Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 220 - Secret Lovers

Chapter 220 - Secret Lovers

Aliyah's Point of View

NILIBOT namin ni Onemig ang buong bahay. The house is pretty big. It stands on a 500 square meter land area. There are 3 rooms on the second floor of the house, 1 maids room near the dining area, 3 toilet and bath and 1 powder room.

The house has a tectonic simplicity. And adding to its simplicity are the colors used in furnitures, curtains and walls. All in white and light blue. Giving the house a warm and cozy ambience.

Sa tatlong silid sa second floor, yung masters bedroom lang ang inayos at may gamit. Yung dalawa pang natitirang silid ay hindi pa natatapos ayusin ng interior designer.

" You like it sweetie? " tanong nya nung nasa masters bedroom kami.

" No. I love it. Sobrang ganda para sa akin. Sino ang interior designer mo? I wanna thank him. "

" Millicent Tresvalles. " kaswal lang na sagot nya. Bigla namang nag-init ang pisngi ko. Babae pala.

" So, her pala not him. " parang naiinis kong turan. Hindi ko alam kung bakit para akong biglang nairita.

" Hey! Don't be jealous. " bigla nyang sambit.

" I'm not! Who said so? " tanggi ko.

" Tsk! Wag ako baby. Kilala kita. You don't have to be jealous coz she's very much married with two kids. And in fact,  she's family. Her whole name is Millicent Arceo Tresvalles, my tito Ramon's only daughter. " turan nya na may namumuo ng ngiti sa labi. Tuluyan namang namula ng husto ang mukha ko. Bistado na naman ako ng kolokoy.

" Ah. . " yun lang ang nasabi ko. Ano pa bang depensa ang gagawin ko eh ipinagkanulo na ako ng sarili kong emosyon?

" Sweetie come here! " untag nya. Nasa may bintana kasi ako nung room at sya naman ay nakaupo sa kama.

Hindi ako kumilos, nanatili akong nakatingin lang sa tanawin sa labas buhat dun sa bintana. Ayoko ngang lumapit noh! Panigurado, kukurutin na naman nya ang namumula kong pisngi.

Nagulat na lang ako ng hawakan nya ako sa braso at hilahin papunta dun sa kinauupuan nya kanina. Pero hindi nya ako iniupo dun sa kama kundi dun sa mismong lap nya.

Then I felt the warm of his arms encircled on my waist. Hindi ko alam kung saan ako hahawak. Pakiramdam ko naninigas ang mga kamay ko at nanlalambot ang mga tuhod ko. After three long years of not being together, ngayon lang ulit ako nalagay sa sitwasyong ganito. Nakakapanibago.

Nakatingin sya sa akin. Well, I mean nakatitig sya. I can't even breathe by the way he stares at me. Gusto kong yumuko pero tila nalunod na ako sa mga mata nya. Sobrang kinakabahan ako sa mga ganyang tingin nya, feeling ko nga dinig na dinig na nya ang pagkalabog ng puso ko.He didn't have any slightest idea that he could create a havoc in my whole system.

Medyo nagulat na naman ako ng hawakan nya ako sa ulo. Masuyo nya akong hinalikan sa noo tapos ipinasandal ang ulo ko sa kanyang dibdib. All of a sudden, parang bumalik lahat sa akin yung dating pakiramdam sa tuwing ganito kami kalapit. I felt peace and contentment. I'm home again.

" Huwag mong pagselosan ang kahit na sinong babae na mapalapit sa akin.Wala lang yon, for me, it's always been you sweetie. You own me since day one, my heart, my soul and every fiber of my human being. Kaya hindi mabubuhay si Onemig kung wala si Aliyah. Dala mo kasi lahat, hawak mo. Kaya sana higpitan mo ang hawak para hindi na magkaroon pa ng pagkakataon yung iba na gustong bumaklas sa pagkakahawak mo. " hindi ako makakibo, nanatili lang akong nakasubsob sa dibdib nya. Kung ikaw ba, makakapagsalita ka ba kung sobrang kinikilig ka?

Ngunit biglang nag-sink in sa akin yung huling sinabi nya. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa nangyari sa relasyon namin nung nakaraan. Kung hindi ko hinayaang maagaw sya sa akin ni Greta noon, hindi na sana kami humantong sa ganito, yung wala na sanang ibang tao sa pagitan namin ngayon. Hindi na sana kami nasaktan pareho. Hindi na sana ako lumayo.  Malapit na sana kaming mag-celebrate ng ika-apat na taon ng anniversary namin. Sana. Ang dami palang sana. But I know, that in every situation there's a silver lining. Sometimes the bad things happen in our lives put us directly on the path to the best things that will ever happen to us. And God has His own reason for allowing things to happen at alam kong masasagot yun sa darating na panahon. Sa ngayon, dapat ko na lang sigurong mas higpitan pa ang hawak sa kung ano man ang meron kami , mas mabuti na rin yung ganitong lihim sa lahat para maiwasan na rin yung ano mang negatibong pangyayari na dumating.

Nang mga sumunod na araw ay natural pa rin naman ang pinapakita namin ni Onemig sa mga kaibigan at mga kasama namin sa trabaho. Wala ni isa man ang naghinala na may something na sa amin, kahit pa si Tin.Mas may nakikita pa nga kaming development sa kanila ni Gilbert, naging extra sweet sila sa isat-isa simula nung araw na lumabas sila na silang dalawa lang. Ayoko naman syang tanungin, mas gusto ko yung siya na mismo ang magsabi sa akin kung may namamagitan na nga sa kanila ni Gilbert.

Friday afternoon. Pauwi na kami ni Onemig ng Sto. Cristo. Hindi sumama si Gilbert dahil sasamahan pa daw nya si Tin na mag-check ng deliveries sa warehouse namin sa Pasig. Hinayaan na lang namin sila, tutal malalaki na sila at alam na nila kung ano ang mabuti sa hindi.

" Beb? " pukaw ko kay Onemig na seryosong nagmamaneho. Nasa may tollgate na kami papasok ng NLEX.

" Hmm. " sagot nya.

" Pwede magtanong? "

" Sure baby. What is it? "

" Uhm. . . Bakit kayo naghiwalay ni Greta? " bigla syang tumingin sa akin ng marinig ang tanong ko.

" Seryoso yun ang tanong mo? Wala bang mas magandang topic na pwede nating pag-usapan? "

" Kainis ka talaga!  Sagutin mo na lang kasi. " napailing sya at humugot ng malalim na paghinga.

" Alam mo kasi sweetie, kung mayroong isang tao na ayaw kong pag-usapan, yun ay si Greta. But since,ikaw ang nagtatanong at mahal na mahal kita, sasagutin ko yan kahit para na akong bulkan na gusto ng sumabog marinig ko lang pangalan nya. "

" Oy beb, grabe ka! "

" Tsk! Hindi mo lang kasi alam mga pinaggagawa sa akin nung taong yun. Pero sige pag-usapan natin kung ano yung gusto mong malaman. "

" Kung hindi ka kumportable na pag-usapan beb, wag na lang. " sabi ko. Kinuha naman nya ang isang kamay ko at dinala sa labi nya. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

" Mas maganda ngang pag-usapan natin para walang lihiman. Baka dumating pa yung pagkakataon na magkita kayo at kung ano na namang kasinungalingan ang sabihin nya sayo at pag-awayan na naman natin. " I just nodded and urge him to continue.

" Naulit yung nangyari noon. " pagdaka'y turan nya.

" Nangyari? "

" Yung nahuli ko syang may ka-s*x sa bahay nila. " walang preno nyang turan. Napatakip naman ako ng bibig ko. " Oopps sorry baby, pardon my words. " hinging paumanhin nya.

" No. It's okay beb. I'm an adult now. Nagulat lang ako na lagi mo syang natitiyempuhan sa ganoong sitwasyon. "

" Oo nga eh. Nung bata pa kami na nahuli ko sya sa ganong tagpo, nagalit ako pero nitong huli-----sa totoo lang gusto kong magpasalamat. "

" Ha? "

" Oo sweetie. Naghahanap talaga ako ng dahilan para mahiwalayan ko na sya. Bukod sa gusto na talaga kitang balikan noon, nahirapan din akong pakisamahan sya dahil sa ugali nya. Kaya lang huli na rin ako noon, may Jam ka na that time. " malungkot na wika nya.

" Sorry beb. " mahinang wika ko.

" For what? " nagtatakang tanong nya.

" For breaking up with you. For being afraid to fight for you. For leaving you. "

" Shhh. Don't say that. It's my fault. It's all my fault. I broke my promise. But what's done is done, we can't turn back the time to fix what's broken. Let's move on from that painful part and start again creating good memories. Sapat na siguro kung ano ang meron tayo ngayon para mag-umpisa. I wanna be with you sweetie, yung hindi sikreto, yung pwede kong ipagsigawan sa buong mundo na akin ka. Akin ka lang. " bigla na namang nag-init ang mukha ko. Jusko tong lalaking to kung ano-ano na naman sinasabi. Hindi nya talaga alam na konti na lang aatakihin na ako sa puso kahit wala akong sakit sa puso. 

" Beb nga! "

" O bakit? Totoo naman sweetie. Seven years old pa lang ako, patay na patay na ako sayo. Ang ganda mo kasi, ang bait pa. Hinintay talaga kita kaya naman nung nagkaroon ako ng pagkakataon, kita mo naman, niligawan agad kita. At nung sinagot mo ako, talaga naman, daig ko pa ang nanalo sa lotto. You're my dream baby, ikaw yung wish ko sa tuwing magbo-blow ako ng candle sa birthday cake ko. Ikaw din yung hiling ko kapag may dumaang shooting star. Wala eh, ikaw lang talaga ang gusto ko. Kaya nung naghiwalay tayo para akong pusang iniligaw ng kanyang amo. " napatakip na lang ako ng mukha dahil sa mga sinabi nya. Grabe talaga, hindi ko akalain na ganon sya sa akin. To think na nung maghiwalay kami, pinagdudahan ko pa yung pinakita nyang pagmamahal dahil sa nakita ko sa kanila ni Greta nung gabing yon.

" Huy baby, anyare sayo dyan? " tanong nya. Pilit na binabaklas yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Naramdaman ko rin na parang huminto kami.

" Kasi naman beb kung ano-ano sinasabi mo dyan. Inaaway mo kaya ako palagi noon. "

" Di ba sabi ko sayo, nagseselos ako nun? " sabi nya nung sa wakas ay natanggal nya yung mga kamay ko sa mukha ko. Napansin ko na nag-stop over kami sa gasoline station na may convenience store.

" Oo na. Tumigil ka na nga dyan! "

" Bakit namumula ka? " puna nya.

" Hindi kaya! " tanggi ko.

" Sus baby, ang puti mo kaya. Halata. " may tono ng pang-aasar sa tinig nya.

" Ihhh beb, tumigil ka na! Pepektusan na kita dyan! " inis kong turan.

" Halikan kita dyan! " napatda akong bigla dahil sa sinabi nya. Bago pa ako makahuma ay mabilis na nya akong napatakan ng halik sa labi. Smack lang naman pero mabilis na kumalat ang init sa buong sistema ko. Nang tingnan ko sya ay nakangiti lang syang nakatingin sa akin. Yung ngiti na akala mo nanalo ng jackpot prize. Nakalitaw pa ang dimples nya sa magkabilang pisngi. Grabe ang cute!

Dahil sa kalokohan nya, sinumpong naman ako ng pagkapilya ko na matagal ng nananalaytay sa aking ugat. Hinila ko sya sa collar ng polo shirt nyang suot at mariin ko syang hinalikan sa labi. Siya naman ang nagulat.

Akala mo ha! Huwag kang magbiro sa taong tigang at mapapalaban ka!

I bit his lower lip and I heard him groan. Then he immediately caught my lips and kiss me gently. Seconds later, his kisses became torrid, I didn't stop him, the truth is, I don't want him to stop. Inumpisahan ko to kaya dapat panindigan ko. Chos!

Minutes later, we both stop when we run out of air. Pareho pa kaming hinihingal nung titigan namin ang isat-isa.

" Next time don't initiate, alam mo naman na nawawala ako sa sarili ko pag ganong ikaw ang nauuna, bumibigay agad ako. " kunwari'y reklamo pa nya. Echos!

" Sorry naman. Ikaw kasi eh. "

" No. It's alright to kiss me anytime you feel like it. Masarap namang magpatangay sayo. " o di ba, umamin din.

" Juan Miguel nga! " kunwa'y sita ko pero sa totoo lang kinikilig ako. Mesherep eh.

" Hahaha! Tara na nga uwi na tayo baka kung saan pa tayo makarating. Pero sabagay, may bahay na tayo kasal na lang talaga ang kulang. " he smiled sweetly and winked at me.

Grabe talaga itong nilalang na ito. Konti na lang talaga, aatakihin na ako sa sobrang kilig.

Pero aaminin ko, nagustuhan ko ang halik nya, may nabago eh, nag-improved. Medyo nawala ako sa katinuan. Muntik na nga akong matangay, akala ba nya, siya lang ang muntik ng bumigay? Pero hindi ko aaminin sa kanya yon. Mamatey na ang umamin. He might use it against me. Char!

Masaya ako sa nangyayari sa amin ngayon kahit na secret lovers lang ang peg namin. Mas mabuti na yung ganito. Walang magtatangkang manira kapag wala silang alam.