Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 221 - The Truth Will Set You Free

Chapter 221 - The Truth Will Set You Free

Aliyah's Point of View

ARAW na ng flight namin ni Tin papuntang Italy, hinatid kami ni Onemig at Gilbert sa airport. Panay ang bilin ni Onemig sa akin na wag ko daw syang kalimutang tawagan bago ako matulog sa gabi.

" Pwede rin ba akong mag-request sweetie? " tanong nya nung bago kami pumasok ni Tin sa loob para mag-check in. Medyo malayo si Gilbert at Tin sa amin, nag-uusap kasi sila ng masinsinan kaya hinayaan na muna namin sila.

" What is it beb? "

" Pwedeng huwag ka ng magpahalik kay Jam pag nagkita kayo? " seryosong seryoso yung mukha nya. Yun pala yung pino-problema nya kanina pa.

" Beb ano ka ba naman! " natatawa kong turan. Para kasing bata.

" Alam ko namang imposible yung hinihiling ko dahil boyfriend mo sya pero kasi dapat ako lang, dapat sa akin lang. " napahagalpak na ako ng tawa, tuloy napatingin sa amin yung mga taong nasa paligid namin.

" Ikaw talaga beb pinapatawa mo ako. Yung nakuha ni Juan sa unang pagkakataon ay hindi kailanman naranasan ni Jose. "

" Ha? " tila mas lalo syang naguluhan, ngunit hindi na ako nakapagsalita muli dahil dumating na sina Tin at Gilbert.

" Besh halika na pasok na tayo. Gosh, kinakabahan ako, first time ko ito. " wika ni Tin.

" O paano, pasok na kami. Thanks for bringing us here. Ingat kayo sa pag-uwi. " nagmamadali kong turan. Si Gilbert lang ang tumugon dahil si Onemig ay tila naguguluhan pa rin. Haha. Bahala nga syang mag-isip kung ano yung sinabi ko.

Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid ay narating din namin ni Tin sa wakas ang lugar kung nasaan si Jam.

" Besh sobrang lamig pala dito, mukhang hindi ako tatagal ng tatlong araw at magiging victim ako ni Elsa. " medyo garalgal na nga ang boses ni Tin ng magsalita. Giniginaw na talaga.

" Sira! Kung ano-ano sinasabi mo dyan. Magpapasko kasi kaya malamig. Mamaya makakapag-adjust din yang katawan mo. "

" Wish ko lang! Palibhasa kasi ikaw sanay ka na. Ilang malamig na bansa na kaya ang napuntahan mo. "

" Ay nako Celestine, magsanay ka na dahil hindi ito ang first and last trip mo, magkakaroon pa ng mga kasunod to panigurado. "

" Talaga besh? "

" Oo nga. Twice a year kaming nagta-travel nila mommy kaya lang hindi tayo nakasama nitong mga nakaraang taon dahil ayokong umuwi ng Sto. Cristo di ba? Pero sa mga susunod na travel makakasama na tayo sa kanila. " sabi ko sa kanya.

" Wow bongga! Yayamanin talaga ang mga umampon sa akin. Tama nga si Catriona Gray besh,  na in every bad situation, there's a silver lining. Naulila man ako, dinala naman ako ng Diyos sa inyo. Sobrang amazing talaga ni God. " maluha-luha pa nyang sambit.

" Aw Tin, halika na nga,  paiiyakin mo pa ako nyan eh! Hayun na pala si Jam oh. " untag ko sa kanya.

Agad akong yumakap kay Jam nung makalapit sya sa amin. Sobrang missed ko talaga sya. Naiyak pa nga ako sa tuwa ng masinghot ko ulit yung amoy nya. Jam is like my safe haven. I consider myself lucky for having met him, he's really a breathe of fresh air.

" Hey! Why are you crying? " nagtatakang tanong nya habang pinupunasan ang mga luha ko ng panyong hawak nya.

" Sobra kaya kitang na-miss. Tears of joy lang to. "

" Hay, sobra rin naman kitang na-miss Aliyah kong iyakin. " turan nya sabay hila muli sa akin para yakapin.

" Oy, Oy, kayong dalawa! Kung hindi ko lang alam ang sitwasyon nyo , iisipin ko mag-jowa pa rin kayo. Aba'y napaka-sweet nyong tingnan oh. Kung nandito lang si Onemig, panigurado umuusok na bumbunan non sa selos. " biglang singit ni Tin na panira ng moment.

" Onemig? What about him? " tanong ni Jam, kunot noo. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya in full details ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraan.

" Mamaya na natin pag-usapan yon. Let's go gutom na kami. " untag ko.

Bago nga kami dinala ni Jam sa hotel na tutuluyan namin, pinakain nya muna kami sa isa sa mga pinakasikat na Italian restaurant.

Manghang-mangha si Tin sa lahat ng mga nakikita nya. Hinayaan naman namin sya ni Jam, yung mag-enjoy sya sa kanyang pinaka-unang out of the country trip.

Nung nasa hotel na kami, binirahan na ni Tin ng tulog. Bukod sa pagod talaga sya sa mahabang biyahe, ang dami rin nyang nakain. Kinuha naman namin ni Jam yung pagkakataon para makapag-usap.

" So, mukhang marami kang sasabihin sa akin, Liyah? Wala kang iiwanan na detalye, I want it in full details. No more secrets, okay ? " bungad nya.

I heaved a deep sigh. This is it pansit! Huwag sana syang magalit sa sasabihin ko.

" Uhm. . . Kasi Jam, si Onemig. "

" Ano nga si Onemig? " tila nauubusan na ng pasensya na tanong nya. Mabait si Jam kung sa mabait pero kapag tungkol na sa akin at alam nyang masasaktan ako, nakakalimutan nyang nagpapari pala siya. At ang pangalang Onemig para sa kanya ay kakabit na ang salitang pain and sadness.

" Jam, maayos na kami ni Onemig ngayon. "

" Gaano naman kaayos Aliyah? " tila hindi kumbinsidong pakli nya sa sinasabi ko.

" We're good. We're friends again. "

" Friends nga lang ba? " tanong nya sa himig na naghihinala. Mukhang nababasa nya talaga ako. Sabagay kung kilalang-kilala ako ni Onemig, mas lalo na si Jam dahil 3 years kaming dalawa.

" Alright, what's the use of hiding it? Alam ko naman na nababasa mo na agad ako hindi pa man ako nagsasalita. Pero sana Jam, wag kang magagalit sa akin kung sinuway ko ang mga bilin mo. Ginawa ko naman eh pero sadyang yung puso ko, pasaway. Alam mo naman yun from the very start, hindi ba? " nakatingin lang sya sa akin tapos biglang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

" So, tama ba ang hinala ko na kayo na ulit? Iba kasi ang ningning sa mga mata mo ngayon mabanggit lang yung pangalan nya. I'm not against it Liyah, ang ipinag-aalala ko lang ay yung masaktan ka . Ayokong mangyari sayo ulit yung nangyari noon. I've seen you at your worst Aliyah and I don't want that to happen again, wala na ako sa tabi mo. At isa pa, paano yung girlfriend nya? "

" They are not official. May obligasyon lang si Onemig kay Monique at sa lola nito dahil sa kanya sila ibinilin nung kaibigan nyang namatay. Yung nagligtas sa kanya nung sasaksakin sya nung holdaper. Secret ang relasyon namin kasi ayokong malaman ng lahat dahil alam nila na tayo pa rin, baka kung ano ang isipin nila sa akin. Ayoko ring makarating  sa lola ni Monique dahil alam nito na si Onemig at Monique nga. May sakit ito at si Onemig ang tumutustos sa mga gamot nito at sa hospital bills. Sa side naman ni Onemig, nagi-guilty naman sya dahil alam nya, tayo pa. Hindi ko kasi sinasabi na wala na tayo. "

" What? Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya ang totoo? "

" Jam, kapag nalaman ni Onemig ang totoo, alam kong iiwanan nya si Monique ora mismo at yun ang ayokong mangyari dahil kawawa naman yung lola nito. Alam mo bang desidido syang kausapin ka? Kung kinakailangan daw na magmakaawa sya sayo para lang palayain mo ako, gagawin daw nya. Jam ganon nya kagusto na mabawi ako, seryoso talaga sya dun sa pangako nya na kami rin sa huli. He even bought a house for me, and just recently, he brought me there. Now tell me, paano kong hindi tatanggapin yung second chance na hinihingi nya? We both agreed sa secret relationship na ito kasi nga gusto namin na maging maayos muna ang lahat before we come out in the open. Ako ang may idea talaga na isikreto muna, kasi nga kung titingnan, kumplikado ang sitwasyon but in the first place, wala naman talaga akong karelasyon, at sila naman ni Monique ay hindi official. Basically, we are not cheating pero hindi ganon ang alam ng lahat. " paliwanag ko. Nakatingin naman si Jam sa akin na tila inuunawa ang lahat ng sinabi ko. Sana lang maunawaan nya.

" OK naiintindihan ko pero sana lang aminin mo na kay Onemig ang totoo. Hindi mo ba naisip na unfair sa kanya na hindi nya alam ang tunay na estado nating dalawa. Maybe he is thinking that both of you are cheating behind my back, gayong hindi naman. Pag-usapan nyo na lang kung ano ang mabuting gawin sa sitwasyon nya kay Monique at sa lola nito. Maraming paraan Liyah, sabihin mo na sa kanya ang totoo, he deserves to know the truth. " napangiti ako ng malapad sa sinabi nya kaya naman nagtataka syang tumingin sa akin.

" Why? " tanong nya. Kunot noo.

" Wala natutuwa lang ako. Dati kasi marinig mo lang ang pangalan ni Onemig nababago na ang mood mo but now it seems like you are depending him against me."

" Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na nasaktan ka noon dahil sa kanya pero ngayong narinig ko ang mga nagawa nya para sayo, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya. Nararamdaman ko na mahal ka nya talaga. Just do the right thing Liyah, tell him the truth. Para na rin maiwasan na masaktan kayo pareho. " turan nya at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

" Hindi ka galit? "

" Bakit naman ako magagalit? Nakikita ko na masaya ka at hindi ko maaaring hadlangan yon. Ang gusto ko lang naman ay yung makita ka na masaya, sapat na sa akin yon. " he hug me and kiss the side of my head like he usually does when we're still together. I hugged him back.

" Thank you Jam. I'm so lucky to have someone like you in my life. Mahal kita sa paraang tayo lang dalawa ang nakakaalam. "

" Same here Aliyah kong iyakin. Mahal din kita. Pinagtagpo tayo at itinadhana bilang mabuting magkaibigan lang, hindi nakatadhana na lumampas tayo doon."

Matapos naming mag-usap ni Jam para akong nabunutan ng tinik. Iba kasi talaga yung wala kang itinatago. Tama sya, kailangang malaman din ni Onemig ang totoong sitwasyon namin, he deserves to know the truth.Baka magka-problema pa kaming dalawa in the future kung hindi ko aaminin sa kanya ang totoo.

Kinagabihan bago ako matulog, tinawagan ko muna si Onemig. Umaga ngayon dun at nasa Sto.Cristo sya dahil Sunday. Sandali lang kami nag-usap kasi nandun sya kila Monique, nagdala sya ng mga gamot na maintenance nung lola ni Monique  at groceries. Gusto ko man na magselos ay pilit ko na lang iwinaksi yon, inisip ko na lang na ginagawa lang nya ang obligation nya sa kanila at hindi sa kung ano pa man.

The following day, dumalo kami ni Tin sa religious profession of vows ni Jam. Nandoon din ang mga magulang nya na nanggaling pa ng Switzerland. Ginawa ito sa church ng mismong congregation nila. Mga sampu silang nag take ng vow.

Masaya ako para kay Jam, sa landas na pinili nya. Kinikilabutan pa nga ako habang nanonood ng ceremony. Iba yung saya ko, yung saya na nagmumula talaga sa loob ko. It must be the holy spirit, I guess. Ang solemn din kasi ng seremonya.

Sinulit namin ang natitirang dalawang araw namin sa pamamasyal sa ibat - ibang lugar sa Italy. Halos maubos nga ang dalang pera ni Tin sa pamimili ng Italian shoes and bags at ilang pasalubong. Puro pasalubong lang ang pinamili ko, karamihan nga ay para kay Onemig. Yung para sa sarili ko ay si Jam ang bumili, gift na daw nya sa akin for Christmas. Binilhan din naman nya si Tin. Tuwang-tuwa ako syempre. The perks of having a rich best friend.

Pabalik na ulit kami ng Pilipinas. Ten ng umaga ang flight namin ni Tin at siguradong bago lumubog ang araw kinabukasan ay naroon na kami.

Si daddy ang tinawagan ko para sunduin kami pero laking gulat ko ng si Onemig at Gilbert ang natagpuan namin sa arrival area.

" What are you two doing here? Si daddy ang tinawagan ko dahil alam kong may trabaho kayo." tanong ko.

" Ako ang inutusan ni tito Nhel na sunduin kayo. May meeting pa kasi sila sa client hanggang ngayon kaya nakiusap na sya sa akin." paliwanag ni Onemig.

" Oh eh bakit dalawa ang sasakyan na dala nyo? Kasya naman tayong apat dyan sa kotse ni Onemig." tanong ni Tin.

" Kasi po si Aliyah lang ang uuwi ng Sto. Cristo, at ikaw sa Quezon ave. kita ihahatid. " si Gilbert ang sumagot.

" Bakit hindi ako pwedeng sumama kay besh sa Sto. Cristo? naguguluhang tanong ni Tin.

" Kasi tayong dalawa ang isasama ni boss Frank sa site sa Cavite bukas. Yun yung sa client na ka-meeting nila ngayon." tugon muli ni Gilbert.

" Bakit ako? kadarating ko lang. Pwede naman si Daphne ah." protesta ni Tin.

Kibit balikat lang ang isinagot ni Gilbert sabay ngisi kay Tin bago sya nagpatiunang lumakad na bitbit ang mga bagahe ni Tin papunta sa kotseng dala nya, iniwan na si Tin.

" Hoy Gilbert! hintayin mo nga ako. Bakit ba feeling ko may kinalaman ka

sa pagkakasama ko sa site?" talak nya kay Gilbert habang hinahabol nya ito. Napapailing na lang kaming dalawa ni Onemig sa kanila.

" Let's go baby!" untag ni Onemig sa akin. Inalalayan nya ako papunta sa passengers seat. Pagkatapos ay pumunta sa likod ng kotse upang ikarga doon ang mga bagahe ko. Bago ako tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan ay muli naming narinig si Tin.

" Besh kita na lang tayo bukas. Onemig ingatan mo yang besh ko, mag-ingat kayo!" kumaway na lang kami sa kanila nung umarangkada na ang sasakyan nila.

" I missed you so much sweetie." turan nya nung nasa loob na kami ng kotse nya. Hindi pa rin nya pinapaandar ang sasakyan. Nanatili lang syang nakatingin sa akin habang hinahaplos nya ang aking mukha. Puno ng pangungulila ang nakikita ko sa mga mata nya.

" I missed you too beb. " tugon ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Yumakap din sya sa akin pabalik at hinalikan ako sa ulo.

" Alam mo ba na napaisip ako dun sa sinabi mo nung bago kayo umalis ni Tin?"

" Alin yun?"

" Yung, ang nakuha ni Juan sa unang pagkakataon ay hindi kailanman naranasan ni Jose. Alam mo sa totoo lang naguluhan ako dun." napangiti ako ng malapad. Hindi naman nya nakikita ang reaksyon ko dahil nakasubsob ako sa dibdib nya.

" Dean's lister tapos topnotcher sa board exam, hindi na gets yung sinabi ko? Tsk! Tsk! " pang-aasar ko sa kanya.

" Sige baby asarin mo pa ako, hahalikan na kita dyan."

" Tagal naman!"

" Ah ganon ha?" pagkasabi nya non bigla nya akong hinarap sa kanya at mabilis na sinakop ang labi ko upang gawaran ng mapagparusang halik. Nung tumagal ay puno na ng lambing at pagsuyo na tinugon ko naman na may kaparehong intensidad. Tumigil kami saglit upang magpawala ng isang malaking hinga. Pagkatapos ay muli na naman nyang sinakop ang labi ko para sa isa na namang umaatikabong halikan. Mahigpit akong napakapit sa t-shirt nya na para bang doon nakadepende ang buhay ko.

Nagulat na lang kami at napatigil sa ginagawa nang may kumatok sa bintana ng drivers seat. Mabilis kaming naghiwalay bago nya binuksan ang bintana.

" Sir pwede po bang umarangkada na kayo? kapos na po sa parking space eh." napapakamot pa ang guard nung kausapin kami.

Nagkatinginan kami ni Onemig at sabay pa na natawa. Umandar na ang sasakyan namin at iniwan na ang guard na tila naguguluhan pa kung bakit kami tumatawa.