Chereads / I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 184 - Who is GV?

Chapter 184 - Who is GV?

Aliyah's Point of View

NAPAPANGITI ako habang nagdo-doorbell  sa gate nila Onemig. Napaaga naman kasi masyado ang punta ko, hindi naman yata ako masyadong excited. Imagine alas-sais pa lang ng umaga heto at nambubulabog na ako sa kanila.

Gabing-gabi na kasi kami nakarating dito sa Sto. Cristo kaya hindi kami nagkita kagabi. Hinintay pa kasi namin si daddy na matapos sa meeting nila with the board of directors sa Comtech Masters. Lilipat na rin kasi si mommy sa bagong office nila lolo Franz dito sa Sto. Cristo kaya umuwi na kami kagabi at yun nga birthday din ng beb ko ngayon. Kaya heto sobrang aga ko para unang-una ako na babati sa kanya.

" Ay ikaw pala Ms. Aliyah. Tulog pa po sila ma'am Bless at sir Onemig. Halika po ma'am pasok na kayo. " turan sa akin ng kasambahay nilang si Mumay na mukhang kanina pa naman gising.

" Salamat Mumay. Pasensya kana kung maaga kitang naistorbo, balak ko kasing i-surprise ang sir Onemig mo. " ngumiti ako ng matamis sa kanya at inabot ko yung mga bitbit kong pinamili ko kahapon para kay Onemig at tita Bless.

" Ay naku ma'am hindi naman po. Kanina pa naman ako gising. Sige akyat na po kayo dun sa itaas, ikaw na po gumising kay sir Onemig. " nagpasalamat ako sa kanya at umakyat na sa itaas kung nasaan ang silid ni Onemig.

Nung nasa harap na ako ng pinto ay marahan akong kumatok ng mga ilang segundo. Walang sumasagot kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob na swerte namang hindi naka-lock kaya bumukas ng bongga ang pinto. Nang nasa loob na ako ng silid nya ay tumambad sa akin ang bakanteng higaan. Namangha din ako sa bagong ayos ng silid nya.

Namataan ko ang malaking picture ko na nakasabit sa may itaas ng head board ng kama nya. Iyon yung kuha ko nung mag-muse ako sa basketball,  pina-blow up nya. Sa may study table nya yung picture ko naman nung nakaraang birthday ko at yung picture naming dalawa sa Boracay sa may bedside table naman nya nakalagay. May tuwang humaplos sa puso ko sa nasaksihan, hindi ko alam na ganito na ang room nya ngayon, parang ako ang may-ari dahil puro mukha ko ang makikita.

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom na nasa silid nya kaya napapunta doon ang atensyon ko. Napamaang ako at ganoon din sya. Titig na titig sya sa akin at ako naman ay hindi maiwasang hindi tignan ang kabuuan nya na tanging towel lang ang nakatapis sa bewang nya. Medyo may tubig pa na tumutulo mula sa buhok nya na naglandas pababa sa six pack abs nya.

Huh grabe! Alas sais pa lang ng umaga ang init na! Hotness overload!

Parang nawala ako sa sarili ko na nakatulala lang sa kanya. Tila wala rin akong nakikita sa paligid ko kundi sya lang. Ngayon ko lang sya nakita sa ganung ayos na tanging towel lang ang saplot sa katawan.

Naramdaman ko na lang na nasa harapan ko na sya nang hawakan nya ako sa mukha. Marahan nyang itinikom ang nakaawang kong labi.

" Sweetie baka pasukan ng langaw. " turan nya sa nang-aasar na tono at pigil na ngiti. Awtomatikong namula naman ako at mariing napapikit ng mata dahil sa kahihiyan. Grabe naman kasi, hindi ko napigilan ang sarili ko na mapanga-nga dahil sa yumminess na nakabalandra. 

Nakakahiya ka Aliyah! Kailan ka pa natutong magnasa?

Medyo natauhan ako ng marinig ko na ang halakhak nya. Nang magmulat ako ng mga mata ay wala na sya sa harap ko kundi naroon na sa kanyang built in closet para magbihis.

Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama nya. Tinakpan ko ng mga palad ko ang mukha ko dahil sa pag-iinit at pamumula.

Ano nangyari sa akin dun? Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko pero tila tuksong bumabalik sa balintataw ko yung itsura ni Onemig kanina. Ano ba yan! Kaasar!

Naramdaman ko na lang na may umupo sa harapan ko. Pilit nyang binabaklas ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko. Nang magtagumpay sya ay ipinaling ko naman ang mukha ko sa kabilang side. Nahihiya akong humarap sa kanya noh!

" Sweetie ano ba? Harapin mo naman ako. "

" Juan Miguel nga! "

" Bakit ba kasi? Binuo mo pa yang pangalan ko. "

" Eh kasi nga----- ah ewan! " sabi ko sabay subsob ng mukha ko sa dibdib nya. Tumatawang niyakap naman nya ako at hinalikan sa ulo.

" Nahihiya ka kasi nakita mo ako sa ganoong ayos kanina? Affected ka sweetie, aminin mo. " pang-aasar pa nya.

" Tse! Hindi noh! Asa ka dyan! "

"Sus, sige mag-deny ka pa baby, okay lang naman sa akin yung halos tumulo na yung laway mo sa-----aray! " kinurot ko sya sa tagiliran. Hiyang-hiya na nga kasi ako, nang-aasar pa.

" Tigilan mo ako Juan Miguel kundi hindi lang kurot aabutin mo sa akin! " nayayamot kong turan.

" Sige hindi na. Pero huwag ka ng mahiya sa akin. Okay lang talaga sa akin na makita ka sa ganoong reaction. Natural lang yon. Boyfriend mo naman ako.  Promise kapag ikaw ang inabot kong ganon, hindi ako mahihiya. Girlfriend kaya kita. " pilyong turan nya na may pilyong ngiti pa sa labi. Nanlalaki naman ang mata kong napatingin sa kanya.Na-imagine ko pa ang sarili ko na nakatapis din ng towel sa harap nya.

" Bwisit ka talaga beb! " hinampas ko sya sa braso at muling sumubsob sa dibdib nya. Humalakhak naman sya na tila aliw na aliw sa itsura ko. Bwisit talaga tong gwapong to.

" Hahaha. Ang pikon mo naman sweetie .Wala ba akong kiss man lang dyan? " ungot nya. Awtomatikong hinawakan ko naman kaagad yung mukha nya at mariin syang hinalikan sa labi. Medyo nabigla pa nga ang mokong  pero nag-response naman din sya kaagad.

Tinapos ko yung halik nung medyo kinakapos na ako ng hininga. Hinabol naman nya yung labi ko at hinalikan akong muli. Tila hindi pa sya kuntento at mas pinalalim pa. Nang matapos ang halik ay pinagdikit nya ang noo namin.  

" I love you so much sweetie. " madamdaming wika nya yung tagos talaga sa puso yung paraan ng pagbigkas nya ng mga salita.

" I love you too beb. Happy birthday! "

tugon ko sabay abot sa maliit na box na kanina pa nasa bulsa ng suot kong cargo shorts.

" What's this baby? "

" Oh why don't you open it? " nangingiti naman syang binuksan ang gift ko sa kanya. Napangisi na sya ng tuluyan ng tumambad sa kanya yung laman ng box.

" Haha. Pinag-isipan mo talaga to ha? " nang-aasar na sambit nya.

" Naman! " pigil ang ngiting tugon ko. Kinuha ko mula sa kanya ang relong regalo ko at ako ang naglagay sa wrist nya. Natatawa ako kasi kaparehas yon nung gift nya sa akin nung birthday ko. Suggestion ni mommy yon, actually. Maganda daw kasi kung parehas kami.

" Wow! Ayos ah! Match talaga pati ang suot natin ngayon."

" Sinadya mo na yan kasi nakita mo ang suot kong t-shirt kaya sinuot mo rin yang sayo. " halos lahat kasi ng t-shirt namin ay magkamukha. Lahat ng kulay yata meron kami na pareho ang design. Gusto nya tweenie kami. Pati sa ring, necklace then ngayon nga watch naman.

" Sweetie I just want to show the world that you are mine. See those pictures of you around this room? Meaning, you own every space in my world. You are basically my world, baby." nag-init ang mukha ko sa sinabi nya. Yung puso ko sobrang lakas ng tibok. Dyaske naman kasi to grabe magpakilig.

" Uno nga! "

"Bakit ba? "

" Eh kinikilig ako! "

" Hahaha. " tawa lang ang sagot nya tapos binuhat ako at inupo sa kandungan nya. Para akong bata na pinanggigilan nya at pinupog ng halik sa mukha hanggang leeg.

Tawa ako ng tawa hanggang sa may biglang kumatok sa pinto nya.

" Sir Onemig may ibibigay lang po ako. " boses ni Mumay yung narinig ko sa labas ng pinto.

" Sige Mumay dalhin mo rito! " tugon nya sa malakas na tinig.

Pumasok si Mumay at napadako ang tingin ko sa dala nyang regalo. Si Mumay naman ay medyo awkward na nakatingin naman sa aming dalawa ni Onemig. Doon ko na-realize na nakakandong nga pala ako kay Onemig at sya naman ay nakayakap ng mahigpit sa akin na tila ayaw akong pakawalan.

" Kanino galing yan Mumay? " tanong nya na tila balewala naman sa kanya na nakikita kami ni Mumay sa ganoong ayos. Ni hindi nga bumago ng posisyon. Pinipigilan pa ako sa tangka kong pag-alis sa kandungan nya.

" Eh sir hindi ko po kilala. Babae po na naka kotse. Inabot lang po yan tapos umalis na rin agad. " nagtatakang sinipat ni Onemig ang regalo.

" Beb bakit hindi mo tingnan yung card para malaman mo? " singit ko. Nagpaalam naman si Mumay na aalis na. Umalis ako sa kandungan ni Onemig at naupo sa tabi nya para mabasa nya yung card sa regalo.

" S*hit! " biglang sambit nya.

" Uy beb bad yan ha! Kanino ba kasi galing yan? " tanong ko at inabot naman nya sa akin yung card. Kinuha ko at binasa ko yung nakasulat.

Onemig,

You can't fall out of real love. Even if you're not with me anymore, my love for you stays. Always remember that no matter what happens, I will make sure that you'll end up with me. Come hell or high water.You will be mine and mine alone.  Happy birthday baby. I love you so much.

GV💋

" Beb, what's the meaning of this? Who's GV? " tanong ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa nabasa ko. Parang anytime, kukunin nya sa akin si Onemig ng kung sino mang GV na ito.

" Sweetie listen----" he heaved a very deep sigh. Parang mas dumoble ang kaba ko sa reaksyon nya. Parang tabak ni Damocles na nakaamba sa ulunan ko na anytime ay babagsak ang kung ano man ang sasabihin nya.

" Remember what I told you a week ago? " nangunot ang noo ko. Marami syang sinabi sa akin pero parang sa itsura nya ay tila napagtatanto ko na ang gusto nyang ihayag sa akin ngayon.

" You mean,  GV is Greta Villamayor? " tumango sya bilang kumpirmasyon.

" Yes! Greta's a part of my past and my very first in everything."

Napamaang ako sa sinabi nya. Kaya pala.

Biglang bumaha ang kirot sa puso ko.

She was his first in everything. Meaning?

" You mean she was your first pati sa----Oh my God beb! "