Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 193 - First Valentine's Date

Chapter 193 - First Valentine's Date

Aliyah Neslein Mercado's

NAPANGANGA ako ng marating ko ang garden namin. Namangha ako sa ganda ng pagkakaayos ng mesa na naka-pwesto sa tabi ng bakod na nagsisilbing harang sa bakuran namin at kila Gilbert.

May mga red and pink roses sa dalawang vases na nasa gitna ng table.Mayroon ding red wine at dalawang wine glass sa tabi nito.May ilang klase ng putahe at desserts. Sa katabing table ay ang malaking white teddy bear, white heart shape baloon at bunch of roses in different colors.

Nakatayo si Onemig doon at titig na titig sa akin. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa sobrang pagkamangha. Kailan pa nya ito ginawa? Mukha talagang pinag-planuhan niya gaya ng sinabi nya sa akin kagabi.

Oh this guy!

Lumapit sya sa kinatatayuan ko, he pulled me into a tight hug and kiss my forehead.

" You like it sweetie? "

" Very much beb. You never fail to amaze me. Thank you beb. I love you. "

" I love you so much. Kaya lahat gagawin ko para mapasaya ka. "

" Kailan mo ginawa to? I mean, paano mo nagawa ng ganoon kabilis? "

" Actually, idea yan ni tito Nhel. Tinulungan din nya ako sa pag-aayos nyan then yung pagkain natin, si tita Laine pa nga ang nagluto. " nagulat ako sa sinabi nya. Talaga lang ha? Hindi naman obvious na excited ang mga magulang ko sa date namin na ito.

" So ito na yung surprise number 1 mo? "

" Yup. Eto yung tinatawag na brunch date natin, then by 3pm, aalis tayo para dun sa isang date natin. Don't worry nasabi ko na rin sa parents mo yun at idea namin ni tito Nhel yong pagdadalhan ko sayo mamaya. " namilog ang mata ko. Aba't ang gwapo kong tatay pa pala ang may say sa mga activity namin ngayong araw.

" Masyado mo akong pinapatay sa excitement beb. Eto lang ok na sa akin to eh. Meron pa palang kasunod mamaya. "

" Di ba sabi ko nga pinag-planuhan ko na ito dahil first Valentine's day nating dalawa ito. Swerte lang talaga na tinulungan ako ng parents mo, kaya mas lalong napaganda. So paano, shall we? " untag nya sa akin at iginiya na ako papunta sa mesa.

Inalalayan nya pa akong umupo at ng maayos na ako ay siya naman ang umupo sa upuan sa harapan ko.

Magana naming pinagsaluhan ang mga pagkain sa brunch date namin. Nag-uusap din kami ng kung ano-ano lang sa pagitan ng pagkain. Kinukulit ko nga sya kung saan pa kami pupunta mamaya pero ayaw talaga nyang sabihin kasi surprise nga daw. Basta daw wag akong magsuot ng formal dress, basta comfortable lang daw at magdala rin daw ako ng extra clothes.

" Naiintriga na ako sa pagdadalhan mo sa akin mamaya, bakit may extra clothes pa? " hindi ko maiwasang itanong.

" Eh siguradong papawisan tayo sa gagawin natin sweetie. " bigla akong nagulat sa sinabi nya. Ano gagawin namin at papawisan kami? Jusko. Mukhang mahalay na ang tumatakbo sa utak ko sa kung ano ang gagawin namin mamaya. Hindi kaya may balak itong kumag na to?

Nagulat na lang ako ng pitikin nya ako sa noo.

" Aray naman beb!" bigla akong natauhan sa mga naiisip ko.

Ang pilya kasi ng utak mo eh. That's so bad Aliyah Neslein!

" Parang nababasa ko yang tumatakbo sa utak mo. Napaka-transparent mo sweetie, alam mo ba yon? Wala akong balak na mahalay sayo. " natatawa nyang saad. Hinimas din nya yung noo ko na pinitik nya.

" Eh kese nemen eh. " nahihiya kong saad. Tuluyan na nga syang natawa sa akin.

" Hay nako baby puro ka kalokohan.And honestly, madalas mo akong napapatawa dyan sa kapilyahan mo. Pero pilya ka naman in a good way. Tara na nga ligpitin na natin ito tapos uuwi muna ako para makapag-prepare na ng dadalhin natin sa lakad natin mamaya. " untag nya.

Magkatulong nga naming niligpit ang lahat ng ginamit namin sa garden. Yung mga bulaklak ay nilagay ko sa isang vase sa living room namin at yung stuff toy ay isinama ko dun sa mga bigay din nya sa akin na nasa isang cabinet lahat sa loob ng room ko.

Bago mag 3pm ay naka-ready na ako at hinihintay na lang si Onemig sa living room. Nakasuot lang ako ng navy blue cargo shorts at white t-shirt na may print. Itinawag kasi ni Onemig sa akin kanina ang susuotin nya kaya ganoon na rin ang isinuot ko para matchy-matchy kami. If I know kaya sya tumawag eh para gayahin ko talaga ang susuotin nya, para match kami, ayaw pang diretsahin. Gusto nya parehas kami ng suot sa tuwing magkasama kami. Pati shoes pareho kami. Yung Nike na Airmax na binili namin noong nakaraan sa mall ang napili nyang suotin namin ngayon.

Hindi naman ako nainip sa paghihintay sa kanya. Mga ilang minuto pa lang akong nakaupo sa couch namin, dumating na siya. Ngising-ngisi pa ang damuho dahil nasunod ang gusto nya na magka-pareho kami ng suot.

Matapos magpaalam sa mga kapamilya ko ay lumulan na kami agad sa kotse nya para umalis na.

Halos isang oras ang itinagal ng byahe namin bago kami nakarating sa pupuntahan namin. So far, hindi naman ako nainip kasi kapag magkasama naman kami parang kulang pa nga yung oras.

Muli na naman akong napanga-nga ng makita ko ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Onemig.

" OMG beb, dito talaga? " may malawak na ngiting tanong ko.

" Natatandaan ko kasi minsan nasabi mo sa akin na you've never been into a place like this. Isa ito sa nasa bucket list mo, so naisip ko na dito ka na lang dalhin para ma-experience mo na. Sabi ko naman sayo baby, lahat gagawin ko para mapasaya ka. "

" Beb halika nga dito. " lumapit naman sya kaagad sa akin.

" Lapit pa. " sinunod naman nya ako kaya noong halos wala ng espasyong nakapagitan ay niyakap ko sya ng sobrang higpit. I don't care kung marami ang nakatingin. Basta masaya ako at dahil yon sa taong ito na mas lalo ko yatang minamahal araw-araw.

" Thank you beb. Sobra-sobra mo akong napasaya sa araw na ito. Hindi mo alam kung gaano nag-uumapaw ang saya sa puso ko, dahil yon sa sobrang pagmamahal ko sayo na nadaragdagan pa sa bawat araw na lumilipas. I'm so lucky to have you Juan Miguel and words are not enough to tell you how much I love you and how much I appreciate everything you've done just to make me happy. I love you beb, sobra-sobra, lahat-lahat na, itotodo ko na kasama na pamato. " napahalakhak na sya sa huling tinuran ko.

" Ikaw talaga sweetie, seryoso na eh tapos bigla kang hihirit ng pamatay. Seriously, ginagawa ko naman ang lahat ng ito dahil mahal na mahal kita. Seeing you happy makes me happy as well. And my love for you gets deeper as the day passes by. I'm so in love with you Aliyah Neslein. "

" Ihhh kainis ka beb! "

" Oh bakit na naman? "

" Kinikilig kaya ako! "

" Hahaha! Halika na nga and let the fun and adventure begins. " hinila na nya ako papunta sa adventure na sinasabi nya.

Yes tama ang sinabi nya. I've never been into a place like this. Matagal ko ng niyayaya ang pamilya ko sa ganitong lugar pero hindi kami nagkakaroon ng libreng oras. It's a good thing na dito napili ni Onemig mag-celebrate ng Valentine's date. Kakaiba pero siguradong mag-eenjoy kami pareho.

Isa itong outdoor adventure sa isang lugar sa may Pampanga. Noon ko pa kasi gustong subukan ang mga ganitong bagay at alam ni Onemig yon kaya dito nya ako dinala.

Sinubukan namin halos lahat ng ino-offer nila. Yung Aerial Walk ang unang challenge na ginawa namin . It's a high rope adventure course of nets and rope walkways. This activity will test your agility, balance and flexibility. Ang sakit ng mga binti ko nung after 30 minutes na natapos kami. Pero worth it naman. Ang saya kasi.

Tapos nag-zip line kami. Kakaiba yung zip line nila kasi para syang roller coaster, you'll zigzag along starting from 12 meters high. Sigaw nga ako ng sigaw but it's fun actually.

Matapos yon nag wall climbing kami,then yung rapelling, sumakay sa giant swing na 10 meters above the ground. Ang hindi ko lang ginawa ay yung free fall, hindi kinaya ng powers ko, sobrang taas kasi tsaka feeling ko nagpapakamatay ang datingan non. Pero si Onemig, ginawa nya. Ako yung ninenerbyos talaga nung nag fall na sya.

Medyo nag-aagaw na yung liwanag at dilim nung matapos kami. Grabe, pagod na pagod ako pero hindi ko maikakailang nag-enjoy ako ng husto. Si Onemig parang wala lang sa kanya, hindi man lang yata gaanong napagod sa mga challenges na ginawa namin. Athlete kasi kaya malakas resistensiya nya.

Paglapat ng likod ko sa upuan ng kotse nya nung pauwi na kami, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari dahil nakatulog na ako sa sobrang pagod ko.

May nararamdaman ako na parang may humahalik sa labi ko papunta sa earlobes ko pababa sa collar bone ko.Hindi ko alam kung nananaginip ako pero nung idilat ko ng bahagya ang mga mata ko, mukha ni Onemig ang tumambad sa akin. May pilyong ngisi at medyo may konting pagnanasa akong nababasa sa mga mata nya.

Nananaginip ba ako? Jusko! Mukhang SPG na ang kasunod nito.

Marupok pa naman ako!