahil nakaalis na nga si Onemig at hindi na ako inistorbo dahil mahimbing ang tulog ko.

Pinasya kong maghanda na lang ng makakain para sa almusal. Mamaya pa namang 10 ang usapan namin kaya may oras pa ako para sa breakfast. Pagdating ko sa dining area ay may nakahanda na palang breakfast para sa akin. May note pa syang iniwan na nakaipit sa mug ng kape na wala pang tubig na mainit na nakalagay.

Sweetie,

I already prepared for your breakfast. Eat well. Don't forget our early lunch date. Meet me at our favorite resto near Skyranch at 10 am. Take care.

I love you.

Uno

Marahan kong itiniklop ang letter nya ng may malapad na ngiti. Anong oras kaya sya nagising at ipinaghanda pa ako ng breakfast?

Mabilis ang mga naging kilos ko. Wala akong sandaling sinayang dahil ayokong paghintayin si Onemig doon sa resto.

Thirty minutes before nung time na usapan namin ay ready to go na ako. I opted for a green dress na ngayon ko lang isusuot. Medyo lantad ang balikat ko kaya pinatungan ko ito ng white shawl. Isang pares na wedge shoes na may kumbinasyon na green at white ang ipinares ko sa suot ko na dress at white pouch bag para sa dala kong cellphone at kaunting cash.

Naglakad lang ako palabas ng village. Malapit lang naman kasi yung resto. Ilang hakbang lang mula sa gate nitong village. Maaga pa naman kaya hindi pa masyadong masakit sa balat ang sikat ng araw.

Nung makarating ako sa resto, sa entrada pa lang ay pansin ko na ang katahimikan. Maaga pa kasi siguro kaya wala pang gaanong tao.

Binati ako nung guard na madalas na naka-duty kapag kumakain kami ni Onemig dito. Actually, kilala na nila kami dahil sa ilang beses na rin kaming kumain dito at isa pa kilala ni Onemig yung anak nung may ari dahil nakasama nya ito sa review center noon.

Pagpasok ko sa loob, namangha ako sa ayos ng resto. Yung eight seater table kasi nila ay may mga bulaklak at balloons na nakalagay.

Mukhang may event yata, bakit dito pa napili ni Onemig na kumain?

Iginiya ako nung staff na madalas mag serve sa amin kung saan naroon yung table namin ni Onemig. Nasa kabilang side lang kami nung table na nakaayos.

" Ma'am bilin po ni sir na kung may kailangan daw po kayo sabihin nyo lang daw po sa akin. May kakausapin lang po sya sandali." turan nung staff.

" No I'm fine. I'll wait for him here na lang. Thank you." matamis kong nginitian ang staff. Iniwan na nya ako at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid. Ang ganda talaga ng ayos ngayon nitong resto. Siguro na-rentahan yung isang side nito para sa isang important na event. Idinamay na lang yung ibang tables para hindi naman pangit tingnan.

Ilang sandali lang ang dumaan ng marinig ko na tumunog yung pintuan ng resto kaya napalingon ako. Parang naging slow motion ang lahat habang nakatingin ako sa taong papalapit sa akin. May bitbit sya sa kanang kamay na isang bouquet ng ibat-ibang flowers na favorite ko. Napaka-gwapo din nya sa suot nyang gray na three fourth shirt na pinatungan nya ng black na vest at dark casual pants.

" Hi baby! Kanina ka pa?" tanong nya habang humahalik sa pisngi ko.

" No. Kadarating ko lang." sagot ko. Tumango sya at umupo sa harap ko.

" Flowers for you." matamis ang ngiti na iginawad sa akin habang inaabot ang mga bulaklak.

" Anong meron at may pa-flowers ka pa yata ngayon engineer?" tudyo ko.

" Wala naman. Sobrang in love kasi ako sa magandang babae na nasa harap ko ngayon." agad na nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya.

" Sus beb wag ka nga!" sabay irap ko sa kanya.

" Hahaha. Baby totoo naman ang sinasabi ko. I can't take my eyes off of you. And when I look into my heart, I see only you. " turan nya sabay nag wink pa sa akin.

Goodness gracious, papatayin yata ako nito sa kilig.

" Oo na beb. Naniniwala na po ako. Nagiging poetic ka na naman dyan. "

" Okay, let's eat and after that I have something important to tell you. " nakangiti akong tumango at tinawag na nya yung staff para dalhin na yung inorder nya kanina pa.

Habang kumakain kami ay panay lang ang kwentuhan namin ng kung ano-ano na may kaugnayan sa aming dalawa at sa relasyon namin. Hindi namin pinag-usapan ang ibang tao na labas sa relasyon naming dalawa. Nakakasira kasi ng moment.

Nung matapos kaming kumain at nailigpit na ng mga staff yung kalat sa mesa namin, napansin ko na parang medyo naging balisa sya. Parang hindi nya malaman kung magsasalita ba sya dahil napansin ko na ibinubuka nya ang bibig nya tapos hindi naman itutuloy. Ano nangyari dito?

" Beb, do you wanna say something?" hindi na nakatiis na tanong ko. Para naman syang biglang natauhan sa tanong ko.

" Ah.. y-yeah.. Its just that-God I'm nervous." mahina lang yung bigkas nya sa huling salita pero narinig ko naman.

" You're nervous? bakit parang nervous din ako sa sasabihin mo? Are you breaking up with me?" kinakabahang tanong ko.

" What? No!" gulat nyang tugon."Yun ang bagay na hindi ko gagawin dahil ikamamatay ko na kapag nawala ka pa ulit sa akin." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya. Ako rin naman ayoko ng mawala sya sa akin ulit.

" Then what?"

" Ahm..baby, I know my life will never be complete without you beside me to share it. When I think about you, I know that no one else will ever hold my heart the way you do. When I met you, the moment I'd lay my eyes on you, I knew I'd met my match. It was only a matter of time until we arrived at this moment-"

" Wait. wait. wait beb. Why are you telling those words to me? " putol ko sa sinasabi nya. Sobrang kinikilig na ako sa sinasabi nya pero at the same time parang kinakabahan ako na hindi ko alam kung para saan.

" Baby I,β€”I believe that if we're lucky enough to have found each other in the first place, we're worth betting on for life. Will you take that gamble with me?" nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko yung huling sinabi nya.

" Oh my G beb! are you proposing? "

" Yes baby. I can't imagine growing old with anyone else, nor do I want to. I know you're the only one I want to share the rest of my life with. I love you so much. Are you willing to share your life with me too? Will you be my wife? " na shock ako ng husto ng diretsahan na syang magtanong. Hindi ko napigilan ang luha ko na sunod-sunod na sa pagpatak lalo na nung lumuhod sya at inilahad sa akin ang pulang kahita na naglalaman ng singsing.

" Yes beb! Yes! " lumuluhang tugon ko at hinayaan syang kunin ang kamay ko upang isuot sa akin ang singsing. It is a Tiffany gold ring na sobrang kinang dahil nasisinagan ng liwanag.

" Thank you baby! I love you." mataman syang nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi ang mga kataga.

" I love you too beb. So much!" then he kissed me passionately na tinugon ko rin naman. Natigil kami ng maghiyawan at magpalakpakan ang mga tao sa paligid namin.

Nang igala ko ang paningin ko, nagulat ako ng makita ko ang mga magulang namin kasama si lolo Franz at lola Paz na naka-upo dun sa eight seater table na naka-ayos. Hindi yata't para sa amin pala ang event na iniisip ko kanina.

" Beb, kailan mo pa pinlano to?" tinaasan ko sya ng kilay. Mukha kasing naisahan nila akong lahat. Napakamot naman sya ng sarili nyang ulo, nahihiya na naman sya pag ganito sya.

" Ahm.. kahapon lang

pag-uwi ko galing ospital, parang sobra akong nakaramdam ng pangungulila sayo. Parang gusto ko wag ka ng mawala sa tabi ko kahit saglit lang. Kinausap ko si mommy, sabi ko gusto na kitang makasama. Sabi nya, bakit hindi pa raw ako mag-propose sayo? Kahit naman daw may kinakaharap akong obligasyon sa ibang tao pwede ko naman daw gawin yon kahit na engaged na tayo. Ang importante lang naman daw yung mayroon kang assurance na pinanghahawakan sa akin. Naisip ko na tama sya kaya kinausap ko na rin sila tito Nhel. Nung una parang alanganin pa sila na pakawalan ka pero naisip nila na mas mabuti na nga yung ganito kaysa nangangamba tayo na maghiwalay na naman ulit. " paliwanag nya. Ngayon ko napagtanto na kaya pala pinayagan nila ako na sumama kay Onemig kagabi dahil may pasabog na ganito na magaganap.

" Alam mo ba na pinakaba mo ako ng husto kanina? Akala ko talaga makikipag-break ka sa akin dahil ang dami-dami mong sinasabi. Ganyan kasi noon eh."

" Sorry baby kung na-traumatized ka na but this time hindi ko hahayaang mawala ka pa ulit, ikamamatay ko na siguro pag nangyari yon. Come lapitan na natin sila. " untag nya. Hinawakan nya ang kamay ko at iginiya papunta kung nasaan ang mga kapamilya namin.

" O ano bata, napasagot mo ba ang magandang dalaga namin? " tanong ni lolo Franz kay Onemig. Sobrang laki ng ngisi nya.

" Opo lolo. Hindi ko na po sya bibigyang ng dahilan para umayaw pa. Tinaya ko na po lahat kasama na pamato. " tugon nya. Nagtawanan naman ang lahat. Talagang masayang-masaya sila para sa amin.

Umupo kami ni Onemig sa tabi nila tita Blessie. Nagmano pa muna kami sa kanilang lahat bago nagpatuloy sa usapan. Ipinagpatuloy naman nila ang naudlot na pagkain dahil sa panonood nila sa amin kanina. Hindi ko talaga sila namalayan kanina dahil kay Onemig lang nakatutok ang buong atensyon ko.

" So may naisip na ba kayong date ng kasal?" si daddy ang unang nagtanong matapos syang kumain.

Nagkatinginan kami ni Onemig. Hindi pa namin napag-usapan kanina, pero kung ano yung date na gusto nya, sasang-ayon na rin ako. Para sa akin naman kasi kahit anong date pa yan walang kaso sa akin basta sya yung papakasalan ko.

" Wala pa po kaming napag-usapan ni sweetie tito. Pero kung ako po ang tatanungin, gusto ko po yung araw na kung kailan nya ako unang sinagot. Nawalan po kasi ng saysay yung petsa na yon nung maghiwalay kami. Marami kaming magagandang memories nung mga panahong yun kaya yun po ang gusto kong petsa din ng kasal namin para dalawang anniversary ang ise-celebrate namin." napangiti ng malapad si daddy sa sagot ni Onemig.

" Why daddy? " tanong ko.

" Kasi pareho sila ni Onemig ng way of thinking. Yung petsa na sinagot ko ang daddy mo ay yun din yung petsa na pinili nya nung magpakasal kami. " si mommy ang sumagot sa tanong ko.

" Ahh ganon po ba. Beb alam mo ba yon? " tanong ko naman kay Onemig.

" Hindi ah. Ikaw nga ngayon mo lang din nalaman. Siguro pareho lang talaga kaming mag-isip ni tito. " sabay tingin nya kay dad.

" Ibig sabihin sa summer na yun kasi ang pagkakatanda ko Mayo yon, bakasyon kayo sa school noon nung sagutin ka ni Liyah anak. May lagnat ka pa nga non. Tama ba ako? " wika naman ni tita Blessie nung maalala yung petsa ng sagutin ko si Onemig, nandoon sya at sya ang unang nakaalam. Sabay kaming tumango ni Onemig bilang pagkumpirma.

" Bueno kung yan na ang napagdesisyunan nyo, nandito lang kami mga anak para sumuporta sa inyo. Tutulong kami sa mga kakailanganin nyo at ibang gastusin. " saad ni tito Migs.

" Okay na po dad. May ipon naman po ako. Sapat na po sa amin ni Liyah ang suporta nyo, na nandyan lang po kayo na pamilya namin sa tabi namin. Salamat po. " magalang na tugon ni Onemig sa sinabi ng ama.

Nag-usap na lang kami tungkol sa ilang detalye ng kasal at mga taong gusto naming makasaksi sa importanteng araw na iyon sa buhay namin. Pansamantalang magiging lihim pa rin ang lahat dahil iaayos muna ni Onemig ang obligasyon nya dun sa mag lola. Kailangan din ng magandang tiyempo para masabi nya sa kanila na magpapakasal na sya sa iba at hindi kay Monique. Ayaw lang nyang biglain ang matanda dahil sa kalusugan nito.

Matapos ang pag-uusap ay niyaya namin sila sa aming bahay. Masayang masaya ang pamilya ko dahil nabigyan daw ako ni Onemig ng ganon kagandang bahay. Hindi maiwasang hindi humanga ni daddy kay Onemig dahil parang nakikita daw nya yung sarili nya dito. Ganyan na ganyan din daw sya noon kay mommy.

Nung umuwi na sila ay hindi nila ako isinama. Hinayaan na nila ako kay Onemig. Simula daw sa araw na ito ay si Onemig na ang mag-aalaga sa akin. Isa lang naman ang pakiusap nilang lahat, huwag daw naming unahin ang honeymoon, kasal muna dapat ang mauuna.

Tinawanan lang namin sila. Wala naman talaga sa isip namin yon. Alam naman ni Onemig ang gusto ko. Yung malinis ako pag hinarap nya ako sa altar.

Sa isang iglap ay nabago ang sitwasyon namin ni Onemig. Parang kahapon lang umiiyak pa ako dahil sa nakikita ko sa kanila ni Monique sa party, ngayon nag-iba na, fiancee na nya ako. Maaaring masabi na mabilis ang mga pangyayari pero kung susumahin, dati pa naman na balak ni Onemig ito para sa amin, naudlot lang dahil maraming nakiraan sa buhay namin.

Kinabukasan ng hapon ay umuwi rin kami ng Sto. Cristo. Bisperas na kasi ng pasko kaya gusto namin makasama ang pamilya namin. Namili rin kami ni Onemig para sa ihahanda nila Monique sa noche buena. Idinaan na namin sa kanila bago kami umuwi. Si Onemig lang ang bumaba at naiwan ako sa kotse. Hindi nila ako dapat makita.

Sandali lang akong naghintay nang makita ko syang palabas ng gate, nga lang kasunod nya si Monique. Nakita ko kung gaano sya umiwas nung tangkain ni Monique na halikan sya. Malinaw kong nakita ang pagrehistro ng inis sa mukha ni Monique nung hindi sya magtagumpay. Mabilis syang tinalikuran ni Onemig at hindi alintana ang naging reaksyon nya.

" Hey! What was that?" tanong ko kaagad nung makapasok na sya sa may driver's seat.

" Nakita mo pala. Nainis, iniwasan ko na naman kasi."

" Madalas mo na palang iwasan?"

" Yeah. Di ba sabi ko sayo iniwasan ko na magkaroon ng anumang act of intimacy sa kanya simula nung manligaw ulit ako sayo? Nakalusot lang sya kagabi dun sa party. "

" Hindi ba sya nagtataka sa biglaang pag-iwas mo?"

" Medyo. Pero never naman kasi akong nag-initiate kaya normal lang yung umiwas ako. Alam nyang hindi ako nagkukusa talaga. Minsan napipilitan akong tumugon pero hindi ganoon ka intense kapag tayong dalawa."

" Beb! " pinandilatan ko sya ng mata pero tinawanan lang nya ako.

" Totoo baby. Iba yung nararamdaman ko kapag ikaw yung humahalik sa akin. Hindi ko naramdaman sa kanila yung naramdaman ko sayo kapag hinahalikan kita. Yun na nga yata ang favorite hobby ko ngayon, yung halikan kita."

" Tss! Dami mo talagang alam." sabi ko. Napuna ko na nasa harap na kami ng gate namin. Akma akong bababa na ng hilahin nya ako.

" Hahaha. Halika nga dito hindi ko pa nagagawa yung favorite hobby ko mula pa kaninang umaga. " hindi na ako nag protesta nung sakupin nya ang labi ko at masuyo akong hinalikan.Oo nga pala sa pisngi at ulo lang nya ako hinalikan kanina dahil naging abala kami sa paglilinis ng bahay. Medyo matatagalan din bago kami makauwi dahil sa holiday season.

Nagtagal ang halik ng ilang minuto dahil alam naman namin na walang makakakita sa amin. Bukod sa tinted na ang mga salamin ng kotse, madilim na rin sa labas dahil gabi na.

Tumigil kami saglit para magpawala ng malaking hinga tapos balik na naman sa ginagawa. Naniniwala na ako na favorite hobby nya na nga ito dahil sobrang ginagalingan at nadadala na rin ako. Iba pala talaga yung pakiramdam gaya ng sinasabi nya lalo na ngayon na tumaas na naman ang level ng relasyon namin at may laya na kaming gawin talaga ang ganito ng walang inhibitions.

Nagiging mainit na ang mga sandali. Parang walang planong huminto. Tila ayaw magpatalo sa isat-isa.

Grabe! magiging favorite hobby ko na rin yata ito! 😊