Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 200 - Changes

Chapter 200 - Changes

Aliyah's Point of View

HINDI naging madali ang mga unang linggo ko sa Switzerland. Nami-miss ko kasi ang pamilya ko at mga kaibigan na kahit tinatawagan naman nila ako kapag weekends, nangungulila pa rin ako sa kanila. Tiis-tiis lang, ginusto ko ito kaya kailangan panindigan ko.

Mabuti na lamang na dito ako sa lugar na ito nagkanlong. Dahil hindi ako pinabayaan ni papa Anton at mama Lianna, sila ang nagsilbing mga magulang ko na umaalalay sa akin at naging sandigan ko. Ang mga anak nila ang nagbibigay ng ngiti sa akin sa bawat araw. Thankful ako na kahit paano ay naiibsan nila yung pain and sadness na nararanasan ko.  Kahit paunti-unti.

Madalas pa rin naman akong umiyak sa gabi. Hindi naman kasi talaga mawawala kaagad yung sakit lalo na kung minahal mo talaga yung isang tao at marami kayong memories together. In our case, happy memories talaga. We did a lot of happy memories and every second worth it because we did it together.

Hindi naman ako nagsisisi na minahal ko siya. He is the best thing that ever happened to me. Pinaramdam nya sa akin yung halaga ko at yung mahalin ako ng buo. Lahat ginagawa nya para mapangiti at mapasaya ako.

Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit nangyari sa amin ito. Sa isang iglap, nawala na lang yung pagtitiwala nya sa akin. Bigla na lang isang araw, may iba na syang pinaniniwalaan.

Ano ba yung nagawa ko? Kinulang ba ako ng pagpapakita at pagpaparamdam ng pagmamahal ko sa kanya? Hindi ba ako naging mabuting girlfriend sa kanya? Bakit sa isang iglap nabaling kay Greta ang pagtitiwala nya?

Nasaan na yung binuo naming tiwala? Isang maling akusasyon kaya bigla na lang itong nawala? I've learned that it takes long to build up trust, and it only takes suspicion, not proof to destroy it.

Napakarami kong tanong at hindi ko alam kung kailan ko maaapuhap ang sagot. May dahilan daw sya kaya nya nagawa yung ginawa nya. Kung ano man yon, wala na, nangyari na at nasaktan na ako.

Days passed. Medyo nakakapag adjust na rin ako sa buhay ko dito sa Zurich. Yung mga tao sa neighborhood ay halos kakilala ko naman dahil dito ako pinanganak at nakapag-aral rin sa day care bago kami umuwi ni mommy sa Pinas noon for good.

Gaya ni Richelle at Anne, video call din ang nagdudugtong sa amin nila Savannah, Gen at nung mga boys. Nagtampo rin sila nung malaman nila na dito na ako sa Zurich University magpapatuloy ng pag-aaral pero alam ko naman na nag-aalala lang sila sa akin at kalaunan naintindihan naman nila.

Nung nakaraang araw na nag- video call kami ay kumpleto ang lima kasama si kuya Theo at Harry. Nagagalit pa nga si Harry sa ginawa ni Onemig. Halos magwala na nga at gustong sugurin yung isa sa Sto. Cristo. Pero mabuti na lang pinaalalahanan ito ni Sav, na girlfriend na nya ngayon,  kaya kumalma naman kahit paano. Ngunit mababakas pa rin sa mukha nya ang pag-aalala sa akin.

Nasasaktan ako na makita ng ganoon si Harry. Simula noong bata kami hindi pa sya nagalit ng ganon. Naiintindihan ko naman sya,  dahil bilang bestfriend ko, natural lang na ganon ang maging reaksyon nya pero sabi ko huwag na lang syang magalit.  Tanggap ko na at kakayanin ko.

Tatlong linggo bago ang pasukan nang may bisitang dumating sila papa Anton. Kagagaling lang namin ni mama Lianna sa University dahil nag-enroll ako. Akala ko nga late na ako, last day na ng enrollment kasi hinintay ko pa yung mga records ko na pinadala ni mommy galing Pinas.

" Sweetie may bisita tayo. Natatandaan mo pa ba sya? " salubong ni papa Anton sa amin pagpasok na pagpasok pa lang namin ni mama Lianna sa bahay. Nakaupo sa couch yung binatang tinutukoy nya. Kinikilala ko naman kung sino pero base sa features nya, malamang kamag-anak ito ni papa. Kahawig eh.

" Kilala mo yan, kalaro mo sya nung bata ka. " singit ni mama Lianna nung mapansin nyang pilit kong kinikilala ang binatang kaharap.

" Iyah! " nangingiting sambit nung binata. In fairness, cutie sya, kamukha sya ni papa Anton nung kabataan nya. Nang biglang nag-sink in sa akin yung pangalang itinawag nya sa akin. Noon lang bumalik sa akin ang pagkakakilanlan ko sa kanya.

" Jam! OMG! Jam ikaw nga! " tuwang-tuwa kong sambit. Siya yung pamangkin ni papa na kalaro ko noong bata ako, nung dito pa kami nakatira ni mommy. Nung sila pa ni papa Anton ang magkasama.

" Sabi ko na nga ba maaalala mo lang ako kapag tinawag kita dun sa pangalang yon. " sabi nya pa.

" Syempre naman. Ikaw lang ang tumatawag sa akin non kasi bulol ka noon at hindi mo mabigkas yung buong pangalan ko. "

" Hahaha. Hindi na ako bulol ngayon, Aliyah Neslein del Rio, ay Mercado pala. "

" Mabuti naman Jose Antonio Montreal. Ang pangit naman kung hanggang ngayon bulol ka pa rin. " natawa sya sa sinabi ko.

" So kumusta ka na? I heard from tito Anton na dito ka daw mag-aaral? May nangyari ba sa Pinas kaya bigla kang umuwi dito? " tanong nya. I heaved a deep sigh first then sat on the couch near him.

" Ito naman, komo ba nandito ako may nangyari na dun. Hindi ba pwedeng gusto ko lang makasama sila papa Anton dito? "

" Sige i-convince mo ako sa reason mo na yan. Kunwari na lang naniniwala ako. " pang-aasar nya. Natawa ako. Nung bata kasi kami madali ko syang napapaniwala sa mga kwento ko.

" Okay . Sige na nga. Alam ko naman na kukulitin mo ako might as well, sabihin ko na. Ahm. . . May ano kasi, may--- may gusto akong kalimutan dun sa Pinas. "

" Boyfriend? "

" Ex na! "

" Oh! "

" Yeah. Pero wag muna nating pag-usapan ha? Saka na pag hindi na masakit dito. " turan ko sabay turo sa dibdib ko.

" Shoot! Anyway, anong degree program mo? Baka magka-klase pa tayo. "

" Business Ad, second year. Ikaw ba? "

" Syempre magka-age tayo kaya second year din pero International Studies ang degree program ko. Malamang may mga minor subjects  na magka-klase tayo. "

" Mabuti naman. Hindi ako masyadong mangangapa kung may kasama ako. Salamat Jam. "

" No worries, Aliyah. Masaya akong makatulong. "

Nung sumapit ang pasukan, hindi nga ako pinabayaan ni Jam. Sinusundo nya ako sa bahay with his car. Three blocks lang naman ang layo ng bahay nila kila papa Anton then 10 minutes drive lang nasa school na kami.

Sa school naman, sinasabayan nya rin ako kapag lunch. Medyo hirap pa kasi akong makisalamuha sa mga classmates ko kasi nga bago pa lang pero may ilan din na Filipino na nakakasama ko kapag hindi ko kaklase si Jam sa ibang subject.

Sa paglipas ng mga araw, medyo nabawasan na rin yung sadness ko because of the break up. Jam is so funny at lagi nya akong pinapatawa. Papasa nga syang comedian. Isang napaka-gwapong comedian. Siya na nga siguro ang pinadala ni Lord para i-comfort Niya ako.

Jam is a very good guy. Mabait at may malaking faith kay God. Maganda ang pagpapalaki nina tito Tony at tita Maybelle sa kanya. Hindi sya spoiled brat katulad ng ibang only child.

Si tito Tony ang nag-iisang pinsang buo ni papa Anton. Dalawa lang kasi ang anak ni lolo bigboss, yung mommy ni papa, si lola Maia at daddy ni tito Tony,  si lolo Juni. Ewan ko ba kung bakit hindi sila nag-anak ng marami, hayan tuloy ang liit ng pamilya nila. At hindi lang yan, lahat sila nagsasalo sa isang pangalan, yung Antonio. Sa babae naman of course, Antonia. Lolo bigboss is Jose Antonio, yung dalawang anak nya naman si lola Maia ay Maria Antonia at lolo Juni naman ay Juan Antonio. Si papa ay Antonio Jaime at ang mga anak nya na si Andrei at Athena ay ganoon din. Andrei is Antonio Andres and Athena is Antonia Lianna. Ang daddy naman ni Jam na si tito Tony ay Antonio Manuel and Jam was named after lolo bigboss. But they preffer to call him Jam not Junior. Nakakaloka sila sa pangalan nila di ba?

Sikat si Jam sa university. Maraming girls, foreign or native ay nagsu-swoon kapag nasa paligid sya. Napansin ko nga ang ilan na masama ang tingin sa akin kapag magkasama kami. Hindi ko naman maiaalis sa mga girls yon, gwapo naman talaga kasi si Jam, dugong Montreal yan eh, may halong Spanish blood. Bukod pa dun drummer  sya ng band ng university namin na tinitilian ng mga kababaihan kapag nagpe-perform sila. Sobrang talented at sportsminded  din si Jam at ang pinaka malupit pa, dean's lister pa sya. Kaya naman hindi ko masisisi ang kababaihan kung may magalit at magselos sa akin, dahil nagiging anino ko na ang taong pinagnanasaan nila.

Naitawid ko ang unang semester ko sa Zurich ng hindi ko namamalayan. Ibinuhos ko kasi ang buong oras ko sa pag-aaral. Nakatulong din yun para unti-unti ko ng makalimutan yung masakit na pangyayari sa buhay ko. Hindi na ako umiiyak sa gabi at naikwento ko na kay Jam yung mga nangyari ng hindi ako gaanong nasasaktan.

Siguro nga medyo nakaka-move on na ako.

Sem break. Umuwi sila papa Anton ng Pilipinas para sa dalawang linggong bakasyon. Family reunion sa side ni mama Lianna at kailangan nilang dumalo dahil nagtatampo na ang mga magulang nya sa kanila ni papa dahil hindi nga sila umuuwi. Sinasama nila ako para masilip ko man lang daw ang pamilya ko pero tumanggi ako, ayokong maka-istorbo sa bakasyon nila. Maiksi na nga lang yung panahon nila mababawasan pa kung sasamahan pa nila akong umuwi ng Manila gayong nasa Davao pa ang probinsya ni mama Lianna.

Sa huli napahinuhod din sila. Ibinilin na lang nila kay Jam na samahan ako kahit may mga kasambahay naman na naiwan kasama ko.

Unang araw na wala sila papa Anton, inip na inip na ako. Si Jam naman ay tumawag na sa hapon pa daw sya makakapunta dahil tinutulungan pa nya si tita Maybelle sa pag-aayos nung garden nila.

Dahil walang magawa sinubukan kong buksan ang facebook ko, na sa loob ng halos pitong buwan ko dito sa Zurich ay hindi ko ginawa. Ang kulit naman kasi ni Jam, hindi ko pa raw kasi kino-confirm yung friend request nya kaya hayun sinubukan ko na rin na mag- log in.

Sunod-sunod ang tunog ng notiff pagkabukas ko. Binuksan ko isa-isa.  Yung iba mga photos nila Richelle at Anne na ni-tag sa akin. May mga greetings sa wall ko nung mga nakaraang okasyon. Mga pictures nung barkada sa ibat-ibang lugar with Harry and kuya Theo na laging may nakalagay na, wish you were here. Medyo naluluha na nga ako habang tinitingnan ko isa-isa. Alam kong kahit na malayo ako sa kanila palagi pa rin nila akong naaalala sa mga lugar na pinupuntahan nila at sa mga okasyong sine-celebrate nila.

Habang busy ako sa pagtingin sa mga post ng mga kaibigan ko nang may pumasok na bagong post sa newsfeed ko.

Onemig Arceo was tagged in a post.

FB friends nga pala kami.

Hindi ko man tingnan ay tumambad na sa harapan ko ang larawan nila. Nakayakap si Greta kay Onemig at nakalapat ang pisngi nya sa dibdib ni Onemig. Si Onemig naman ay nakapatong ang baba sa ulo ni Greta at sa malayo nakatingin.

Greta Villamayor is with Onemig Arceo at Sto. Cristo Garden Resto

#inlove

#happiness

Hindi ko namalayang napaluha na pala ako sa nakita. Ang sakit-sakit. Masakit pa pala.

Akala ko, medyo naka move on na ako.

Akala ko lang pala.

Related Books

Popular novel hashtag