Chapter 222 - Tired

Aliyah's Point of View

HALOS alas-nuwebe na ng gabi nung makarating kami ng Sto. Cristo. Bahagya na kasing umusad ang mga sasakyan nung nasa Edsa kami dahil sa matinding traffic. Ilang araw na lang kasi pasko na kaya ang mga mall ay abala na naman sa dami ng namimili.

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na gawing topic ng usapan namin ni Onemig habang bumibyahe kami ang tungkol sa totoong estado namin ni Jam. Hindi ko alam kung naduduwag ba ako o hindi ko lang talaga alam kung paano ko uumpisahan. Sa tingin ko kasi hindi ito ang tamang panahon at lugar, kumbaga wala sa timing. Siguro sa ibang araw na lang.

Nasa kanto na kami ng aming baranggay nang tumunog ang cellphone nya. Ayaw pa nga sana nyang sagutin dahil papasok na kami sa looban ngunit pinilit ko sya na sagutin na, baka kasi importante.

Nahinuha kong si Monique ang tumatawag. Tumingin pa muna kasi sya sa akin ng matagal bago nya sinagot ang tawag. Tila humihingi ng pahintulot. Bahagya na lang akong tumango. Ano naman ang magagawa ko? Mag-iinarte ba ako? Kahit ako ang legal na karelasyon nya, sekreto naman. Si Monique ang alam ng lahat na girlfriend nya.

Base sa naririnig kong usapan nila, kailangan sya kila Monique, mukhang may nangyari sa lola nito.

Nang matapos ang pag-uusap ay muli syang sumulyap sa akin. Mukhang nababalisa sya. Tila humihingi naman ng pang-unawa ang mga tingin nya sa akin.

" Baby sorry about that."

" It's okay . Di ba usapan na natin na kapag kailangan, sila ang uunahin natin?" paalala ko sa kanya.

" Isinugod daw kasi yung lola nya, si lola Marta kanina sa ospital, inatake sa puso. Muntik na nga raw, mabuti na lang nadala nila kaagad. Ihahatid na lang muna kita sa inyo then tutuloy ako ng ospital. " tumango na lang ako bilang pag-sang-ayon.

Nung nasa harap na kami ng gate namin ay hindi pa muna sya bumusina. Sa halip, lumapit sya sa akin at tinanggal ang seat belt ko. Nang makalaya ako sa seat belt ay bigla nya akong niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na hinahalikan ako sa ulo. At nang magsawa ay yung mukha ko naman ang pinag-diskitahan na halikan.

" I missed you so much sweetie. I really wanted to be with you kaya lang------God bakit ba kasi ganito?" turan nya na hirap na hirap ang kalooban. Ramdam ko rin naman ang sentimyento nya pero hindi ko naman alam kung paano ko sya madadamayan kapag yung obligasyon na nya sa mag-lola ang pinag-uusapan. Ang tanging magagawa ko lang ay magtiis at umunawa.

" Beb sige na. Naiintindihan ko. May ibang araw pa naman.Huwag mo ng kwestyunin si God kung bakit dahil lahat ng nangyayari, may dahilan. " sabi ko.

" Thank you baby." madamdaming saad nya. Kumalas ako sa yakap nya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. Ginawaran ko sya ng magaang na halik sa labi. Ngumiti sya sa akin pagkaraan ngunit halata yung  lungkot sa mga mata nya. Matamis na ngiti ang iginawad ko, nais kong iparating sa kanya na nauunawaan ko sya.

" Anything for you beb. "

Ibinaba lang nya yung mga maleta ko mula sa kotse nya at si Neiel na ang nagpasok sa loob, sya rin kasi ang nagbukas ng gate para sa amin. Hindi ko na pinapasok si Onemig dahil alam ko naman na nagmamadali na sya. Pumasok lang ako sa loob ng bakuran namin  nung makaalis na sya.

" Bakit parang nagmamadali yon si Onemig, sweetie? " tanong ni mommy nung papasok na ako sa bahay. Nasa front door sya upang salubungin ako. Niyakap nya ako nung makalapit ako sa kanya at ginawaran ko naman sya ng halik sa pisngi. Hinihintay nya kasi sila daddy, na pauwi pa lang galing dun sa meeting with the British client.Malaking project kasi yun at kailangan na agad maumpisahan. Bukas na nga yung site inspection nila.

" Pupunta po ng ospital, naka-confine po yung lola ni Monique." tiningnan ako ni mommy ng makahulugan. Bigla naman akong kinabahan sa paraan ng pagtingin nya sa akin.

" Anak hindi ba ako ang best friend mo?" tanong nya,mukhang tinatanya nya ako at tila may gustong malaman.

" Yes mom. Why po? "

" May gusto sana akong itanong. Si Onemig ba nanliligaw pa rin ba o kayo na ulit?" heto na nga,patay na! Deretsahan talaga kung magtanong ang nanay ko.

" Mom?"

" Naglilihim ka na ba sa akin ngayon, ha sweetie?" tanong nya na nakataas pa ang isang kilay. Ito ang mahirap sa pagiging anak ni Laine Guererro Mercado, hindi ka makakapagtago ng sekreto dahil kaya ka nyang basahin sa isang tingin lang sa mga mata mo. Frustrated psychologist kasi sya.

" Mommy medyo complicated pa po kasi ang lahat kaya wala akong sinasabi sa inyo. Since nanay kita at kailanman hindi ako naglihim sayo, sige po sasabihin ko na. Yes mom, kami na po ulit ni Onemig pero lihim po ang lahat. Sa ngayon tayong tatlo lang ang nakakaalam bukod kay Jam, sinabi ko rin kasi sa kanya dahil karapatan naman nya yon. Gusto ko kasi na ayusin na muna ni Onemig yung sa kanila ni Monique at ang alam nya na relasyon namin ni Jam. Hindi ko pa po kasi nasasabi sa kanya hanggang ngayon na wala na kami ni Jam. " nakatingin lang sa akin si mommy, tila ba hindi na sya nagulat sa ipinagtapat ko, parang alam na nya na ganito nga ang mangyayari.

Humugot muna ng malalim na hinga si mommy bago muling nagsalita.

" Alam mo anak, hindi naman ako tutol sa relasyon mo kay Onemig. Ang inaalala ko lang ay yung masaktan ka, masaktan kayong dalawa. Nakita ko yung pinagdaanan nyo pareho nung maghiwalay kayo noon. Hindi ko sasabihing tama ang ginawa nyong paglilihim pero wala akong magagawa sa naging desisyon nyo dahil mahirap nga naman ang sitwasyon nyo ngayon. Ang tanging magagawa ko lang siguro ay yung unawain at suportahan kayo. Sana lang anak aminin mo na sa kanya yung totoo tungkol sa inyo ni Jam, mas magiging kumplikado kung patuloy na iisipin ni Onemig na nagtataksil ka kay Jam dahil sa kanya. Unfair yun sweetie. " payo ni mommy.

" Yan nga rin po ang sinabi sa akin ni Jam. Hayaan nyo po mom, one of this days sasabihin ko na sa kanya. Nagka-emergency lang po kasi kanina, balak ko na talagang sabihin. Hindi ko lang kasi alam kung paano ko uumpisahan. Thank you mommy for understanding me. " ngumiti si mommy at hinagod ang aking ulo.

" Anak kita kaya ayokong nakikitang malungkot ka. Pero hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon nyo ngayon? " tanong ni mommy.

" To tell you honestly mom, mahirap po. Mahirap para sa amin ni Onemig. Pero mahal ko po siya kaya kailangan ko pong mag-sacrifice. Ang tanging konsolasyon lang namin sa tagong relasyon na ito ay yung walang nagtatangkang manira,walang nagtatangkang paghiwalayin kami."

" Sweetie, alam mo ang story namin ng daddy mo di ba? You grew up without your dad, I just hope na hindi yon maulit sa inyo ni Onemig. Oo nakaya ko noon yung sa amin pero hindi ko alam anak kung makakaya ba kitang makita sa ganoong sitwasyon. " malungkot na sabi ni mommy.

" Mom, huwag ka na pong malungkot, hindi naman po siguro mangyayari yon sa amin. Kakayanin po namin ni Onemig ito, kasama namin si God at kayo. " ngumiti na si mommy sa akin parang kahit paano ay napaglubag na ang kanyang kalooban.

" Big girl ka na talaga. Positive ang tingin mo sa lahat ng bagay kahit na complicated na. I'm so proud of you sweetie. " niyakap ako ni mommy at hinalikan sa pisngi.

" Mana lang po ako sa inyo mommy." I said then wink at her kaya natawa sya. We stayed there on the couch for a while nang may maalala ako.

" By the way mom, ayos na po ba lahat yung tungkol sa Christmas party natin? tutulong po sana ako. "

" Settled na ang lahat. Sapat na yung naibigay mong tulong para sa mga prizes at raffles. All you have to do tomorrow is to rest dahil pagod ka sa byahe nyo para the next day ready ka na sa party. " turan ni mom. Narinig ko na tinatawag na ako ni lola Baby dahil handa na raw ang dinner ko kaya nag-excuse na ako kay mommy.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin nya akong muli.

" Sweetie! "

" Yes mom? "

" Kumusta yung bahay nyo ni Onemig sa Tagaytay?" napamaang ako sa tanong nya. Wala talaga syang paligoy-ligoy kung magtanong. Pero teka, bakit alam ni mommy yun?

" P-paano nyo po n-nalaman yun mommy?" takte nag-stutter pa ako.

" Sa tita Blessie mo. Matagal na pala yun, supposed to be surprise yun ni Onemig sayo noon kaya lang something bad happened between the two of you kaya naudlot. Kaya nga naghihinala na ako na kayo na ulit kasi nagpahanap si Onemig ng interior designer para ayusin na yung bahay. " mas lalo akong natigagal sa sinabi ni mommy.

" Alam din po ba ni daddy to, mom? "

" Alam na syempre dahil madalas naman silang magkasama ng tito Migs mo. Pero hindi naman sya nagulat na kaya ngang gawin ni Onemig yon para sayo, alam ng daddy mo kung gaano ka kamahal ni Onemig." biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi ni mommy. Wala na pala talaga akong dapat itago sa mga magulang ko,alam nila. Alam na alam nila.

" Is he against it? Do you think he will approve my secret relationship with Onemig? " kinakabahang tanong ko..

" Hindi naman anak. Manok nga nun si Onemig eh. Pero sa tingin ko kailangang sabihin mo na sa kanya yung sitwasyon nyo ni Onemig para hindi sya magtampo sa inyo. " payo ni mommy.

" Sige po mommy, bukas na bukas din sasabihin ko kay dad."

PAGKATAPOS kong mag-dinner, naligo na ako at naghanda ng matulog pagkatapos.

I tossed and turn to bed, hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba sa jetlag or marami lang talaga akong iniisip. Naiisip ko yung tungkol sa mga sinabi ni mommy. Para ngang hindi maganda na ilihim din namin ni Onemig ang relasyon namin sa aming mga kapamilya. Siguro kahit sa kanila na lang muna kami magsabi para malaya din kaming makakilos. Tutal wala rin naman kaming dapat itago, parang alam na rin naman nila.

Alas dos na ng madaling araw, dilat na dilat pa rin ako. Dumating na rin sila daddy kaninang bago mag- 11 pm kaya naipamigay ko na yung mga pasalubong ko sa kanila at ngayon marahil ay tulog na silang lahat, pero ako? heto pa rin, mukhang naka-singhot ng katol dahil hindi ako makatulog talaga. Binisita ko na lahat ng social media accounts ko, nagbasa na ng libro, wala pa rin yung antok ko.

Thirty minutes later nag-ring ang cellphone ko. Si Jam ang naisip kong tumatawag kasi nag-message ako kanina sa kanya na nandito na kami ni Tin,na safe kaming nakarating. Ngayon lang siguro nya nabasa.

Perong laking gulat ko nang picture ni Onemig ang naka-rehistro sa screen. Mabilis ko itong sinagot, baka kasi emergency.

" Hello beb!"

" Hi baby!" sagot nya. Nahihimigan kong pagod sya base sa tono ng pananalita nya.

" Kumusta dyan sa ospital? Mukhang pagod ka na."

" Yeah, I'm tired. But I'm just here outside your house."

" Ha?"

" Oo nga. Are you asleep? Can you go outside? I wanna see you. "

" Hindi nga ako makatulog. Jetlag perhaps. Sige lalabas ako. Wait lang." paalam ko. Hinagilap ko yung dalawang plastic bag ng pasalubong ko sa kanya bago ako lumabas. Hindi na ako nag-abalang palitan yung suot kong ternong cotton pajamas, tutal medyo makapal naman tsaka madilim na sa labas.

Nag ala-ninja ako habang binabagtas ko yung daan palabas ng bahay. Natatakot akong makagawa ng kahit konting ingay baka kasi magising si lolo Franz, very strict pa naman yun.

Matagumpay naman akong nakalabas ng front door. Ni-lock ko na lang yung pinto nung makalabas ako, may susi naman akong dala. Dahan-dahan ko ring binuksan ang gate at walang ingay akong nalikha nung lumabas ako.

Success!

Nakita ko yung kotse ni Onemig na naka-park dun sa harap nila Gilbert. Lumapit ako at kinatok ko yung bintana sa may driver's seat. Pupungas-pungas pa sya nung buksan nya yung bintana.

" Hala beb nakatulog ka na yata dyan. Bakit hindi ka pa kasi umuwi? I-unlock mo nga papasok ako." mabilis naman syang kumilos at inalalayan ako na makapasok sa loob ng sasakyan nya.

Nang makaupo ako ay agad kong inabot sa kanya yung dalawang plastic bag ng pasalubong ko.

" What are these? " tila nagtataka pa na tanong nya.

" Ah mga kuting yan napulot ko kanina, kawawa naman kasi." natawa sya sa sinabi ko kaya sinilip na lang nya yung laman ng mga plastic bags.

" Para sa akin to?" namamangha nyang tanong. Ang dami kasing laman nung isang malaking plastic bag, puro sa kanya lang yun. May t-shirts, socks, towel at shoes. Yung isang plastic bag ay para sa parents nya naman at mga kasambahay. May ilang bandana din para sa lola Guelay nya.

" Ay hindi beb, para sa akin yan. Binili ko para sa akin para ibigay sayo." biro ko sa kanya.

" Hahaha. ikaw talaga baby sinumpong ka na naman. Halika nga dito!" inilapit ko naman yung sarili ko sa kanya tapos niyakap nya ako at hinalikan sa may sentido.

" You're really a breathe of fresh air. Makita lang kita gumagaan na ang bigat na nararamdaman ko. Nawawala yung pagod ko lalo na kapag yakap kita ng ganito. Ang bango mo pa, literal na amoy baby ka." sabi nya tapos panay ang halik sa pisngi ko hanggang sa leeg ko.

" Beb, umuwi ka na para makapag-pahinga ka. It's almost 3 am, tayo na lang ang gising. "

" Ayokong umuwi sa bahay, tulog na tulog na sila. Ayokong maistorbo ang tulog nila. Dito na lang ako." kumalas ako sa yakap nya nang marinig ko ang sinabi nya.

" What? Beb hindi kumportable dito. Halika dun ka na lang sa bahay. " untag ko sa kanya. May sumilay na pilyong ngiti sa labi nya.

" Oy yang mga ngiti mong ganyan ha? Dun ka po sa guest room, kala naman neto. " inirapan ko sya.

" Hahaha. wala naman akong sinabi ah. Ikaw talaga sweetie hinuhusgahan mo na naman ako." turan nya sabay yakap muli sa akin.

" Hoy Juan Miguel kilala kita kaya hindi ka makakapag-kaila sa akin. " sabi ko habang hinahagod ko ang likod nya.

" Dito na lang muna tayo. Mas gusto ko yung ganito, napapagod kasi ako. Ikaw yung pahinga ko. "

" Kaya nga halika na para makapag-pahinga ka ng maayos." untag kong muli.

" Baby, I'm not just tired physically, I'm also emotionally and mentally tired. So tired. Nahihirapan na ako." biglang sumakit ang dibdib ko sa sinabi nya. Nakaramdam ako ng awa sa sitwasyong napasukan nya. I cupped his face and look at him straight in the eyes.

" Beb naiintindihan kita pero ano pa ba ang pwede kong gawin para gumaan yang sitwasyon mo?" tanong ko.

Seryoso nya akong tiningnan sa mga mata bago sya nagsalita.

" Just be with me baby. Let's run away together!"