Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 194 - Stranger

Chapter 194 - Stranger

Aliyah Neslein Mercado's

Makalipas ang mahigit two weeks magmula nung Valentine's date namin ni Onemig, naging busy na ako para sa pageant ng university na gaganapin naman sa susunod na dalawang linggo.

Simula noon hindi pa ako nakakauwi ulit ng Sto. Cristo dahil naging paspasan na ang rehearsals namin na pati Sabado ay okupado na rin. Si yaya Melba at ang mga kasambahay lang ang kasama ko sa bahay namin tuwing weekends, umuuwi nga kasi si dad at Neiel dun sa Sto. Cristo.

Miss na miss ko na ang pamilya ko dun maging yung mga kaibigan ko and most especially si Onemig syempre , na kahit madalas kong ka-video call ay nami-miss ko pa rin. Iba talaga kasi yung nakakasama mo in flesh ang taong mahal mo.

Biglang nag-init ang mukha ko nang maalala ko yung huling gabi na magkasama kami ni Onemig. Ayoko na munang idetalye. Basta muntikan na kaming lumampas dun sa limitasyon namin, buti na lang pareho kaming natauhan kundi ay baka kung saan na kami nakarating. Panay pa nga ang hingi ng sorry ni Onemig sa akin, sobrang na miss lang daw nya ako kaya nanggigil sya. Ibang klase namang manggigil yun, ang intense. Buti na lang nasa tagong bahagi yung mga resulta ng panggigigil nya. Haha.

Haay! Miss na miss ko na sya.

" Hey Liyah, are you ok? Bakit namumula ka? " bigla akong natauhan nang magsalita si Derrick sa tabi ko.Dyahe naman nahalata pa tuloy nitong kasama ko ang pamumula ko.

" I-I'm fine bro. M-Medyo mainit kasi. " sagot ko. Takte nautal pa ako.

" Oo nga. Anyway, ayos na ba yung mga kailangan natin para sa talent portion? Sure ka na ba talagang yun ang ipe-present natin? Ako ang natatakot para sayo eh. " turan nya. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya dahil sa gagawin namin sa talent portion. By pair kasi ang pagbibigay ng score sa pageant, hindi individual gaya ng nakasanayan. Kaya partner din kaming gaganap sa talent portion. Wala namang question and answer, basta ang highlight nung pageant eh yung talent. Kaya kailangan talaga yun ang pagbutihan ng husto. Yung mae-entertain yung mga judges at manonood.

" Derrick, don't worry about me. Ginawa ko na yun noon at successful naman. Kumbaga gamay ko na. Basta galingan na lang natin para manalo tayo. And about dun sa mga gagamitin natin, ayos na lahat. Si mommy ang nag-asikaso non. Relax ka lang dyan brotha, everything is under control. " sabi ko pagkatapos tinapik ko pa sya sa balikat

" Alright. Sinabi mo eh. By the way, tinatanong nga pala ako ni Sav kanina kung pupunta daw ba tayo sa kanila mamaya? " oh shocks nakalimutan ko na birthday nga pala ni ate Sabina ngayon.

" Naku Derrick, nakalimutan ko na mamaya na pala yon, wala pa akong nabibiling gift para kay ate Sabina. "

" Ako rin naman wala pa eh. Punta na lang tayo ng mall mamaya after nitong rehearsal. " suhestiyon nya.

" Mabuti pa nga. Hihintayin daw ba tayo nila Yuan o mauuna na sila dun kila Sav? "

" Mauuna na daw sila sunod na lang tayo. "

" Ah okay . Halika na bro, tinatawag na tayo ni prof. Mendez. " untag ko kay Derrick. Napansin ko kasi si ma'am na kumakaway na sa amin para bumalik na kami ulit dun sa rehearsal.

MEDYO madilim na nung makarating kami ni Derrick kila Sav. Natagalan kasi kami sa pagbili ng regalo. Mabuti na lang nag-uumpisa pa lang silang kumain nung dumating kami. Nilagay lang namin yung mga dala naming gift sa isang mahabang table sa gilid malapit sa pintuang pinasukan namin. Namataan namin si ate Sabina sa di kalayuang table kasama ng mga kaibigan at classmates nya. I even saw Greta with them.Kinawayan namin sila ni Derrick.

Sa ngayon, civil naman kami ni Greta sa isat-isa.Nag-uusap na kami. And according to Onemig, ganoon din daw sila ni Greta kapag nagkikita sila sa Sto. Cristo. Nakakauwi rin naman kasi sya paminsan-minsan sa Sto. Cristo kahit na paspasan ang rehearsal namin para sa pageant. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako kapag nasasabi ni Onemig na nagkikita sila ni Greta dun kahit na ba hindi naman siya talaga ang dinadalaw nito kundi sila Jake. Feeling ko, pumaparaan lang si Greta. Pero naiisip ko rin na baka mali lang din ako ng akala. Close naman din talaga sya kila Jake at Gilbert, maging kay Itoy at Bidong. Kaya pilit kong pinapalis ang anumang negatibong iniisip ko sa kanya. Masamang manghusga. Isa pa, mahal ako ni Onemig.

Kinawayan kami nila Sav ng makita nila kami kaya nawala ang atensyon ko kila Greta.

Magalang kaming bumati kay tito Alfred at tita Sally, mga magulang ni Sav at ate Sabina, bago kami lumapit ni Derrick sa mga kaibigan namin.

" Bakit ang tagal nyong dalawa? " tanong ni Gen.

" Eh paano bumili pa kami ng gift sa mall para kay ate Sabina. Ang hirap kaya mag-isip ng bibilhin. " si Derrick ang sumagot.

" Bakit kasi hindi ka na lang nagpabili sa amin bro nung bumili kami ni Yuan? " tanong ni Prince kay Derrick.

" Tss. Hindi ba nga iniwan nyo ako kahapon? Nagmamadali kayo kasi sinusundan nyo yung magandang transferee sa Tourism. " yamot na tugon ni Derrick. Napakamot na lang ng ulo ang dalawa sa sinabi nya.

" O sya tama na yan, sissy kumuha na kayo ng pagkain dun mukhang gutom na kayong dalawa ni Derrick. " untag sa amin ni Sav. Tumungo na nga kami ni Derrick sa buffet table at kumuha na ng pagkain namin.

Matapos kumain ay napuno na ng ingay ang buong paligid. Yung mga may edad na ay nag-uusap, marahil business ang pinag-uusapan kasama ng mga magulang nila Sav. Sa kabilang side ay nagtatawanan naman habang nagku-kwentuhan ang mga kaibigan at kaklase ni ate Sabina at yung ibang lalake naman ay nag-uumpukan na sa may malapit sa veranda, obvious na nag-iinuman na.

Nang biglang tumahimik ang paligid, napatingin kaming lahat sa isang pigura na pumasok sa kabahayan. Lahat ay nagulat sa lalakeng bagong dating. Natatakpan ng shades ang kanyang mga mata, nakasuot ng leather jacket at dark maong pants na humahakab sa kanyang binti na mahahaba. Leather boots ang shoes nito na kakulay ng kanyang suot na leather jacket. In short mukha itong si Antonio Banderas sa kanyang outfit.

Pero mainit dito sa Pilipinas at gabi na naka shades pa. Ano drama mo koya?

Gusto kong matawa sa naisip ko pero napigil lang yon ng may marinig akong mga singhap mula sa mga kababaihan sa paligid ko.

Si koya kasi nagtanggal na ng shades kasunod ang leather jacket at walang pakundangan na naglakad sa gitna ng kabahayan at tila modelo pa na huminto duon na tila may hinahanap.

In fairness, ang gwapo ni koya.

" Wow ang gwapo! "

" Shocks lumuwag garter ng panty ko! Sino ba yan! "

" OMG! I think he's the one that I've been waiting for! "

" No! He is mine! "

Ay grabe sila. Yan ang mga naririnig ko sa paligid ko. Deadma naman

ako kasi sa totoo lang, mas gwapo pa rin si Onemig ko dyan noh!

Tsaka hindi sya ngumingiti. Parang pasan nya ang daigdig. Ang seryoso ng mukha eh. Pero hindi maikakailang gwapo nga sya, mukhang malungkot nga lang sya at masungit.

Naglakad ito papunta sa mga magulang ni Sav. Nagmano sya sa mga ito ng makalapit. Parang kinikilala pa siya ni tita Sally at nang makumpirma ay bigla nya itong niyakap ng mahigpit at si tito Alfred naman ay tinapik ito sa balikat.

" O. M. G. ! Oh my goodness! Is that really him? " biglang sambit ni Sav tapos patakbo itong pumunta sa kinaroroonan ng mga magulang. Kaagad nyang niyakap ang estranghero ng makarating sya at di naglipat sandali ay naroon na rin si ate Sabina at nakiyakap na rin. Bakas sa mga mukha nila ang pagkasabik sa taong dumating.

Sino kaya itong si kuyang stranger?

Maya-maya lang ay iginiya na ito ni tita Sally sa buffet table at siya na mismo ang naglalagay ng pagkain sa pinggan na hawak ni kuya stranger.

Habang kasalo at kausap nila Sav ang bisita na hindi ko alam kung ano ang kaugnayan sa kanila, napansin ko na hindi ito ngumingiti man lang, parang may kakaiba sa kanya. Ako lang ba o talagang malungkot lang sya? Wala kasi akong nakikitang kinang sa mga mata nya. Hinuha ko matagal na niyang hindi nakikita ang pamilya ni Sav, base sa reaksyon nila tita Sally kanina. Hindi ba dapat lang na excitement ang mabasa ko sa kanyang mga mata? Pero hindi eh, wala, blangko ang ekspresyon nya. Tila may pinagdadaanan ito.

I sighed. Inalis ko na ang pansin ko sa kanila at itinuon na ang atensyon ko sa nagku-kwentong si Gen. Babalik din naman siguro si Savannah mamaya dito sa pwesto namin.

Makalipas ang kalahating oras, bumalik si Sav sa pwesto namin pero hindi sya nag-iisa, kasama nya si kuyang malungkot. Naka-angkla pa nga si Sav sa mga braso nito.

" Hello guys! Pasensya na kung ngayon lang ako nakabalik. Dumating kasi itong long lost cousin ko. Friends, this is my kuya Theo. Thomas Eliseo Llanes Monteverde. He just came back from Switzerland, doon sya nagtago ng mahabang panahon. " pakilala ni Sav sa amin kay kuyang malungkot na pinsan naman pala nya. Napaisip ako sa pangalan nito, parang pamilyar.

Monteverde?

" Savannah Marie! " seryoso ang mukhang pagbabawal nya kay Sav sa sasabihin pa nito.

" Bakit kuya? It's true naman na umalis ka sa inyo at nagtago ka dahil kay tito Amiel ah. "

" Ok that's enough. Just introduce your friends to me. " seryoso pa rin at di ngumingiting untag nya kay Sav.

" Ang sungit mo talaga kuya. Anyway, these are my friends, this is Prince, Yuan, Derrick, Aliyah and Geneva. " pakilala nya isa-isa sa amin.

" Aliyah? "

" Yes kuya. Why? " nagtatakang tanong ni Sav. Nangunot naman ang noo ko. Kilala ba ako ni kuyang sad?

Tumingin siya sa akin. Yung tingin na parang kinikilalala ako. Hindi ko naman maiwasan na mailang dahil sa akin din nakatingin ang mga kasama namin. Nagtataka rin ang mga itsura.

" Aliyah Neslein Mercado. Is that you princess? " tanong ni kuya na tutok na tutok ang tingin sa akin.

" Kilala mo ako? " naguguluhang tanong ko. Ngumiti sya ng malapad. Sa wakas nagka-emosyon din.

" Zurich. St. Gallen. Twin towered Cathedral. Mark Tanchiangco. " sambit nya. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Sabi ko na nga ba.

" Oh my G! Kuya Eli! " tili ko sabay yakap sa kanya.

" Hep! It's Theo now princess. Masaya akong makita ka ulit. Small world talaga. I didn't know that you're friends with my favorite cousin here. " turan nya habang nakatingin kay Sav.

" Oo nga kuya. Kumusta ka na? Bakit parang malungkot ka? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo noon. Ang laki na ng pinagbago mo. Wala ng kahit anong bakas dun sa Eli na nakilala ko years ago. " turan ko.

" Ikukuwento ko sayo sa ibang araw. Masyadong mahaba. Gutom na ako kaya pwedeng kumain muna? " nakangiti na nyang turan.

Nakisalo na sya sa mesa namin. Habang kumakain sya ay si Sav ang panay ang kwento. Ayon kay Sav, ang ina nito ang nag-iisang kapatid ni tito Alfred na matagal ng naninirahan sa America kasama ang asawa nito at anak na panganay na babae. Ang ibang detalye tungkol dito ay hindi na sinabi ni Sav dahil mahigpit itong pinagbawalan ni Theo. Na alam na alam ko naman.

Nung medyo lumalalim na ang gabi, nagpaalam na kami kila tito Alfred at tita Sally. Ang grupo naman ni ate Sabina ay maiiwan pa dahil doon sila matutulog lahat. Magna-night swimming pa daw sila.

Nag-presinta si Derrick na ihahatid nya ako at si Yuan na ang maghahatid kay Gen. Si Prince naman ay may sarili ring kotseng dala.

Nung palabas na kami, tinawag akong muli ni Savannah.

" Liyah wait! " napatingin ang lahat sa lakas ng boses ni Sav. Maging si Greta ay napansin kong nakatingin na rin sa gawi namin. Kumaway pa nga ito sa akin na ginantihan ko naman ng tipid na ngiti.

" Huh! May nakalimutan ba ako sis? " tanong ko kay Sav.

" Si kuya Theo na daw ang maghahatid sayo pauwi. "

Nang marinig ko ang sinabi nya ay kakatwang bigla akong napatingin kay Greta. Ganon na lang ang gulat ko ng tumingin siya sa akin na puno ng sarkasmo at malisya.

Related Books

Popular novel hashtag