Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 183 - Birthday

Chapter 183 - Birthday

Aliyah's Point of View

" Happy birthday besh!" sabay na masayang pagbati ni Richelle at Anne na kasalukuyan kong kausap sa cellphone. Naka-loudspeaker ito kaya dinig na dinig namin silang dalawa.Katabi ko si Onemig sa couch at nakayakap sa akin mula sa likuran. Nakapatong pa ang baba nya sa balikat ko habang nakikinig sa usapan namin.

" Thank you mga besh. Sana nandito rin kayo para mas masaya." turan ko.

" Busy kasi dito sa grocery nila mama kapag weekends, alam mo na, dalawa na ang branch namin." tugon ni Richelle.

" Oo nga eh. Pero sabagay next Saturday nandyan naman ako dahil birthday naman ni Uno, babawi na lang ako sa inyo dyan." sabi ko sa kanila.

" Really? Wow excited na ako." bulalas naman ni Anne.

" Speaking of Onemig, ano ginagawa ng ungas na yun ngayon dyan, tulog pa ba?" singit muli ni Richelle.

" Hoy Richie naririnig kita ha?Maka-ungas ka naman dyan. Grabe ka talaga sa akin." nayayamot na turan ni Onemig na hindi man lang bumago ng pwesto kahit na nagsasalita sya. Tumatama pa ang mabangong hininga nya sa may ears ko na medyo nagpatindig pa ng konti sa balahibo ko sa batok.

" Ay nandyan pala yan sa tabi mo.Himala maaga ka yatang nagising Arceo." si Richelle sa nang-aasar na tono.

" Ano palagay mo sa akin late bumangon mula sa higaan? Hah! Early bird yata to noh!" sa tonong naaasar pero ramdam ko sya sa likuran ko na lumapad ang ngiti nya pagkaraan dahil nang-aasar lang din naman sya kay Richelle.

" Whatever! Hahaha.kahit kailan talaga pikon ka!" si Richelle ulit.

" Tsss!" yun na lang ang tugon ni Onemig kay Richelle at nanahimik na.

Medyo matagal pa kaming nag-usap hanggang sa nagpaalam na silang dalawa at pinutol na ang tawag dahil dumagsa na ang mga mamimili sa grocery.

" Anong oras darating si Harry at ang mga kaibigan mo?" tanong ni Onemig na nakapahinga pa rin ang baba sa balikat ko at aliw na aliw na pinaglalaruan ng mga daliri nya ang manipis na balahibo sa braso ko. Nakayakap pa rin ang damuho sa akin mula sa likuran. Ang clingy talaga!

" Mamayang hapon pa yong mga yon. Tapos sa dinner naman darating sila tito Frank at mga cousins ko. Kaya tayo-tayo lang muna ngayong lunch." sagot ko. Kaming dalawa lang ang nasa living room dahil abala ang mga kasambahay sa paglilinis ng bakuran namin. Pagkatapos ng breakfast ay umalis naman si mommy at daddy dahil may importanteng meeting ang FCG Group of Companies dahil sa paglilipat ng office nito sa Sto.Cristo.Nandoon din sina lolo Franz at lola Paz.Umuwi sila kagabi dito dahil sa birthday ko at isinabay na rin ang meeting na yon. Sa kanila na nga sumabay si Onemig paluwas dito kagabi.

" Sweetie, nabanggit ni lolo Franz sa akin na ililipat nga daw ang office ng FCG dun sa atin sa Sto.Cristo. May posibilidad ba na lumipat na roon ang mommy at daddy mo kapag naroon na ang office nila?" tanong nya sa akin.

" Si mommy posible talaga pero si daddy, depende kay tito Frank. Si dad kasi VP ni tito Frank sa Comtech Masters na dito sa Makati lang ang office pero si mommy sa mismong FCG sya nag-ooffice kaya malamang kasama sya sa paglipat." paliwanag ko.

" I see. What if, lumipat rin si tito Nhel, eh lilipat din kayo ni Neiel ng school?" tanong nya.

Napatingin ako sa kanya at napangiti ako sa itsura nya. Punong-puno kasi ng pag-asam yung tingin nya sa akin. Ako rin naman umaasam na magkasama kami kaya lang syempre hindi ko naman pwedeng ipilit sa parents ko na humiwalay sa kanila at sa Sto.Cristo na lang ako para magkasama kami ni Onemig. Dalawa nga lang kami ni Neiel na anak nila, aalis pa ba ako?

" Beb, alam ko na hoping ka na magkasama na tayo dahil syempre mahirap tong sitwasyon natin. Pero kung mangyayaring si mommy lang ang lilipat, malamang hindi rin papayag si daddy ng ganon. Sobrang clingy kaya non kay mommy kaya sigurado ako gagawa yun ng paraan na mailipat din sya at kapag ganon damay kami ni Neiel dun. So meaning---" huminto ako at hinarap ko na sya. I cupped his face then give him a quick kiss on his lips bago ako nagpatuloy sa sinasabi ko.

"---meaning lilipat na ako ng school para makasama ko na yung isang gwapo dyan na matiyagang bumibyahe ng ilang oras para lang makasama ako." natawa sya sa sinabi ko at mas lalo pang hinigpitan yung yakap nya sa akin.

" Hindi naman sa nagrereklamo ako sweetie pero syempre mas gusto ko yung nandoon kana at everyday kitang nakikita at nakakasama."

" Hmm..talaga po ba?"

" Hmm..tingin mo ba hindi?"

" Syempre alam ko naman yun beb.At alam ko namang sobrang clingy mo para kang si dad."

" Of course, gwapo kaya kami!"

" Eh anong connect nun sa pagiging clingy nyo?" asar ko.

" Tss.basta may connection yun!"

" Haha.O siya sige na. Siyanga pala beb, may itatanong ako sayo."

" What is it sweetie?"

" Kilala mo ba si Greta Villamayor?" umpisa ko. Medyo nagulat yung expression ng mukha nya ng marinig nya yung pangalang binanggit ko.

" Yeah, she's a friend from wayback.How do you know her?" tanong naman nya.

" Dun din sa school ko sya nag-aaral. And she is ate Sabina's friend, Sav's sister. Madalas kaming nagkikita dun kila Sav at nakakausap ko sya madalas. Naging close kami kahit paano dahil nga pareho kaming taga-Sto.Cristo. Kakilala ka nya pati sila Jake at madalas nga daw kayo sa kanila noon."

" Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin sweetie?" tanong nya at medyo nabigla ako dahil parang may kakaiba sa tono ng pagtatanong nya.Parang galit sya.

" Sorry beb nakakalimutan ko namang sabihin sayo pag magkasama tayo."

" Sweetie ilang buwan na yung lumipas hindi mo pa rin nababanggit sa akin?"

" Sorry na nga beb. Galit ka ba?"

" Nope. Hindi ako sayo galit. Ano pa ang sinabi nya tungkol sa akin?" tanong muli nya, nahihimigan ko ang pag-aalala sa tinig nya.

" Wala naman na. And besides nitong mga nakaraan hindi na nya ako pinapansin,parang naging indifferent na sya simula nung malaman nya na boyfriend kita."

" Stay away from her!" biglang bulalas nya na syang ikinagulat ko.

" What?"

" Huwag mong hahayaang makalapit pa syang muli sayo sweetie. Please stay away from her." ulit nya sa napaka-seryosong tono. Yung nakikiusap. Medyo kinabahan ako pero hindi ko yun ipinahalata.

" Beb bakit ba? Ano ang meron kay Greta?"

" I promise to tell you some other time. Not now, it might ruin your day. Basta sundin mo na lang yung sinabi ko sweetie. Just stay away from her. Mahirap na, lalo na ngayong nalaman nya na ikaw ang girlfriend ko.Mag-ingat ka sa kanya sweetie hindi mo sya talaga kilala." sabi nya at nawala na yung dumaang galit sa kanya kanina.

" Bakit ba beb? May past ba kayo ni Greta kaya ganon?" hindi ko na mapigilang itanong. Napangiti na lang sya at kinurot ako sa magkabilang pisngi ko.

" Hmm.mukhang sinusumpong ng kakulitan ang baby ko ah. Di ba sinabi ko wag ngayon dahil birthday mo? Ayokong ma-bad mood tayo pareho.Kaya sundin mo na lang po yung sinabi ko,maliwanag ba ha sweetie?"

" Oo na nga lang.Halika na nga!" untag ko sa kanya sabay tayo mula sa couch.

" Oh kanina ko pa nga gustong gawin yon." sagot nya na nagpakunot sa noo ko.

" Ang alin beb?"

" Sabi mo halikan na di ba?" turan nya na may pataas taas pa ng kilay. Nalukot ang mukha ko ng ma-realized ko ang ibig nyang sabihin.

" Sira! Nakita mong ang daming kasambahay dyan oh." turo ko kila yaya Melba na nasa kusina at yung dalawa sa garden.

" Kaya nga niyayaya mo ko sa taas di ba?"

" Tse! Niyayaya kita kasi maglilinis na sila dito sa sala." pigil ang ngiti kong turan.Bwisit na to alam na alam akong asarin.

Pumailanlang ang malakas nyang tawa sa buong kabahayan. Ang saya lang nya samantalang ako iniisip pa rin yung pinag-usapan namin tungkol kay Greta. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kung bakit pina-iiwas nya ako kay Greta. May kakayahan kaya ito na gawan ako ng hindi maganda?

" Hey sweetie,what's wrong?" bahagya pa akong nagulantang sa boses ni Onemig. Nasa taas na kami, sa room ko. Nahinto sya sa paghalik sa akin ng maramdaman nyang hindi ako tumutugon. Hindi ko namalayan na nahulog na naman pala ako sa malalim na pag-iisip.

" I'm sorry beb. It's nothing." napa-buntunghininga sya at tinitigan ako.

" I know what's bothering you.Sabi ko naman sayo huwag mo na munang isipin yon di ba? Baby I'm here and I won't let anything bad happen to you.For now, sundin mo na lang yung sinabi ko,okay?" I just nodded at pilit na iwinaksi ang isipan ko kay Greta. He's right, we're here to celebrate hindi yung kung ano-ano ang iniisip ko.

Medyo nagulat pa sya when I grabbed his nape and kiss him like the way he kissed me. Naramdaman kong napangiti na rin sya. We kissed like there's no tomorrow.We kissed as if our life depended on it.Huminto lang kami ng medyo pangapusan na kami ng hininga.

" I love you sweetie.Tandaan mo yan."

" I love you too beb.Tandaan mo rin."

NUNG bandang hapon na ay dumating na rin yung mga friends ko with Harry dahil sinundo pala nito si Savannah. Pinopormahan na nga ng mokong kong best friend ang aking kaibigan.Pinakilala ko sila kay lolo Franz at lola Paz. Sayang wala si lolo Phil at lola Bining para napakilala ko rin sana sila.Sinusumpong daw kasi ng rayuma nya si lola kaya hindi sila nakasama kila lolo Franz.

Then nung dinner na, nagdatingan na ang mga tito ko pati mga cousins ko at masaya kaming nag-celebrate ng 17'th birthday ko.

Masaya ako dahil kasama ko ang pamilya ko, mga kaibigan at ang mahal ko sa aking birthday. Na-wish ko nung mag-blow ako ng candle na sana manatili na lang na ganito ang buhay ko.Happy and peaceful.

But I remember what my mom once told me. That life is unpredictable.You never know what is coming next.And I believed  she's right based on her own experiences with dad.

Maaaring masaya ako ngayon, kami ni Onemig pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan.

Don't ever get too comfortable and should be always ready for change.

Yan din ang madalas sabihin ni mommy sa akin. Kaya naman matindi ang kapit ko kay Lord para kung sakaling dumating man ang pagbabago, naihanda na Niya ako.

At ang pagbabagong yon ay unti-unti na palang magkakahugis sa pagdaan ng mga araw.