Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 201 - Retaliation

Chapter 201 - Retaliation

Aliyah's Point of View

IYAK ako ng iyak habang nakatingin sa picture ni Onemig at Greta. Para lang akong tanga. Hindi pala parang lang. Ang tanga-tanga ko talaga. Nasasaktan na, ayaw pa ring tumantan, hindi mapagkit ang mga mata sa pagtingin sa picture nung dalawa.

Hindi pa ako nasiyahan sa pagiging masokista ko, binisita ko pa talaga yung wall ni Onemig.

Katangahan di ba?

Nasayang yung pitong buwan ko na pagtitimpi na huwag makabalita ng kahit ano tungkol sa kanya. Nakakainis naman kasi, bigla na lang kasing may lumabas sa newsfeed ko, na curious tuloy ako.

Wala syang ano mang post sa loob ng halos pitong buwan. Karamihan ay mga tag photos lang ni Greta sa kanya. Yung huling post nga nya ay nung Valentine's date pa namin. Yun pa rin yung profile picture nya at kaming dalawa yung cover photo nya.I wonder kung hindi ba nagagalit si Greta sa kanya, sila na dapat ang nasa cover photo nya at hindi na kami. Bakit hindi pa rin nya pinapalitan?

Nung matauhan ako sa katangahan ko ay iniwan ko na yung wall nya at sinagot na lang yung mga friend requests sa akin. Karamihan sa nandoon ay mga classmates ko at yun nga, si Jam din. Ni-confirm ko naman lahat.

I decided to visit Jam's timeline para naman good vibes ang masagap ko. Nawala kasi kanina yung disposisyon ko nung makita ko yung picture nung dalawa.

Tama nga, awtomatikong napangiti na ako nung makita ko yung DP nya. Fresh na fresh ang Jam sa kuha nya at yung cover photo nya, picture nila ng family nya. Nakaka-good vibes nga.

Inabala ko ng husto ang sarili ko sa pagtingin sa mga posts nya na puro pictures ng pamilya Montreal at mga shared videos about sa banda. Pilit kong isinisiksik sa utak ko na hindi na dapat ako mag-entertain ng mga balita na nakakasakit lang sa damdamin ko.

Medyo nagulat pa ako nang biglang tumunog ang notification tone ng fb.

Jam Montreal posted a message on your timeline.

Hi Liyah!  At last! The long wait is over.  Thanks for accepting.

Hala sya! Hindi na lang sa messenger nagpadala ng message, dito pa talaga sa wall ko. Baka bigyan ng ibang meaning yung sinabi nya. Tiyak na uulanin ako ng mga tanong nito mula sa mga kaibigan ko. At iba-bash ako lalo ng mga fangirls nya.

Talaga naman!

Sa sobrang pag-aalala na baka ulanin ako ng mga tanong ay ipinasya ko na lang na mag-log out. Pero bago yon, may post na naman ang pumasok sa newsfeed.

Onemig Arceo was tagged in a post.

Greta Villamayor was with Onemig Arceo at Sto. Cristo Coffee Shop

#monthsary

#love

Yung kuha nila ay nasa coffee shop na pag-aari ng pamilya ng kababata naming si Itoy. Naka-kandong si Greta sa kanya at nakayakap ang mga braso nito sa leeg nya. Ang sweet naman nila habang ako naman dito ay parang pinipiga ang puso ko. May mga nag-comment din kaagad. 

Sabina Llanes : congrats to both of you. Happy 6'th monthsary.

Anj Recasa Herrera : wow ang effort mo Greta, magkano nagastos mo dyan? Hahaha. Joke. Happy monthsary.

Zach Villamayor : Congrats bro! I didn't know na si insan pala yung sinasabi mo na hinihintay mo. Now that you two are together, wag mo na pakawalan.

Hindi ko na binasa yung iba. Ang sakit ng nararamdaman ko. Six months? Samantalang halos seven months pa lang akong wala sa Pinas. Ibig sabihin,  wala pang 1 month nung maghiwalay kami, sila na agad? Nasaan na yung 3 months rule? Akala ko tsismis lang yung sila na nung nandun pa ako. Alam ko kasing irerespeto ni Onemig yung mararamdaman ko kung sakali. Pero ngayon, nakumpirma ko na yung namagitan sa amin ay balewala lang sa kanya. Si Greta pa rin talaga, she was his first in everything. Pinaasa lang nya ako at pinaglaruan, dahil ang totoo hinihintay lang nya si Greta. Yun ang sinabi ni Zach sa comment nya.

Bakit hindi yun ang iisipin ko? Nung bumalik si Greta, ang bilis nya itong napatawad. Wala akong ginawang masama pero nung sabihin ni Greta sa kanya na niloloko ko sya, naniwala sya kaagad at hindi nya pinakinggan ang paliwanag ko. Tapos ngayon ano itong nabasa ko? Wala pang 1

month nung maghiwalay kami, sila na agad?

Ibig sabihin nun, hindi nya talaga ako minahal, malamang ginamit lang nya ako para malibang sya habang hinihintay nya si Greta.

Ang sakit naman. Samantalang ako, tinanggap ko sya ng buo, minahal ko sya ng higit pa sa sarili ko. Ngunit ano lang ako sa kanya? Sabi nya, mahal na mahal nya ako kaya nya nagawa yon. Anong klaseng pagmamahal ba yon gayong hinayaan mong masaktan ng labis yung minamahal mo? Para sa akin, hindi yon pagmamahal. Ang pagmamahal, hindi nagwawasak kundi bumubuo. Ang pagmamahal, nakakatiis, umuunawa. Lahat ng kabaliktaran ng depinisyong iyon ang syang ginawa ni Onemig sa akin.

Nakaramdam ako ng habag para sa sarili ko. Bakit ganon? Minahal ko sya eh. Bakit hindi ko nahalata sa kanya na niloloko lang nya ako? Niligawan nya ako, pati pamilya ko sinuyo nya. Hindi ko naman naramdaman na hindi sya totoo. Kung ginawa lang nya akong pampalipas oras, well,  gusto ko syang palakpakan with matching pasabog ng confetti. Ang galing nya eh, walang nakahalata. Pang famas yung acting nya.

Naguguluhan ako ngayon at nasasaktan. Sana nanatili na lang kaming magkaibigan. Sana hindi na lang nya ako pinaibig at pinaasa.

Pero kahit ganon, bakit hindi ko pa rin makuhang magalit o mamuhi sa kanya? Ganoon ba talaga kalalim ang pagmamahal ko sa kanya? kaya kahit sinaktan na nya ako umaasa pa rin ako na sana totoo yung mga pinakita at pinaramdam nya sa akin noon, nung kami pa.

Iyak pa rin ako ng iyak. Parang hindi kayang tanggapin ng puso't isip ko ang pagtataksil na ginawa sa akin ni Onemig. Lumayo ako not because of some selfish reasons, gusto ko lang na huwag lumala ang sitwasyon at ayoko din na masira sya sa mga kapamilya ko. In the end ako lang pala ang nagsasakripisyo samantalang sya, nagpapakasaya sa piling ng unang babaeng minahal nya.

Nasa ganoong estado ako nang dumating si Jam. Humahangos sya ng lapitan ako, nung makita nyang puno ng luha ang buong mukha ko. May pag-aalalang niyakap nya ako ng mahigpit at hinimas ang aking likod.

" What happened sweetie? May masakit ba sayo? " banayad nyang tanong. Umiling lang ako ng sunod-sunod at itinuro ang ipad ko.

Niluwagan nya ang yakap nya sa akin at kinuha ang ipad ko sa ibabaw ng kama. Tiim bagang nyang tiningnan kung ano ang nandoon na syang dahilan ng labis na pag-iyak ko.

" So, this is the asshole who broke your heart huh! "

" Jam! "

" Ano ang gusto mong itawag ko sa kanya, ha Liyah? Look at you, you're in deep pain samantalang siya hayan, nagsasaya kasama ng babaeng ipinalit nya sayo! " hindi ako nakakibo. Totoo namang lahat yung sinabi nya dahil kitang-kita naman.

" And what's this? " turo nya dun sa mga comments. " they are celebrating their six'th monthsary? Eh wala ka pang 7 months dito? Meaning nandoon ka pa, sila na. Ang lakas ng loob nyang akusahan ka na niloloko mo sya gayung maliwanag na sila ang nanloko sayo! "

Lalo akong napaiyak sa mga sinabi ni Jam. Hindi man dapat na maawa ako sa sarili ko pero sa pagkakataong ito, yun ang nararamdaman ko. Damang-dama ko kasi yung sakit na ipinaranas ni Onemig sa akin.

" Shh. Stop crying. He's not worth your tears. " pag-aalo ni Jam sa akin.

" Jam hindi ko na kasi alam kung ano ang iisipin ko. Naguluhan ako sa mga nabasa ko lalo na kung ang pagbabasehan ko ay yung mga pinakita at pinaramdam ni Onemig sa akin noong kami pa. Naramdaman ko na minahal nya talaga ako. Kaya ngayon hindi ko lubos na maisip  kung bakit nagawa nya sa akin yon. Sobrang sakit Jam. Sobra. " mas lalo ko pang isinandal ang ulo ko sa dibdib nya, tila ba doon ako kumukuha ng lakas.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hinayaan lang ako ni Jam na ilabas lahat ng kinikimkim kong sama ng loob. Nakikinig lang sya.

Nung medyo humupa na yung emosyon ko, nagsalita na sya.

" Sweetie I'm here. From now on,  I won't let you shed even a single tear. Gagawin ko ang lahat para hindi ka na umiyak. Tutulungan kita Liyah para makalimot. " bigla akong napaangat sa pagkakasandal ko sa dibdib nya at mataman ko syang tiningnan.

" What do you mean? "

" Pwedeng maging tayo. " walang pag-aalinlangan nyang bulalas. Natigagal naman ako.

" Jam, naririnig mo ba yang sarili mo? Paanong magiging tayo? Bukod sa pagkakaibigan, wala tayong nararamdaman sa isa't-isa. At isa pa, paanong magiging tayo kung sa umpisa pa lang alam ko na kung sino ang magiging end game mo. "

Tumingin sya sa akin. Nagkatitigan kami. Nakikita ko ang determinasyon sa kanya.

" Don't you like me? " bigla nyang tanong.

" Of course, I like you--- as a person. "

" Well, newflash Aliyah Neslein, I like you too. Siguro naman pwede na yung like natin ang isa't-isa para maging tayo? "

" Seryoso ka talaga? " hindi makapaniwalang tanong ko. Ano nakain nito?

" Yup! Seryoso ako na matulungan ka. Ayokong makita na umiiyak ka. Ayokong kinakaawaan mo yang sarili mo. Gusto ko maka-move on ka na at makalimot sa sakit na idinulot sayo ng asshole na yon. " determinadong sagot nya.

" Ang labo mo Jam. Hindi kita maintindihan. "

" Anong malabo dun? Hoy sweetie pareho lang tayong dean's lister, ganon kasimple lang yung sinabi ko, hindi mo maintindihan? " mapang-asar pa nyang turan.

" Alam mo yung ibig kong sabihin Jose Antonio! Paanong magiging tayo eh hindi naman tayo nagmamahalan?  At paano ka ha? At paano rin nating ipapaliwanag sa pamilya na mayroong tayo gayong alam naman nating lahat kung kanino ka mapupunta sa huli. Hindi pa man, nagkakasala ka na. "

" Wait. Easy ka lang. Ganito yun ha? Magiging tayo but no strings attached. Gets? "

" Oo gets ko pero paano ---"

" Ang pamilya natin? " agap nya sa sasabihin ko. " ipapaliwanag natin and I'm sure maiintindihan nila. Sige ganito na lang, isipin mo na lang na hindi lang ikaw ang magbe-benefit  dito, matutulungan mo rin ako na mailayo dun sa mga babaeng  agresibong lumalapit sa akin. "

" Paano siya? " ang tinutukoy ko yung magiging ending nya.

" Liyah, maiintindihan din nya. Para din sa kanya to."

" Ewan ko Jam. Hindi ko alam kung papayag ako dyan sa gusto mo. Pwede naman akong maka move on ng hindi magiging tayo. Ang complicated kasi eh. "

" Liyah. " in a singsong voice.

" Kasi naman Jam eh. Ganon mo ba ako kagusto para kulitin mo ng ganyan? Pumaparaan ka noh? " asar ko.

" Huwag ka ngang assuming ate. Oo na, gusto kita as a person. Mahal din kita kasi magkaibigan tayo pero hindi ako in love sayo. Magkaiba yon. Ano payag na? "

I heaved a sigh then I nodded. Bahala na. Mabait naman si Jam and no strings attached naman daw.

" Sige na. Sige na. Ngayon din ba o manliligaw ka muna? "

" Now na. At huwag kang mag-aalala, liligawan pa rin kita kahit tayo na. "

" Sus Jam parang totoo ah. Pero since tayo na kuno, ano ang unang hakbang na gagawin mo? " biro ko sa kanya. Kunwari pa syang nag-isip tapos kinuha yung cellphone nya at nag log in sa facebook account nya. May pilyong ngisi sa labi na nagpipindot dun.

After a while, tumunog ang ipad ko. May notiff ako mula sa facebook.

Jam Montreal tag you in a post.

Nagulat ako ng tumambad sa harapan ko ang mga pictures naming dalawa kapag gumagala kami. Hilig kasi namin pareho ang mag picture sa mga lugar dito sa Switzerland pag namamasyal kami. Dahil close kaming dalawa, lumabas na maganda ang mga kuha namin at iisipin ng mga makakakita na masaya talaga kami. Well, masaya naman talaga ako kapag kasama ko siya, mahilig kasi syang magpatawa. Ang gaan-gaan din niyang kasama, parang walang problema.

Jam Montreal is with Aliyah Neslein Mercado.

#myhappypill

#myeverything

" Oh my G!  Jam ano to? Sira ka talaga, uulanin tayo nyan ng mga tanong. " naasar kong sita sa kanya. Hindi sya kumibo, ngingisi-ngisi lang.

Ilang sandali lang nga ng tumunog ang ipad ko. Sinasabi ko na nga ba eh!

Pero namangha na lang ako ng mabasa ko kung sino ang nag comment.

Onemig Arceo : done hiding huh?

" See sweetie? Nakaganti na tayo. " usal ni Jam.